webnovel

Pagbalik tanaw sa ating masasayang kahapon (4)

Redakteur: LiberReverieGroup

Hindi inaasahan ni Lu Jinnian ang sasabihin ni Xu Jiamu kaya ilang sandali pa

siyang nanahimik bago siya mahinahong sumagot. "Sa totoo lang, hindi naman

talaga kita sinisisi."

Napakasimple lang ng sagot ni Lu Jinnian, pero sa dami ng kinikimkim ni Xu

Jiamu, hindi niya na napigilang maging emosyunal at maluha. Ilang beses

siyang lumunok at mangiyak-ngiyak na sumagot, "Alam ko naman."

Alam niya naman talaga na hindi siya sinisisi ni Lu Jinnian.

Kasi kung sinisisi siya nito, bakit naman nito iiwanan sakanya ang Xu

Enterprise kung pwedeng-pwede naman na nitong angkinin sakanya ng tuluyan

ang kumpanyang pinaka iingatan ng pamilya niya kagaya ng laging sinasabi

sakanya ng mama niya.

At kung totoong may galit ito sakanya, bakit pa siya nito iniligay bilang isa sa

mga beneficiaries ng will and testament nito?

Sa totoo lang, hindi rin naman talaga siya galit kay Lu Jinnian...

Kahit na binili nito ang malaking porsyento ng Xu Enterprise na naging dahilan

ng pagsugod niya rito, alam ng Diyos na dala lang yun lahat ng bugso ng

damdamin nang malaman niya na nahimatay ang mama niya sa sobrang sama

ng loob.

Kasi kung talagang galit siya sa kuya niya, bakit nasaktan siya noong narinig

niyang sinisiraan ng mama niya at ni Auntie Yun si Lu Jinnian at ang nanay nito

sa harapan ni Qiao Anhao?

At kung may kinikimkim talaga siyang sama ng loob, bakit hindi niya

makalimutan kung gaano ito kabait sakanya?

Kahit na iilang salita lang ang binitawan nila, sobrang naging emosyunal pa rin

ng paligid.

Pagkalipas ng ilang sandali, tinakpan ni Xu Jiamu ang kanyang mga mata para

punasan ang kanyang luha at pabirong sinabi, "Hayyy ano ba to? Bakit ba

nagtatalo ang dalawang big boss?!"

Teka lang Xu Jiamu ha? Sino bang unang nagdrama ha? Natawa nalang si Lu

Jinnian at inirapan ang kanyang kapatid.

Kahit na inirapan siya ni Lu Jinnian, walang kahit kaunting sama ng loob si Xu

Jiamu, bagkus, lalo pa siyang napanatag.

Sa totoo lang, ganito talaga umayos ng gusot ang mga lalaki, at hindi kagaya

ng mga babae na kailangan pang maglitanya at magiyakan bago maayos ang

anumang naging pagtatalo nila. Simpleng mga salita na direkta sa punto lang at

madalas basketball o kahit anong laro ang nagiging paraan nila para umayos ng

anumang hindi pagkakaintindihan.

"May itatanong pala ako sayo," muling pagbasak ni Lu Jinnian ng katahimikan

pagkalipas ng limang minuto.

"En?" Kalmadong tumingin si Xu Jiamu sa pawisang niyang kapatid at

nagpatuloy, "Ano yun?"

Kagaya ng nakasanayan, wala pa ring kabuhay-buhay ang boses ni Lu Jinnian.

"Si Qiao Qiao... may ginawa pala siyang love letter dati. Alam mo ba yun?"

"Love Letter?" Biglang kumunot ang noo ni Xu Jiamu at inalala kung ano ang

tinutukoy ni Lu Jinnian. Ilang segundo rin siyang nanahimik bago siya muling

magsalita, "Yung tinutukoy mong sulat ay dati niya pa ginawa diba? Base sa

pagkakaalala ko, hindi pa ata tayo graduate noon at kung hindi mo pa

pinaalala, baka nakalimutan ko na talaga yun! Grabe, sobrang cheesy talaga ng

love letter niya. Parang ano yun eh... Marami akong pangarap, pero lahat ng

yun ay ikaw..."

Dahil ilang taon na rin ang nakakalipas at sa dami na rin ng nangyari, hindi na

masyadong maalala ni Xu Jiamu ang detalye kaya sinabi niya lang kung anong

mga naalala niya, "At parang, 'ikaw yung mundo para sa akin'... basta parang

ganun! Sobrang cheesy talaga!"

Kahit na hindi eksakto sa love letter ni Qiao Anhao ang mga sinabi ni Xu Jiamu,

tugma naman ito sa konsepto ng nabasa ni Lu Jinnian kaya kalmado siyang

nagpatuloy sa panguusisa, "Paano mo naman nalaman yung nakasulat sa love

letter niya?"

"Ah...Pinarinig niya kasi sa akin. Gusto niyang icheck ko kung maganda na ba

ang pagkakasulat niya. Alam mo ba, tumaas kaya yung balahibo ko habang

nagbabasa siya. Bata palang tayo, artistic na talaga si Qiao Qiao kaya hindi na

ako nagtataka kung bakit ang ganda ng pagkakagawa niya." Umiiling pa si Xu

Jiamu habang nagsasalita sa sobrang pagkamangha at hindi nagtagal, may

bigla siyang naalala at nagpatuloy, "Tandang tanda ko pa nga na may pinalitan

akong isang linya eh."