Ilang oras na ring gising si Lu Jinnian nang bumalik ang magamang Chen at
ang asawa ng nakababatang Chen mula sa bukid.
Noong nananghalian sila kanina, nagtanong si Lu Jinnian kung maari ba
siyang makitawag pero sa kasamaang palad, walang telepono ang tahanang
tinuluyan nila at ang nagiisang pamilya na mayroon ay umalis noong tanghali
iyon. Pero habang naglalakad sina Brother Chen pauwi galing bukid, nakita
niya na nakauwi na ang mga ito kaya dali-dali niyang sinundo si Lu Jinnian.
Ipinaliwanag ni Bother Chen ang sitwasyon ni Lu Jinnian sa pamilya na
masigasig namang nagpahiram ng telepono. Noong pumayag ang mayari ng
bahay na ipagamit ito kay Lu Jinnian, hindi na siya nagaksaya pa ng panahon
at dali-dali niyang tinawagan ang kanyang assistant.
Agad namang sumagot ang assistant na halatang sobrang nagaalala. "May
balita na ba kina Mr. Lu at Ms. Qiao?"
Hindi kaagad nakapagsalita si Lu Jinnian bago siya sumagot, "Ako 'to."
"Huh?" Hindi makapaniwala ang assistant pero hindi nagtagal, bigla tumaas
ang boses nito sa sobrang saya, "Mr. Lu? Mr. Lu ikaw ba yan?"
"Oo."
"Ikaw ba talaga yan, Mr. Lu? Nasan ka ngayon? Nakita mo ba si Miss Qiao?
Kamusta ang lagay niyo?" Tuloy-tuloy na nagtanong ang assistant sa sobrang
pagaalala.
"Kasama ko siya ngayon, ayos naman kami pareho." Natigilan si Lu Jinnian
bago siya magpatuloy, "Nandito kami ngayon sa…"
Tinignan niya si Brother Chen na agad namang naitindihan ang gusto niyang
iparating kaya dali-dali nitong kinuha mula sakanya ang phone para sabihin
ang eksaktong loksyon ng baryo. Nang mailista na ng assistant ang lahat ng
detalye, muling ibinalik ni Bother Chen ang phone sakanya.
"Mr. Lu, papunta na ako jan ngayon."
-
Paguwi nila sa bahay ni Brother Chen, nakapaghanda na ang asawa nito ng
gabihan. Napakasimple ng pamumuhay ng mga tao sa nasabing baryo: Maaga
silang natutulog at maaga rin silang nagigising, kaya pagkataopos nilang
mag'gabihan, pinatulog na ng matandang Chen ang batang babae habang ang
mas batang Chen at ang asawa naman nito ay nagpaiwan pa para ayusin ang
mga inani ng mga ito kanina.
Napakatahimik ng buong baryo noong sumapit ang kadiliman. Wala ng ibang
pinagkukunan ng liwanag ang mga tao rito bukod sa liwanag na nanggagaling
sa buwan.
Medyo matagal silang nakapagpahinga noong tanghali kaya habang nakahiga
sa kama, pareho silang hindi makatulog.
Sa tuwing ipipikit ni Qiao Anhao ang kanyang mga mata, napakaraming bagay
ang pumapasok sa isip niya. Habang nagiisp siya ng kung anu-anong mga
bagay, lalo lang siyang hindi makatulog kaya bandang huli, sinubukan niyang
magpalit ng posisyon. Sa tulong ng liwanag na nanggaling sa buwan, tiitigan
niya ang mukha ni Lu Jinnian.
Medyo matagal niya itong tinitigan bago siya muling kumurap at pabulong na
tawagin ang pangalan nito, "Lu Jinnian?"
"Bakit?" Iminulat ni Lu Jinnian ang mga mata nito at humarap sakanya. Dahil
medyo madilim, nagmukhang itim na itim ang mga mata ito na parang
nangaakit sakanya.
Biglang bumilis ang tibok ng puso niya kaya napayuko siya para iwasan ang
titig nito bago siya muling magpatuloy, "Salamat."
Kung hindi dahil kay Lu Jinnian, baka patay na siya ngayon.
"Wala yun." Naintindihan ni Lu Jinnian kung anong ibig sabihin ng naging
pasasalamat niya at mahinahon itong sumagot. Kagaya ng nakasanayan,
walang emosyon ang boses nito pero sapat na ito para painitin ang puso ni
Qiao Anhao.
Tumalon si Lu Jinnian sa bangin para iligtas siya, kagaya ba ito ng mga nasa
drama na handang ibuwis ng isa ang sarili nitong buhay para sa iba?