webnovel

BIRDBRAINED

"Dan! mahal mo ba ako o ginagamit mo lang ako para makalimot ka sa nakaraan mo!" "Pwede ba Xnne, tama na ang katatanong mo niyan!" nagagalit na sambit ni Dan. Si Dan ay isang Inhinyero na medyo mapaglaro sa mga babae. Makisig ito, matangkad at lapitin ng mga bakla, Hindi ito tipong masyadong gwapo. Pero malakas ang karisma nito. Kaya madali lang niya mapapaakit ang babaeng magugustohan niya. Si Xnne naman ay isang birdbrained, pakitaan mo lang ito ng kabutihan, mapapalapit na siya sayo. Sa lahat ng bagay lage syang naiisahan, mahina ang utak. Isa siyang napaka tangang babae. Pero maganda si Xnne, matangkad din naman, Mapag mahal, mahina nga lang ang loob nito. Nagkita sila ni Dan sa isang grocery store, nadapa si Xnne at nahulog lahat ng bitbit niya, tinulongan siya ni Dan, at napang abot ang mga mata nila. Nagandahan si Dan sa kanya. sabay sabi "ahh, Miss pwde ko ba mahingi ang phone number mo?" Napatulala si Xnne "Huh? number ko? ahh ehh, sisisige, ahh sandali lng ha, kinuha ni Xnne ang cellphone niya sa bag at pinindot pindot ito. "Hindi ko kasi saulo ang # ko", nahihiyang sambit nito, na namumula na ang mga pisngi. "ako na!"sabay kuha sa cellphone ni Xnne sa kamay nito, idinial ni Dan ang cellphone number niya at nag ring ito. "ohh, ayan, nakuha ko na number mo". sabay balik sa kamay ni Xnne ang kanyang cellphone. Umalis si Dan sa harapan niya para magpatuloy na ito sa bibilhin niya, nandon parin si Xnne sa kinatatayuan niya, hindi niya alam kong ano ang gagawin niya sa mga oras na yun. "kinuha niya ang number ko! magkakaroon nakami ng kontak" usal ni Xnne, parang kina kausap ang sarili. "Sandali?! kilala ko ba siya? but ko naman binigay sa kanya ang number ko?" naku! naman! ang tanga ko talaga!" sabay taas nguso na sabi ni Xnne. Hindi niya alam na nakatingin sa di kalayuan si Dan sa kanya, na napapangiti sa nakikita niya. Mapapa-ibig kaya si Dan ky Xnne na malayo sa ideal girl nanaka tatak na sa pusot-isipan nito.

esor101 · realistisch
Zu wenig Bewertungen
17 Chs

Chapter 4 Hiwalayan

Nagkita kami ni Dan pagkatapos ng trabaho ko, kumain kami sa isang kainan sa bayan, BBQhan ito na malapit sa dagat, habang hinihintay namin ang aming inorder, nagkaroon kami ng pagtatalo.

"Ano ba Xnne, ganito nalang ba lage? pagbabawalan mo na naman ako makipag kita sa mga barkda ko? ano ba gusto mo, tayo lang lage ang magsasasama? magpa miss ka naman!".

"Hindi sa ayaw ko Dan, kunti lang nga ang bakasyon mo, hindi mo pa ako masundo araw-araw. minsan nga tatlong beses lang tayo magkita sa isang linggo, tapos 2-3 months lang ang bakasyon mo. Nagsasawa kana ba sa akin? ha?!"

"Bwesit naman Xnne oh!! pati ba na man mga barkada ko pag seselosan mo?". "Hindi ko sila pinag seselosan Dan, ang gusto ko lang naman laanan mo naman ako ng oras mo! kasi malapit na akong mapagod!".

"Huh!? ikaw pagod! bakit ako hindi ba? ha! matagal na akong pagod sayo! puro ka selos! pilit kitang iniintidi lage, sinabihan na ako ng mga barkada ko na hiwalayan ka na kasi nakakapagod ang pagka selosa mo! perp ano?! di ko ginawa kasi nga mahal kita!" sabi ni Dan na dilat na dilat ang mata na may luha na sa gilid nito.

Tumahik si Xnne na inilagay ang palad sa bibig upang hindi marinig ng ilang tao ang pag-iiyak niya.

"Nasasaktan na ako, ang sakit sakit na ng dibdib ko, Lord, ito ba ang dapat sa akin?" sabi ni Xnne sa isip niya, kinakausap niya ang Diyos sa isipan niya.

"Sige, maghiwalay nalang tayo Dan, siguro nga pareho na tayong pagod!"ang na usal ni Xnne na hinanghina na sa kina uupoan nito, halos hindi na niya maaninag si Dan dahil napuno na ng luha ang kanyang mga mata. "hindi ako makahinga" sa isip ni Xnne, "parang hindi ko ata kaya" sabi niya sa sarili.

"Sige! sabay tayo ni Dan". ihahatid nakita. Umalis si Dan sa harap niya ato pinuntahan ang Cashier, binayaran ang inorder at lumabas na ito sa pintoan ng kainan. Hinintay niya si Xnne sa parking area.

Lumabas si Xnne at dahandahang lumalakad pa punta ky Dan. Umangkas ito sa motor ni Dan, at pinaharorot na ito ni Dan. Nakarating sila sa bahay ni Xnne, pumasok sa bahay ni Xnne si Dan, bilang respeto sa nanay nito. At hindi nagTagal umalis narin ito.

"Dan, hindi ko kaya! ayaw ko makipag hiwalay, mahal na mahal kita!" hindi pa nakakalayo si Dan, biglang sigaw ni Xnne. Napatigil si Dan, "Xnne, ayaw ko rin namam pero?" "Promise! hindi nakita pakikialaman sa mga barkada mo Dan!" sabay bara sa sasabihin ni Dan. Naawa si Dan ky Xnne, niyakap niya ito at hinagkan. "Sige hindi na tayo maghihiwalay".