webnovel

AXEL

ZHYLLIEN's POV

Nagpaalam sakin si Zeth na may pupuntahan pa muna sila ng mga kaibigan nya para sa research paper daw nila. Masyadong advance ang University na to kahit freshman palang may research na agad.

Well , what do you expect to my dad ? Magpapahuli ? Tch !

Sinukbit ko na ang bag ko at saka lalabas na sana ng biglang mag ring ang phone ko.

Abby is calling...

"Oh ?" sagot ko habang naglalakad sa hallway. Dumarami na rin ang mga estudyanteng nagsilabasan at ramdam ko ang namutawing takot nila habang napapadaan ako. Gaaad. Para akong multo nito , kinatatakutan.

"Hey Zhy. Let's hang out. It's been a while" aya nya sakin. Napakunot noo ako. She's in the US you know.

"Kailan ka pa nakauwi ?" I asks her. Bakit di ko manlang alam ?

"Haha kahapon lang" she said.

"May jetlag ka pa nyan tapos nag-aaya kang gumimik ? Gaga ka ba ?" nakangisi kong sabi sa kanya.

By the way Abby is my cousin from my mother's side. Kadalasan sa mga pinsan ko ay nasa labas ng bansa kaya medyo boring ang buhay ko dito.

"Ang dami mo pang sinasabi. Ano ? Sasama ka ba ?" tanong nya ulit.

"Tss. Syempre ! Kailan ba ako humindi ? Text me the location Abby. I need to hung up na" hindi ko na hinintay pa ang sagot nya saka ko pinatay ang tawag. Nasa quadrangle palang ako ng matanaw ko si Zeth kasama ang tatlo nyang mga kaibigan na hinarangan ng apat na lalake.

Tinignan ko lang muna sila , naghihintay kung kelan nya sasapakin ang kapatid ko.

Malapit sila sa library kung saan marami rami na rin ang mga estudyanteng nagsisilapitan para makiusyoso.

Gaaad. Students nowadays !

Kaya no choice ako kundi lumapit na rin ng bahagya pero hindi pa ako makikialam sa kanila.

Aalis na sana sa dinaraanan ko ang babaeng nasa unahan pero pinigilan ko sya. Nang sa ganun hindi ma divert nina Zeth ang atensyon sakin. Mahirap na. Yung away ng kapatid ko baka mapapasakin.

"You're older than us ! Why are you treating her like that ?" rinig kong sabi ng kapatid ko. Sino ang tinutukoy nya ?

Ah! There she is. Nakayuko sa lahat habang nakakalat ang mga gamit sa sahig. I hate seeing girls acting like shit. Yung tipong hindi sila lalaban kapag inaagrabyado na sila. Pathetic.

"Shut up ! Sino ka ba para magsabihan ako ha ?!" singhal ng lalakeng kaharap ni Zeth.

"I'll do what I want to do and I'll what I want to say" sagot ni Zeth. Kita ko namang napangisi ang lalakeng kaharap nya. Panget.

Nabigla ang lahat ng agad nyang kinwelyuhan si Zeth.

One...

Walang nagawa sina Ryan at Bryle kundi ang mapaatras. Dahil kung ikukumpara , ang liliit lang nila Zeth kumpara sa kapreng kaharap nila.

"Masyado kang matapang ! Bakit ? Dahil sa isa kang Halston ? At anak ka ng nagmamay-ari nitong University na to ? Ha !" singhal nya sa mismong mukha ni Zeth. Gad. Ayaw nyang may lumapit sa kanya ng ganyan.

Sa pagkakaalam nyo , mas maarter pa kesa sakin ang kapatid ko.

"Get off your filthy hands on me !" seryosong sabi ni Zeth.

Wala manlang nangahas na awatin sila. Kita kong mas hinigpitan pa ng lalake ang pagkakakwelyo niya kay Zeth.

Two...

Nasan ba ang mga bodyguards ni Zeth ? Tss mga walang kwenta.

"Guys awatin nyo na" rinig kong sabi ng babae di kalayuan sa kinatatayuan ko.

"Ayokong makialam Hanna. Ayokong mainvolve sa away lalong lalo na kapag may isang Halston na sangkot. Ayoko pang mamatay" seryosong sambit ng katabi nya. Ganun nalang ba kamakapangyarihan ang pamilya namin para matakot sila ng husto.

"Wala kang kwenta. Kahit pa Halston ang apelyido mo hinding hindi ako magdadalawang isip na saktan ka !" napatingin ulit ako sa lalakeng iyon. At isang malakas na suntok ang iginawad nya sa kapatid ko.

"Zeth !" sabay na usal nina Ryan at Bryle.

Three....

Akmang susuntukin nya pa ulit si Zeth na nakasalampak na sa sahig pero pasensya sya ... isang malakas na sipa ang iginawad ko sa mismong pagmumukha nya. Bull's eye ! At bago paman sya makatayo ulit isang malaks na suntok na naman ang ginawa ko para maging sanhi ng pagkakasalampak nya muli sa sahig. Tch ! Weak !

"Guys ! Tawagin nyo na si Mr. Fowler" natatakot na sabi ng isang lalakeng naka red na tshirt. Bakit ba hindi nakauniporme ang isang to. Gaya gaya sakin ..

Tatakbo na sana paalis ang sinabihan nya ng magsalita ako na ikinahinto nito.

"No one will leave or else ....." I said while smirking at nakatingin sa babaeng papaalis sana. Kaya nanginginig agad itong bumalik sa pwesto nya. Good girl.

Hinarap ko ulit ang kapreng nasa harapan ko.

"Quits !" nakangisi kong saad sa kanya.

"Oops ! I know it's my bad ! But I would never let you hurt my brother again asshole" sambit ko habang prenteng nakatingin sa kanya na bahagyang hinahawakan ang panga nya at labing dumudugo na.

"Ah kapatid mo pala ang walang binatbat na lalakeng yan ?" mayabang nyang sabi sakin.

"Yeap !" sagot ko habang walang ganang nakatingin sa kanya.

"Ha ! Pareho kayong mayabang !" singhal nya sakin.

"It runs in our blood asshole" nanunukso kong usal na ikinagalit nya. Why ? Did I say something ?

Aalis na sana sya ng higitin ko ang kwelyo ng uniporme nya na agad namang napaatras ang dalawang kasamahan nya.

"You know who I am. Hindi rin ako magdadalawang isip na saktan ka higit pa sa gagawin mo sa kapatid ko. I can do everything I want" bulong ko sa kanya at ramdam ko ang takot nya. Yan. Matakot ka. Saka malakas syang tinulak at nagsitakbuhan naman agad sila.

"The show is over" agad namang nagsialisan ang mga estudyante na kanina lang ay hindi na halos makagalaw sa kinatatayuan nila. Hinarap ko si Zeth na kasalukuyang pinupunasan ang labi nya.

"Tss ! did you forgot what I told you ?" nakakunot noong sabi ko sa kanya.

"Of course not ! I just really can't do anything in this situation" nakayukong sagot nya.

"Tss. Don't let it leave a bruise. Daddy might see that. You know him" paalala ko sa kanya. Zeth is like a treasure to dad. Kawawa ang pamilya ng lalakeng iyon pag nagkataon.

"I'll go ahead. Magkikita pa kami ni Abby" paalam ko kay Zeth na nakangiwi pa rin dahil sa sugat sa labi nya.

"Ate Abby ?" he asks. Tumango lang ako bilang pagtugon.

"Go home early Zeth besides ... you did a good fight" sabi ko at saka umalis na.

I'll just drive my car papunta sa location na sinabi ni Abby. Napatingin ako sa rear view mirror ko at saka nakita ang mga bodyguards kong nakasunod pa rin sakin. Gaaad ! Napangisi ako sa naisip ko , it's time to give them a thrill.

I turned off my phone at sa mismong location na matatrack nila sa kotse ko. Lumingon ulit ako sa likod at agad na pinaharurot ang sasakyan ko. Wala akong pakialam sa mga bumubusina saking mga sasakyan , kailangan ko silang iligaw para di na nila ulit ako masundan.

Nakangiti akong pumasok sa loob ng isang bar. Pagkapasok ko palang ay sumalubong sakin ang isang malakas at dumadagundong na musika gosh ! I miss this type of environment.

"Zhy !" napalingon agad ako sa tumawag sakin. Si Abby. Nakaupo sya sa isang stool at kausap ang gwapong bartender. Kahit kailan , malandi tong si Abby. Agad naman akong naglakad papunta sa kanya at saka inirapan sya ng makitang nakadalawang baso na pala sya.

"I miss you Zhy !!" masiglang bati nya sakin saka ako niyakap ng mahigpit.

"I can't breath Abby" reklamo ko at agad naman syang kumalas sa pagkakayakap.

"Here" abot nya sakin ng isang baso ng beer.

"How are you !" tanong nya sakin habang iniinom ko ang beer na bigay nya.

"Still the bitch you know" seryosong saad ko saka naman sya napatawa.

"As usual to Zhyllien Exie Halston" nakasmirk nyang sambit.

"How's tito Andrew and tita Michelle ?" pangungumusta ko sa mga magulang nya. Napairap naman agad sya ng marinig ito.

"As usual. Sumasakit ang ulo dahil sakin" nakangisi nyang usal. Oh well , pareho kaming spoiled brat at sakit sa ulo ng mga magulang namin. Nasa dugo na talaga siguro iyon.

"By the way Zhyllien , did you heard the news ?" seryosong tanong nya sakin na ikanakunot ng noo ko.

"About what ?" mabuti nalang din at nagkakarinigan kami dito despites the loud music on.

"Uuwi ng Pilipinas si Ethan next week" nag-aalala nyang sabi sakin. Ngumiti ako sa kanya.

"Good for him Abby" saad ko at saka nilagok ang beer.

That fuckin bastard.

"Wait. I need to go to the restroom" paalam ko sa kanya at saka tumango naman sya.

Nasan ba ang restroom dito takte. Palinga linga ako ng hindi ko namalayan na mabungga ang isang lalake. Shit.

"Ano ba !" singhal ko agad sa kanya.

"I'm sorry" usal nya at saka lalagpasan sana ako ng higitin ko ang braso nya. Nagtataka syang tinignan ako.

"What ?" kunot noong tanong nya.

"Is that all ? Yun lang ang sasabihin mo ? I mean yun lang ang gagawin mo ?" irita kong sabi sa kanya.

"What do you expect me to do ? Luluhod para matanggap mo ang sorry ko ? Tss !" galit nyang usal saka malakas na binawi ang braso nyang hinawakan ko.

What the fuck ?! Gusto ko lang namang ipapulot sa kanya ang phone kong nahulog dahil sa pagkakabungga. Inis kong pinulot ang phone ko at saka dumeretsong restroom.

AXEL's POV

Lumabas ako saglit para tawagan si Allysa. Nakababata kong kapatid. Masyadong maingay kasi sa loob.

"Hello kuya Axel ? Ba't ka napatawag ?" bungad na tanong sakin ni Allysa.

"Where are you ? Mom texted me na hindi ka pa raw umuwi and you're not answering your phone. Bakit hindi ka pa umuwi ? It's almost 6 pm Allysa" seryoso kong tanong sa kanya. I've been so protective to her since she's the only younger sister I have at babae pa.

"Pauwi na ako kuya. May tinapos lang kami dito sa library ng school , mga research papers namin" paliwanag nya sakin.

"Yun lang ba talaga ? Ayokong nag gigimik ka Allysa" paalala ko sa kanya.

"I am not kuya. Don't worry. Lagi kong tinatandaan mga pangaral mo. Bye. Pauwi na ako" paalam nya sakin saka pinatay ang tawag.

Bumalik na ako sa loob para balikan si Ivan ng mabangga ko ang babaeng kasalubong ko.

"Ano ba !" singhal agad nya sakin.

"I'm sorry" pagpapaumanhin ko sa kanya. Aalis na sana ako ng hinigit nya bigla ang braso ko at saka nagtataka akong tinginan sya.

"What ?" kunot noong tanong ko.

"Is that all ? Yun lang ang sasabihin mo ? I mean yun lang gagawin mo ?" iritadong sabi nya. What does she meant by that ?

"What do you expect me to do ? Luluhod para matanggap mo ang sorry ko ? Tss !" galit kong sambit saka malakas na binawi ang braso kong hinawakan nya.

Maganda sana .... pwera nalang sa ugali. Ganyan ang ugali ng isang tao kapag nasobrahan sa yaman.

"Oh anong nangyari dyan sa mukha mo ? Nakasimangot" natatawang tanong sakin ni Ivan na nakikipag inuman parin sa mga pinsan ko.

"Wala to" iritable kong sabi at saka uminom nalang rin. Ayokong masira ang mood ko ngayon.

Nahinto ang pag iinom ng lahat nang biglang may mahigit sa sampung mga bodyguards ang pumasok sa bar. Nakita ko ang logo na nasa mismong suot nila , ang logo ng Halston na letter H pero hindi ito basta bastang H lang , di ko mailarawan ng husto ang disenyo ng logong iyon.

Tingin ko ay may hinahanap sila dito sa loob.

"Diba mga bodyguards ng Halston yan ?" tanong sakin ni Ivan na akala ko ay lasing na.

"Bakit parang may hinahanap sila ? Hindi naman siguro mapapadpad sa ganitong lugar ang isa sa miyembro ng pamilya nila diba ?" mahabang tanong ni Mark , pinsan ko rin.

"Nasan si Young Lady ?!" napatayo ako sa kausap ng isa sa mga bodyguard ang babaeng nakaupo sa isang stool malapit sa bartender.

"I don't know what you're talking about. Hindi pa kami nagkikita ni Zhy !" maattitude nitong sagot.

"And please ! Don't grab me that easily !" galit nitong saad.

Mas lalong hinigpitan ng mismong bodyguard ang babaeng iyon.

"What the hell ! Baka nakakalimutan nyong pinsan ko Zhy !" sigaw nito pero hindi pa rin natinag ang lalakeng nakahawak ng mahigpit sa dress nya. Lalapitan ko na sana ito ng biglang may nagsalita di kalayuan.

"Hurt her or I'll kill you" nagsitayuan ang balahibo ko sa narinig hindi dahil sa sinabi nya , kundi dahil sa tono ng pananalita nya. Mababakas ang awtoridad nito.

"Zhy!" patakbong tinungo sya ng pinsan nya. Sya si Zhy !? Ang babaeng nakabangga ko kanina ?

"Bro ! Rinig mo yun ? Katacute" malanding sabi ni Ivan habang umaastang nangingilabot. Kahit kailan talaga.

Nabigla ang lahat pati ako , ng sabay sabay na magbow sa kanya ang mga bodyguards ng Halston.

"Young Lady Zhyllien , pinapasundo na po kayo ng daddy nyo. Nag alala na po sya kung nasaan kayo" seryosong sabi sa kanya ng isa sa mga bodyguard. Laglag ang panga kong nakatingin sa nangyayari. Young Lady ? Young Lady ? What the heck !

Sininghalan ko lang naman kanina ang isang anak ng Halston. Ang Young Lady na kinatatakutan ng karamihan. Ang sabi nilang Young Lady na hindi marunong gumalang at rumespeto.

"Tss ! Kailan pa nag-aalala sakin ang daddy ko ? Gosh ! What a hypocrite man !" walang mababakas na emosyon sa mga mata nya kundi ang galit at pagkamuhi.

"I'll go" saad nya at saka nagpatiunang lumabas ng bar.

"Shit. Nakita ko lang naman ang Young Lady ng Halston. Hindi ko aakalaing sa ganitong bar sya pumupunta" sambit ni Ivan na ngayon ay nakaupo na ulit. Pinatugtog na ulit ang musika.

Saka ko tinanaw mula sa bintana ang babaeng iyon. So sya ang tinatawag nilang Queen Bitch ? Mapa sa loob man ng University o mapalabas man ? Bago paman sya sumakay sa kotse nya ay lumingon sya sakin. Her eyes telling me something which gives me chills.