DANIELA'S POV:
Biglang umulan.
Laking gulat namin ng may mag salita sa likod namin at napatingin kaming apat dun.
Si Derick at Jerick.
Si Derick may hawak na palakol habang si Jerick naman ay may hawak na kutsilyo.
"Buti dumating kayo." Nakangiting sabi ni Sarah habang nalapit sya sa dalawa.
Pero laking gulat naming tatlo ng biglang saksakin ni Jerick si Sarah sa dibdib, hindi lang isang beses kundi tadtad na saksak, nagsiritan ang mga dugo dito sobrang daming dugo kaya naman napasigaw ako.
Natumba na si Sarah.
"Sinong isusunod ko?" Pagtatanong ni Jerick kay Derick.
"Bahala ka." Sagot naman ni Derick.
Agad nyang hinila si Marianne at pinagsasaksak din sa dibdib kagaya ng ginawa nya kay Sarah. Hindi ko alam ang gagawin hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan.
Parang pumapatay lang sila ng mga hayop. Nakakatakot para silang mga demonyo, kung ganito lang pala ang mangyayari sa bakasyon namin sana di na ako sumama pa.
Tatakbo na sana si Kyla pero sinabunutan sya ni Jerick at hinila at pinag sasaksak sa likod at nilaslas pa nito ang leeg ni Kyla, hanggang sa natumba na si Kyla at papalapit na sakin si Jerick.
Katapusan ko na.
*
*
JUSTINE'S POV:
Nang umalan ng malakas nakakita agad kami ng kubo at sumilong dun, kasama ko ngayong sila Richard, Jane, Jenny, at Juvilyn.
Dito na kami mag papalipas ng gabi.
*
*
KATHLEEN'S POV:
Nang medyo naimulat ko na ang mga mata ko nasilaw ako sa araw.
Umaga na.
Nasa loob parin kami ng van at hindi ko agad namalayang nakapatong na pala ako kay Aaron.
Tiningnan ko ang mukha ni Aaron at may sugat sya sa mukha.
"Aaron gising." Ginigising ko sya habang inaalog at agad naman syang nagising.
"Are you okay?" Agad nyang pagtatanong ng magising sya.
"Oo." Tipid kong sagot sa kanya.
"Ikaw okay ka lang?" Pagtatanong ko pa.
"Oo okay lang ako." Sagot nya sa tanong ko.
"Pero may sugat ka sa mukha." Nag aalalang sabi ko sa kanya.
"It's ok, maliit lang yan." Sabi naman nya sakin.
"Guuuyyyss gising na!!" Pag gigising ni Aaron sa mga kasamahan namin habang hinahampas nya ang bintanang nasa ibabaw namin nakatagilid kasi ang van.
Medyo nawala ang sakit ng katawan ko pero yung binti ko masakit.
Napansin ko namang nag sigising na sila.
"Kathleen mauna ka nang lumabas." Sabi sakin ni Aaron at tumango naman ako.
Binuksan nya ang bintana at dun ako lumabas. Pagkalabas ko nakita ko agad ang katawan ng babaeng nabangga namin kagabi pero habang nalabas ako namumukhaan ko sya, si Jasmine.
Lumabas na din sila Vincent, Ezekiel, Cyrus, Andrea, Aubrey, Alexandra at Aaron.
Si Lorence lang ang hindi, ibig sabihin patay na sya dahil sa blood lost kung naagapan pa sana sya buhay pa sya.
"Si Jasmine yun diba?" Ani Aubrey.
"Oo." Tipid kong sagot.
"Guuuyyyss tulungan nyo kong itayo ang van!" Sigaw ni Vincent.
Agad nagtulungang itinayo nila Vincent, Ezekiel, Cyrus at Aaron, pero bigo sila kaya tumulong na kami ni Andrea.
At nagawa naman naming itayo iyon, basag na ang mga salamin sa kaliwa dahil sa pagkatumba nito.
Inilabas nila ang katawan ni Lorence sa sasakyan at inilagay sa tabi.
*
*
JUSTINE'S POV:
Nang magising kami ay naglakad lakad ulit kami.
"Tingnan nyo may mga nakahiga dun oh!" Sambit ni Jenny.
Agad naman syang tumakbo papunta dun.
"Aaaaaaaaahhhhhh!" Malakas na sigaw ni Jenny.
Malakas na sigaw nya at napaupo sya, agad kaming lumapit dun at nakita namin si Mike at Kurt.
Patay na.
Totoo kaya yung mga nakita namin oh panaginip lang?
"Aaaaarrrrggggghhhaaah tu-tu-lungan ny-nyo k-ko." Agad kaming napa lingon sa likod at nakita namin si Jane at Jerick.
Sinasakal nya ng alambre sa leeg si Jane, nag sisiritan ang mga dugo nito sa leeg at may lumalabas na ding dugo sa bunganga nya.
Nang hindi na nagpupumiglas si Jane, binitawan nya na to.
"Good morning." Nakangising pagbabati samin ni Jerick.
"Ahh!!" Napatingin naman kami sa likod dahil sa malakas na pag daing ni Jenny.
Tinaga sya sa likod ni Brandon, hindi lang isang beses kundi pinagtatadtad nya ng taga at nag agusan dun ang dugo ni Jenny.
"Maghanda na kayo, kayo na ang sunod." Nakangising pagsasabi samin ni Jerick.
Tatakbo ba ako o hindi?
Anong gagawin ko?
Naguguluhan ako, sana panaginip na lang ang lahat.