webnovel

A RANDOM DAY

ZHYLLIEN's POV

Seryoso akong naglakad papasok ng mansyon , kita kong nakaupo sina mommy at daddy sa mismong living room habang matamang nag-uusap.

Hindi ko sila pinansin at saka tuloy tuloy lang sana akong paakyat ng magsalita si dad.

"Hanggang kailan ka titigil sa pagrerebelde mo Zhyllien ?" seryoso at ramdam ko ang galit nyang pinipigilan nya lang.

Humarap ako sa kanila at nakita kong nakatingin na si dad sa gawi ko. Tahimik lang si mommy habang nakaupo sa sofa.

"I am not rebelling. Why would I ?" sagot ko sa kanya saka sinsalubong ang tingin nya. I want him to realize that this is not the Zhyllien they used to know.

"What's happening to you ? Simula nung bumalik ka dito sa mansyon ganyan na ang ugali mo !" ganun pa rin ang tono ng pananalita nya.

"Then asks yourselves ! Kayo ang dahilan kung bakit ako nagkaganito diba ? Why bother to ask me ?" walang modong sagot ko sa kanya. Simula nung dumating ako dito wala na kaming maayos na usapan ng pamilya ko.

Matalim na titig ang iginawad nya sakin. Tss. I am not afraid of that looks anymore. Hindi na ako yung batang isang titig nya lang titiklop na agad. Old habit !

"Zhyllien please. Stop it" my mom butted in. Andyan pala sya ? Tch !

"Stop telling me what I should do and what I shouldn't do. I can handle myself" sambit ko at saka umakyat na sa taas. Walang kwentang buhay to.

My phone beeps , it's Abby.

"How are you ? Are you okay ? Ha ? Zhyllien ?" mababakas ang pag alala sa tono ng pananalita nya.

"I'm fine Abby. Are you already home ?" I asked her. Iniwanan ko lang kasi sya kanina dun.

"Yeah. Kanina lang ako nakauwi. Pinagalitan ako haha" tss ! Napapatawa pa ang babaeng to.

"Quits bitch ! Haha" pareho kaming pinagalitan ng mga magulang namin.

I suddenly heard a knock on my door.

"I need to hung up first. Bye" paalam ko at saka binuksan ang pinto ng kwarto ko. I saw Zeth , habang may dalang tray ng pagkain.

"I know you will not go downstairs because of dad" inosente nyang sabi sakin. Pinapasok ko sya sa loob saka nya nilapag ang pagkaing dala sa mesa.

"How was your wound" tanong ko sa kanya. Kita ko kasing medyo namamaga ito.

"I was trying not to look dad all this time. I kept on avoiding his gaze" seryoso nyang saad. Alam rin nya kasi kung ano si dad pag may nasaktan samin. Yes. Sa aming dalawa. He still a dad that protects his children tho , pero sa hindi magandang paraan.

"Tss. Try to avoid getting involve in troubles again" paalala ko sa kanya.

"By the way how was the girl ?" tanong ko sa kanya.

Pansin kong medyo malalim ang buntonf hininga nya ng tanungin ko sya dito. Pero agad rin naman syang nagkibit-balikat lang saka humiga sa kama ko.

"That is one of the reason why I'm avoiding dad's gaze" napakunot noo ako sa sinabi nya.

"What do you mean by that ?" nagtataka kong tanong.

"I mean , kapag nalaman ni dad na nasangkot ako sa gulo he then ask if who are the persons involve. And I don't want to get that girl in danger" masyado syang seryoso ngayon.

And that is what I like the most about Zeth. The fact that he cares.

"By the way is that girl your classmate ?" I ask him. Nakatitig lang sya sa ceiling ng kwarto ko.

"Yeah. She's my classmate as well as my member in our group research" he uttered.

"I gotta go to bed. I'm sleepy already" paalam nya sakin.

"Hmm. Goodnight Zeth" sambit ko sa kanya.

Lumingon sya sakin at kita ko ang mapupungay na nyang mga mata. Ngumiti sya sakin.

"You're okay right ? Goodnight Exie" saka tuluyan na syang lumabas ng kwarto ko. Napabuntong hininga nalang ako dahil sa mga nangyayari sakin.

Maaga akong nagising kahit wala namang pasok ngayon takteeee. It's Saturday and I don't have any idea kung ano ang gagawin ko ngayon.

I get my phone and try calling Zeth. Oo , ganito ako katamad na kahit kaharap lang ng kwarto ko ang kwarto nya ay tatawagan ko pa.

"Hmmm ?" rinig kong sagot nya na halatang nakapikit pa.

"Mall tayo mamaya" aya ko sa kanya.

"I can't. I have many things to do. Bye !" napangiwi nalang ako habang nakatingin sa phone ko. Pabato ko itong tinapon sa side ng kama ko.

Bumangon nalang ako at saka naligo. I'll go on my own tho. Nagbow naman sakin ang mga kasambahay na nakakasalubong ko pagbaba ko agad. Maraming bodyguards pero mga walang silbi.

"Where are you going ?" tanong sakin ng mommy ko na nakabihis din.

"Why do you care ?" seryosong saad ko sa kanya.

"You can't go. Dahil may pupuntahan din tayo ng daddy at ng kapatid mo" napakunot noo ako sa sinabi nya.

Tinignan ko naman ang nakasimangot na Zeth pababa ng hagdan. Siguro ayaw nya ring pumunta sa pupuntahan nila.

"Ayokong sumama. Besides I have my own business" malditang sabi ko sa kanya. Saka lalabas na sana ako sa mansyon ng hinarangan ako ng limang bodyguards na nakatayo sa mismong pintuan namin.

What the heeeck !

"Move !" seryoso kong sabi habang nakatingin sa kanila.

But nobody dares to follow me.

"I said---"

"Zhyllien !" napahinto ako sa malakas na sigaw ng dad ko. I did not bother to look at him.

"When your mom's tells you not to leave , don't leave ! You're on your business again. Being a hardheaded brat !" sigaw nya sakin. Napa hiss ako sa sinabi nya.

"Then you should start asking yourselves why I'm being like this ! Besides , you made me like this so might as well deal with your hardheaded brat daughter...DAD !" sarkastiko kong sagot sa kanya saka sinuntok ng malakas ang mga nakaharang na bodyguards at dumeretso agad sa kotse ko.

Kita ko pa sa side mirror ko ang galit na galit na ekspresyon ni dad habang nakatanaw sakin.

"Oh ?" sagot ko sa tumawag sakin. It was Melanie , my classmate in Alyrith before.

"As usual sa isang Zhyllien ang ganyan ka walang kwentang sagot" alam kong napapairap sya sa mga oras nato.

"Tss. What do you need ?" I ask her.

"Wag mong sabihing nakalimutan mo ang birthday ko Zhyllien ?" may halong inis ang tono ng pananalita nya. Oo nga ! I forgot.

"Nakalimutan ko nga talaga. I'll be there in a minute" saad ko at saka pinatay ang tawag. I'm driving you know. Kahit pa ang tapang tapang ko sa ibang tao , takot pa rin naman akong mamatay.

It's been one block away bago ko marating ang village nila Melanie. Pinapasok naman agad ako ng guard , sinabihan na siguro sya ni Melanie.

Napaaga ata ako dahil wala pang tao sa bahay nila. 

"Zhyllien !" napalingon ako sa matinis na boses ni Melanie na tumawag sakin. Kakalabas lang nya sa bahay nila at saka nakangiting tumakbo palapit sakin.

"Gooosh ! I miss you so much !" sambit nya at saka niyakap ako.

"Melanie , pinabigay pala ni mommy---" napahinto sa pagsasalita ang lalakeng lumapit kay Melanie na may dalang isang tupperware na mango float ?

Sht. I'm craving.

"Oh Axel , para sakin ba yan ?" Melanie ask him at agad naman itong napatango ng wala sa sarili.

Bingo ! I know him. Sya yung lalakeng nakabunggoan ko nung nasa bar kami ni Abby. That bastard ! He's avoiding my gaze.

"Sige Malanie , aalis na ako" paalam nya without glancing at me. He ignored my presence !

"Sandali lang Axel !" huminto sya at saka lumingon ulit sa gawi namin. Ramdam kong hindi sya mapakali.

"I want you to meet my friend. This is Zhyllien" pagpapakilala nya sakin.

"And Zhyllien , this is Axel. Kapitbahay namin" nakangiting saad sakin ni Melanie. He extends his right hand to me. Pero tinitigan ko lang ito. I've no interest in shaking hands.

Siniko agad ako ni Melanie saka ngumuso sa kamay na nakalahad parin.

"You already know me Melanie. Hindi ako nakikipagshake hands to a random guy" seryosong sabi ko sa kanya. Saka naman agad na binawi nya ang kamayng nakalahad.

"I'll go. Ayoko rin namang makaharap ang ganyang klaseng tao" napakunot noo ako sa sinabi nya saka tinanaw lang syang papaalis.

What a rude guy !

"Ha ! Did you hear what he says huh ! Did you hear that ?" di makapaniwalang tanong ko kay Melanie.

A jerk !

"Ikaw naman kasi eh ba't mo naman kasi binastos yung tao" sagot nya sakin.

What ?!

"I can't believe you na mas nilalabanan mo yung lalakeng yun !" gaaad. This is my second time na tinrato nya ako ng ganito. I can't let it slide.

"No it's not what I meant. Okay ? Tara na nga gumala muna tayo. Mamayang gabi pa yung party. Napaaga ka masyado" sabi nya sakin saka umangkla sa braso ko.

AXEL's POV

"Kuya ? Ano ang sinisilip mo dyan ?" nagulat ako sa biglaang pagtatanong sakin ng kapatid ko na di ko manlang namalayan na nasa tabi ko na pala at nakisilip din.

"Ano ba ! Kailan ka pa naging chismosa ha Allysa ?" saway ko agad sa kanya.

"Sungit nito. Tinatanong lang eh" saka sya napangusong tumungo sa kusina. Sabado ngayon kaya nandito lang din sya sa bahay , maagang umalis si mommy dahil may pupuntahan pa daw siyang business na hindi ko rin naman alam.

"Hey son !" tumingin ako kay daddy na kabababa lang galing sa taas.

"Hey dad. Naibigay ko na kay Melanie yung mango float" saad ko sa kanya. Sumilay naman ang nakakaloko nyang ngiti. What the heck !

"Dad ! I know what you're thinking ! Damn ! Mababaliw na ako nito" singhal ko na agad namang ikinapagtataka nya.

"Mababaliw bakit?" walang ideyang tanong nya sakin.

"Wala" I said.

"Okay. By the way son , sino ang bisita ni Melanie ? Nakita ko kasing may magarang sasakyan sa labas ng bahay nila kanina. Perhaps do you know who it is ?" aaaah. Naalala ko na naman ang malditang babaeng yun.

"I don't know" I utter saka tumungo sa kwarto ko. I saw Allysa glancing at me while frowning. Panget nito.

Tinanaw ko ulit sa bintana ng kwarto ko kung nandun pa rin ba ang kotse ng babaeng yun. Pero nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala na ito doon. Mabuti naman.

Melanie and I are classmates sa Alyrith Academy. Which is doon ko pala unang nakita ang babaeng yun. What's her name again ? Zhyllien ? She's well known sa Alyrith dahil sa isa syang Halston. Pero hindi naman ganun ang ugali nya noon , I saw her several times laughing and smiling with a guy and maybe her bestfriend. Di ko na sila matandaan. Nawala nalang rin kasing parang bula ang mga taong iyon.

Bakit nga ba di ko sya nakilala noong nasa bar kami. Nung time na nabunggo ko sya. Doon ko lang narealize na sya yung Zhyllien sa Alyrith nung time na pagkaalis agad ng kotse nya , when she gaves me the chills by just merely looking at me.

Hindi ako mahilig makikipag kaibigan sa ganun kataas na mga tao. I mean , yung mga sobra sa yaman. Mayaman rin naman kami pero hindi ganun ka yaman sa kung anong meron sila. Yung tipong hindi matutumbasan , at kulang pang kabayaran ang buhay mo. Tss.

Napahiga nalang ako sa kama ko at saka pinikit ang mata. Iidlip muna ako saglit.

ALLYSA'S POV

Kinuha ko ang bike ko at saka lumabas ako saglit , wala lang. Gusto ko lang maglibot libot kahit nasa village lang.

"Kuyaaa ? Maglilibot muna ako saglit" paalam ko kay kuya Axel na hindi manlang nag-abalang sagutin ako.

Pinaandar ko na agad ang bike at saka nagsimulang magpedal. Nalalanghap ko ang sariwang hangin habang inaalon alon ang mahaba kong buhok.

Hindi ko namalayan na may paparating na kotse sa kinaroroonan ko , masyado akong nasisiyahan sa nakikita ko sa paligid.

I heard a loud beeping sound and a loud screech of the car ng agad itong mapahinto. Nawalan ako ng balanse sanhi ng pagkakatumba ko sa gitna ng kalsada. Gooosh. Buti nalang nasa loob lang ako ng village , pano kung nasa labas ako ? Shit. Malalagot na naman ako kay kuya nito.

Lumabas bigla ang nakakunot noong magandang babae. Wait ! She looks familiar. Saan ko nga ba sya nakita ?

"What the ! Magpapakamatay ka ba ?" she angrily said. Nakakatakot ang awra nya.

Bakit ba pamilyar na pamilyar ang mukha nya.

"I---Im sorry" nakayuko kong pagpapaumanhin sa kanya. She cross her arms while leaning on her car and stares at me intently.

"What's your name ?" napaangat ako ng tingin ng tanungin nya ako kung ano ang pangalan ko.

"A-llysa Prescott. Allysa Cassandra Prescott" sagot ko. Kita ko ang sumilay na munting ngiti sa gilid ng labi nya. Ang ganda nya tignan kapag ginagawa nya yun. Nakakatakot pero ang ganda tignan. Huh ?

Weird !

"Nice meeting you lil girl !" nagtataka ako sa sinabi nya.

"I'll go. I'll definitely not help you getting up. You should try to get up on your own" aalis na sana sya ng lumingon sya ulit sakin.

"And I'll definitely not apologize , because you know ... I'm rude" seryoso munit nakangisi nyang saad.

Bakit hindi ko magawang magalit sa kanya ? Diba sapat na , na magalit ako dahil sya ang muntik na makabunggo sakin ? But why am I smiling ? Idiot ! 

Siguro dahil sa ang COOL nya.

Napangiwi ako dahil sa galos na natamo ko mula sa pagkakatumba. Ngayon ko lang naramdaman ang hapdi nito. I need to go home.