webnovel

BETWEEN WORLDS

A girl from the future suddenly appeared on Sebastian's life just to change everything. And that is her mission, to stop the chaos from happening in the future. But what if, that girl from the future suddenly fell inlove with the guy in the present time? Would she stay in the present world and forget everything about the mission OR she would sacrifice her love and go back to her world for everyone in the future? Kindly support this story of mine. Thanks!

MissKc_21 · sci-fi
Zu wenig Bewertungen
27 Chs

PRESENT WORLD: The Struggle

Drake woke up early since may work pa siya sa company nila. Katatapos lang niyang maligo kaya nagbibihis na siya ngayon. Pero animo ba'y may nagmamanman sa kanya mula sa likod.

Dahil dito, dahan-dahan siyang lumingon at sobra ang kanyang pagkagulat nang makita niya si Avyanna na nakatayo sa likuran at nakatitig sa kanya.

"Hey!"

Agad niyang ibinutones ang pantaas na kasuotan niya.

"So this is your room" she said.

"Anong ginagawa mo dito? hindi ka ba marunong kumatok?" Drake said being irritated.

"Nakabukas kasi ang pinto kaya pumasok na lang ako." Avyanna calmly said habang iginagala ang paningin sa loob.

"What do you need?" humarap siya dito matapos makapag-ayos.

"Nakahanda na ang almusal mo sa baba. Baka kasi hanapin mo ako, magdidilig lang ako ng mga halaman niyo sa labas" sabi niya.

"tss. as if naman na hahanapin kita." mahinang sabi niya.

"Anong sabi mo?"

"nothing, sige I'll go there na lang kapag nakapagready na ako"

"sige. Siya nga pala, hihingi lang sana ako ng favor." biglang sambit ng dalaga.

Napangiti naman si Drake dahil dito. Nakasanayan niya kasing once na may nanghingi ng favor sa kanya, dapat may kapalit ito according sa gusto niya.

"interesting, ano iyon?"

"p_wedeng humiram ng pera sa iyo, bibili lang sana ako ng mga isusuot ko."

Nang marinig iyon ng binata, agad niyang kinuha ang wallet niya.

"magkano ba ang kailangan mo, 10,000? 20,000?"

"kahit pang isang linggong mga damit na lang" sabi naman ni Avyanna.

"sabihin mo, magkano?"

"hindi naman masyadong kalakihan, siguro mga Php 500, 000 lang"

Medyo nagulat si Drake sa narinig.

"Lang? seryoso? are you planning to buy some branded clothes?" curious na tanong niya dito.

"hindi ah. I'm planning to buy the cheap ones kaya pwedeng pautang? babayaran ko naman iyon sa iyo eh"

"tss. balak mo ba akong ibudol?"

"budol? what do you mean?"

"hay!. okay na.. Ako na ang bibili ng mga damit mo kaya don't even dare na umalis ka dito ng bahay without my permission okay? May CCTVs ako everywhere kaya nakikita pa rin kita kahit nasa work ako. Got it?"

"Bahala ka." sabi niya at lumabas na ito.

"Tingnan mo ang ugali ng babaeng iyon" bulong ng binata.

Nagmadali na siyang magready at bumaba na sa dining area para makapagbreakfast na.

"what's this?" nang makita niya ang ihinandang almusal ng dalaga.

Inamoy niya muna ito bago tikman.

Kasi first time niya lang makita ang ganong klaseng pagkain. Shrimp na may black sauce at scrambled egg as toppings.

"anong sauce ito? ba't itim ang kulay?" tinikman niya ulit ito. Kahit medyo weird ang itsura ng pagkain, pasado naman ito sa panlasa niya kaya he decided na kainin at ubusin na lang ang pagkain.

Nang matapos niyang kumain, dumiretso na siya sa garahe at minaneho ang sasakyan papuntang company nila.

"Good morning sir!" masayang bati ng mga employees nila.

Everytime na may bumabati, as usual, kinikindatan lang niya ang mga ito kaya sobra naman ang kilig ng mga babae dahil sa ginagawa niya.

"sir, may BOD meeting daw po sa conference room ngayon, pinapapunta po kayo ni Chairman bilang representative ni President Drayce" sabi ni Aldrich.

"Okay"

Nagsimula na silang maglakad papuntang conference room nang biglang nakaramdam ang binata ng hindi maganda.

"Chairman, he's here na po" magalang na sabi ni Aldrich ng makapasok na sila.

Tiningnan niya si Drake kasi siya na lang ang hinihintay before magstart ang meeting. Dali namang umupo ang binata dahil dito.

"Ano bang nilagay ng babaeng iyon sa pagkain ko?" he murmured kasi nagsimula nang sumama ang kanyang tiyan.

"The meeting has not yet started kaya huwag kang maingay" sabi ng Chairman since magkalapit lang ang upuan nila.

Hindi talaga maililingid ang pagkastrikto ng daddy niya lalo na kapag nakaharap sila sa maraming tao.

Napayuko na lang si Drake at sinubukang huwag pansinin ang pagsama ng kanyang pakiramdam.

"okay, good morning everyone, I am Gian Villacosta, ang Planning Director ng

D and D Steel Co." nakangiting bati ng matalik na kaibigan ni Drake.

"so we're here to discuss about what our team is proposing, kaya I am asking everyone of you to please focus and listen "

Habang ang lahat ay handa nang makinig, hindi pa rin mapalagay si Drake sa tabi.

"tss. tae, natatae ako" bulong ng binata dahil ngayon, nagsisimula na siyang mamimilipit sa pagpipigil.

"over the past few years, we have reached different places all over the country just to expand our business and to reach a larger target market, and the good news is, it gave us more profit and allowed us to achieve another milestone in our business journey. Well, I'm referring with the opportunity to open our manufacturing branch in China. (everyone clapped) And now, as our luck continues to overflow in our company, the Jardine Group and other investors have decided to be in partner with us which enable us to accumulate this 2.5 billion pesos budget and to be honest? it is a lot of money. (napangiti ang iba sa sinabi nito) So.... The purpose of this presentation is to allow us to foresee how this budget will be used in taking our company globally, if it wil be worth it? or n_not...."

Hindi na talaga makapagpigil pa si Drake kaya agad siyang napatayo sa kalagitnaan ng presentation.

Napahinto saglit si Gian dahil dito.

"L_lalabas lang po ako saglit" agad na lumabas si Drake ng conference room at nagtatakbo papuntang c.r.

"konting tiis pa...konting tiis pa"

Sobra na ang pawis sa katawan niya dahil dito. Mabuti na lang at agad na siyang nakaupo sa kanyang trono at maginhawang pinakawalan ang malabombang dumi sa kanyang katawan.

Napailing siya dahil dito.

"humanda talaga siya sa akin mamaya. Muntikan na akong mapahiya sa loob kanina, hindi ko talaga ito mapapalampas" gigil na sabi niya sa sarili.

Lumipas ang ilang minuto, papalabas na sana siya ng cubicle nang may narinig siyang pag-uusap ng empleyado niya.

"ano ba iyan bro, kadiri. Para akong nasusuka sa amoy. Wala na bang budget ang kumpanyang ito at di man lang magawang bumili ng air freshener sa loob? Hindi na talaga ako magc-cr dito."

"sinabi mo pa, aish! bakit ba kahit sa pag-ihi natin ay parang pinarurusahan pa rin tayo ng kumpanyang ito?"

Dahil sa narinig niya, isinara niyang muli ang pinto at nilock ito. Napagdesisyunan niyang masisira ang kanyang imahe kapag nalaman ng empleyado niyang sa kanya galing ang di kaaya-ayang amoy na iyon.

"bruh, nasusuka na talaga ako, sino ba kasi ang nagpakalat ng lagim dito? halika na nga"

Nang masiguradong nakaalis na ang dalawang empleyado na iyon, saka lang siya nabunutan ng tinik.

Sumagi na naman sa isipan niya ang ginawa ng dalaga kaya dali siyang lumabas sa c.r and he checked sa cellphone niya kung ano na ang ginagawa ni Avyanna sa mga oras na iyon sa mansion nila.

Tsinek niya lahat ng lugar na covered ng CCTV's niya pero hindi niya mahanap ang dalaga.

"That fool!"

Tumakbo siya papuntang parking lot.

Lumalakas na rin kasi ang kutob niyang nagnakaw ang dalaga saka na lang biglang naglaho.

Hindi na niya naisipang bumalik pa sa conference room at mas minabuting umuwi na sa mansion nila.

Nang makarating na siya dito, mas inuna niyang icheck ang kanyang kwarto. Then ang kwarto ng twin brother niya at iba pang private rooms ng bahay but he didn't found her. He also tried to check his yaya's room, pero wala siya.

So he got his conclusion na sumibat na talaga ito na walang paalam.

"kapag may nawala talaga dito sa bahay, ipapakulong ko talaga siya" he said.

Pero hindi niya alam na kapapasok lang ng dalaga that time at sakto namang narinig niya ang sinabi ng binata sa kanya.

"Ganyan na ba talaga kababa ang tingin mo sa akin?"

Medyo nagulat ang binata sa mga narinig.

"a_ah, I just thought that you left_"

Avyanna sighed.

"Pero tama ba na pag-isipan mo ako nang ganon?" tapos tiningnan siya nito.

"M_masisisi mo ba ako? I don't really know you." pagtatanggol naman ng binata sa sarili.

Because of it, hindi nagsalita pa ang dalaga at nagpatuloy na lang sa kanyang ginagawa. She started cleaning the living room this time.

"By the way, ano nga pala ang nilagay mo sa pagkain ko kanina? sumama kaya ang tiyan ko because of it" sabi ni Drake pero hindi na siya pinansin ni Avyanna.

"Uy, sagutin mo naman ako"

Hindi pa rin siya nagsasalita't tila walang naririnig.

"okay fine. Hindi na kita pagbibintangan okay? kaya huwag mo na akong pagmukhaing stupid dito" mahinahong sabi ni Drake.

Tiningnan siya ng dalaga. Isang cold stare from her making him more uncomfortable.

"hey, don't look at me like that"

"your food" Avyanna mumbled.

"what?"

"I said your food. I put some vitamins on it." tipid niyang sabi tapos nagpatuloy ulit siya sa pagamit ng vacuum cleaner.

"wait, what?!" agad niyang nilapitan ang dalga to ask her again about what she just said.

"hey, nilagyan mo ng medicine ang food ko? are you crazy?"

Dahil sa di maipintang mukha ni Drake, napangisi ng bahagya si Avyanna.

"vitamins and medicine are different okay? nilagyan ko lang naman ng Vitamin E yung food mo to reduce your stress from work." she explained.

Nanlaki ang mga mata ng binata dahil dito.

"seriously? paano kung maoverdose ako? balak mo ba akong patayin?" overreacting naman ng binata.

"Alam mo bang ang high dosage ng Vitamin E will only lead you to hemorrhagic stroke? meaning, there's still probability of your existence... SO if ever man na gusto kong gawin ang bagay na iyon sa iyo, hindi Vitamins ang ilalagay ko sa food mo kundi barbiturate, paralytic, at potassium solution para masaya." she said sarcastically and smiled.

"tss. Pero kapag may nangyari sa aking hindi maganda, wala talaga akong ibang maiisip kundi ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito"

Avyanna smirked.

"Wala ka talagang isang salita, pinagbibintangan mo na naman ako, gusto mo bang totohanin ko ang mga sinabi ko sa iyo kanina? Madali lang namang gawin ang mga iyon"

Because of it, nagmamadali na n'yang hinanap ang susi ng kanyang sasakyan.

" I really need to go. I don't want to die...I don't want to die.." bulong niya sa sarili habang hinahalughog ang inupuan niya kanina.

"by the way..." Avyanna said.

Natigilan ang binata sa paghahanap at napalunok ng di oras.

"w_why?" he said.

"Di ba you told me na bibilhan mo ako ng damit? asaan na?"

Habang tinitingnan niya ang dalaga with her blank expression, mas lalo siyang natakot dito.

"e_eto na nga eh. I'm finding my keys to buy you some clothes na"

"okay good. I hope na magustuhan ko ang mga damit na bibilhin mo huh?"

Napalunok ulit siya dahil dito.

"y_yes, I'll try my best to select the best one" medyo pinagpapawisan na siya this time.

After ng moment na iyon, nakahinga lang ng maluwag ang binata ng makaalis na siya sa mansion.

(Drake while driving his new car, napaayos na ito ni Yeul, his Personal Assistant, kaya his using it now)

"hey Gian, tapos na ba ang presentation mo dyan?" he asked through his phone.

"ah yes, nasaan ka na ba kasi?" he asked.

"w_well something came up lang kaya umuwi muna ako sa mansion. If ever na hanapin ako ni dad, just tell him na emergency lang, okay?"

"Okay?" Gian replied.

"Thanks, I'm gonna hang up now, bye!"

Ibinaba na niya ang kanyang phone at nagpark na sa parking area ng mall.

"Aish! bakit ko nga ba ginagawa ang mga bagay na ito?" he murmured while walking na papasok sa shopping center.

Until...

"Drake?"

Napatigil siya sa paglalakad ng marinig niyang may bumanggit sa name niya.

"Drake! ikaw nga!" the woman said.

She has this midnight-black hair crashing on her shoulder, perfectly shaped eyebrows, enticing brown eyes, pouted lips, fair colored skin and had a shapely figure. She really looks like a model, on how she walks and kung paano siya manamit.

And doon niya lang namukhaan ang dalaga ng lumapit na ito sa kanya.

"Mikaela?" sambit ng binata.

"yes!" then without telling him, agad niya itong niyakap sa sobrang saya.

"I missed you. Masaya akong nakita kita dito" she whispered.