webnovel

Behind the Devil's Mask

Paano kung isang araw, magising ka na lang na may umaangkin na sayo bilang asawa niya? Okay na sana kung isang "hottie guy" ang tumatawag sayong "Wife." Paano kung isa siyang kakaibang nilalang? "This can't be happening"hindi makapaniwalang sabi ni Cassandra nang makaharap niya face-to-face ang shadow like figure na nagpakilalang asawa niya. "I want a normal life to begin with and maybe a married life. But not with him!" -Cassandra "The day I gave life to that girl, was the day I marked her as mine." -Gabriel

Aqua_Adam · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
32 Chs

Mood swing???

Nasa kwarto ako ngayon at nagmumuni-muni. Iniisip ko ang napag-usapan namin kanina ni Kris. Nakasuot ako ng puting t-shirt na may print ng minions at pink na pajama pantulog. Mag-aalas onse na ng gabi ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa kusina. Nagtimpla ako ng gatas at kumuha na rin ng prutas na pwede kong gawing midnight snack. Bumalik ako sa kwarto at dumiretso sa balkonahe. Maliwanag ang buwan. Malamig na rin ang simoy ng hangin. Tunog ng iilang sasakyan na lang ang maririnig mo sa paligid.

Nakatayo ako habang tahimik na pinagmamasdan ang city lights.

Kay payapa ng paligid...

Magandang oras ito para makapagmuni-muni at mailabas ang stress, sama ng loob at mga negatibong elemento. Humarap ako sa sinag ng buwan at tahimik na ninanamnam ang kapayapaang dala ng gabi. Nagsimula ako sa proper breathing at dahan dahang pumikit.

I need to meditate...

Attract positivity...

Release the negativity...

Inhale...

Exhale...

Inhale...

"Gabi na"

Kalmadong boses ni Alexander ang aking narinig.

That creature! Kahit sa oras na 'to, siya pa rin ang laman ng utak ko.

"Exhale that Alexander..."naririnig ko ang boses ng nilalang na yon kahit nakapikit ako.

"Pati ba naman sa isip ko naririnig ko pa rin ang boses ng kumag na yon? Concentrate Anna Cassandra...Concentrate...You have to release the negativity around you"

Inhale...

Exhale...

"You look cute with that pajama"tinig na naman ulit ng kumag.

"That pervert!!! Ang sarap niyang sipain sa balls!!!"nanggigigil na pahayag ko na sinabayan ko ng pagsipa sa ere. Iniimagine kong siya mismo yung nasa harap ko.

"Masakit yang iniisip mo Wife"sagot ni Alexander.

Why do I keep on hearing his annoying voice???

What kind of black magic did he cast on me this time??

"Hahalikan kita pag di mo idinilat yang mata mo"nagbabantang tinig ni Alexander.

Ba't parang totoo na?

Idinilat ko ang aking mata at muntik na akong mawalan ng balanse kung hindi lang sa maagap na mga bisig ni Alexander. Tumingin ako sa aking likod at napalunok. Ibinalik ko ang tingin kay Alexander na ngayon ay isang dangkal na lang ang layo ng kanyang mukha mula sa akin.

Napalunok ako, kanina lang ay iniisip ko kung paano ko siya aalisin sa aking buhay. Heto ngayon at nandito na naman siya sa aking harapan at sobrang lapit pa niya sa akin. I really want to kick his balls right now but with our position. We're like hugging each other now. Gusto ko siyang itulak nang biglang umihip ang hangin dahilan para mapasiksik ako sa kanyang dibdib. Now, I'm the one who's hugging this creature.

He smells nice.

He smells...

Familiar.

We stayed like that for about ten seconds when I realized this is not how it should be. Naitulak ko siya nang bigla akong nakaramdam ng pag-iinit sa aking mukha. Nakalimutan kong nasa dulo na pala ako ng balkonahe. Tuluyan na akong nawalan ng balanse.

Nagmukha tuloy akong manok na ipinapagaspas ang dalawa kong kamay. Nakatingin lang si Alexander sa akin.

"Tulong!!" sa huli ay nasabi ko.

Bago pa man ako tuluyang mahulog, sa pangalawang pagkakataon ay hinila niya ako palapit sa kanya.

"Don't try to push me away"dinig kong sabi niya.

Nakahawak ang isa nitong kamay sa aking bewang. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinabahan ako ng sobra. Akala ko ay pababayaan na niya akong mahulog. Nanatiling ganun ang posisyon namin nang bigla niya akong binitawan at inilayo sa kanya.

"Tsk."

Inayos ko ang aking damit at tiningnan siya na nakaupo na sa isang silya at sinimulang inumin ang gatas na tinimpla ko.

Tumikhim ako at pasimpleng umupo sa kaharap na silya.

"Kanina ka pa ba?"tanong ko sa kanya. Patuloy ito sa pagkain. Pagkuwa'y tumingin siya sa akin at nilunok ang nasa bibig.

"May pinuntahan lang ako malapit dito kaya naisipan kong dumaan na lang din dito"

Ibinalik nito ang atensiyon sa pagkain.

"A-Alexander..." tawag pansin ko sa kanya.

"Hmm"lumingon ito sa akin nang may kagat kagat na mansanas.

"Wag ka sanang maoffend pero..."nagdadalawang-isip ako kung itutuloy ko pa ba ang itatanong ko sa kanya.

Baka magalit na naman siya...Wag na lang.

"Go ahead wife"sagot niya nang mukhang nabasa na naman ang nasa isip ko.

"Okay, ako lang ba ang nakakakita sa anyo mong...ganyan? Walang... mukha?"kagat labi kong tanong sa kanya. Tumigil ito sa pagnguya at tumingin sa akin. Hindi ko mabasa ang iniisip niya.

Kasi nga ayaw mo nga daw sa kanya. Remember when he told you about that special telephatic communication you both have? Only if you accept him as your husband...(sabad ni brain)

"Ask your mom how she sees me then you'll know the answer."

Tinitigan ko ang kanyang mata at lihim na pinag-aaralan ang emosyon nito.

Wala akong maaninag na kislap sa kanyang mata. Maganda ito pero mukhang may kulang. Wala itong emosyon.

"Eh baka naman may ginamit ka lang na magic kay Mama"

"Tsk"

Wow! Suplado naman nito oh.

"Matulog ka na Cassandra"

Bakit parang may mood swing ang isang to?

Naubos na niya ang lahat ng dinala kong pagkain. Tumayo ito at pumasok sa kwarto. Sumunod ako sa kanya at isinara ang pinto ng balkonahe. Nahiga siya sa couch at ginawang unan ang armrest ng couch. Mukha siyang pagod at wala sa mood mang-inis. Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero pinili ko na lang manahimik.

Nakapikit ito at mukhang nakatulog na. Gusto ko siyang lapitan at siguruhing hindi ito nakasuot ng maskara o baka nag make up ng itim sa buo nitong katawan pero natatakot ako sa pwede kong makita. Pabagsak akong naupo sa kama at kinuha ang isang notebook at ballpen sa drawer malapit sa kama ko at nagsimulang magsulat.

(Yawning...)

Pinunasan ko ang maluha luha kong mata. Tinapos ko na ang pagsusulat sa diary ko at itinago ito pabalik sa drawer. Sinulyapan ko si Alexander na mukhang mahimbing na ring natutulog.

Hanggang ngayon ay misteryoso pa rin ang kanyang identity at existence para sa akin. Bukod sa kanyang pangalan ay wala na akong alam dito. May pamilya kaya siya?Kaibigan?o di naman kaya saan ito nakatira? Sino-sino ang mga kasama nito pag wala siya dito? katulad din kaya niya? Sa dami ng tanong ko sa nilalang na ito, kukulangin ata ang isang araw. Humiga na ako at inayos ang kumot ko nang mapatingin ako sa kanya. Napalunok ako habang nakatingin sa kanya.

May puso naman ako, kaya kumuha ako ng isa pang kumot at unan para sa kanya. Linapitan ko siya at maingat na kinumutan. Maingat ko ring binuhat ang kanyang ulo para maayos kong mailagay ang unan. Pigil ang aking hininga habang inaayos ang kanyang unan. Ayokong magising ito.

"Huh?"nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa mukha niya. Nakapikit pa rin ito. Nananaginip ba siya?

"Dito ka lang please"tila nagsusumamo ito sa kanyang panaginip.

"Huh?"

"Wag mo akong iwan"parang batang saad nito. Mukhang malungkot ang kanyang panaginip.

"We really can't be together"sagot ko sa kanya kahit alam kong hindi naman talaga para sa akin ang sinabi niya.

Napabuntong hininga na lang ako.

"I don't really know who you are or what you've been through but...I can feel your pain"sandali kong pinag-aralan ang kanyang anyo. I see nothing but a shadow like figure lying on my couch. It's kinda weird because I'm not scared of him. Not anymore. Napabuntong hininga na lang ako. Inalis ko ang kanyang kamay sa aking braso at nahiga na rin sa aking kama.

His past might be so sad, but that doesn't mean I won't get him out of my life. I want a normal life and maybe a married life. But not with him.