webnovel

Ang pinakamagandang pag-amin gamit ang hand signs (10)

Redakteur: LiberReverieGroup

Ang rason kung bakit siya nanalo ay dahil matapos niyang makipaglaro kay Lu Jinnian. Alam na niya ang lalabas: Papel, gunting, bato.

Hindi niya ito sinasadyang malaman tungkol sa crush niya na ganito ito. Tinago niya ang sikretong ito. ito ang maliit na sikretong alam niya.

pero 5 taon na ang lumipas. Ganito pa rin kaya ang paraan niya?

Hindi kumpiyansa si Qiao Anhao pero tinuloy niya ang "Gunting", at si Lu Jinnian ang "Papel". nanalo siya.

Sumunod ang "Rock", at si Lu Jinnian "Gunting" naman. nanalo siya ulit.

ang 3 naman ay "Papel", at si Lu Jinnian ang "Bato". nanalo lahat si Qiao Anhao.

mataposs ang maraming taon ganito pa rin ang laro niya?

Masaya ang puso ni Qiao Anhao.

"Talo ka Mr. Lu!" Naka ngiting sinabi ni Song Xiangsi. Tinuro niya ang 3 shot glass nasa lamesa. "Tatlong baso, inumin mo!"

Matapos nito sa harap ng maraming tao, "Everybody, Ano sa tingin niyo ang itanong natin kay Mr. Lu? Tara isip. Kung hindi masagot ni Mr. Lu. Anong parusa niya?"

Mahirap lapitan at mailap si Lu Jinnian. Kaya inamin nito ang pagkatalo. Tinaas niya ang baso at sa kisap mata inubos niya ang tatlong baso. Hindi niya ininda ang sugat niya sa likod.

Lahat ng tao sa kwarto ay gustong malaman ang dating history ni Lu Jinnian.

Marahil dahil naka inom na ang lahat kaya malakas ang loob nilao marahil matapos nila itong makasama sa laro… dahil sa tulong ng alak may nagtanong, "Mr. Lu, na gustuhan ka ba? Kailan mo siya na gustuhin?"

Nang matanong ito tumahimik ang buong kuwarto, maging sina Qiao Anhao, Qiao Anxia at Song Xiangsi na alam na may na gugustuhan si Lu Jinnian ay nakinig.

Marahil ay dahil sa nainom niyang 3 shot glass kaya medyo lasing na ito. Gumanda ang mukha nito na tila kumikinang ang mukha. Lalo itong naging gwapo bago nagsalita, "Una ko siyang na pansin ng nasa middle school ako 3rd year."

Nang una, na pansin niya lang ito. Una, pangalawa, pangatlo beses… Hanggang sa tinuon niya ang kanyang atensyon. Matapos naging pg-ibig ito na tahimik at walang kapalit na pag-ibig.

Ang mga salitang ito ang gusto niyang sabihin pero hindi niya magawa pero sa larong ito masasabi niya ang kanyang mensahe.

tulad ng paglalaro ng Bato, Papel, Gunting, Hindi niya nilaro ng sequence na "Papel, Gunting, Bato" sa iba. Sa kanya lang niya ito ginagamit.

Papel, Gunting, Bato.

5, 2, 0.

Ito ang binigay niya pinakamagandang pag-amin gamit ang hand signs.

Sayang lang hindi niya maiintindihan ang ibig sabihin nito.