Kristin
"You're late."
Napapikit ako nang marinig ko ang boses sa likod ko, kaagad rin akong humarap kahit hinihingal pa ako.
"Ma'am."sinubukan kong ngumiti na kasingtamis ng kendi pero hindi nito naitago ang pagsusumamo ng mga mata ko.
Sinubukan ko naman ang lahat, naki-usap ako sa mga kapwa ko pasahero sa abot ng makakaya ng utak ko, at sumabit na nga ako sa huli sa jeep pero kung hindi talaga para sa akin.
Hindi talaga ako makakapasok ng on time.
"Kristin, alam ko ang iniisip mo at naiintindihan ko."mabilis na nagsalikop ang kamay ko sa harap ni Boss. naghihintay ng kanyang sentensya.
"But rule is a rule. At tignan mo rin ang mga kasamahan mo, pati rin naman sila nahihirapan sa pagsakay ng jeep pero anong ginagawa nila? Gumigising sila ng maaga para may masakyan sila kaagad."
Ako rin naman, gumigising ng maaga. Pero hindi ko lang nagawa ngayon, dahil napa-english-english ako. Tapos kina-usap ko pa 'yung Nanay ko. Tapos naging mabuting nilalang pa ako sa mga estudyante-
"Alam ko 'yang mga tingin na 'yan. This is your first late in this year, and you want me to be considerate about that, but my answer is still no."napayuko na lang ako.
"May iba pa bang late ngayong buwan na ito?"tanong ni Ma'am sa mga kasamahan kong naghahanda na para sa araw na ito.
"Wala, ma'am."ako na ang sumagot sabay angat ng mukha ko.
"Oh I see, kaya pala mukhang namatayan ka. Kaya mo 'yan. good luck. Simulan na ang trabaho."masiglang utos pa ni Ma'am habang lulugo-lugo akong bumalik sa counter at pinagpatuloy ang pagtatime-in ko kanina.
"Kristin."
"Ma'am."harap ko ulit sa boss ko.
"Don't forget that you'll do all the personal delivery for this month starting today." paalala pa ni Ma'am bago siya tuluyang pumasok sa office niya.
"Today."may pait na saad ko.
Sa mga katulad kong nagtatrabaho, hindi naman sana problema ang pagiging late. Eh ano ngayon kung pagalitan kami ng boss namin, sanay naman na kaming mapagalitan mula pa noong nag-aaral pati nga sa bahay, araw-araw pa nga. At ano ngayong kung makaltasan ang sweldo namin, huwag na lang kaming mag-meryenda ng tatlong beses para hindi mas lalong mabawasan ang sweldo namin.
Ang kaso hindi ganito ang nangyayari sa pinagtatrabahuan ko, dahil hindi magagalit ang boss ko, matutuwa pa siya na may na-late sa amin. Hindi niya rin kakaltasan ang sweldo namin, pero ang kapalit kami ang gagawa ng personal delivery ng mga products niya na walang bayad.
May mga ganitong kaming customer, importante raw at kailangan na kailangan. O di kaya naman hindi pinagkakatiwalaan ang mismong delivery company kaya dapat personal na ibigay.
Ayos naman sana, walang problema sa personal delivery. Kaya lang nakakamatay ang mga ginagawa kong personal delivery. Ilang ulit ko yatang nakasalubong si kamatayan last year. Kung hindi guard dogs ang humahabol sa akin, mga asawa ng pinaghahatiran ko ng products namin, at ang mas matindi scammer, nasama pa ako sa presinto. Ang galing.
"Yan kasi, ngayon mo pa naisipang ma-late sa trabaho."saad ng kasamahan ko sa trabaho habang papunta na kami sa packaging area.
Naisipan? Bakit ko naman maiisipan na ma-late sa trabaho, kinamumuhian ko yata ang salitang ito. Tinitiis ko pa ang paliligo ng maaga kahit pakiramdam ko nasa North Pole na ako.
Hindi ko man nasimulan ang araw na ito na maganda at matiwasay, nagsimula na akong magtrabaho. Dahil dito sa trabaho ko, walang papatay-patay, kailangan alisto sa paglagay ng mga produkto sa mga kahon. Sa bawat shift ko may kailangan akong abutin na quota para sa packaging ng personalized items, mga office supplies, at kung ano-ano pa. Lalo na ngayon at may iba pa akong task-
"Kristin!"
Binitawan ko kaagad ang hawak kong notebook.
"Ito na ba ang araw ko, Lord. Sana hinde."
Lumingon ako sa manager namin at ngumiti dito.
"Sir?"
"May personal delivery."
Tumakbo ako kaagad palapit sa manager pagkasabi niya nito.
"Nasa counter. Tanungin mo na lang ang details sa checker."tumango ako.
"Sige po, Sir-"
Hindi na pinatapos ng manager ang sagot ko dahil dumeretso na siya sa mga kasamahan kong patuloy ang pagpa-pack ng mga produkto. Napangisi ako, mabuti rin pala ang pagkakaroon ng personal delivery lalo na kung mag-iinspect ang manager sa working area.
Winagayway ko pa ang isang kamay ko sa mga kasamahan ko bago ako tumuloy sa counter.
"Ow, medium-sized box. Hindi buhay ko ang lalaban ngayon kundi itong dalawang braso ko."natawa ang checker sa sinabi ko. Oe sige, mas mabuting itawa na lang kaysa iyakan ko ang box.
Kinuha ko na sa stante ang maliit na bag na nagawa talaga para sa amin kung kami mismo ang magde-deliver.
"Sa CM, fifth floor and look for Ms. Hilda. This is the receipt and by the way, that box contains office supplies. So ingatan mo."pagdedetalyado ng checker pero wala akong ideya sa dalawang letra na binanggit niya.
"CM?"
"Crowmance Publishing Company."
"Crowmance Publishing Company?"ulit kong tanong.
Huminga ng malalim ang checker bago niya ako sinagot. "Nagpro-produce ng mga romance na libro."
Ateng, nakaka-intindi ako ng English, siyempre alam kong nagpa-publish sila ng libro, kaya nga publishing company diba? Tatawagin bang publishing company kung hindi? Siyempre ang tinatanong ko kung saan ko matatagpuan ang kumpanyang 'yan, dito ba sa Manila? sa labas ng Manila? sa probinsya? sa ibang bansa? o sa planet Mars?
"Kristin?"
Ginaya ko ang paghinga ng malalim ng checker kanina bilang pagbabalik ng atensyon ko sa kanya. "Saan ko matatagpuan ang company na 'yan? Kailangan ko ba ng google map?"
"Nasa area ng Star Buildings, basta makikita mo na lang 'yung naka-ukit na CM sa harap nito."
"Ah, walking distance lang naman pala. Bakit hindi na lang nila kunin dito, o hintayin ang delivery-"
"Busy sila at hindi na nila mahihintay ang partner ni Boss na mag-deliver. Personal delivery talaga sila dahil hindi sila basta-bastang kliyente."
"Ok, copy."saad ko na lang at binuhat ko na ang kahon.
Ilang hakbang pa lang ako nang marinig ko ang binulong ng checker na narinig ko naman.
"Hindi ba siya nagbabasa ng mga romance book, lahat yata ng babae sa bansang ito, alam ang CM."
Saglit akong huminto at liningon ang checker namin, nag-iwas naman siya ng tingin.
Tatanungin ko ba sayo ang lokasyon ng CM company na 'yan kung alam ko. At kung alam ng buong bansa, dapat ko rin bang malaman? Babayaran ba ako kung alam ko ito?Alam raw ng buong bansa, ni hindi nga alam ng Nanay at kapatid ko 'yan. At oo, hindi talaga ako nagbabasa ng mga romance na libro. Pero tinanong ba kita kung bakit hindi ka naglalaro ng ML? Ah teka, alam mo ba ang ML?
Nagpakawala na lang ako ng malalim na hininga tsaka ako tuluyang lumabas sa office namin.
Binilisan ko na lang ang paglalakad. Patapos na ang shift ko pero may apat pa na kailangan ko pang i-pack. Ang rule pa naman, hindi pwedeng mag-out ng hindi nagagawa ang quota.
Mabuti na lang at nahanap ko kaagad ang CM company dahil sa sobrang laki ba naman ang naka-ukit na pangalan sa harapan ng building nito. Sobrang tanga ko na kung hindi ko pa kaagad nakita.
Sinalubong kaagad ako ng guard pagpasok ko pa lang sa lobby. Akala mo naman magnanakaw ako na wala man lang takip itong mukha ko.
"Saan ang punta?"
Heaven, sama ka sir? Malamang sa loob nitong kumpanya.
"Sir, sa fifth floor po, Ms. Hilda. Ide-deliver ko lang po itong office supplies."magalang kong sagot.
"Wait lang Miss, ira-radyo ka lang sa fifth floor."tumango ako.
"Ibaba mo muna 'yang box, Miss."mungkahi pa ng guard pero umiling ako.
"Hindi na sir, mahihirapan na akong i-angat mamaya."
Tumango ang guard habang lumalayo na siya sabay bunot ng radyo sa kanyang bulsa sa harapan ng uniporme niya.
Iyong checker na 'yun, hindi niya ba tinawag sa fifth floor na idedeliver na ang supplies nila. Kaya ayoko ng ganitong personal delivery, tagal ka nilang paghihintayin. Kung ganito lang ang nangyayari, baka ma-late ulit ako sa isang kong part-time job, nakakaltasan pa naman ang sweldo ko dun.
"Ok na, Miss. Pwede ka ng tumaas sa fifth floor."pahintulot na ng guard sa akin.
"Elevator ka na lang dun."turo pa niya sa sa elevator.
"Salamat, Sir."
Naglakad na ako papunta sa elevator at naghintay sa labas nito. Hindi ako mapakali habang tinitignan ko ang number ng elevator na bumababa. Ito ang sinasabi ko, may mga pagkakataon na ang bagal ng mga bagay sa akin pero may mga mabilis rin naman katulad ng pagtakbo ng oras sa relo ko.
Napapitlag ako ng maramdaman kong may dumikit na makinis na tela sa braso ko. Napatingin ako dito at bumungad sa mata ko ang matangkad na lalake na nakatingin lang sa harapan.
Sakto namang nagbukas ang elevator, mabilis na pumasok ang lalake kasunod ang isa pang lalake na kaagad pumindot sa mga button na nasa gilid. Hindi ko magawang pumasok rin dahil may kutob akong hindi lang basta sino ang unang lalake.
"Sir, this is your schedule for today."
Sabi na, tama ako. Hindi talaga ordinaryong empleyado, sa suot at tindig pa lang nito, mapapansin ng mataas ang posisyon nito sa kumpanya.
Napatindig ako ng maayos nang dumako ang mga mata niya sa akin.
Ano ang ibig sabihin ng tingin mong 'yan?