webnovel

Paliwanag (2)

Redakteur: LiberReverieGroup

Pagkatapos magsalita ni Xu Jiamu, kalmado siyang humarap kay Han

Ruchu, na hindi namalayan na umiiyak na pala siya, "Bignigyan kita ng

pagkakataon, mama. Hindi lang isang beses. Kanina tinanong kita kung ano

pa ang mga ginawa mo sakanila, pero hindi ka nagsabi ng totoo… Lahat ng

mga maling ginawa mo, handa akong patawarin yun, pero pinili mong

magsinungaling sa akin. Para sayo wala akong alam kaya para mapaniwala

ako, nagsinungaling ka nanaman sa akin.

"Alagaan mo ang saril mo. Hinding hindi na ako babalik sa bahay ng mga

Xu."

"Jiamu wag! Mali talaga si mama…. Hindi 'to kakayanin ni mama, Jiamu…."

Sobrang sakit para sa isang ina, kagaya ni Han Ruchu, ang marinig ang mga

ganitong salita mula pa sa sarili nitong anak, kaya iyak nalang siya ng iyak

habang nagmamakaawa rito.

Yumuko nalang si Xu Jiamu. Si Han Ruchu pa rin ang nanay niya at ngayong

nakikita niya itong umiiyak, sobrang nasasaktan din siya. "Gusto kong

maniwala sayo, pero sorry, hindi ko na kaya."

Pagkatapos magsalita ni Xu Jiamu, umatras siya ng dalawang hakbang.

Sa pagkakataong ito, lalong lumakas ang iyak ni Han Ruchu na parang

wasak na wasak na ang puso niya, "Jiamu, wala ng natira kay mama.

Ngayong gabi, nasira na ang reputasyon ko. Kakamuhian ako ng lahat at

tiyak magagalit ang papa mo sa akin dahil sa eskandalong ginawa ko. Kung

mawawala ka, wala na talagang matitira kay mama… Jiamu…

Nagmamakaawa sayo si mama, na wag ka ng umalis…"

Wala na talagang paaran para makumbinsi si Xu Jiamu kaya sa kabila ng

pagmamakaawa ng kanyang ina, tuluyan na siyang tumalikod.

Maging ang mayordoma ay tinulungan na rinb si Han Ruchu na

magmakaawa. "Young master, wag ka ng umalis."

"Jiamu..."

Binuksan ni Xu Jiamu ang pintuan ng kanyang sasakyan at sumakay.

"Jiamu, mailing mali si mama, Jiamu…"

Ipinikit ni Xu Jiamu ang kanyang mga mata at isinara angang

pintuan…Sobrang nasasaktan din siya sa nangyayari sa nanay niya pero

wala siyang magawa kaya pinili niyang pumasok sa loob ng sasakyan para

hindi niya ito marinig na umiiyak.

Ilang sandali rin siyang nakatulala sa loob ng kanyang sasakyan, na malayo

sa direksyon kung nasaan si Han Ruchu, bago niya ito iistart at magmaneho

papalayo.

Habang nagmamaneho siya, tuluyan na siyang bumigay, at isang patak ng

luha ang tumulo mula sakanyang mata.

Sobrang nasaktan siya sa mga nangyari.

Pero hindi niya maipaliwagan kung bakit siya nasasaktan.

Pakiramdam niya, nawala sakanya ang lahat sa loob ng isang gabi.

Ang nanay niya, na walang ibang ginawa kundi mahalin siya, ay gumawa ng

napakasamang bagay sa sarili niyang kapatid sa pinaka matalik niyang

kaibigan.

Ang kapatid niya, na kinasuklaman niya dahil sa panaagaw nito sakanya ng

Xu Enterprise…ay lihim palang iniiwan sakanya ang lahat. Kahit sa will ang

testament nito, siya ang ginawang beneficiary ni Lu Jinnian, sa kabila ng

lahat ng nagawa ng nanay niya rito.

Tuloy-tuloy ang pag'agos ng luha sa mga mata ni Xu Jiamu kaya maya't-

maya niyang itinataas ang kanyang kamay para punasan ang mga luha

niya. Hindi nagtagal, inilabas niya ang kopya ng will and testament na

pinirmahan ni Lu Jinnian.

Ibig sabihin… Ang kapatid niya pala na hindi mahilig makipagusap at

makihalubilo mula noong pagkabata nila ay mahal na mahal pala siya…

Sa sobrang bigat ng loob niya, biglang nanginig ang kanyang mga daliri na

nakahawak sa photocopy. Bandang huli, hindi niya na talaga kinaya kaya

ipinarada niya muna ang sasakyan niya sa isang gilid at tuluyan na siyang

umiyak.

Dahil kinaladkad ni Xu Jiamu si Han Ruchu, napilitan ang mga organizers na

ihinto ang auction. Dahil wala na ang bida, natural lang na humupa rin

kaagad ang gulo kaya hindi nagtagal, isa-isa ng nagsi'alisan ang mga tao.

Parehong galit at pagaalala ang nararamdaman nina uncle at auntie Qiao

kaya walang tigil sila sa pagpapalakas ng loob kay Qiao Anhao. Sa takot na

baka masaktan ito ulit, naisipan nilang pauuwiin nalang muna ito ulit

sakanila

Sa ikatlong beses na sinabi ni Qiao Anhao na ayos lang talaga siya at gusto

niya munang mapagisa sa ngayon, ay dun palang napanatag ang

magasawa.