Chapter 1: Entrance
Astre's Point Of View
Nakatingin lang ako sa kanya habang putak sya ng putak sa harapan ko. Dinaig nya pa ang ang babae. Ang dami pa namang estudyante sa paligid namin. Hindi ba sya nahihiya sa mga inaasta nya?
"Nakuha mo ba,Astre?" Tanong nito.
Tumango nalang ako kahit wala 'kong naintindihan sa mga sinabi nya. Sa bilis ba naman ng pag-sasalita nya at sa mga bulungan sa paligid,wala talaga 'kong maiintindihan.
"Mixie,baby!" Sigaw nito. Napatingin ako sa'king likod kung saan palapit sa'min si Mixie,ang babaeng nililigawan ko.
Hindi ko napigilang mapangiti ng mag-tama ang mata namin. Ilang buwan ko na syang nililigawan at unting panahon nalang ay sasagutin nya na 'ko. Yun ang pangako nya sa'kin,kaya handa 'kong mag-antay.
"Hi baby." Bati ni Mixie kasabay ng pag-halik nito kay Bryan. "How are you? Tsaka,anong meron dito?"
"Nabalitaan ko kasi na nagde-date daw ka'yo nito ni Astre at matagal ka na n'yang nililigawan,is it true?" Sabay silang napatingin sa'kin.
"No baby,i don't even know him." Sabay turo sa'kin. "Kaya 'wag kang maniwala sa mga sinasabi nila."
"Good to know na hindi totoo ang lahat,baka kung ano pang gawin ko kay Astre kapag nalaman kong dine-date mo sya."
"No worries baby,ikaw lang ang mahal ko." Muli nitong hinalikan si Bryan.
Dahan-dahang nag-sink in sa utak ko lahat ng sinabi ni Mixie. Talaga bang dineny ni Mixie na nagde-date na kami at nililigawan ko sya? Pag-katapos lahat ng mga ginawa ko,isang bagsakan lang lahat ng 'yun?
Ang masakit pa,boyfriend na nya si Bryan habang nagde-date kami. Hindi ko maiwasang matawa. So totoo ngang ginagamit lang ako ni Mixie?
Buong campus alam na nagde-date kami ni Mixie kaya maraming nag-sasabi sa'kin na pinaglalaruan nya lang ako pero hindi ako naniniwala dahil alam kong sincere sa'kin si Mixie,pero ngayon lahat ng paniniwala ko nawala.
"Sorry Astre,hindi ko alam na rumor lang pala ang lahat." 'Ika ni Bryan.
Kusa nalang akong napangisi. Hindi lang pala ako ang nagmumukhang tanga rito. Ayokong umiyak sa harapan ni Mixie at mag-makaawa dahil hindi nya worth ang luha ko at ayokong mag-mukhang kawawa sa harap ng maraming tao.
"Ayos lang,actually kahit ako nagulat sa chismis about sa'min ni Mixie,but i just want to say na walang namamagitan sa'min." Bigkas ko habang nakatingin sa mga mata ni Mixie.
Masakit para sa'kin yung ginawa nya pero ayokong magpatapak at ayokong iparamdam sa kanya na nasasaktan ako. "I have to go,my girlfriend is here." 'Ika ko.
Kusang nag-lakad ang mga paa ko sa isang babae na nakatayo sa gilid. Hindi ko alam pero bigla ko nalang hinila ito papalapit sa'kin kasabay ng paghalik ko sa labi nito.
Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko ng maramdaman ko ang malambot na labi nito,hindi ito pumapagalag sa halik ko. Ilang segundo rin bago ako kumalas sa pagkahalik.
Ang kaninang maingay na paligid napalitan ng katahimikan,lahat ay nagulat sa ginawa ko.Napatingin ako kay Bryan at Mixie na gulat na gulat rin. Nginitian ko nalang si Mixie. Kung kaya nya 'kong saktan at pagmukaing tanga,kaya ko 'yong ibalik ng dalawang beses na mas malala sa kanya.
"Let's go,babe." Hinila ko yung babae papunta sa parking lot ng Campus.
"Let go of me." Malamig na bigkas nito. "Anong meron jan sa utak mo para gawin 'yun?" Iritang tanong nito. Inalis nito ang kamay ko sa kanyang braso. "Babe? I don't even know you? Gusto mo na bang mamatay ha?"
Mahinahon lang sya pero ang lakas ng black aura nya.
"Pwede nga ba? Pwede na bang mamatay na'ko ngayon?" Natatawa kong sabi.
Wala 'e,sobrang sakit. Sobrang sakit ng ginawa sa'kin ni Mixie kaya parang pinapatay ako ngayon. OA man,pero yun ang nararamdaman ko.
"Hoy,Mr. I don't know who the hell are you,ano ba kasing pumasok sa kokote mo at ginawa mo 'yun ha? Alam mo bang unang halik ko 'yun? Tas sa isang walang kwentang lalaki pa mapupunta ang unang halik ko?"
"Ayoko lang mapahiya sa harap ni Mixie,siguro gano'n na 'ko katanga para di malaman na pinaglalaruan nya na pala 'ko." Napatingin ako sa babae ng bigla itong tumawa ng malakas na 'kala mo wala ng bukas.
"Hay nako,ang co-corny nyo." Nilagay nito ang kanyang dalawang kamay sa kanyang batok. "Alam mo wala kang mapapala sa mga pag-ibig na yan,enjoyin mo ang buhay mo,'wag puro babae ang atupagin mo." Napatingin ako rito at kusa nalang tumaas ang kanang kilay ko.
"Kung makapagsalita ka parang alam mo ang nararamdaman ko."
"Sorry,pero hindi naman kasi tanga ang puso kaya hindi ko talaga mararamdam 'yang nararamdaman mo." Mag-sasalita pa sana ako ng biglang mag-bell. "Mauuna na'ko. " Naglakad ito palayo pero bago pa man sya makalayo muli itong lumingon sa'kin. "Hindi pa ta'yo tapos." Malamig na bigkas nito na ikinaatras ko. Tuluyan na itong naglakad.
Hahabulin ko pa sana sya para mag-pasalamat pero ang bilis nyang nag-laho.
Sana mag-kita pa ulit kami para mapasalamatan ko sya dahil tinulungan nya 'ko kaya hindi ako napahiya kanina.
I hope we can meet again.