webnovel

BORN EAGLE

aa

RILL_CRUZ · Andere
Zu wenig Bewertungen
4 Chs

chapter 1 ang pagkamatay ni antonio delacruz

ang kwentong ito ay may mga karakter na may ibat ibang dayalekto o lengwahe na mas minabuti ko na lamang na isalin sa salitang tagalog upang mas maintindihan ng marami

sa buhay may mga bagay na hindi mo pa alam pero kailangan mong malaman o alamin.

kung minsan naman ay may mga bagay na iniisip mo na sana ay hindi mo nalang pala dapat nalaman o natuklasan..dahil kung minsan.. ang katutuhanan ay ang syang maglalagay sayo sa kapahamakan.. katutuhanang magpapalaya o magpapatahimik sa marami.. katutuhanang..sisindi sa metya ng buhay ng iba..

-SA BANSANG PILIPINAS-

ika labing dalawa ng hunyo..maganda ang sikat ng araw.. magandang pagkakataon para sa araw ng lunes upang isagawa ang seremonya ng pagbibigay pugay sa watawat ng pilipinas at ipagdiwang ang araw ng kalayaan.

mula sa unahan ay mapapansin mo mula sa malacañang ang pangulo ng pilipinas habang katabi ang mga taong may malalaking pangalan mula sa loob at labas ng bansa pilipinas.

mga taong malaki ang naiambag at naitulong sa ibat ibang panig bansa.. mga taong tinitingala, hinahangaan at kinaiingitan ng marami.

mula sa paligid ng naturang lugar na iyon ay mapapansin mo ang mga nagkalat na mga pulis at miletar.. para narin sa kaligtasan ng mga mahahalagang taong nasa loob ng malacañang.. at para narin sa sekyuridan ng buong lugar..sakaling may mangyaring hindi inaasahan..mula doon ay tahimik na nagmamatyag habang naka sibilyan si antonio dela cruz ang isa sa pinakamagaling na secrert agent na pinakakatiwalan ng buong kamaynilaan.. nang mga araw iyon ay binigyan ng tatlong araw na liban si antonio bagay na hindi nya maintindihan..alam nyang iplinano o sinadya na bigyan sya ng liban.dahilan kung bakit palihin na nagmatyag antonio sa naturang lugar.

sa ika-sampo ng umaga natapos ng ligtas at tahimik ang naturang pagdiriwang.. at mula nga sa malacañang ay kaagad ngang umalis ang mga importanteng bisita na inimbinta ng pangulo ng pilipinas.

sa pagalis ng mga importanteng tao habang nakasakay sa pribadong sasakyan ay nakapaligid sa kanilang ang napakadaming sasakyan lulan ng mga pulis.. habang nagbabantay sa kanila.. gayon din ay napakadaming pulis na nakasakay sa motorsiklo.. bagay na kanilang nakagwian gawin upang siguraduhing ligtas at hindi mapapahamak ang mga importanteng tao naroroon.

ilang oras lang ang lumipas ay naihatid na nga ng mga pulis ang mga naturang bisita sa pambansang paliparan ng pilipinas at doon ay mabibigla sila at bubulaga sa kanila ang isang hindi magandang balita.