webnovel

Saan ba ako nagkulang? (19)

Redakteur: LiberReverieGroup

Siguardong dahil yun sa pagpapalaglag nito sa anak niya. Hindi kaya naawa ito sakanya at nagbabayad lang ito ng utang, kaya bigla nalang siyang pinakitaan ng sobrang kabaitan nito?

Pero ang pinaka nakakatawa sa lahat, sobrang sumaya at naramdaman niya talagang mahal siya ni Lu Jinnian dahil sa mga ipinakita nito sakanya nitong mga nakaraang araw…

Dumating pa nga sa punto na naisip niya na baka nagkakagusto na ito sakanya kaya nagkaroon siya ng pagasa na baka maging sila rin balang araw…Pero ngayon na nalaman niyang sa likod ng mga magagandang ipinapakita nito sakanya, may isa palang buhay na nagsakripisyo!

Nanlalabo na ang paningin ni Qiao Anhao dahil sa mga luhang naipon sakanyang mga mata. Pinunasan niya ang mga ito at dali-daling tumalikod kay Lu Jinnian kung saan tuluyan ng bumuhos ang kanyang mga luha.

Kahit gaano niya pa kagusto na tanungin nalang si Lu Jinnian kung ano ba talaga ang tunay na nangyari, hindi niya ito magawa magawa dahil wala siyang sapat na lakas ng loob na gisingin at tanungin ito.

Kahit nailantad na ang katotohanan sa harapan niya mismo, hindi niya pa rin kayang harapin ito o baka naman ayaw niya lang talagang tanggapin ito. 

-

Hindi nakatulog si Qiao Anhao buong magdamag. Kinabukasan, maaga siyang bumangon sa kama samantalang si Lu Jinnian naman ay mahimbing pang natutulog. Wala siyang balak na gisingin ito, pero hindi niya maiwasang pagmasdan muna ng sandali ang natutulog nitong mukha bago siya pumunta sa CR. Mabilis siyang nag'ayos ng kanyang sarili at nagbihis ng isang simple pero classy na light yellow dress. Hindi nagtagal, kinuha niya ang kanyang bag at naglakad papalabas ng kwarto.

Maging si Madam Chen ay natutulog pa rin pagkababa niya kaya napakatahimik ng kanilang malaking living room. Hindi pa napapatay ang mga wall lamp na may kulay dilaw na ilaw. Medyo mas madilim ang mga ito kung ikukumpara sa liwanag na nanggaling sa sumisikat na araw.

Kinuha ni Qiao Anhao ang kanyang phone para tumawag ng taxi na masasakyan bago siya magsuot siya sapatos at naglakad palabas ng bahay.

Sobrang lamig at tuyo na hangin ang sumalubong sakanya sa labas kaya marami sa mga bulaklak na nasa bakuran nila ay namulaklak kagabi. Habang naglalakad, may nakita si Qiao Anhao na isang rosas na medyo nakatabingi dahil nalaglagan ito ng isang tangkay kaya nilapitan niya muna ito para kunin ang tangkay at ayusin ang bulaklak bago siya tuluyang lumabas ng bakuran. Hininitay na siya ng taxi sa labas kaya agad siyang pumasok at sinabihan ang driver na pumunta sa People's Hospital.

Dahil umalis siya bago magrush hour, wala pa masyadong sasakyan na bumabyahe sa mga kalsada ng Beijing pero ang mga neon lights sa mga tindahan sa magkabilang gilid ng mga kalsada ay nakapatay na at sa hindi kalayuan, may nakita siyang mga taong naglilinis na nakasuot ng kulay orange na damit.

Pagkahinto ng sasakyan sa mismong tapat ng entrance ng People's Hospital, agad na nagbayad si Qiao Anhao at bumaba. Dumiretso siya sa Department of gynecology and obstretics kung saan kinailangan niyang kumuha ng numero at pumila ng halos kalahating oras bago niya makita ang doktor. Walang alinlangan siyang nagrequest ng B-scan, at muling naghintay ng isa pang kalahating oras bago siya papasukin sa operating room.

Pagkatapos ng check up, inayos lang sadlit ni Qiao Anhao ang kanyang damit bago siya umupo sa hall para hintayin ang resulta. Hindi nagtagal, biglang tumunog ang kanyang phone.

Ang buong akala ni Qiao Anhao ay si Madam Chen ang tumatawag para tanungin kung nasaan siya pero dahil ayaw niyang ipaalam kahit kanino na nasa ospital siya, hindi niya muna ito sinagot at naglakad papunta sa isang tahimik na CR na nasa dulo ng ospital. Pagkakuha niya ng kanyang phone, laking gulat niya na hindi pala si Madam Chen ang tumatawag kundi si Aunt Xu.

Huminga muna siya ng malalim bago sagutin ang tawag. Dahan-dahan niyang itininapat ang phone sa kanyang tenga at magalang na nagsalita, "Aunt Xu."

"Qiao Qiao, gising ka na ba?" Halata sa boses ni Han Ruchu na masaya ito habang bumabati. Napahinto ito ng sadlit bago muling magtanong, "Naging busy ka ba nitong mga nakaraang araw?"

"Ayos lang naman po ako…" Natigilan si Qiao Anhao bago magtanong, "Kamusta na po pala si Brother Jiamu?"

"Mabuti naman ang lagay ni Jiamu. Nakakabangon na siya sa kama at kaya niya na ring maglakad. Isa pa, mas tuloy-tuloy na rin siyang magsalita ngayon. Siguradong hindi magtatagal, pwede na siyang makauwi sa bahay para doon na siya makapagpahinga." Ramdam sa boses ni Han Ruchu na sobrang saya nito habang ikinukwento ang mga nagiging progreso sa paggaling ng anak nito.