webnovel

Broken Trust | Completed

"I don't believe in promises but when you came into my life, I gambled. Eventually, natauhan akong mali pala na itinaya ko nang buong-buo ang tiwala ko sa iyo." -Jamilla Pagdating sa mga lalaki, may trust issues si Jamilla Mae Aravello dahil sa pag-iwan ng tatay niya sa kanilang pamilya noon. But when Oliver Ethan Lee came into her life, isinugal niya ang tiwala niya dahil sa pag-aakala niyang matinong lalaki si Oliver base sa isang sikat na istoryang binasa niya na isinulat nito, which entitled of I Catch Your Heart. Oliver is a famous mysterious author in the Philippines, at ang istoryang isinulat niya ay ang kinaadikan ni Jamilla. Isang istoryang totoong nangyari kay Oliver with his past girlfriend, named Angel. Naputol lang iyon dahil sa hindi inaasahan pangyayari na dahilan ng pagkamatay ng girlfriend niya. Masakit at nahirapan si Oliver para tanggapin iyon. However, when he met Jamilla. Ang kasiyahang hinahanap niya katulad noon sa past-girlfriend niya ay sa dalaga niya natagpuan. Pipilitin niyang magmahal muli at kalimutan si Angel. Bagong istorya ang isusulat niya kasama si Jamilla pero mabilis din natapos ito dahil sa maling nagawa niyang hindi niya ginustong mangyari. Dahil sa maling nagawa niya, puno ng pagsisisi ang dala-dala niya sa huli. - Follow me on Wattpad: Nick_Black02 Mas active po ako doon kaysa dito. Doon naka-published lahat ng stories ko po. :)))))

Nick_Black02 · Teenager
Zu wenig Bewertungen
71 Chs

Chapter 48

Chapter 48: It's Better Being Quiet

Lumipas ang ilang linggo but I prefer for being quiet. I just waiting the right time that he will directly admit everything he lies on me. Pero may part pa rin sa akin na naiinis at nadidismaya, lalo na't ang tagal na no'ng panahon nang nalaman ko 'yong kasinungalingan niya ngunit hindi niya pa rin magawang aminin iyon.

Maaga ako nagising ngayon at hindi na makatulog pa. Maya-maya mag-uumaga na rin naman. Nakatulala lang ako sa kisame at nababagabag ang isipan dahil kay Oliver.

Hindi ko alam na 'yong taong nag-advice sa akin about sa tatay ko ay siya pala, bumabati tuwing umga at tuwing gabi. Hays, hindi manlang ako nakahalata. But in the other hand, may tanong sa utak ko na gustong mahanap ang sagot. Kung 'yong first time na nagbigay ng chocolate sa akin 'yong secret admirer ko at tumawag pa ito sa akin, who's the person I talked to over the phone? Dahil katabi ko lang naman si Oliver that time. Gosh.

Actually, After these past few weeks, I am proud of him, he was a great pretender. Umaarte lang siya na wala siyang itinatago sa akin. Yes, he's sweet, he's always sending me a greetings, he's always by my side, he makes me feel happy and he is not lacking his guided, kahit alam ko na 'yong itinatago niya ay hindi pa rin siya nagkulang.

Nasabi ko na rin sa mga kaibigan ko ang tungkol dito, katulad ko ay nagulat din sila at hindi makapaniwala. But eventually, nag-advice sila sa akin na maging tahimik at pigilan ang pugso ng kalooban sa nangyayari. Baka raw hindi ko mapigilan ang sarili ko, at isumbat ko raw agad iyon sa kanya that which is huwag ko raw paunahan ang mangyayari.

-

Hindi kami nagkasabay pumasok ni Oliver sa school, na-late raw siya ng gising kaya hindi na raw niya ako masusundo. Nakakatuwa lang makita na tinadtad niya ako ng sorry kanina sa chat. I guess 50 sorry's ang nai-send niya kahit hindi naman big deal sa akin 'yong hindi pagsundo niya.

Kasalukuyan na akong naglalakad sa hallway when a someone pinched my cheeks. I got shock but eventually, I just smiled. It was Prince. Ngayon ko lang ulit siya nakita dito sa loob ng campus, kahit kapitbahay ko lang siya.

"How are you?" He lively asked.

"Okay naman. Ikaw? I didn't see you around at this school. May pinagkakaabalahan ka na ba?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad. Kasabay ko rin siyang maglakad.

"Yep. Super busy na kasi. Alam mo na, buhay senior high school student, marami na ang ginagawa. Super stress. And actually, nagkalagnat ako ng one week kaya marami pa akong mga projects at performance task na kailangang habulin."

"Sabagay, junior high pa nga lang ako, stress na. Paano pa kaya kayong mga taga-senior high?"

"No. Hindi buhay senior high school student ang dapat tanungin mo. How about college students? Super stress na talaga," He cuckled at nahawa ako roon.

"Oo nga, 'no. May point ka. Hays, parang ayaw ko nang mag-aral."

"Hep, hep," Nakasimangot siyang tumingin sa akin ngunit deretso lang ang tingin ko sa daan. "Loko ka, ang hina mo kapag ganoon."

"Mahina agad?"

"Oo, kasi ang daming batang gustong mag-aral na kapus sa pera pero heto ikaw, tumatanggi pa sa pagsubok na maganda ang patutunguhan. Ang hina mo."

"Magandang patutunguhan? How do you said so? All I know, minsan ang iba, may college degree nga kaso hindi sa magandang trabaho napupunta."

"That's what you called a temporary test, may tamang trabaho pa rin ang nakalaan para sa kanila pero kailangan tiis-tiss muna sa una. Hindi naman lahat ng bagay makukuha mo agad, kailangan mo muna maghintay, magtiis at masaktan," Tumingin ako sa kanya, umiwas agad siya ng tingin at bahagyang kumurap.

"Talagang pagtatalunan natin iyon?"

"Ikaw kasi ang nauna," Tumawa siya nang mariin.

"Sorry na."

"Jamilla!" Tumingin ako sa likuran ko at nakitang mabilis na tumatakbo si Oliver. Tumigil ito sa harapan ko at tila ay pagod na pagod. Pawis na pawis ang mukha nito at hinihingal pa. I get out my tumbler from my bag and gave it to him.

"Bakit ka tumakbo?" Tanong ko habang umiinom ito.

"Gusto lang kitang makasabay pumasok," hinihingal pa nitong sagot. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Sus, 'yon lang? Kahit na. Makikita mo pa rin naman ako sa room, 'di ba?"

"Siyempre, iba pa rin kapag kasabay kita."

"Hindi ko na kinakqya ang sweetness niyo. Aalis na ako, bye," Napatingin kami kay Prince nang magpaalam ito. Siguro, alam na nito na official na kami ni Oliver. Ningitian ko lang siya bago umalis but I get confused when Oliver stop him.

"Bakit?"

"Thank you, bro!" Nakangiti nitong sambit. Nakatingin lang ako sa kanila, hindi ko alam kung bakit kailangan niyang magpasalamat at bakit siya nakangiti kay Prince? Ang sungit kaya nito kay Prince dati.

"Para sa iyo, kakayanin ko. Welcome," Sagot nito bago tuluyang makaalis.

"Ano iyon?" I asked Oliver as we started walking towards our room.

"Basta. Usapang lalaki, bawal makisali ang babae."

"Alam mo naman siguro ng ayaw ko ng sinungaling, 'di ba?" Hindi ko napigilan ang sarili para isabat ang tanong na iyan, nagulat ako sa sarili ko at maging siya. Napatigil siya sa paglalakad at deretsong nakatingin sa akin.

"Alam ko."

"Ayun naman pala. Pero bakit ayaw mo pang sabihin sa akin?" For the second time, I didn't expecting myself to say that those words. Pambihira. Kapag susuriin maigi 'yong tanong ko, ibang sagot ang hinahanap nito. Kumbaga, may doble meaning ito.

"Wala lang naman iyon, eh."

Pinigilan ko ang sarili ko like what my friends told me, ayaw kong pahabain pa ang usapan dahil baka ano pa ang patunguhan. "Okay," My simple answered even my mind over thinking everything.

Konektado ba iyon sa pagiging secret admirer sa akin ni Oliver? Oh, gosh. Bakit ako masyadong nag-iisip ng ganoon? Imposible.

Naglakad na ulit ako without even looking at him. Nanatili lang siyang tahimik habang nakasunod sa akin hanggang basagin niya rin ito.

"Ano itong nakadikit sa likod mo?" Kinuha niya iyon at ipinakita sa akin. It was a piece of paper and there's an handwriting words indicated. Binasa ko iyon at napuno ako ng pagtataka.

You're Too

Cute When

You're Smiling.

How Could I Easily

Forget You? :(

"Sino kaya nagdikit nito?" Tanong ko kay Oliver. "Mayroon kang idea?"

"Nothing," Malungkot niyang sabi at nagpatuloy sa paglalakad. Anong problema ng tao na iyon?

Nagpatuloy na lang rin ako sa paglalakad at sinabayan siya, Itinupi ko sa apat 'yong papel at inilagay sa bulsa ko. Pakiramdam ko nagkakagulo na ang utak ko, hindi ko ma-figure out 'yong owner ng papel na iyon. Pagkakaalam ko, Oliver's my secret admirer, and definitely, he's already my boyfriend. So, who's the person behind of this paper? Gosh.

-

Nakatulala lang ako sa kawalan hanggang matapos ang apat na subject. Naglalakad na kami ni Oliver patungo sa cafeteria for lunch. Hindi pa awas ang mga kaibigan namin kaya kaming dalawa lang ang magkasabay.

"Nagtatampo ka pa ba? Sorry na," He nudged me.

"Huh?"

"Pansin ko kanina ka pa nakatulala, eh. Sa amin lang talaga ni Prince 'yong pinag-usapan namin. It's a private thing."

"Okay na iyon. Hindi ako nagtatampo. Katunayan, iniisip ko lang kung sino nagdikit ng papel sa likuran ko. Hindi ko malaman kung sino, eh. It is imposible that it was my secret admirer?" I acted that I did not know yet his secret. Para sa ganoon, hindi niya ako mahalatang alam ko na ang sikreto niya.

"Yep. I'm surely he was."

Nungimiti ako ng mapait. Nakakatuwa lang isipin na may itinatago na nga siya sa akin and there he was again, he lied again. Paano ba niya natitiis na magsinungaling sa harapan ko? Paano niya ba nasasagot ng kasinungalingan, ang isa pang kasinungaling na tanong?

Ipinagpapatuloy niya ang pag-arte na para bang hindi siya si Rence, how easily it was on him to do it? Kung titingnan siya, hindi halata na may itinatago nga ito.

"Sabagay. Siya nga siguro," Pagsang-ayon ko kahit alam kong hindi siya iyon.

-

Lumpas ang ilang araw at nanatili pa rin akong tahimik sa sikreto ni Oliver. Minsan, tinotopak ako at inaaway siya dahil sa mababaw lang na rason. Katulad lang ng hindi niya ako nilibre ng fries sa McDo ngunit nagtampo na agad ako. Gosh, am I bad girlfriend to him already?

Sabado na ngayon at ang nakakinis, kailangan kong gumising nang maaga dahil may practice kami ng role play sa English.

Humihikab akong pumasok sa banyo ngunit tinakpan ko rin iyon dahil pagkapasok ko, gulat akong nandoon si Oliver, habang may hawak-hawak itong banner at may dalawang pirasong fries ang nasa bibig nito na nagsisilbing pangil. Napansin ko rin na may mga supot ng McDo ang nakalapag sa sahig mismo ng banyo ko. Gosh.

Happy First Monthsary!

I Love You! ♡

"Happy Monthsary!" Maligaya nitong sabi sa akin. But I just covered my face trought my hands. Hindi ko tanda na monthsary na pala namin ngayon. Gosh.

"Nakakagulat ka naman."

"Siyempre, surprise nga, 'di ba? Kailangang magulat ka," He chuckled. "Don't cover your face. Hahalikan pa kita."

"Luh? Hindi pa ako sipilyo at mabaho pa ako," Hobby niya ba talagang pumasok sa kuwarto ko at gulatin ako? Pero itong bagay na ito, alam kong masaya ako.

"Kahit na, mabango ka pa rin para sa akin," Naramdaman kong lumapit siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit. "I love you," He wispered to my ear.

"Thank you."

"Thank you lang? Walang I love you, too?"

"I l-love you, t-too," Pilit kong sabi pero alam kong para sa kanya, okay na iyon. Hindi ko kayang magbitaw ng salita na alam kong mayroon siyang itinatago sa akin. Ang kumplikado. Umabot kami ng isang buwan at halos mag-iisang buwan nang malaman ko 'yong sikreto niya, may balak pa ba siyang aminin iyon?

Humiwalay na siya sa pagkakayakap pero nakadikit pa rin ang aming mga katawan. He gently remove my hand from my face and he holding it. Hindi na ako kumontra pa at hinyaan na lang sita. "Buksan mo bibig mo."

"Anong kalokohan na naman ito, Oliver? Like what I've told you, bad breath pa ako."

"Sabi ko, buksan mo iyan at wala akong sinabing magsalita ka. Alam kong mabaho iyang bibig mo, amoy ko na," I beaten his arm wittingly. "Biro lang. Galit ka na. Sige na, just open your mouth."

Hindi na ako nagsalita pa at sinunod ang utos niya. Pagkabukas ng bibig ko ay agad niya rito ipinasok 'yong dalawang fries na hawak niya. Kinain ko iyon at ningitian siya.

"Alam kong nagtatampo ka pa sa akin kasi hindi kita binilhan ng fries but look at these. 4 pouch of fries I've bought for you. Magsawa ka, ha," Tumawa siya nang bahagya. "But one more thing. Tapos mo nang kainin 'yong fries?" I nodded as I response. "Ayun 'yong ginamit ko kanina na pangil sa bibig ko."

"Ang bastos mo!" Pinalo ko siya sa braso niya ngunit ang loko, tumawa lang nang tumawa. Tumakbo siya sa loob ng kuwarto ko at tila, nagpapahabol sa akin. Inirapan ko siya nang pabiro.

Tumawa na rin ako habang hinahabol siya. Masaya ako kapag kasama siya pero hindi pa rin maiwasang sumagi sa isipan ko 'yong itinatago niya. Bakit kailangan niya pang magpanggap na secret admirer ko no'ng una? Gayon ay lagi ko rin namang siyang kasama at lagi niya rin naman akong napapasaya. Nakakapagpabagabag.