webnovel

BURYING THE PAST[FILIPINO]

Agent Leo is a very known Secret Agent in her generation. Marami siyang natagumpayan na misyon at hindi maikakaila na magaling siya sa larangan na pinili niya. Tungkulin niyang panatilihing ligtas at maayos si Cyden Veniel Concepcion. Isa siya sa pinakatanyag at mayamang negosyante sa kanyang murang edad. Parehas silang dumaan sa madalim at masakit na nakaraan.They buried the love they had a long time ago. He wants to be love again. She doesn't want to love again. Why we don't want to love again? Too much pain. We don't want to feel the same agony we felt before. It was a dreadful experience causing us to stay in an empty room..... crying and losing ourselves.

WanderRare · Teenager
Zu wenig Bewertungen
18 Chs

EDMUND REYES

16

"Oh my God, I am not flirting for Pete's sake Cyden"

Napatigil ako sa pagkain para harapin siya.Flirting daw? Hindi nga ako marunong lumandi, I mean nakalimutan ko na kung paano lumandi.

"So, what do you call that Agent Leo?" His brows furrowed. "Being friendly?"

"Ano ba, hindi nga ako lumalandi" napasigaw ako dahil sa pagkairita.Ayaw kasi maniwala amp.

"Hep!hep! Bakit kayo nag-aaway?" Singit ni Gab.

"He's accusing me that I am flirting with you" tinuro- turo ko si Gab. "Hindi nga kita type, sinasabayan lang kita.Nakakainis!"

Kumunot ang noo ko nang makita si Gab na nagpipigil ng tawa.

"Bakit ka nagpapaliwanag sa kanya Leo? Boang ka? Hoy gising, hindi mo tungkuling magpaliwag sa kanya,dahil wala namang kayo" Saad ni Gab. "Tandaan mo 'yan Leo,"

Tama nga naman.Nakakahiya tuloy! Walang kami kaya hindi dapat ako nagpapaliwanag.Tapos ang tono pa nang pananlita ko ay hindi kagandahan.Gusto kong sabunutan ang sarili ko ngayon o 'di kaya sana kunin na ako ni Lord.

"Why are you interfering? Is it a big deal to you that she's explaining to me even though we don't have a thing?" Umupo ng maayos si Cyden at sinamaan ng tingin si Gab.

"Oo naman pre, wala naman talagang kayo. Nagsasayang lang siya ng oras kapapaliwanag sayo" sagot ni Gab.

Cyden chuckled. "Do you like her?"

Nagkasalubong ang kilay ni Gab dahil sa sinabi ni Cyden.

"Anong pakealam mo Cyden?" maangas na sagot ni Gab.

Tumiim ang titig ni Cyden kay Gab. "The way of care, talk, protect her and the way you emphasize to her that we don't have a thing, made it clear to me. You like her, Gab"

"Edi Goods! Alam mo na, pero wag kang mag-aalala Cyden, hindi ko siya aagawin sayo dahil hindi naman siya magiging sayo" mayabang na sabi ni Gab.

Tumayo si Cyden at naglakad papunta sa pwesto ni Gab.

"You think so? Leo is a smart girl, I know that she won't choose someone arrogant and dim-witted"

Tumawa si Gab na para bang nang- aasar. "She will not like you either"

Nagulat ako sa sumunod na nangyari ng biglang suntukin ni Cyden si Gab. Agad akong namagitan baka saan pa umabot ang away nila. Sinamaan ko nang tingin si Cyden na ngayon ay pinipigilang suntukin muli si Gab.

"Ano ba Cyden, tumigil ka nga! Para kayong mga bata." I combed my hair hard out of irritation.

"Pikon ka pala Cyden.Paano ba 'yan ayaw ni Leo ng uratin" Saad ni Gab habang pinupunasan ang dugo sa kanyang labi.

"You shut up!"

Akmang susuntok ulit si Cyden ngunit mabilis kong hinuli ang kanyang kamao.

"Mag- ayos kayong dalawa, ang sarap niyong pag-uuntugin"

Tinulungan ko si Gab na tumayo, mukhang malakas ang pagkakasuntok ni Cyden. Napatalon ako sa gulat ng biglang hinampas ni Cyden ang pintuan at mabilis na umalis.

"Stay here Gab, susundan ko lang siya" tumango lang si Gab at ngumisi.

"Halatang gusto mo siya Leo" may diin niyang sabi.

"Not now Gab,"

Agad kong nahanap si Cyden sa malawak na training ground.Dali- Dali akong naglakad papunta sa kanya.

"Why did you follow? You should have stayed there with Gab" wika niya na hindi man lang tumitingin sa akin.

"Hindi mo dapat siya sinuntok at sana hindi mo nalang siya pinatulan."

"Wala akong makitang mali sa ginawa ko kanina, he deserves it" tumaas ang sulok ng kanyang labi bago tumingin sa gawi ko.

"Whatever your reasons are, you should have never do that,"

"I like you Le----"

"I know, and I hate you for liking me" I cut him off.

"Just let me, Leo. You don't know how much you mean to me. Hindi ko alam kung kailan o bakit kita nagustuhan.Ang alam ko lang ay gusto kita."

I stare at him and I can see the sincerity in his eyes. I feel bad for him, I can't reciprocate how he feels for me. Ayokong magpaasa dahil ayaw ko siyang masaktan.

Dahan- dahang lumapit si Cyden sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinahaplos niya ito nang mahina. Akmang ilalapat niya ang kanyang labi sa aking labi ngunit agad akong umiwas.

"B—baka inaantok kana. Tara,ihahatid na kita para makapagpahinga ka na." Napalunok ako ng ilang beses bago naglakad papunta sa mga safe Houses.

"Have a good night Leo" paalam ni Cyden ng maihatid ko na siya sa kanyang safe house.

"Y—yeah, you too" mapakla akong ngumiti at mabilis na umalis pabalik sa dorm.

Pagkarating ko ng dorm ay wala na roon si Gab, baka nagpunta sa clinic. Hirap akong makatulog sa kakaisip sa nangyari kanina. We almost kiss, almost! Muntik na akong madala kanina, ayoko na maalala iyon, nakakahiya!

Nagising ako dahil sa tunog na nanggagaling sa cellphone ko. Gab's calling, bwesit napakaaga pa.

"Hello Leo, good morning!" bati ni Gab sa kabilang linya.

"Hello ka diyan, ang aga pa para tumawag Gab. Nahilo ka?"

"Samahan mo 'ko mamaya sa Condo ko maglilipat lang ako nang mga gamit, kasama natin si Bella"

"Anong tingin mo sa akin? Katulong mo?"

"Ah basta,susunduin kita diyan." He said and ended the call.

Ang kapal talaga ng mukha ni Gab, ginawa kaming katulong ni Bella. Ang daming utos ng depungal. Nagpasya akong umupo muna sa sofa habang pinapanood silang naglilinis.

"Nandito pala si Supervisor" sumulyap sila sa gawi ko at bigla akong tinapunan ni Gab ng empty box.

"Hindi ba pwedeng magpahinga muna Gab? Ang dami mong utos" reklamo ko.

"Oo nga,break time muna Gab. Maghanda ka nalang ng snacks namin" Saad ni Bella at umupo sa tabi ko.

Walang nagawa si Gab kundi pumunta sa kusina upang maghanda ng makakain. Sumunod naman sa kanya si Bella para tumulong,kaya naiwan akong mag-isa dito sa living room.

Habang nakaupo ako ay hindi ko mapigilang isipin si Cyden. Bago ako pumunta dito ay nagpaalam ako sa kanya, alam kong maraming nagbabantay sa kanya doon.

Napahinto ako sa pag- iisip ng biglang tumunog ang cellphone na nasa tabi ko, I don't know whose phone is this.

Kinuha ko ito upang tingnan kung sino ang tumatawag ,nanlaki ang mga mata ko ng makita ang pangalan ni Edmund Reyes sa screen.

Akmang sasagutin ko na sana ito nang may nagsalita sa likod ko.

"You got filthy hands, should I cut it off?" mahinahon nitong sabi.

---

I'm open to criticisms! Spread love and positivity!!! Ily<3