TAHIMIK LANG SIYANG kumakain at hindi pansin ang mga kapatid na nag tatalo talo kung anong dapat na iregalo sa wedding anniversary ng parents nila.
"What about trip to Europe?" sabay na sabi nina Shimmer at Shine. Labing pito na ang mga ito. Hindi niya alam kung sinasadya ba ng mga ito na palagi nalang mag sabay sa pag sasalita o talagang nag kakataon lang? Sabi nila meron daw special connection ang mga kambal. Siguro may mental telepathy ang dalawa.
"Duh we can't afford that" bara ni Tati. Ito at ang kambal ay iisa ang mga ina. Si Tita Melody ang legal na asawa ng daddy nila.
"Bat di niyo nalang regaluhan ng condom tatay niyo para naman di na tayo madagdagan" si Amanda. Kagaya niya anak sila sa labas pati narin si Geneva na may nakasalpak na earphone sa tenga at maganang kumakain. Mas madalas na wala itong pakialam sa paligid nito kagaya nalang ngayon.
"Yuck!" - Shimmer and Shine
"Gross!" - Tati
"Ang aarte niyo yuck gross pa kayong nalalaman dyan" nakairap na sabi ni Amanda saka sinubo ang hotdog.
Sabay sabay na inirapan lang ito ng tatlo. Kaidad niya si Amanda at Geneva pare pareho silang nineteen at sa iisang university lang pumapasok. Third year collage na ang dalawa samantalang siya ay second year palang. Matagal kasi siyang nahinto sa pag aaral.
"What about you Ate Mina, any suggestions?" Tanong ni Tati sakanya. Lahat ng mata ay tumuon sakanya maliban kay Geneva.
"Ahm mag kano ba ang budget?" Tanong niya sa mga ito.
"I have five thousand and shimmer and shine had two thousand each. Geneva gave three thousand and your contribution is five thousand all in all we have seventeen thousand" sagot ni Tati na ang daliri ay nag kukwenta sa hangin.
"Hoy Tati bakit di mo binanggit ang ambag ko?" Sita dito ni Amanda.
"Oh as if sobrang laking tulong ng five hundred pesos mo noh"
"Hindi mabubuo ang one thousand kung kulang ng five hundred kaya malaking bagay ang five hundred ko noh!"
"Excuse me meron kayang buong one thousand!"
"Enough" awat niya sa mga ito. Nag si tigil naman ang mga ito kahit na panay ang tinginan ng masama at irapan "So dahil seventeen thousand lang ang pera natin naisip ko na bakit di nalang tayo mag set up ng dinner with candle ligth sa garden para kina Dad? Yung pera ipambili natin ng food at flowers and everything that we need like scented candles, petals etcetera. What do you think?" Tanong niya sa mga ito.
Saglit naman na parang nag isip ang mga ito saka nag si sangayunan.
"Shimmer and Shine kayo ang mag seset up sa labas. Tati and Geneva kayo naman ang bahalang lumibang kina Daddy para hindi nila mapansin ang gagawing preparation nila Shimmer then tayong dalawa naman Amanda ang bahalang mag luto ng food"
"Ay nako Hermina may lakad ako. Saka nag ambag nako noh pwede na yon. Wag niyo na kong isali sa preparation na yan" angal ni Amanda
"Hmp pinag malaki pa ang five hundred niya" bulong ni Tati
"Hoy Tati narinig kita ha baka gusto mong sabunutan kita dyan" akmang tatayo si Amanda ng pigilan niya ito
"Tama na nga. Pumunta kana sa lakad mo ako ng bahala sa food"
Ngumiti naman ito ng malapad sakanya saka tumayo at binitbit na ang bag nito
Bumuntong hininga nalang siya at tumayo narin dala ang bag niya.
Monday ngayon kaya may pasok at iisang university lang ang pinapasukan nilang anim.
Ang kambal ay first year college palang habang silang dalawa ni Tati ay second year si Geneva at Amanda ay third year. May sari sariling sasakyan ang mga kapatid niya maliban sakanya na hinahatid sundo ng driver gamit ang isang kotse ng daddy nila. Hindi kasi siya marunong mag maneho.
"OY FREAK NAGAWA mo ba ang thesis namin?" Tanong sakanya ni Alodia ang cheerleader ng campus nila. Nasa likod nito ang dalawang alipores nito.
Dinukot niya sa bag ang tatlong folder at iniabot dito. Binuksan nito iyon at nakangiting tumango tango
"Good maasahan ka talaga. Till next time freak" inihampas hampas pa nito sa ulo niya ang mga folder bago nag tatawanang umalis
Inayos niya ang headband niya na tumabingi dahil sa ginawa nito.
Simula ng first year palang siya lagi na siyang binubully ng mga ito. Hindi niya alam kung bakit mainit ang dugo ng mga ito sakanya.
Nung una naman ay mababait ang mga ito sa kanya lalo na ng malaman ng mga ito na isa siyang De'Marco pero nag bago ang lahat ng yon ng malaman ng mga ito na anak lang siya sa labas. Minsan naiinggit siya sa kapatid na si Tati. Tinitingala kasi ito ng mga ka batch nila at hinahangaan. Pila ang mga manliligaw nito at maraming kaibigan. Hindi katulad niya na laging naiiwan sa isang tabi at nilalapitan lang kapag gusto siyang i bully ng mga ito.
Hindi siya gumaganti at hinahayaan lang ang mga ito kung ano ang gawin at iutos sakanya. Mas gusto niya na tumahimik nalang kesa sa lumaban.
Napahinto siya ng mapadaan siya sa Gym, may practice ang basketball team. Lumapit siya sa pinto at sumilip.
Agad niyang napansin ang madalas mag pabilis ng puso niya. Si Kristoff Sandoval. Team captain at heartrob ng campus. Graduating na ito at ngayon palang nalulungkot na siya na next year hindi niya na ito makikita.
Halos 80% ng audience ay puro babae. Maliban kasi na isa itong Sandoval na isa sa kilalang pamilya sa bansa ay napaka gwapo nito. Sa tantya niya ay nasa anim na talampakan ang taas nito. Maganda ang katawan na ikatatakam talaga ng kahit na sinong babae. Hindi niya pa ito nakikitang nakahubad pero ang sabi ng iba may 8 pack abs daw ito. Matangos ang ilong nito at mapipintog ang mapupulang labi. Makinis at maputi ang balat nito na animo ay parang gatas. Matalino din ito at masipag mag aral. Bukod sa mabait din ito. Ni hindi niya pa ito nabalitaang napasama sa gulo.
Napuno ang Gym ng tilian at hiyawan ng mga kababaihan ng maka steel si Kristoff at ma i shoot ang bola. Panalo ang team nito sa score na 88-52.
Hindi niya masisisi ang mga babae sa campus nila kung mag pakabaliw sa kakasunod kay Kristoff, siya man ay lihim na tinigtignan ito kapag dumaraan sa harap niya.
Madalas niyang pangarapin ito lalo na at kapag nasa kwarto niya na siya at nag papaantok.
Nakita niyang may lumapit kay Kristoff. Si Elizabeth Gabel. Half British half american ang Daddy nito ang mommy naman nito ay purong pilipina. Kaya hindi kataka taka na napaka ganda nito. Napapabalitang girlfriend ito ni Kristoff. Kaka transfer lang last year ni Elizabeth. Ang alam niya sa ibang bansa ito nag aaral dati. Selosa ito at possessive kay Kristoff lahat ng babaeng ma pa ugnay sa binata ay binubully nito. Ang iba ay napipilitang mag drop out dahil hindi tinitigilan ng babae
Kaya ang iba hanggang tingin nalang. Walang may mag lakas ng loob na mag pa cute kay Kristoff pag nandyan si Elizabeth
"Huy Hermina kulitiin yang mata mo kakasilip kay Kristoff!"
Nagulat siya ng biglang sumulpot sa gilid niya si Jessa ang nag iisang kaibigan niya dito sa Campus.
"Nakakagulat ka naman" ani niya dito habang hawak ang dibdib
"Sus kanina pa ko dito. Nagulat ka kasi di mo ako napansin. Busy ka kakatanaw dyan kay Kristoff!"
"Sssh ano kaba may makarinig sayo" saway niya dito saka tumingin tingin sa paligid.
"Asus halika na nga punta tayo sa canteen pakopya ng assignment sa algorithm" hinila na siya nito kaya napasunod nalang siya dito
Nakilala niya ito ng minsang sumali siya sa school papers. Pareho silang freshman noon. Agad niya itong nakasundo dahil bukod tanging ito lang ang nag tityagang kumausap sakanya kahit madalang siyang mag salita at madalas na tulala. Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit kahit papaano ay nakakaya niya pang pumasok sa skwelahan.
NASA LOOB NA sila ng Canteen. Nilibre siya ni Jessa ng milkshake kapalit ng pag papakopya niya dito. Galing din sa mayamang pamilya si Jessa yun nga lang nasa middle class nga lang ang mga ito.
Natigil ang pag higop niya sa hawak na milkshake ng may matanawan siyang grupo na papasok sa loob ng Canteen. Ang grupo ng football team. Napayuko siya para itago ang mukha niya sabay dalangin na hindi sana siya napansin ng bagong pasok, napausal pa siya ng dasal. Pero huli na dahil na kita na siya ng Captain ng football team. Si Kenobi Sandoval. Kapatid ni Kristoff na bukod sa physical appearance ay wala ng pag kakapareho sa kapatid. Isa ito sa pahirap sakanya dito sa university. Ginawa na ata nitong past time ang pang bubully sakanya. Basta makita o madaanan siya nito titigil ito kahit nasa kalagitnaan ng practice para lang lapitan siya at i-bully.
"Oh ho ho.. Look what i found here" narinig niya ang nakakairitang boses ni Kenobi. Tapos naramdaman niya na may sumabunot sa buhok niya at hinila iyon para mapatingala siya. Nasalubong niya ang blue green na mga mata nito. Nakangisi ito na gustong gusto niyang kalmutin
"A-aray" angal niya sabay hawak sa kamay nitong nakasabunot sakanya para hindi nito masyadong mahila ang buhok niya
"Wow marunong ng umaray ang basura" pang aasar nito at mas lalo pang hinigit ang buhok niya. Kinagat niya ang labi para di na siya mapa aray dahil paniguradong lalo nitong hihilahin ang buhok niya. Nag tawanan naman ang mga teammates nito
"Ano ba Kenobi nasasaktan na si Mina" saway dito ni Jessa
"Shut up bitch o gusto mong ikaw ang pag diskitahan ko?" Angil nito sa kaibigan niya
Natahimik naman si Jessa halatang natakot. Sino ba namang hindi matatakot sa isang Kenobi Sandoval? May pag ka psychopath ang hayop na to.
Binalingan uli siya ni Kenobi. Inagaw sa kamay niya ang milkshake. Binitawan nito ang buhok niya pero pasalya muntik na siyang sumubsob sa lamesa. Napapikit siya ng akmang ibubuhos nito ang milkshake sakanya. Inintay niya nalang na bumuhos ang milkshake sakanya hindi siya umiwas pero walang bumuhos sakanya. Narinig niya lang ang malakas na pag singhap sa tabi niya. Unti unti siyang nag mulat ng mata. Ang una niyang nakita ay ang kamay na pumipigil sa kamay ni Kenobi para ibuhos sakanya ang milkshake. Tinignan niya kung sino ang nag mamayari ng kamay na yon. Ganon nalang ang pag laki ng mata niya, at katulad ni Jessa ay malakas na napasinghap din siya.
Hindi siya makapaniwala kung sino ang may ari ng mga kamay na yon. Si Kristoff. Seryoso ang mukha nito habang nakikipag titigan sa kapatid. Sa likod nito ay ang teammates nito at si Elizabeth na matalim ang tingin sakanya. Mukhang may dadagdag na mang bubully sakanya base sa matalim na tingin nito.
"What do you think you're doing Kenobi?" Malamig na tanong ni Kristoff sa kapatid
"Playing?" Sarkastiko na sagot ni Kenobi saka tinabig ang kamay ng kapatid
"Leave her alone Kenobi hindi siya laruan!" Bukod sa pag ngalit ng bagang ni Kristoff kahanga hanga ang pagiging cool nito
"Really?" Sumulyap ito sakanya kaya naman napayuko siya. Ayaw niyang lalo siyang pag initan nito "then let me play with your toy then" napatingala siya dito. Nag lakad ito papalapit kay Elizabeth na nag tataka din.
Napatakip siya ng bibig ng ibuhos ni Kenobi ang milkshake sa ulo ni Elizabeth. Lahat ay nabigla. Miski si Kristoff hindi inasahan ang gagawin ng kapatid
"There.." Nasisiyahang sabi nito
"You fucking asshole!" Tili ni Elizabeth
Doon naman ata natauhan si Kristoff kaya galit na sinalya nito ang kapatid saka inupakan sa mukha. Agad na nakabawi si Kenobi at gumanti rin ng suntok. Nag pambuno ang dalawa walang may mag lakas ng loob na umawat miski na si Elizabeth. Lahat ay takot na madamay sa away ng mag kapatid na Sandoval. Tumigil lang ang mga ito ng may bumuhos ng tubig sa mga ito. Parehong galit na napatingin ang dalawa sa nag buhos. Ang iba naman ay nagulat at nag pulasan. Naiwan nalang ang mga teammates ng dalawang mag kapatid, si Elizabeth, Jessa at siya.
"Mukha bang boxing ring itong skwelahan Mr. Kristoff and Mr.Kenobi Sandoval?" Galit na nakapameywang ang Dean sa harap nila "Sino ang nag simula ng gulong ito?!" Galit na tanong ng dean
Halos malaglag naman ang panga ko ng ituro ako ng lahat lalo na si Kenobi na nangunguna sa pag turo sakin
"Siya po" sabi pa ng mga ito
"Ha? B-bakit a-ako?" Litong tanong niya
"Both of you Sandovals come to my office and you too Ms.De'Marco" utos ng dean. Dumaan pa ito sa harap niya at umiling "Im very disappointed with you Ms.De'Marco" yun lang at nilagpasan na siya nito
"P-pero Ma'am Buenaobre" hahabulin niya sana ito para mag paliwanag ng may umakbay sakanya
"Tsk tsk tsk.. Lagot ka freak!" Iiling iling na sabi sakanya ni Kenobi. Habang halos sakal na siya ng braso nito
Ngali ngaling lamukusin niya ang duguang labi nito sa gigil
"HINDI PORKET KAYO ang Captain ng basketball at football magagawa niyo na ang lahat ng gusto niyo sa university na toh!" Gigil na sabi ni Dean Buenaobra. Bumaling ito sakanya "Ikaw Ms.De'Marco bakit ka nag sisimula ng gulo sa pagitan ng mag kapatid na to? Do you think you're parents will be glad if they know you are part of this mess?"
"Eh Ma'am kasi po--"
"Wala po siyang kasalanan Ma'am" sabat ni Kristoff "Nag kapikunan lang po kaming mag kapatid kaya kami nag pang abot. Nadamay lang po si Ms.De'Marco" magalang na paliwanag nito
Napatitig siya dito. Kahit naman pinag tanggol siya nito hindi parin nito nilaglag ang kapatid. Nakakahanga ito. Lalo ata siyang nahuhulog sa binata
"Laway mo Ms.De'Marco tumutulo na" bulong sakanya ni Kenobi. Wala naman sa loob na pinunasan niya ang labi baka nga may tumulo ng laway doon
Narinig niyang humagikgik ang demonyito. Kaya napag tanto niyang pinag titripan nanaman siya nito
"I want all your parents tomorrow morning here in my office" sabi sa kanila ni Ms.Buenaobre
Nag taas ng kamay si Kenobi
"Nasa italy ang mommy namin Miss and our dad is in a business trip in Macau they can't make it tomorrow"
Napabuntong hininga nalang si Dean Buenaobre. "Then the both of you will clean the entire gym after class for three days as your punishment. And you Ms.De'Marco nasa ibang bansa din ba ang mga magulang mo?" Tanong nito sakin
"Say yes!" Bulong sakanya ni Kenobi
Hindi niya ito pinansin bukod sa ayaw niyang mag sinungaling, wala siyang balak makasama ito dahil paniguradong pahihirapan lang siya nito
"N-no Maam. I will tell them to come here first thing in the morning tomorrow" sagot niya sa dean sabay yuko
"Killjoy ka talaga freak" muli ay bulong nanaman ni Kenobi. Napatingin naman siya kay Kristoff na nasa harapan niya. Nailang siya sa matiim na pag titig nito sakanya.
"You can leave my office now. All of you" pag didismis sa kanila ng dean.
Tumayo na siya at mabilis na lumabas.
to be continued..