webnovel

CHAPTER 3 ( ELENIE DELA CRUZ)

Elenie Dela Cruz

Dec 6 2022 4:00 pm

( Tinagong Beach Resort room 27)

Ilang Oras lamang Ang lumipas naging tahimik at kalma Ang room 27 sa Sala kung saan Sila nagkasiyahan ay nakaupo sa gitna si Mr Fuentes habang sa kanyang harapan Naman  ay Ang Isang solo upunan na uupuan nila Jane,Trina, Jaica, Elenie at Rian doon ay maingat  na magbibigay ng mga katanungan si Mr Fuentes ukol  sa lahat namag nangyari ng mga pahanong iyon  at Ang katotohanan  bang inaasam nila ay  malalaman base sa kanilang mga sakaysay.

" Kamusta miss Elenie Dela Cruz maupo Ka" wika ni Mr Fuentes bago umupo si Elenie. " Bilang Ikaw Ang aking unang tatanungin.. gusto ko lamang ipaalam saiyo na ang lahat Ang magiging salaysay mo ngayon ay nakarecord..Maasahan ko ba na lahat na iyong isasalaysay ay pawang katutuhanan lamang" Wika ni Mr Fuentes. " Lahat.. Wala akong itatago.. lahat ng impormasyon na gusto mong malaman sasabihin ko" sagot ni Elenie. " Magaling Kong ganoon..
Miss Elenie maari mo bang isalaysay saakin Ang lahat nang nangyari.. Mula ng mga Oras na dumating kayo Hanggang makauwe kayo.. maari kanang magsimulan" wika ni Mr Fuentes.

" Sa pag kakaalam ko.. mga 2:30 ng hapon kami dumating Dito ni Jaica matapos iyon hinatid na kami ng mga staff sa room 27.. pag dating Namin doon agad akong nagpahinga sa kwarto Namin ni jaica  Bali nagdeside nalang kami ni Jaica na kami nalang Ang magtatabi sa kwarto. Mga bandang 3:30 ginising na ako ni  Jaica..paglabas ko ng kwarto nandoon na Sila Trina , Julia at Rian.. kaya nag handa na kami at magbihis at pumunta na sa beach.   parang ng mga around 4:00pm Nung nasa beach na kami tyaka lamang
Dumating si Jane.. matapos iyon kumain na kami kaagad at nag inuman na sa beach..nag laro pa nga kami ng do or shot.. nakakahiya nga doon ay nasabi ko Ang isa sa mga sekreto ko... matapos iyon  natatandaan ko na nagkatuwaan kami na kumuha ng mangga.. nakakapagod iyon subrang..kaya bumalik na kami ng kwarto ng Bandang alas otso para mag bihis. At para ipagpatuloy Ang kasiyahan Namin.. natatandaan ko.. halos boses nalang ni Rian Ang maririnig ko sa karaoke ayaw nya ngang ibigay Ang mic kahit kanino...si Jaica naman at Trina ay Walang humpay sa pagsayaw..teka... tama.. napansin ko si Jane na abala sa kanyang cellphone ni ayaw nya nga bitawan Ang cellphone nya.. nanay nya raw ata Ang kausap nya... tapos nakita Namin si Julia na galing sa CR kaliligo nya lang noon.. grabe kahit kaliligo nya lang mga sandaling iyon ay maamoy mo parin sa kanya Ang matapang na amoy ng whisky..marahil ay naparami agad Ang kanyang naium. Ayaw nya kasing gawin yong mga inuutos Namin sa larong Do or shot kaya siguro nalasing sya kaagad.. sa larong kasing iyon kailangan mong inumin Ang Isang shot ng tequila kung ayaw mong gawin Ang inuutos sayo.. pero Kilala ko Ang  kapasedad ni Julia pag dating sa inuman..Hindi sya Ang klase ng tao na madaling malasing o baka nagkataon lang. Kaya siguro nasukahan nya si Jane nang inalok sya ni nito na uminum ng beer.. bakas sa mukhang ni Jane Ang pag Ka dismaya ng masukahan sya ni Julia kaya sinabihan ko na lamang sya na maglinis nalang sa CR at hayaan nalang si Julia.
Matapos lamang Ang Isang Oras nagulat kami kase tumayo si Julia.. pinatay nya ung karaoke.. tapos.. doon na sya nag simulang magsalita ng kung  ano ano.. dahil narin siguro sa kalasingan nya kaya nya iyon nasabi. Kaya sinubukan na lamang  Namin syang pakalmahin.. nagpasalamat pa nga ako sa kanya dahil sa pagpapatira nya saakin sa condo ng boyfriend nya.. Hanggang sa naging maayos uli Ang lahat.. nalalala ko.. susubukan ko pa sanang tumawag sa landline para  sana omorder ng pagkain or sabaw pero naisip ko na baka  hindi Rin kami magkarinigan ng receptionist dahil nga maingay kami. Kaya ako nalang Ang pumunta sa lobby kaso sarado na Ang lobby ng mga Oras na iyon. natatandaan ko bago ako lumabas.. kausap pa ni Rian si Jaica.. tinatanong sya ni Rian kung bakit sya labas ng labas ng gabing iyon.. sabi Naman ni Jaica maya't Maya raw kase syang naiihi.. pero hinayaan ko nalang sila. Naramdaman ko na Rin kase sa sarili ko na medyo nalalasing na ako kaya naglakad lakad nalang muna ako sa labas para mag pagpahangin..  sa pagkakalam ko around 11:30pm ata iyon. pagkatapos noon kaagad na akong  bumalik sa kwarto.. Nakita pa nga ako ni Jaica noong bumalik ako sa kwarto tinanong nya pa nga ako kung saan ako galing. then after noon bumalik na kami ulit  sa loob at inuman.
Nang mag hahating Gabi na doon na Namin napansin si Julia na umiiyak..  marami syang sinasabi ng mga Oras na iyon parang namamaalam na sya.. sinusubukan ko syang pakalmahin ng mga Oras na iyon dahil nagiba bigla Ang mood nyan.. bigla nalang syang nagalit saamin lahat at inaway kami.. pagod na raw syang mag kunyari..at dahil narin sa kalasingan naming lahat.. dahil sa mga masasakit nyang sinabi saamin di na Namin napigilan Ang mga sarili Namin na patulan sya.. at nag kasagutan nga kami... Doon sinumbat nya saakin ung pagpapatira nya saakin sa condo ng boyfriend nya.. kaya sinabi ko na Rin sa Kanya lahat ng hinanaing kosa kanya. pag katapos noon pumunta sya kaagad sa kwarto.. agad Naman syang sinundan ni Jane at sabi ni Jane na sya nalang Ang bahalang magpakalma Kay Julia . Pagkatos bandang ala una ng madaling araw sumigaw si Jane doon na Namin nalaman na nagpumilit si Julia na umalis at Mula sa balcony Nakita Namin sya na humaharorot gamit Ang kanyang sasakyan. Ilang beses Namin syang sinabihan at pinigilan na wag nag umalis dahil delikado sa kanya.. pero di sya nakinig.. hanggang iyon nga nabalitaan nalang namin kinabukasan Ang nangyari sa kanya" paliwanag ni Elenie. "