webnovel

Group Activity

First ever group activity sa subject na Philosophy at ako lang ang nag-iisang AM shift last school year sa group na 'to. Uwian na namin at nagpa plano na kami para sa gagawin namin next meeting sa Philosophy.

"Hi Tagum~!"

Bati sakin ni Apo habang tinitignan na niya ako nang may ngiti sa mga labi niya at nagkakatipon-tipon na kaming magka kagrupo sa loob ng classroom namin. Ang cheerful naman ni Apo~

"Hi Apo~!"

Bati ko pabalik kay Apo habang tinitignan at nginingitian ko na rin siya. Ilang saglit pa ay lumapit na sakin si Enriquez at saka inakbayan na niya ako. Tangkad neto, ah. Uwa… nakakamiss rin palang akbayan ng tropa at ng iba ko pang kaibigan na ka close ko. Kaso hindi lahat ng akbay ay securing.

"Hi Tagum~!"

Bati naman sakin ni Enriquez habang naka akbay pa rin siya sakin at nginingitian na niya ako. Tinignan ko na siya at saka nginitian na rin pabalik.

"Hello."

Bati ko pabalik kay Enriquez habang tinitignan ko pa rin siya at nginingitian. Seryoso Yvonne, bakit ang hirap mong makipag kaibigan sa iba at bakit sobra kang mahiyain? Minsan nakakairita ka na rin, ha.

"Eto na, makinig na kayo, ha."

Sabi samin ni Apo habang kinukuha na niya ang atensyon naming groupmates niya. Inexplain na niya ang mga magiging roles namin at siya na raw bahala ang mag-explain. Taboo kasi ung group activity namin, eh. Tapos nang iexplain ni Apo ang mga gagawin namin kaya nagsi labasan na kami sa classroom. Sabay-sabay na rin kaming nagsi babaan sa hagdan galing 8th floor ng building namin.

"Tagum~! Ba't ka pala naging pang hapon ngayong school year?"

Tanong sakin ni Apo habang sinasabayan na niya ung pace ko sa pagbaba ng hagdan. Mabilis ko siyang tinignan at saka tinignan ko na ulit ung steps ng hagdan.

"Ah, nalate kasi ako ng pag-enroll, eh, kaya naging pang hapon na ako."

Sagot ko sa tanong sakin ni Apo habang nakangiti na ako at tinignan ko ulit siya. Napatango na lang siya at saka nagpatuloy na ulit kami sa pagbaba ng hagdan. Ilang saglit pa ay nilapitan na rin ako ni Bebe at saka sinabayan na rin ang pace namin ni Apo.

"Ginusto mo bang maging pang hapon ngayong school year, Tagum?"

Tanong sakin ni Bebe habang tinitignan na niya ako. Mabilis ko siyang nilingon at saka umiling bilang sagot sa tanong niya sakin.

"Nung una ayoko maging pang hapon, pero ngayon ano… nagugustuhan ko na rin siya."

Dagdag ko pa na sagot sa tanong sakin ni Bebe habang nginingitian na siya. Napatango na lang din siya at saka tahimik na kaming nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan, hanggang sa marating na namin ang first floor at naghiwa-hiwalay na kami.

~Next Meeting~

Hala! Sabi ni Apo sa group chat dapat before daw mag 10 andun na sa gazebo para makapag handa bago mag Philosophy, kaso 10:20 na wala pa rin ako dun sa school namin! Sana hindi siya magalit! Kasi naman bakit late pa ako nagising ngayon!? At bakit ang bagal kong kumilos kahit na pinipilit ko nang maging mabilis kilos ko!? Nakakainis naman! Pagdating ko sa gazebo, nakita ko na sila Apo, apat pa lang silang nandun na kagrupo ko. Uhm… okay… nag-alala ako para sa wala.

"Apo, nasan na ung iba?"

Tanong ko kay Apo nang makalapit na ako sa puwesto nila sa gazebo. Mabilis akong tinignan ni Apo at saka hinawakan na ang kamay ko.

"Hi Tagum~! Ano… ung iba nauna nang umakyat, tapos ung iba naman late pa."

Sagot ni Apo sa tanong ko sakaniya habang nakatingin pa rin siya sakin at hawak pa rin niya kamay ko. Tumango na lang ako sakaniya at saka inikot na ang tingin ko.

"Alam mo na ba ung gagawin mamaya?"

Tanong naman sakin ni Apo habang hawak pa rin niya ang kamay ko. Mabilis ko siyang tinignan, nginitian, hinimas ang batok ko at saka umiling bilang sagot sa tanong niya sakin. Natawa na lang sakin si Bea, na kaibigan ni Apo, sakin habang tinitignan lang ako. No! My self-esteem! Argh! It's ruined! Pinaupo na lang ako ni Apo sa tabi niya at saka sinimulan nang iexplain ung gagawin ko mamaya sa group activity namin. She's an angel sent from above! Buti na lang ka groupmate ko siya! Thank you so much universe!

"Kuha mo na, Tagum?"

Tanong sakin ni Apo matapos niyang iexplain ung gagawin ko. Nginitian ko na lang siya at saka tumango bilang sagot sa tanong niya sakin.

"Ay, oo nga pala. May nagsabi sakin na magaling ka raw magdrawing?"

Tanong pa sakin ni Apo habang nakatingin pa rin siya sakin. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ung tanong sakin ni Apo at saka tumawa ng mahina.

"Ano… marunong lang pero hindi magaling."

Sagot ko sa tanong sakin ni Apo habang nginingitian ko na ulit siya at tinitignan.

"Pwede ba ano… padrawing ako ng props natin para mamaya?"

Tanong ulit sakin ni Apo habang hawak pa rin niya ang kamay ko at tinitignan pa rin niya ako. Tumango na lang ako bilang sagot sa tanong niya sakin habang nginingitian ko pa rin siya. Binitawan na ni Apo ang kamay ko at saka kumuha na ng bond paper galing sa bag niya.

"Padrawing ako Tagum ng ano~ ung ano, ung mga glass vials na ginagamit sa mga science experiments."

Sabi sakin ni Apo nang maiabot na niya sakin ung bond paper. Tumango na lang ako sakaniya, kinuha na ung bond paper at saka nagsimula nang magdrawing. Habang nagdodrawing ako ay nagkekwentuhan na kami nila Apo at dumating na rin ang iba pa naming groupmates.

"Apo~! Ano nang gagawin natin mamaya sa Philo?"

Tanong ni Bebe kay Apo nang makalapit na siya sa puwesto namin sa gazebo. Inexplain na ni Apo kay Bebe ung role niya sa taboo at nung natapos na siyang mag-explain kay Bebe ay pinakulay na ni Apo sakaniya ung props na tapos ko nang idrawing. Nang matapos na naming kulayan ung dinrawing kong props namin ay nagsi akyatan na kami. Nung nakarating na kami sa classroom ay saktong pumasok na rin ung subject teacher namin sa Philosophy.

"Magsi upo na kayo by group mga dikya! Magsi simula na agad tayo!"

Sabi samin ng subject teacher namin sa Philosophy nung naglalakad na siya papalapit sa teacher's table habang kami namang mga magkakaklase ay nagsitayuan na at nagsi upuan na by group.

Nagsimula na ung first group na magpresent sa harapan, habang sila Apo ay nagkekwentuhan na sa harapan ko at ako naman ay patagong nagsecellphone. Buti na lang nakaupo ako sa pinakadulo. Hindi agad ako mahuhuli ng subject teacher namin hehehe.

"Enriquez, paheramin mo muna si Tagum ng polo mo."

Sabi ni Apo kay Enriquez habang tinitignan na niya kaming pareho dahil magkatabi lang kaming dalawa. Agad akong napatigil sa pagsecellphone ko at mabilis nang tinignan si Apo para pakinggan siya.

"Kelan na ba kailangan?"

Tanong ni Enriquez kay Apo habang tinitignan na niya ito. Tinignan ko na si Enriquez, mabilis na ibinalik ang tingin kay Apo at inintay na ang isasagot niya sa tanong nito sakaniya.

"Mamaya pa naman."

Sagot ni Apo sa tanong sakaniya ni Enriquez at saka tumingin na ulit sa harapan. Tumango na lang si Enriquez at saka nag cellphone na. At shempre nag cellphone na rin ulit ako.

Lumipas ang ilang minuto ay natapos nang magpresent ang first group. Nagsi upo na sila sakanilang puwesto at nagsitayuan naman ang second group para makapag present na rin. Bigla nang hinarap ni Apo si Enriquez at saka sinenyasan na ito na ipaheram na sakin ung polo niya. Inalis na ni Enriquez ung pagkakabutones ng polo niya, hinubad na niya ito at saka ibinigay na sakin. Buti may suot 'tong t-shirt sa ilalim ng polo niya.

Isinuot ko na rin ung polo niya pagka bigay niya sakin. Grabe! Maniniwala ba kayo na maluwag pa sakin ung polo niya kahit na chubby katawan ko at payat naman siya? Kase ako hindi makapaniwala! Kala mo dress na kasi ang haba! Kamuntikan na nga umabot sa tuhod ko, eh! O sadyang maliit lang talaga height ko?

Nung natapos na ung second group ay nagsitayuan na kami nila Apo, Bebe, Enriquez, Abeleda at ng iba pa naming groupmates at nagsi puntahan na sa harapan para magpresent. Tapos na naming gawin ung first at second taboo namin. Sa third taboo namin… ako ang nasa gitna dahil ako raw ung scientist. I really hate being the center of attention. Nilagay na namin ung props ko sa teacher's table, hinawakan ko na ung dalawang glass vials na dinrawing ko at saka nag pose na na parang naghahalo na ng chemicals.

Ineexplain na ni Apo ung ginagawa ko at hindi ko mapigilang ikutin ung paningin ko. Habang iniikot ko paningin ko, nakita ko si Jervien na nakaupo sa first row at nakatingin sakin. N-naka… n-nakatingin s-sakin? S-seryoso b-ba? Ahh! P!#@$%#$$ naman, oh! Ba't ako kinabahan bigla?! Potek, nanginginig at pinagpapawisan na ung kamay ko! Agad kong iniwas tingin ko sakaniya at tinignan ko na lang ung sahig. Kelan kaya matatapos explanation ni Apo? Gusto ko na pong umupo! Dahan-dahan akong tumingin ulit kay Jervien at nakitang hindi pa rin niya inaalis tingin niya sakin.

"Okay. Pwede na kayong maupo. Last Group!"

Sabi ng subject teacher namin saming magka kagrupo. Kinuha na namin ni Apo ung props na ginamit ko sa teacher's table at saka naglakad na pabalik sa puwesto namin. Nang mailapag ko na ung props namin sa armchair, hinubad ko na ung polo ni Enriquez, binigay ko na un sakaniya at saka naupo na sa kinauupuan ko kanina. Uhm… t-totoo ba u-ung nangyari k-kanina? Kasi kung oo… hindi ako makapaniwala.

~What would you do if your crush gave you their attention?~

Hello po~!! Please vote and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ito, may iba pa po akong works: "Love Yourself: Wonder", BTS Fan-Fic po siya; at "Runaway With Me", Fantasy naman po siya. Sana po magustuhan niyo!! Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

THIS IS BASED ON A TRUE STORY.

iboni007creators' thoughts