webnovel

BLANK (Bookstore Deities 2, Taglish)

Pymi, the messenger of the bookstore deities has found a perfect target to be played and given a curse in disguise through powerful items. Arwin and Aderson Dela Vega have lived their life wasting every damn paper and putting little value on whatever they have. Now, they have angered the Goddess of papers, the scratch queen, Ppela. Taste the wrath of someone who has been disregarded, ignored, and made feel unworthy.

hanarilee · Urban
Zu wenig Bewertungen
34 Chs

Scratch 22

Maraming naikukubli ang dilim. Kagaya nalang ng presensya ng ibang nilalang sa audio room kanina. Lingid sa kaalaman nina Charity, Charlotte, at Sigmund, may mga chismosong nagmamatyag sa kanila sa madilim na likod ng audio room, nakasilip sa bintana, napapaligiran ng mga patapon na wires at microphone.

Sinundan ng dalawang itlog si Charlotte matapos nilang marinig ang sigaw nito ng paghahanap ng flashlight. Nagkukumahog si Charlotte na ibig sabihin, mayroong importanteng bagay o sikreto siyang kailangang protektahan. Kaya sinundan nila para malaman kung ano ito.

Kanina pa nila naririnig ang usapan ng tatlo. Muntik pang matawa si Ark. Mabuti nalang ay tinakpan ni Andy ang kanyang bibig. Kung hindi, ay mabibisto sila. Hindi maaari, dahil may balak pa sila.

*Dugsh* Lumagabog ang natabig na upuan ni Ark.

"Huhu. Ano yun?" natatakot na saad ni Charlotte.

"Wag ka mag-isip ng kung ano dyan. Nahulog lang siguro yung mic o wire. Ewan," paliwanag ni Charity.

Dahil sa paliwanag ni Elisse, hinayaan nalang nila ang ingay na iyon. Ilang segundo matapos yon ay nanumbalik rin ang kuryente kaya nagsibalikan na rin ang lahat sa practice na parang walang nangyari.

"MGA HANGAL! Bakit kayo lang apat ang nandyan? Di'ba anim kayo? Kulang kayo ng dalawa! Asan sila?" nanggagalaiting sigaw na naman ni ginoong Bonnie sa mga gumaganap na espanyol. Kulang ang nambubugbog kaya hindi makaarte ang ibang mga gumaganap na Pilipino. Paano sila aarte na nasasaktan kung wala namang nananakit sa kanila?

"Hindi namin alam sir," kiming sagot ni Franco.

"Basta nalang po nawala sina Andy at Ark pagbalik ng kuryente."

Nagkatinginan ang kambal na ngayo'y nagtatago sa likod ng audioroom. "Ako mauuna. Sunod ka," bulong ni Andy. Tumango naman si Ark.

Tahimik na lumabas si Andy. Nakayuko siyang naglakad patungo sa likod ng bleachers kung saan banda ang C.R. at pagkatapos ay dumiretso sa stage. "Sorry sir. Nag CR lang ako."

"ASAN ANG INUTIL NA SI ARK?" Nanlilisik ang kanyang mata pati na rin ang kanyang ilong na mukhang handa na magbuga ng malakas na apoy.

Tatawa-tawang nagdahilan si Andy. "Wait lang daw sir. Tumae pa daw kasi siya. Hahaha."

"Punyetang mga tae yan. FROM THE TOP!"

-*-*-*-*-

Nagsimulang sakitan ng tyan si Charity. Gayunpaman, ayaw niyang maistorbo ang pag-eensayo. Hindi siya maaring magbreak dahil tuloy-tuloy ang pagpapatugtog ng musika at sounds kaya tiniis na lang niya ang paghilab ng tyan. Parang may tumutusok, dahilan para hirap siyang makatayo nang tuwid.

May nakain yata siyang--- oo nga pala. Bawal siya sa frozen foods.

Kung ganon, frozen siomai ang kanyang nabili. Mga tira-tira na hindi nabenta kahapon at pagkatapos ay ininit lamang pagkaumaga saka ibinenta ulit.

Pero, nakita niya mismong niluto yung siomai. Nakapagtataka.

Napatingin sa kanyang wristwatch si Sir Bonnie. Alas otso na pala ng gabi. Magsasara na ang eskwelahan at tiyak na paaalisin na sila ng roving guards. "Okay. Dismissed na kayo. Umuwi kayo kaagad at wag nang gumala pa. Okay?"

"Yes, sir."

Dali-daling tumakbo si Charity papunta sa Comfort Room ng gym. Nabubwisit man sa mabantot na amoy, pero wala siyang oras para magreklamo.

Ang importante sa ngayo'y mailabas niya ang dapat na mailabas, dahil kung hindi, mas lalala ang sakit ng kanyang tiyan at baka maisugod pa siya sa ospital.

Labinglimang minutos yata ang itinagal ng kanyang paghihirap sa C. R. Pagkalabas niya'y, nakaalis na ang lahat maliban sa kanya at kay Sigmund na kasalukuyang busy sa pagpulot ng mga basura.

"Plano mo bang linisan ang buong school?"

"Ah. Hindi naman. Naisip ko lang kasi na maglinis ob a tayo naman ang gumamit ng gym. Bastos naman kung iiwan lang nating marumi para sa susunod na gagamit."

"Tss. Nagkalat ka ba?"

"Hindi. Lahat ng kalat ko, nasa bag o bulsa."

"Hindi naman pala eh. Inutusan ka nanaman ba?"

"Hindi. Wala lang. Naisip ko lang."

"Bahala ka."

Pinatay ni Charity ang speakers, at iniligpit ang kanyang laptop bago bumaba. Isinukbit niya ang kanyang laptop bag sa kanyang likod at nagsimula nang maglakad sana paalis. "Hoy, alis na'ko!"

"Ha? Okay. Mauna ka nalang, Cha," pasigaw na sagot niya saka pinulot ang mga tissue paper at paperplates na may sauce pa ng siomai.

Napatingin si Charity sa mga kalat. Marami pa. Nakakainis. Kung hindi lang sana dahil sa mga basurang ito, ay hindi. Mali. Kung hindi lang sana sa sobrang kabaitan ni Sigmund, edi sana makakauwi na siya.

But wait. Sino bang pumilit sa kanya na sumabay kay Sigmund? Wala naman di'ba?

"Tsk. Alam mo, nakakabwisit ka," reklamo niya habang sinisimulan niyang mamulot na rin. Kinukuha niya lahat ng kalat na pupulutin ob ai Sigmund. Mabilis ang kanyang kilos, padabog pa kung mamulot. Kulang nalang pagalitan niya ang mga kalat.

Nakangiting pinagmamasdan nalang ni Sigmund si Charity.

"Oh ayan. Tapos na," nakasimangot na tumayo si Charity mula sa pagkakayuko. "A-aray." Napahawak siya sa kanyang likod. Masakit yumuko.

Totoo pala ang sabi ng isang kanta: Magtanim ay di biro; Maghapong nakayuko, di naman makatayo.

Ibinigay si Sigmund ang Salonpas na kinuha niya sa kanyang bag. "Oh."

"Wag na. Okay lang ako. Ba't ka may dala niyan? Dala mo ba buong bahay niyo? "

Natawa si Sigmund. "Hindi ah! Grabe ka. Naisip ko kasi na magagamit yan sa future."

"Dami mong satsat. Tara na, kung ayaw mong masaraduhan," sabi ni Charity habang nakangising naglalakad palabas ng gate ng gym.

Kinapa niya ang nakatagong mansanas sa kanyang bulsa. "Charity...." Pokerface na nakatingin lang si Charity sa harap. "May ibibigay ako sa'yo."

Kumunot ang noo ni Charity. Napatingin siya kay Sigmund. "Ano?" Ngitian siya ni Sigmund bago inilabas ang tinatagong mansanas sabay sabing: "Para sa'yo yan."

"Bakit?"

"Ayaw mo ba? Akala ko pa naman, paborito mo 'to." Nahulog ang balikat ni Sigmund.

"Aish! Wag ka magpout! Hindi ka cute. Akin na nga yan." Kinuha ni Charity ang mansanas sa nakababang kamay ni Sigmund.

"Talaga? Yehey!"

Lihim na napangiti si Charity. Ang cute ni Sigmund. "Paano mo nalaman na paborito ko 'to?"

"Ah, hehe." Kiming tawa at kamot ng batok nalang ang naisagot niya. Hindi niya masabi na tinanong niya kay Charlotte ang paboritong pagkain ni Charity as a thank you gift. Baka kasi.... Isipin niya na may crush siya sa kanya. O baka macreep-out at iwasan siya nito.

Hindi niya yun gustong mangyari. Gusto niyang kasama at kausap si Elisse kahit pa sabihin nating masyadong seryoso at bato ang panlabas na akto. Para sa kanya, si Elisse ay mabait na tao. Sa ibang paraan niya nga lang pinapakita.

"Stalker ka—"

Kasabay ng biglang pagkamatay ng lahat ng ilaw sa alley, ay ang panginginig at paninigas niya sa kinatatayuan.

Para bang hinigop ang kanyang lakas at ngayo'y takot ang namayani. Napaupo siya habang tahimik na tumutulo ang luha, pinipilit na labanan ang takot na nadarama.

Pinipilit niyang labanan ang dilim.

Pinipilit niyang patahimikin ang mga boses at imahe ng nakaraan na nagmumulto sa dilim.

ANNYEONG! Hahaha. First time ko magsulat ng story na may halong kaunting romance. Okay ba? Sino ship niyo dito? Choose your ship:

Team Sharry and Julian- ShaLian

Team Charlotte and Sigmund- CharMund

Team Charity and Sigmund-Sigrity

Team Brianna and Franco-BriCo

Team Charity and Franco- ChaCo

Sorry kung corny! Hahaha. Ako gumawa niyan eh, may angal ka? Charot. Suggest kayo ng pwedeng ipalit. Lol XD.

hanarileecreators' thoughts