webnovel

Bintang (Accused)

The world is so unfair. Ito na ang kaniyang naging paniniwala simula noon. Hindi totoo ang tinatawag na patas. Alin lang sa dalawa, manglalamang ka o malalamangan ka. Mang-aapi ka o magpapaapi ka. Mananaig ka o magpapadaig ka. Sa lahat ng ito, isa lang ang kaniyang pinaninindigan… hinding- hindi na siya ang lalabas na kaawa-awa katulad noon kundi siya na ang hihingan ng awa.

constancia_23 · realistisch
Zu wenig Bewertungen
28 Chs

The Biggest Loser

Matamang tinitingnan ni Benjie ang trainee. Dalawang buwan ang nakakaraan ng umpisan niyang mag-train sa kliyente. Noong una niya itong makita, sa tantiya niya ay tumitimbang ito ng mahigit kumulang two hundred pounds. Sa taas nitong 5'8" ay masasabi pa ring overweight ito or almost obese sa kanyang BMI. After a month, he definitely thinks it pays out. Nabawasan na ang mga aalog- alog na taba nito sa katawan. Papaano ba naman hindi mangyayari ay pinakilala niya sa mga braso nito ang mga gamit tulad ng 10-pound dumbbell, resistant band at iba pang gym equipment. The result, shed of pound and much younger looking Mady. Mga ilang buwan pa ay para na itong sumailalim sa isang extreme make-over challenge.

Tandang-tanda pa niya noong mga unang lingo pa lamang silang nag-tratraining ng babae. Kahit sa warm up pa lamang ng ilang mga simpleng floor exercise ay talagang halos sukuan nito. Kung hindi pa niya aalalayan ito sa pagyuko, pagpihit at pagbangon ay imposibleng magawa nito ang workout ng mag- isa. One set pa lang ng isang ehersisyo ay tila magpa-pass out na ito. Hirap na hirap itong gumawa ng two sets of every routine. Tuwang- tuwa naman siyang pinagagawa ito ng mahihirap na ehersisyo. Ang toe-touch crouch ang gustong-gusto niyang pinagagawa rito. Habang ginagawa kasi nito iyon sa sobrang pag-eexert ng effort ay nagiging pulang- pula ang mukha nito. Pilit nitong iniipit ang bilbil sa tiyan upang maabot ng daliri ang dulo ng paa. Gusto niyang magtatawa ng malakas kapag nasa ganoong sitwayon ito sapagkat para itong isang baboy na nakahiga na nagpupumilit bumangon. Sa tuwing matatapos nga ang kanilang session ay kulang na lamang ay gumapang ito pauwi sa pagod. There are times he thought she can't continue the training program he designed for her and it was a mistake. Buo ang loob nito na magpatuloy at ngayon nga ay makikita na ang pagbabago sa hitsura nito bagaman hindi pa naman talaga masasabing ganoon ka- remarkable. It may takes few more months to see more visibile results which only means she needs to have a lot of grits to endure. Afterall, no pain no gain.

Magaling ang naging motivation niya rito. Sa tuwing nagsasagawa ito ng routine ay pinalalakas niya ang loob nito. Very supportive ang kanyang words of encouragement. Katulad ngayon na kasalukuyan itong nakatayo at nagsasagawa ng isang ehersisyo gamit ang isang resistant band.

"Come on Mady, you can do it, one more set." Kumbinsi niya dito.

Kitang- kita ang pangangalit ng mga muscles ng babae sa braso sa paglalayong labanan ang tension na ibinibigay ng isang resistant band upang maiangat niya ito paitaas sa kanyang dibdib. He likes it seeing her pushing so hard.

"Good Mady, you're doin'great…"puna niya rito habang nakangiti.

Bahagya ring napangiti ang babae sa sinabi niya. Makikita na ngayon ang perseverance sa anyo nito. Malayung –malayo sa hitsura nito noon na kapag napapangiwi na sa hirap ay para na itong iiyak. Pero hindi niya ito pinapatigil kahit pa parang humihingi na ito ng saklolo noon. Pinipilit niyang matapos nito ang nakalaang set sa bawat routine. She really suffers a lot during her first month. But now it seems she's determine to reach her goal.

Marahil ay nagkaroon ito ng tinatawag na 'reality check' ng minsang napaharap sa salamin, sa loob- loob ni Benjie kaya ito nagpasiyang sumailalim sa isang fitness program. Tumambad marahil sa paningin nito ang katotohanang tila may hindi tama sa kanyang pangangatawan. Na maaaring nagiging dahilan kung bakit sa edad nitong thirty- five ay nananatili itong single. Dahil kung tutuusin, maganda ang babae, may matatag na trabaho at mayaman. Papaanong hindi niya masasabi ay naka-kotse ito sa tuwing pupunta sa gym. Signature ang mga gamit nito magmula sa damit, sapatos at bag. Isa itong Marketing Manager sa isang multinational manufacturing company ng cleaning products. At kung ma-aachive nga nito ang pinapangarap na katawan ay masasabi ng complete package na ang babae.

"Whew!" malakas na sabi ni Mady matapos ang exercise na ginawa.

Tila mga patak ng ulan na isa- isang pumapatak ang mga butil nitong pawis mula sa noo pababa sa leeg. Habol hininga itong nakatayo malapit kay Benjie.

"You are fantastic, Mady." pambobola niya rito. "You definitely learned the skills of using resistant band."

Napangiti ito. "It's because I have a Grade A trainer…"

Natuwa naman siya sa paglalarawan nito sa kaniya. Sa lahat yata ng mga kliyente niya ito ang pinaka- appreciative. Madali niya itong nakagaanan ng loob sapagkat mabait naman din talaga ito sa kanya. Siguro marahil dahil may kaunting paghanga ito sa kaniya sa simula pa lang ng una nilang pagkikita ay hindi ito naging pasaway. He did not hear any complain from this lady. She just follows all his instructions. She never say a word kahit pa hirap na hirap na ito sa pinapagawa niya. Maybe because she thinks everything is for her own good which is true. Nag-eenjoy si Benjie sa pagiging submissive nito. Ito nga ang nakikita niyang potential trainee/ lover niya sa mga susunod na araw. Alam niya madali niya itong mapapasunod sa gusto niya. Sa lahat ng gusto niya.

"You know what, siguro panahon na para magtimbang ka ulit, what do you think?"

" Yeah, let's do it Benjie, please?" tila excited nitong tugon.

Kabilin- bilinan niya kasi rito na huwag magtitimbang during the course of training cause it might lead to disappointment. Isang beses pa lang itong nagtimbang noong maka-isang buwan ng sumasailalim sa supervision niya at ngayon na nakadalawang buwan na ito sa pagwowork out ay maiging muling malaman ang progreso nito. Sigurado siyang hindi ito nagtangkang magtimbang ng hindi niya alam sapagkat kitang- kita niya ang excitement sa mukha nito. Na malaman kung ilang pounds na naman ang ibinaba ng bigat nito.

Kinuha ni Benjie ang weighing scale at saka ibinaba sa harap ng babae. Walang anu- ano ay agad itong pumatong para magtimbang.

"What! I'm one hundred and seventy five pounds!" tuwang- tuwang sabi nito. "No way, I lose twenty- five pounds in just two months!"

"Yeah, numbers don't lie…" sagot niya.

"I made it! Hahaha! I really made it! Whuuuu!"

"Yes you do and I'm happy for you."

Sa hindi inaasahang bagay, kusang napayakap sa kanya ang babae dulot ng labis na kasiyahan.

"Thanks Coach Benjie, you did not give up on me."

Bahagya siyang nagulat sa reaksiyon nito sa biglang pag-yakap sa kaniya. Marahil ay sa sobrang thankful nito sa kaniya ay hindi nito napigilan ang sariling yumapos sa kaniya. Nang tila makaramdam ito na para bang tila hindi tama ang ginawa ay agad itong bumitaw sa kaniya.

"Oh, I'm, I'm sorry Benjie…" paghingi nito ng paumanhin. "I'm just-"

"No, no, it's fine, you don't have to apologize." putol niya sa sasabihin pa nito.

Nakita niyang tila napahiya ito sa ikinilos na manaka- nakang tinatakpan ang mukha na para bang napapahiya saka medyo dumistansya sa kaniya. Ramdam niya na tila nagsisisi ito sa inakto at marahil iniisip nito na iniisip niyang intensiyonal ang ginawa upang mapadait sa kaniya. Agad niya itong nilapitan at saka hinawakan sa magkabilang braso.

"Hey, ano ka ba? Okay lang, halos lahat naman ng client ay ganoon ang reaksyon whenever they see their progress. Its normal." paliwanag niya habang nakatitig rito.

Hindi agad ito nakasagot sa kanyang sinabi habang nakababa ang tingin. Bakas pa rin ang tila pagkapahiya nito kayat iniangat niya ang tingin nito sa pamamagitan ng paghawak sa baba nito saka iniangat ng bahagya ang mukha.

"Now, Mady, listen to me. I want you to keep going, okay. We'll continue doing the workout and I want you to stick with the diet I told you."sabi niya. "Still no carbs, no sugar and no alcohol."

"Uhmmm, kahit once a week lang?"

"No." ulit niya. "Dahil once na tumikhim ka, hahanap- hanapin mo na…"

Napalunok ang babae sa sinabi niya. So this is really a matter of self- discipline, naisip nito.

"Okay, if that's the way it should be. No problem."

Good girl, sabi niya sa sarili. 'Napakamasunurin talaga ng isang ito.' Dapat yata'y unti- unti na rin niyang simulan pagkarinyo rito, naisip niya.

"Mady would you mind if I invite you for a dinner maybe on Saturday night?" tanong niya.

Namilog ang mga mata nito na tila nagtataka. Hindi marahil makapaniwala sa narinig. Tila ba hindi nito inaasahan ang bagay na iyon kayat hindi agad ito nakaimik.

"Kung okay lang naman. Kung wala kang gagawin. I mean if you are not busy…"

Nagpalabas muna ito ng isang maluwang na ngiti bago sumagot. "Yeah, hindi naman ako busy,.."

" At kung walang magagalit? You know baka kasi.."

"Haha… wala namang magagalit, baka sa iyo may magagalit?"

Tumawa rin siya bago sumagot. "Ako? No. Wala akong girlfriend."

"Seriously? How 'bout ex-girlfriend? Or ex-girlfriends? You know sometimes they show up in unexpected place."

"No. I don't have ex-girlfriend…"

"You mean, you haven't been into relationship? As in no girlfriend since birth?" usisa nito. "How come ? You're cute and,.. sexy… "

Napangisi siya sa paglalarawan nito sa kaniya.

"Kaya nga hindi ako maniniwalang hindi ka pa nagkaka-girlfriend." dagdag nito. "So tell me, wala kang girlfriend sa ngayon, pero dati meron? 'Anyari?"

"They were already dead,.."he whispered softly that only him could hear what he said.

"What?" the girl asked.

"She's already married…" maikli niyang tugon sabay nagkibit- balikat. "I guess we're not really meant for each other."

Tumango- tango naman ang kaniyang kausap na tila kumbinsido sa kaniyang sinabi. Sa pagkakataong ito ay agad niyang binago ang takbo ng kanilang usapan.

"So, I'll just call you on Saturday?" pagkompirma niya.

"Yeah, sure,.." sagot nito sa kanya.

Mausisa ang babae sa tingin niya. Tila marami itong gustong malaman sa kaniya. Patunay lamang na interesado talaga ito sa kaniya kung kayat nais nitong mabatid kung may mga naging past relationship siya at kung bakit hindi nagwork- out ang mga relasyong iyon. Parang bahagya na siya nitong kinikilatis kung anong klaseng lalaki siya. Pero hindi magiging madali para kay Mady na alamin kung sino talaga siya. Kung ang mga babae ngang napaslang niya ay walang ideya kung ano talaga ang kaniyang totoong pagkatao, ito pa kaya.

'Let's just say, they all suffered the same fate in a destiny called death…' aniya sa sarili.