webnovel

Broken Promises

Pangako? May mga tao pa bang tapat sa mga binibitawan nyang pangako? Paano kung yung taong inalayan mo ng mga ito ay committed na sa iba? Kaya mo bang panindigan pa ito hanggang huli?Aasa ka pa rin ba na matutupad mo ang pangakong sakanya'y ipinangako mo ?Aasamin mo rin ba ang ipinangako nya sayo kung Hindi na ikaw ang priority nya? Hanggang kailan ka mangangarap na sa huli kayo pa rin ng pinakamamahal mo? Matatanggap mo ba sa sarili mo na hindi lahat ng pangako kayang panindigan ng lahat,dahil ANG ISANG PANGAKO AY NAKATAKDA PARA MAKASAKIT

Burnpaolo · realistisch
Zu wenig Bewertungen
27 Chs

Chapter 22

Lyrics POV:

Nandito ako ngayon sa isang event sa foodpark.Actually hindi ako dapat sasama kay Roan,kungdi lang talaga ako nahiya sa organizer ng event na ito.Pinsan kasi sya ng kaibigan kong luka luka at ininvite nya kaming magperform sa annual street party na ito.

Kungdi lang talaga umiral ang pagiging mahiyain ko,edi sana sumama ako kay Ram na papunta ngayon sa Batangas para sa company team building nila.Naiinis pa nga ako sa taong yun e,naiwanan ng mga katrabaho nya dahil may dinaan pa daw syang importanteng tao na hindi naman sakin sinabi kung sino.

Nagiisa lang tuloy ako ngayon dito sa backstage.Busy din kasi si Roan sa pag oorganize nitong event,nag sideline pa talaga sya dito,sugapa talaga ang babaeng yun sa pera.Napapangiti na lang talaga ako sa kagagahan ng bff ko.

Marry your daughter,make her my wife

I want her to be the only girl

That I love for the rest of my life

Give her the best of me till the day that I die...

Napatigil ako saglit at napasilip sa stage mula dito sa backstage,nagpeperform pala ang isang sikat na banda at inaawit nila ngayon ang Marry your daughter ni Brian Mcnight.Bahagya akong napangiti,naalala ko tuloy sya.

[FLASHBACK]

**Lyrics' bedroom

"Mahal,inaantok kana ba?"-ako

" Medyo,Mahal.Bakit?

Magkausap kami ngayon ni Tristan sa cellphone,mag aala una na pala ng madaling araw,buong gabi na nga kaming magkausap e,Hindi kasi ako makatulog,nagkape kasi ako kanina,hindi ko na nga sinabi kay Tris kasi magagalit na naman yun sakin.Alam kasi nyang pag uminom ako nun hindi ako agad makakatulog.

"Mya mya kana matulog?please."-ako

" Mahal may pasok pa ko mamaya?4am dapat gising na ako,anong oras na oh?3hrs na lang ang itutulog ko."-Tristan

"So?tutulugan moko?titiisin mo na yung girlfriend mo hindi makatulog tapos ikaw na boyfriend nya sarap na sarap na sa pagtulog with matching tulo pa ng laway"-ako

Sa hinaba haba ng pinagsasabi ko,wala man lang naging reaksyon ang lalaking to.Wala man lang pakielam sa girlfriend nyang may insomia.

" Huy?Mahal?ano?hindi magsasalita?ano pagmumukhain mokong tanga dito?"-ako

Mukhang tinulugan na ako ng lalaking ito ah?nakakairita talaga na magkajowa ng antukin,masandal lang tulog na.Hindi pa marunong mag goodnight nakakaasar ka talaga,at ang pinaka nakakainis e yung hindi man lang inoff yung call,pinaririnig pa sa akin yung pag hilik nya.Iniinggit pa ako na sya masarap na ang tulog.

"Huy TRISTAN MEDRANO ang sama din ng ugali mo noh.Alam mo ng hindi ako makatulog pinaririnig mo pa yung paghilik mo sakin."-ako

Wala na talaga akong makuhang response sakanya,tinulugan na nya talaga ako.Kainis.Dapat hindi ako uminom ng kape e.

" Tandaan mo itong gabing ito ah,saksi ang nagiisang butiki sa ceiling TINULUGAN MOKO,PINABAYAAN AT HINDI NAG GOODNIGHT.Dahil dyan iooff ko na itong call na ito,magpapaka puyat ako."-ako

I-eend call ko na sana ng makarinig ako ng boses sa kabilang line.

Im gonna marry your princess,make her my wife

She'll be the most beautiful bride that i ever see.

"Hala?anong ginagawa mo mahal?tulog kana diba?bakit kumakanta ka?"-ako

I cant wait to smile,when she walks down the aisle

On the arms of her father

On the day that i marry your daughter.

Nang matapos sa pag awit si Tristan bigla syang nagsalita.

"Pinapatulog lang kita kaya ko naisipang kumanta,ang dami mo na ngang naisip na kung ano ano,PINABAYAAN,HINDI NAG GOODNIGHT.Topakin ka talaga,sa susunod kasi mahal,huwag matigas ang ulo,kapag bawal, BAWAL.Tigilan ang kape alam mo namang may insomia ka e."-Tristan

"Opo.Sorry na."-ako

" O sya,i need to rest na talaga.Goodnight mahal,I love you"-Tristan

"Goodnight din mahal ko.I loveyou more."-ako

Pagkasabi ko nyan i-endcall ko na.Kilig na kilig ako sa totoo lang sa ginawang yun ni Tristan,habang kumakanta nga sya nagtakip ako ng unan sa bibig ko baka kasi marinig nyang kinikilig ako,mag assume pa yun na ang galing nyang kumanta at baka isipin pa nun na patay na patay ako sakanya,heller.

Hinahanap ko na sa oras na ito sa recordings ng phone ko yung naging usapan namin ni Tris,i-on ko kasi ang auto-record ng calls ko sa cellphone ko.Bago kasi ako matulog pinakikinggan ko ulit ang naging usapan namin,haha.Nang mahanap ko sa recordings yung usapan namin ngayon agad ko itong pinlay at muling pinakinggan,Napaka demanding ko na girlfriend pansin ko haha.Napadako na ngayon ang pinakikinggan ko sa pagkanta ng boyfriend kong masandal tulog.Ang ganda nung kanta infairness,ano kayang title neto?sinong kumanta.?

Pagkatapos kong pakinggan muli yung naging recording ng usapan namin.Pinuntahan ko agad si mareng google para isearch ang kantang inawit ni Mahal.At dahil hindi ko alam ang title at singer ng kantang yun,tinype ko na lang yung buong lyrics na natatandaam kong nabanggit ni Tris,at pagkatapos ng ilang minuto,nahanap ko ang title at ang singer na kumanta nito.Si Brian Mcnight pala.

"Marry your daughter,pala ang title nito."-ako

Napaisip ako ng kaunti.Darating kaya kami ni Tristan sa araw at oras na yun?kami na nga kaya hanggang sa pagtanda?Does forever do exist?hmmp.

[End of lyrics POV]

" Does forever do exist?napaka isip bata ko naman mag isip nun?Syempre may forever kaso nga lang sa ibang partner na.Sa amin ni Tristan wala."-bulong ko sa sarili ko

"Friend!!"

Napatingin naman ako sa babaeng bruha na papalapit sa akin.Si Roan

"For sure,nag emote kana naman diyan,kaya ako nagmamadaling pumunta dito sa backstage."-Roan

" Ano?"-sabi ko

Tumalikod ako kay Roan at kunwaring may kinuha sa bag ko na nakapatong sa isang maliit na lamesa.

"Yung kinanta ng calla lily?hindi mo narinig?wala ka bang naalala sa kinanta nila?Hindi mo ba naalala si Mr.Masandal tulog?-roan

Hindi ako kaagad sumagot sa tanong ni Roan,nakakairita talaga itong gaga na ito.Kung nandito si Ram for sure magiging issue na naman ito.

" Hoy!Lyrics!Yung mga ganyanan mong kilos,obvious na obvious ka na affected kana naman sa naririnig at nangyayare ngayon."-Roan

Humarap ako kay Roan at binigyan sya ng isang matinding irap.

"Oo na!Naipaalala na naman sa akin ng kantang yan si Tristan,sa twing matutulog ako noon yan yung kinakanta nya.Okay kana Roan?Ano pa itatanong mo?yung title?Marry your daughter.Okay na ba?"-ako

"Sabi ko na e.Maapektuhan kana naman.Naka move on kana ba talaga?"-roan

" Oo, nakamove on na ako,i have Ram and anim na taon na ang nakalipas simula nung natapos kami ni Tristan.Sapat na yun para sabihin na nakamove na ako sakanya."-ako

"Dami mong pa kiyeme friend.Kahit anong sabihin mo,kaibigan moko alam kong naka kulong pa yang puso mo sa mga alaala ni Tristan."-roan

" Bahala ka sa kung anong gusto mong sabihin,basta ako malinis ang konsensya ko,matagal na akong nakalaya kay Tristan.Period."-ako

"Denial Queen of Queens ka friend."-Roan

" Hay nako.SML?"-ako

"Loka,Haha ano ibig sabihin nun friend?"-roan

Inirapan ko na lang si Roan.Umiiral na naman kasi ang pagiging sabaw nya.Nginitian nya ako at agad bumalik sa kung saang lupalop man sya galing.Umupo na muna ulit ako sa monoblock,mamaya pa kasi sasalang sa stage ang grupo ko,uumagahin na yata kami dito,ang dami kasing sikat na mga banda rito,samantalang kami kumakanta lang sa mga bar at kung minsan sa mga kasal.May makikinig pa kaya samin mamaya kapag kami na ang nagperform?nakaka kaba.Inaantok at kinakabahan ako sa totoo lang sana maging maayos ang pagkanta ko mamaya.

Minabuti ko na lang muna na mag scroll sa cellphone ko,tinitignan ko ngayon sa gallery ko ang mga pictures na na captured ko for the past months.Napansin ko na last christmas pa pala ng huli kaming nagpicture together ni Ram.Busy kasi kami pareho,sya bilang call center agent at ako sa mga gigs namin ng banda.Nagkaroon pa kami ng mga tampuhan kaya mas lalaong nawalan ng time para magkaroon kami ng "me time"sa isat isa.

Namimiss ko na tuloy sya.Maipost ko nga ito sa facebook account ko.

What's on your mind?sabi ng facebook.Itinatype ko na ngayon ang shout out ko tonight,ilalagay ko na namimiss ko na si...Sa hindi malamang pagkakataon,imbes na pangalan ni Ram ang maitype ko ay ibang pangalan ang nailagay ko.Tristan.Mabilis ko itong binura at napagpasyahan ko na hindi na lang mag post.Kainis naman para akong tanga.

"Ms.Lyrics?"

Napalingon ako sa taong biglang nagsalita,nasa gawing pintuan sya.Isang lalake ang ngayo'y nakatingin sa akin.Naka shades sya na itim at medyo may kaguluhan ang kanyang buhok.Nakaputi syang tshirt at nakaitim na blazer.Fitted na pantalon at isang pares ng chuck taylor na sapatos.Sa kanyang hitsura ay parang nakita ko na sya dati.Naaamoy ko rin ang gamit nyang pabango.

Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo.Iniisip kung sino ang lalakeng nasa harap ko,pamilyar ang hitsura nya.

"Miss?"

Bahagya akong natauhan ng magsalita syang muli.

"Uhm.Ako nga si Lyrics."-sabi ko

" Yon.Akala ko hindi ikaw e haha.Tapos na kasing magperform ang banda ko,kayo na ang next."

"Oww my gulay,sensya na ha.Akala ko kasi mamaya pa kami magpeperform.Sorry talaga.Cause of delay na ba ako?"-sabi ko

" Hmmp,Hindi pa naman.Malapit na haha"

Nataranta ako sa sinabi ng lalaking ito.Hinanap ko ang dala kong bag para kunin ang lipstick ko para naman hindi ako mukhang ewan sa stage.Habang natataranta ako.Tinanong ko ang lalake na nag aantay sa akin ngayon kung anong pangalan nya.

"Kuya,Ano ngang pangalan mo?dapat hindi kana nag abala na tawagin ako,yung bestfriend ko na dapat ang gumawa nun."-ako

" Kean Edward Cipriano."-sya

"Wow.Kapangalan mo pa yung idol kong vocalist."-sabi ko

Kasalukuyan akong nag sasalamin sa cellphone ko,para naman hindi lampas lampas ang paglagay ko ng lipstick.Nang bigla akong mapatitig sa lalakeng ito.

" Yun talaga ang pangalan mo?kapangalan mo si.."-ako

Hindi pa man ako natatapos magsalita ay biglang ngumiti ang lalakeng ito.Hindi ako pwedeng magkamali.Sya si si si si..Nanlalaki na ang mata ko.

"KEAN CIPRIANO!!!!!!!"-sigaw ko

Para akong hihimatayin.Juscolored totoo ba itong nakikita ko??ang guwapo nya talaga.Kaya pala parang pamilyar sya sa akin,e.Sya kasi ang meant to be ko haha charot lang.

" Nakakahiya naman sayo,ang arte ko.Fangirl mo talaga kasi ko."-sabi ko

"Its alright.Ang cute mo nga e."-sya

Bahagya akong kinilig at feeling ko nakikita ni Kean ang namumula kong mukha.Nakakahiya pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi kiligin.

" Pwede ba tayong magselfie?You know?para may remembrance hihi"-ako

"Sure."-sya

And the rest is history.Nakapag selfie kami ni Idol.Grabe ang pogi pogi nya talaga.Sayang nga e,kinailangan ko nang itigil kaagad ang pag pa-fangirl ko,kailangan ko na kasing pumunta sa stage para magperform.

Kasalukuyan akong nasa stage,nagkaroon kami ng konting rehearsal ng banda habang nagsasalita pa ang host ng event na ito,isang sikat na  radio dj ang nag silbing host ng event na ito kaya nagkaroon pa ng maraming usapan bago pa kami isalang sa stage.Sobra na akong kinakabahan,ang daming taong nanunuod at ang daming sikat na mga banda ang makikinig sa akin at sa mga ka-bandmates ko,dagdagan pa yan ng naging lineup ng mga magpeperform from Callalily ni Kean Cipriano kasunod kame na unknown sa mga taong nandito,super duper pressure ang nararamdaman ko.Sana makakanta ako ng maayos,sana hindi ako pumiyok,sana wala akong makalimutang lyrics.Susme pag nagkataon mapapahiya ako sa maraming tao.

"And now,to give us their own rendition of Moira and Quest Huling gabi,give up for.."

Naagaw ang atensyon ko ng biglang magsalita ang host,pinakikila na ba kami?teka teka heto na ba yun?hindi na ba ito mapipigilan?

"The G-clef!!!!"

Kami ba yung tinutukoy nya?teka kelan pa kami nagkaroon ng pangalan na G-clef?Sino ang nakaimbento nun.

Narinig ko na ang malakas na palakpakan ng mga tao,nagumpisa na ring tumugtog ang banda ko.Kinakabahan talaga ko,bakit ba kasi natapat pa sa team building ni Ram ang event na ito,sya sana ang pwede kong pagkunan ng lakas ng loob kaso wala sya,si Roan naman hindi ko makita,nasaan kaya yun.Pumunta ako sa pinaka gitnang bahagi ng stage,ipinikit ko ang aking mata,kailangan kong lakasan ang loob ko,pero hindi ko talaga kaya,nilalamon ako ng kaba.Hindi ako makafocus.Nakaramdam ako ng pagpatak ng tubig.Umaabon pa yata,kaya ko to..Sana..

Nag umpisa na ako kumanta..

Kung ito na nga ang ating huling gabi.

Mga natitirang sandali..

Di na ikukubli

Lahat lahat sayo'y ibibigay

Huling beses,magsasabay sa himig na pagibig ang taglay..

Bago mawalan ng saysay.

Sandali..ano nga bang susunod na linya?takte nalimot ko na yata ang susunod na letra,hindi ko pwedeng makalimutan,mapapahiya ko ang buong banda,Lyrics isipin mo ang kasunod,huwag kang magpalamon sa kaba mo.Isipin mo...

Tumingin ako sa mga kabandmates ko,nakatingin sila sa akin.Lyrics mag response ka.Nakasalalay sayo ang buong performance na ito.Kaso paano ko maisesave sa kahihiyan ang banda ko kung hindi nag pa-function ang utak ko.

Malapit na ako sa chorus ng kanta pero ano?anong susunod na linya ng kantang to?relax Lyrics relax.Nakatingin ako sa mga tao,mukhang nararamdaman na nila na magkakamali ako,may mga naririnig na akong nag bu-boo.Parang gusto ko nang maglaho at lamunin na lang ng stage na ito.

Ibinaba ko ang mikropono.Ayoko na.Sorry sa mga kasamahan ko.Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Akma na akong tatakbo paalis ng stage na kinalalagyan ko ng may marinig akong tinig.

Hawakan ang aking kamay,

Higpitan ang kapit

Pwede ka pang lumapit..

Nagulat ako sa nakikita ko.Paakyat ng stage ang taong hindi ko inaasahan na magsasalba sa pangit na performance ko.

"Tristan?"-sabi ko

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.Inililigtas ba nya ako sa kahihiyan?bakit sya nandito?

Lumapit sa tabi ko si Tristan,hinawakan ang aking kamay.Bakit ganito ang nararamdaman ko?bakit parang biglang lumakas ang loob ko.Tumingin ako muli sa mga tao at muling kumanta kasabay si Tristan.

Kalimutan natin,bukas na sasapit

Dito na lang ako.

Dito na lang tayo..

Walang manggugulo na parang atin ang mundo..

Magkahawak ang kamay namin ni Tristan hanggang sa pinaka huling letra ng awiting ito.Malungkot man ang awiting ito pero iba ang nadarama ko.Masaya ako,napakasaya ko.Nawala ang nadarama kong kaba ng samahan ako dito ni Tristan,sa apat na sulok ng entabladong ito.

"Tristan..Thankyou."-ako

" Para saan?"-Tristan

"Sa ginawa mong pag salba sakin at sa banda ko sa kahihiyan."-ako

" Ano kaba.Hindi mo kailangan humingi ng pasalamat,ginawa ko yun para tulungan ka sa huling pagkakataon."-Tristan

Napatingin ako ngayon kay Tristan.May ibig ba syang sabihin?Parang may kung anong pakiramdam ako na hindi maipaliwanag,nawala ang kaninay galak na nadarama ko.

"Anong ibig mong sabihin Tristan?"-tanong ko

" Gusto ko nang makalaya.Palayain mo na ako."-Tristan

Binitiwan ni Tristan ang kaliwang kamay ko,umatras din sya ng bahagya mula sa akin.

"Ano bang ibig mong sabihin?"-ako

" May Ram kana,hindi mo na dapat ako iniisip dahil nahihirapan ako.Matagal na akong nakakulong sa puso at isip mo.Palayain mo na ako.Patuloy lang tayong makakasakit at masasaktan kung pareho tayong hindi tinatanggap ang katotohanan.Sana sa pamamagitan ng panaginip na ito,matutunan mong magpalaya."-Tristan

Habang sinasabi ni Tristan ang mga salitang yan,biglang bumuhos ang malakas na ulan.Ang lahat ng tao dito sa stage ay naghanap ng masisilungan samantalang ako nakatayo lamang sa harapan ni Tristan.Naguguluhan ako sa mga sinasabi nya.

"Lyrics!Lyrics!"

Hindi ko pinapansin ang taong tumatawag sakin,naramdaman ko namang patuloy sa pagtulo ang mga luha sa mata ko.Habang si Tristan,palayo sya ng palayo.Nakangiti sya pero nakikita ko ang mga mata nya,umiiyak din.

"Tristan!Huwag mo akong iwan,kausapin moko!Liwanagin mo yung sinasabi mo,Tristan!"-ako

Pilit kong hinahabol si Tristan,pero hindi ko sya maabutan.Habang papalapit ako pilit naman syang lumalayo.

" Tristan!!!!!"-sigaw ko

Humahabol pa rin ako ngunit unti unti nang naglaho si Tristan.Pinagala ko ang aking mata.Ako na lamang ang nagiisa dito sa stage.Nasaan na ang mga tao?Nasaan ang bandmates ko at ang iba pang mga banda na naririto kanina?Roan?nasaan ka.Biglang dumilim ang paligid.Wala akong makita.Nasaan ang liwanag.

"Palayain mo na ako."

Lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses,nagulat ako sa nakita ko.

"Tristan."-ako

Kapag sabi ko ng pangalan nya ay bigla na lamang sya naglaho.

" Tristan!!!!!"-sigaw ko

Napaluhod ako at patuloy sa pag iyak.

"Lyrics?lyrics!!!!"

Nagulat ako at napadilat.

...........................

"Lyrics!Lyrics?"

Tumingin ako sa nagsasalita.Si Roan pala,nakaupo sya sa gilid ng lamesa na nahigaan ng ulo ko.

"What's wrong Friend?bakit ka umiiyak?"-roan

Hindi ako nakasagot sa tanong ni Roan,patuloy pa rin sa pagluha ang mga mata ko.

" Friend?Okay ka lang ba?"-roan

Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang ako napayakap sa kaibigan ko.Ang sama sama ng pakiramdam ko,hindi ko alam kung bakit.Napaka bigat ng dibdib ko,hindi ako makahinga.Patuloy pa rin ako sa pagiyak.

"Lyrics ano bang nangyayare?bakit ka umiiyak?buti na lang at pinatigil na ang event dahil sobrang lakas ng ulan,kung nagkataon,maapektuhan ng pag iyak mo ang pagkanta mo.Ano bang nangyari?may napanaginipan ka bang masama?kaya ka umiiyak?"-roan

Hindi ko masagot si Roan.Ang kailangan ko lang ngayon ay yakap para kahit papaano naman ay mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.

Panaginip lang pala ang lahat pero parang totoo lahat ng nakita at narinig ko.Lalong lalo na ang mga sinabi ni Tristan.Bakit nya sinabi sa akin yun?bakit nya sinabi sa panaginip ko na palayain ko na sya?matagal na kaming tapos.

Ano bang pagpapalaya ba ang dapat kong gawin?ano?

[End of Lyrics POV]