webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · Geschichte
Zu wenig Bewertungen
98 Chs

LX

Juliet

"Mahal na mahal kita, Juliet."

Nakabarong si Niño, ayos na ayos ang buhok at nakangiti habang nakatitig sa akin.

"At isang buwan nalang makakasama na natin siya." Hawak niya sa tiyan kong parang watermelon sa laki.

OMYGHAD??!!!!

Juliet...

Juliet... 

"JULIET!!!"

Agad akong napabangon sa sobrang gulat at nakita si Caden sa tapat ko.

"Bakit ka natutulog dito?! Paano kung may nakakita sayo at pinagsamantalahan ka?!" Galit na galit na sabi niya kaya napalamukos ako sa mata ko. Nakatulog pala ako sa ilalim ng puno.

Ghad... feeling ko sobrang nashock ako sa panginip ko huhu pero teka, ano nga ba ulit 'yung panaginip ko?

Waaaah hindi ko na maalala!

Anyway, kung hindi ko maalala ibig sabihin hindi naman mahalaga.

"Nakikinig ka ba?"

Napatingin ako kay Caden na sinesermunan pa nga pala ako.

"Hay, dumating si Koronel Ferna—nandito na pala siya. Maiwan ko muna kayo." Sabi ni Caden at umalis na.

Napalingon naman ako kay Fernan na naglalakad papunta sa akin. Agad kong napansin ang mantsa sa puti niyang damit. Dugo ba 'yun?

"Ipinabibigay ni Niño." Abot niya sa akin ng sobre at 'yung gold na pocket watch ni Niño.

Biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko.

Anong.... nangyari? Patay na ba si Niño?

Napatingin ako kay Fernan. Madumi ang mukha niya, sobrang haggard ng itsura niya at sa malapitan, halatang dugo nga ang mantsa sa uniporme niya.

"A-Asaan si Niño? Bakit hindi nalang siya mismo ang magbigay nito?" Tanong ko.

Please sabihin mong ligtas siya at may kinailangan lang asikasuhin. Please, Fernan.

Hindi siya sumagot at tumungo lang.

Napatingin ako sa hawak kong mga bigay ni Niño at nakitang may bahid din ng dugo ang mga ito.

Dugo ba 'to ni Niño?

"Mauna na ako, binibini." Paalam ni Fernan at tumalikod na kaya naman hinabol ko siya.

"Sandali! Anong nangyari kay Niño?"

Huminto sa paglalakad si Fernan pero nanatiling nakatalikod sa akin, napahinto ako sa likod niya.

"Hindi ko alam ngunit ihanda mo na ang sarili mo sa kung anuman ang mangyari." Sagot niya at nagpatuloy na samantalang naiwan akong walang kibo, ni hindi man lang nagalaw sa posisyon ko.

Napaupo nalang ako sa lapag at tinignan ang sobre at relo na galing kay Niño. Dahan-dahan kong binuksan ang sobre at kinuha ang sulat sa loob nito.

Sobrang lamig ng kamay ko sa kaba. Ni hindi ko magawang buklatin ang sulat na galing sa loob ng sobre. Ito na ba 'yun? Ito na ba ang.... huling liham na matatanggap ko mula kay Niño?

Nang magawa ko nang buklatin ang nakatuping papel, agad na tumulo ang luha ko nang makita ang magandang mga sulat ni Niño at mas lalo pang naluha nang mabasa na ang nakasulat dito.

'Mahal kong Juliet,

Hindi man ako makabalik, tandaan mong ginawa ko ang lahat ng ito para sa aking mahal na bayan at lalong-lalo na sa iyo. Sapagkat makalimutan man ng lahat ang pangalan ko sa mga magdadaang panahon ay alam kong hinding-hindi ako mawawala sa puso mo. Hindi ko man nasabi mula sa aking sariling mga labi at kung pagbibigyan lang din sana ng langit, paulit-ulit kong sasambitin ang katagang mahal na mahal kita, sa kahit anong paraan, sa kahit anong panahon, hangga't naririnig mo ang pagsamo ko. Alalahanin mo sana hanggang sa iyong pagtanda na ikaw ang nag-iisang pinakamamahal ko, nag-iisang minahal ko sa buong buhay ko, at mamahalin ko hanggang sa dulo ng panahon.

Nagmamahal,

Niño'

Tuluy-tuloy na namang umagos ang luha mula sa mga mata ko. Pakiramdam ko dinudurog ang puso ko sa loob sa sobrang sakit.

Hindi. Hindi pwede...

Hindi ka pwedeng mamatay, Niño.

Napatingin ako sa hawak kong gintong relo na naisip ko pang isangla noon. Binuksan ko ito at napansing parehong-pareho nga ito ng kay Caden, 'yung dahilan kung bakit ako napunta sa panahong 'to pero pinagkaiba lang ay ginto ito at parang bronze 'yung kay Caden at isa pa, may naka-engraved na Enríque Luís Enríquez y Sebastián IV sa relo na 'to ni Niño.

Ewan ko ba pero nang makita ko ang pangalan ni Niño sa relo, bigla akong nagkaroon ng pag-asa. Ano man ang sitwasyon ni Niño ngayon, alam kong hindi pa ito ang huli.

Pumasok sa isip ko ang sinabi ni Caden—may dahilan ang pagpunta ko rito at sa puntong 'to, sigurado akong si Niño ang dahilan no'n.

Agad akong tumayo at inayos ang sarili ko atsaka tumakbo pabalik sa loob ng bahay. Nakita ko naman na nandoon pa si Fernan pero paalis na. Mukhang kinukulit lang siya nila Doña Isabela kaya hindi pa siya makaalis.

"Bakit naman dadalhin ng heneral na iyon ang mga manggagamot? Sinasadya ba nila ito? Mga puñeta!" Narinig ko galit na sigaw ni Don Luis.

"Iuwi mo nang ligtas si Niño, Fernan. Pakiusap." Sambit ni Doña Isabela. Bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala para kay Niño.

Tumango lang si Fernan at nagpaalam na kaya naman agad akong sumunod sa kaniya dahilan para mapalingon siya sa akin.

"Saan ka pupunta, Juliet?" Narinig kong tanong ni Ama, napatayo siya.

"Sasama po ako kay Koronel Fernan sa pagbalik niya roon." Sagot ko.

"Juliet! What do you think you're doing?!" Protesta ni Ina sa sinabi ko.

"Walang manggagamot doon, 'di ba? Gusto ko pong tumulong." Sagot ko.

"No. You are staying here, young lady." Firm na sabi ni Ina.

"Makinig ka sa iyong ina, Juliet. Delikado roon. Hintayin nalang natin ang pagbalik nila Niño." Sabi pa ni Ama.

"Hindi po ako maghihintay dito." Madiing sagot ko.

"Hindi ka lalabas sa pamamahay na 'to, Juliet." Banta pa niya.

Pasimple na akong naglakad papunta sa pinto at nang makahanap ng tyempo ay hinila ko agad si Fernan papunta sa kabayo niya.

"A-Anong gagawin mo, binibini?" Tanong niya habang hila-hila ko siya.

"Juliet!" Narinig kong sigaw ni Ama mula sa pinto ng mansyon at sinubukan pa kaming habulin.

"Iakyat mo ako!" Utos ko kay Fernan pagkarating namin sa kabayo niya dahil hindi ako makasampa.

Ang laki pala ng mga kabayo, ngayon ko lang narealize.... or maliit lang ako?

Parang nagdalawang isip pa si Fernan kaya kinuha ko ang dalawang kamay niya at inilagay sa bewang ko.

"Dalian mo!" Sabi ko sa kaniya dahil narinig kong tinawag na ni Ama ang mga guardia.

Pagka-akyat niya sa akin sa kabayo ay sumampa na rin agad siya at pinakaripas ng takbo ang kabayo kaya napakapit ako nang mahigpit sa kapitan sa may batok nito. Nakita kong sinubukan pa kaming habulin ng mga guardia pero mabilis ang pagpapatakbo ni Fernan sa kabayo kaya hindi na sila nakahabol at mukhang hinayaan na rin kami ni Ama.

Kahit sobrang bilis ng pagpapatakbo ni Fernan sa kabayo ay tiniis ko ang takot ko. Kailangan naming makarating doon as soon as possible. Please, sana may nahanap na manggagamot kay Niño, please lang. Hindi pa siya pwedeng mamatay. Hindi siya pwedeng mamatay. Lalo pa ngayon na... hindi ko pa nasasabing mahal ko siya.

Kaya Niño please, huwag ka munang bibitaw. Hindi ka pwedeng bumitaw. Hindi pa 'to ang katapusan ng lahat dahil nagbalik ako para sa'yo.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts