"Tama, tama ka…" Ngumiti si Lu Jinnian kay Qiao Anhao at tinitigan ito ng diretso sa mga mata na para bang sinisisi niya ang kanyang sarili. "Pero, nakakalungkot lang… dahil hindi ako si Xu Jiamu."
Inalala niya noong gabing nagkaraoon ng problema ang Xu Family, tandang tanda niya na habang nakahiga si Qiao Anhao sa kanyang braso ay sinabi nito na alagaan niya si Xu Jiamu.
Isa pa, naalala niya rin noong nakita niya ito sa labas ng opisina niya kanina. Pareho sila ni Xu Jiamu na nakita nito pero ang kapatid niya pa rin ang una nitong tinawag…
Kahit na nagdivorce na sina Qiao Anhao at Xu Jiamu…. Kahit na ginawa niya na ang lahat para dito…. Para pala sa puso nito ay si Xu Jiamu pa rin ang pinaka importante!
"Siguro lagi mong iniisip kung anong magiging pakiramdam kung magiging si Xu Jiamu ako, tama ba?" Hindi maitatanggi ni Lu Jinnian na sobra talaga ang selos na nararamdaman niya sa kanyang kapatid pagdating kay Qiao Anhao. Hanggat maari, gusto niya sanang kontrolin ang kanyang emosyon pero nang marinig niyang ikinumpara siya nito sa iba, hindi niya na napigilan at tuluyan na siyang sumabog. Hindi pa man din ito nakakapagsalita ay muli siyang nagpatuloy na halatang galit na galit, " Pero, Qiao Anhao. Ipapaalala ko lang sayo… Hindi ako magiging si Xu Jiamu kahit kailan!
"Dahil kay Xu Jiamu ka lang naman nagaalala, bakit hindi mo nalang siya puntahan!" Habang sinasabi ito ni Lu Jinnian, bigla siyang tumayo sa sofa at kinaladlad si Qiao Anhao palabas ng kanyang opisina.
Medyo napalakas ang pagkakatulak ni Lu Jinnian kaya natumba si Qiao Anhao. Huli na nang maibalanse niya ang kanyang sarili dahil nakasara na ang pintuan ng opisina. Napatingingin nalang siya sa nakasaradong pintuan at doon lang siya natauhan na dahil sa mga sinabi niya ay biglang nagalit si Lu Jinnian.
Wala naman talaga siyang intensyon na pagkumparahin sina Xu Jiamu at Lu Jinnian, pero hindi niyamatanggap ang katotohanan na inagaw ni Lu Jinnian ang Xu Enterprise. Magkapatid ang dalawa at alam niyang napakaganda ng ugnayan ng mga ito, kaya hindi niya maintindihan kung bakit nagawa 'yun ni Lu Jinnian. Paano nito nakayang balewalain ang lahat ng pinagsamahan nilang magkapatid ng ganun ganun nalang?
Nakita ni Qiao Anhao ang mga nangusisa mula sa kabilang department. Sa sobrang kahihiyan, yumuko nalang siya at naglakad pabalik sa opisina pero noong bubuksan niya na ang pintuan, napansin niya na nakalock ito kaya kumatok siya.
Halos kalahating minutong naghintay sa labas si Qiao Anhao pero walang sumasagot sakanya kaya naisipan niyang muling kumatok, pero noong nakataas na ang kamay niya, biglang binuksan ni Lu Jinnian ang pintuan.
"Lu Jinnian.." Masyado itong mabilis na naglakad papunta sa elevator at nilagpasan lang siya nito para bang wala siya doon.
Sinubukang habulin ni Qiao Anhao si Lu Jinnian habang nagpapaliwanag, "Mali ang iniisip mo, hindi kita kinukumpara kay Brother Jiamu. Ang gusto ko lang naman ay…"
Dahil may dinner date sila mamayang gabi, napagdesisyunan niyang magsuot ng sapatos na may ten centimeters na taas kaya hindi niya kayang maglakad ng mabilis para habulin si Lu Jinnian. Bago pa siya matapos sakanyang sinasabi ay nagdire-diretso na ito papasok sa elevator at noong sandaling papasok na rin sana siya, bigla namang nagsara ang pintuan at tuluyan na ngang nakababa si Lu Jinnian.
Paulit ulit niyang pinindot ang button ng elevator para mahabol niya si Lu Jinnian.
Pagkalabas niya ng elevator, nakita niya si Lu Jinnian na sumasakay na sa sasakyan nito kaya agad niya itong tinawag. Dahil hindi kinaya ng kanyang takong ang masyadong mabilis niyang pagktakbo, bigla siyang natapilok. Buti nalang may nakapitan siyang sasakyan kaya agad niya ring nabalanse ang kanyang katawan. Nang marinig niyang umandar na ang sasakyan ni Lu Jinnian, dali dali niyang binalewala ang masakit niyang binti para subukan itong habulin pero bigla itong kumaripas ng takbo.
Wala ng nagawa si Qiao Anhao at pinagmasdan niya nalang ang sasakyan ni Lu Jinnian hanggang sa tuluyan na itong makalabas ng parking lot. Bumalik siya sa elevator pero noong pipindutin niya na sana ang button nito, sakto namang nagring ang kanyang phone na nasa kanyang bulsa.