webnovel

BIRDBRAINED

"Dan! mahal mo ba ako o ginagamit mo lang ako para makalimot ka sa nakaraan mo!" "Pwede ba Xnne, tama na ang katatanong mo niyan!" nagagalit na sambit ni Dan. Si Dan ay isang Inhinyero na medyo mapaglaro sa mga babae. Makisig ito, matangkad at lapitin ng mga bakla, Hindi ito tipong masyadong gwapo. Pero malakas ang karisma nito. Kaya madali lang niya mapapaakit ang babaeng magugustohan niya. Si Xnne naman ay isang birdbrained, pakitaan mo lang ito ng kabutihan, mapapalapit na siya sayo. Sa lahat ng bagay lage syang naiisahan, mahina ang utak. Isa siyang napaka tangang babae. Pero maganda si Xnne, matangkad din naman, Mapag mahal, mahina nga lang ang loob nito. Nagkita sila ni Dan sa isang grocery store, nadapa si Xnne at nahulog lahat ng bitbit niya, tinulongan siya ni Dan, at napang abot ang mga mata nila. Nagandahan si Dan sa kanya. sabay sabi "ahh, Miss pwde ko ba mahingi ang phone number mo?" Napatulala si Xnne "Huh? number ko? ahh ehh, sisisige, ahh sandali lng ha, kinuha ni Xnne ang cellphone niya sa bag at pinindot pindot ito. "Hindi ko kasi saulo ang # ko", nahihiyang sambit nito, na namumula na ang mga pisngi. "ako na!"sabay kuha sa cellphone ni Xnne sa kamay nito, idinial ni Dan ang cellphone number niya at nag ring ito. "ohh, ayan, nakuha ko na number mo". sabay balik sa kamay ni Xnne ang kanyang cellphone. Umalis si Dan sa harapan niya para magpatuloy na ito sa bibilhin niya, nandon parin si Xnne sa kinatatayuan niya, hindi niya alam kong ano ang gagawin niya sa mga oras na yun. "kinuha niya ang number ko! magkakaroon nakami ng kontak" usal ni Xnne, parang kina kausap ang sarili. "Sandali?! kilala ko ba siya? but ko naman binigay sa kanya ang number ko?" naku! naman! ang tanga ko talaga!" sabay taas nguso na sabi ni Xnne. Hindi niya alam na nakatingin sa di kalayuan si Dan sa kanya, na napapangiti sa nakikita niya. Mapapa-ibig kaya si Dan ky Xnne na malayo sa ideal girl nanaka tatak na sa pusot-isipan nito.

esor101 · realistisch
Zu wenig Bewertungen
17 Chs

Chapter 9 Ang Pagtatagpo

8am ay nasa Airport na si Xnne. Nagpalitan sila ng restday ni Marty. Dahil ky Mark na uuwi galing ng Canada. Sinabihan siya ni Mark na 9am lang siya pupunta ng Airport at baka madelay ang dating niya dahil hindi maganda ang panahon. Pero ayaw ni Xnne na siya ang hinihintay kaya napaaga ang dating niya. Nasa upoan siya ng lobby ng Airport.

Tinitingnan niya ang mga taong dumadaan, may napansin siyang isang babae na napaka sexy, naka sunglasses ito at naka heels ng mga 4". Mahaba ang buhok nito na curly, may kulay itong parang ube kung masisinagan ng ilaw o araw. Maputi at ang ganda niya, parang isang sikat na modelo ang tindig nito. Medyo mapanga ang babae, pero bumagay ito sa itsura niya ito ang nagbibigay ganda sa kanya. May katangosan din ang ilong nito, at mapupulang mga labi. Kung titingnan siya ay parang kontrabida ang beauty. Panay tingin nya sa relo nya, parang may ina antay. lumipas ang oras, 9:15am. Naka tanggap ng mensahe si Xnne sa kanyang cellphone, "Big Eye! adyan ka na buh? sandali lang ha, inaantay ko nalang ang bagahe ko".."Oo, andito ako sa may lobby, kulot!" sabi ni Xnne na naiinis kunti dahil nan man sa big eye.

Tiningnan niya ulit ang pwesto kung saan yung babaeng kanina pa niya pinag mamasdan. Nawala na ito don, hinanap niya pero hindi na niya makita.

Mga ilang minuto pa ay nagtagpo na sila ni Mark. Nabigla siya sa itsura ni Mark, hindi napala ito kulot ngayon at tumangkad pa ito sa kanya. Nagka hiwalay sila ni Mark, ay nasa highschool pa sila noon. Pero hindi nawala ang communication nila. Dahil sa magkaibigan ang mga magulang nila kaya sila naging mag bestfriend. Lumipat sa Canada ang pamilya ni Mark dahil sa trabaho ng parents nito. Don na rin nagpatuloy ng pag-aaral si Mark. Paminsan minsan nalamang sila nag uusap ni Mark kung may mga okasyon o may mga problema.

Nabigla din ito sa itsura ni Xnne, mas lalong gumanda si Xnne hindi narin ito sobrang payat. Nagka laman na ito at may porma na ang katawan.

"Uy big eye! alam mo mas gumada ka ngayon ahh! hahah" ang sabi ni Mark sabay akbay kay Xnne.

"Ano yan Mark? insulto o papuri?" ang tanging sagot ni Xnne, at nagkatinginan silang dalawa at sabay tawa ng malakas. Natapik ni Xnne ng malakas sa balikat si Mark dahil napalakas ang tawa nila. "Ano kaba, ang aga aga ay ang lakas na ng tawa natin, nakakahiya, pinagtitinginan tayo ng mga tao.

"Hahaha hayaan mo sila, ok? hindi na man nila tayo matatandaan kasi hindi nila tayo kilala". tawang sabi ni Mark at muli niyang inakbayan si Xnne at lumabas na sila ng Airport.

Hindi alam ni Xnne na may isang paris ng mga mata ang nakatingin sa kanila na nag aapoy sa galit.

Nakasakay na sina Xnne sa isang taxi at umalis na ito papunta sa bahay nila Xnne. Doon muna makiki tuloyan si Mark hanggang pagbalik nito sa Canada. Gusto sana ni Mark na sa hotel na sya mamalagi, pero ayaw ng Nanay ni Xnne, dahil parang anak na rin ang turing niya ky Mark.

Naghanda ng masasarap na mga pagkain si Nanay Fe, mga paborito ni Mark. Dumating sila sa bahay at nagyakapan sina Nanay Fe at Mark.

"Naku, ang gwapo gwapo naman ng inaanak ko ohh!" papuri nito sabay hagod ng tingin pa taas pababa at pina-ikot pa si Mark nito. "Sana kayo nalang ni Xnne ang magkatuloyan!" sabi ni Nanay Fe.

Natahimik silang dalawa ni Xnne at nagkatinginan, bigla silang tumawa ng malakas.. Nabigla si Nanay Fe. "Ay! kabayo!" ang nasabi ni Nanay Fe sa gulat, pinagHahampas niya ang dalawa dahil sagulat niya.

"Kayo talaga hindi parin nag babago, ginugulat niyo parin ako!" natatawa naring sabi ni Nanay Fe.

Habang nasa harapan na sila ng pagkain. "Alam mo ba Mark, ngayon ko lang ulit nakitang tumawa ng malakas si Xnne".ngiti ni Nanay Fe habang naka tingin kay Xnne. "Nay, masaya naman ako ah! alangan naman tatawa ako ng malakas na ako lang mag isa? Ano ako baliw?"..sabi ni Xnne. NaHampas siya ni Nanay Fe, "Pilosopo ka talaga! Oo baliw ka naman talaga, baliw ka diyan sa nobyo mong palagi ka lang pina-iiyak". "Nay?" sabi ni Xnne na malapit na mainis. Sinipa sya bahagya sa paa ni Mark. Sabay senyas na "ok lang yan". tumahimik nalang si Xnne. At nagpatuloy sa kakatalak si Nanay Fe tungkol sa nobyo nitong si Dan.

Na una ng natulog si Nanay Fe sa kanilang dalawa. dahil hindi pa sila makatulog, nag usap sila ni Mark sa terrace ng bahay nila. Nagkamustahan tungkol sa trabaho, pamilya sa mga kaibigan at napunta ang usapan ky Dan.

"Mahal mo ba talaga si Dan?" tanong ni Mark.

"Oo, sobra.. parang hindi ako mabubuhay kung mawawala saakin si Dan, Mark." sagot ni Xnne sa mahinang boses. Nakatitig lang sa kanya si Mark. Naawa ito sa kaibigan. Ngayon niya lang nalaman na iba pala magmahal ang kaibigan niya. Ayaw niya itong nakikitang nasasaktan. Pero wala itong magawa dahil umiibig ang kaibigan niya. Nilapitan niya ito at niyakap, ng naka tagilid si Xnne sa kanya, hinawakan niya ang ulo nito, at sabay sabi na "Wag kang mag-alala big eye, andito lang ako kung kaylangan mo ng maiiyakan". Napangiwi si Xnne dahil sa big eye! hinampas niya ito at kumawala sa yakap. "Ano kaba" tawa ni Xnne. "okay lang ako. minsan naman nararamdaman ko na mahal ako ni Dan. Hindi nga lang buo. Pero alam ko mahal ako ni Dan. Hanggat nan diyan sya patuloy akong mag mamahal" ang sabi ni Xnne na mula sa kanyang puso, napasinghot ito. "Yan tuloy, tumulo na ang sipon ni neneng kong big eye!" sabi ni Mark na parang bata magsalita, tumawa si Xnne at tumawa narin si Mark.