webnovel

Chapter 3- THE RUINED DATE

I didn't notice we arrived at my house. Bukas pa ang ilaw. Baka gising pa si Yaya Glenda. Madalas niya kasi akong hintayin. Parang siya na ang Mama ko. Wala kasing time si Mama na tawagan kahit nasa ibang lugar siya. I silently got out of the car.

"Can we talk?" Nasa likod ko na pala siya. Lumingon ako sa kanya. I have this urge to talk to him pero I have a second thought. Maybe I'm scared. Ayoko naman umasa ulit. "Bakit?"

"Uhm, I don't know. Catching up." Natawa ako sa sinabi niya. Ewan ko ba bigla nalang. A painful smile escape my lips. "Stop playing Geo. Umalis ka sa ospital sa araw na yun without explaining. Sinundan kita pero wala kang balak lumingon. I ended walking back and just let out my tears there. So please, don't play with me." Buti hindi ako nautal. He was intently looking at me. Umiwas nalang ako nang tingin. I kinda lost in his eyes.

"I'm sorry." Hay! Sawa na ako sa linya niyang ganito. He always saying sorry. Nakakapagod na pakinggan.

"Iha," si Yaya Glenda na ang bumukas ng gate. Nakatingin ito sa akin at sa kasama ko. "Siya ba si Geo? Ang gwapong bata." Bakit pati si Yaya pinupuri siya at paanong kilala niya ito?

"Pasok na kayo dahil malamig sa labas." Bakit kayo? Walang kami. Naks! Hugot na hugot ako ngayon.

"Yaya, uuwi na po siya." Reklamo ko pero itong gago pumasok nalang basta sa gate. Aangal pa sana ako pero nagkwentuhan na sila ni Yaya. Akalain mo yun close sila. Napaikot nalang ako ng mata.

Feel at home itong nakaupo sa couch namin. Ayoko naman ipagtabuyan baka sabihin na wala akong utang na loob. "Iho, ito pala juice at iha, ang gatas mo."

"Thanks Yaya G." Sabi pa niya kay Yaya. May nickname pa talaga.

"Matutulog na ako iha." Umalis na din si Yaya. Nagsimula nang kumabog ang dibdib ko. Ano ba yan heart? Ngayon ka pa talaga kinabahan.

Kinuha nito ang juice at gatas. Pumunta siya sa pwesto ko. Iniabot niya ang gatas sa akin at umupo sa tabi ko. Bakit kailangan pang lumipat? Talagang nilalamig na ako dahil sa lapit namin. Tahimik kong ininom ang gatas. Buti hindi ako nasamid dahil nakatitig siya sa akin. Mabilis kong naubos ang gatas. Siya, kalahati lang ang naubos. Ibinaba nito ang juice niya at hinawakan ang labi ko. Yun pala, pinunasan nito ang kalat na gatas sa labi ko. Ang tanga ko talaga.

"Ang kalat mo." Napalayo ako sa kanya at tinaasan ng kilay. Nakakainis siya. Kailangan pa talaga sabihin yun.

"But you look pretty right now." Natigilan ako sa sinabi niya. Bwisit talaga! Alam niya kailan ako mapapatigil. I cross my arms and avoid his gaze.

"So can we talk now?"

Ano ba sa tingin niya ginagawa namin? Naglalaro.

"I'm sorry. Kung nakakasawa na ang sorry para sayo, I will always say it kahit mainis ka pa. I don't know how you can forgive me. Maraming bagay akong ginawang na hindi maganda sayo." For so many years, he is now explaining his side. Hindi ko alam ang sasabihin. Sa totoo lang, ako lang ang may kasalanan dahil pinipilit ko itong nararamdaman ko sa kanya. Pride lang siguro ito dahil rejected ako palagi sa kanya.

"Magulo ang utak ko, palagi naman. Kahit sa school noon, I am amused on how bubbly you are. Hindi ko lang alam ang gagawin nun. I know your hurt because of me. At palagi kong pinagsisihan yun araw at gabi. Can we start all over again? If it's not too much?" Naluluha akong tumingin sa kanya. Hindi ko na kasi maintindihan. I always dream that one day we can have this kind of talk. Ngayon, natupad na pero may takot pa din ako.

"Sorry, uhm, bakit?" Natarantang pinunasan nito ang luha ko. "Hindi ko kasi inaasahan ang ganito." Yun ang lumabas sa bibig ko. Nakatingin ito sa akin at nandoon talaga ang pag-alala niya sa akin.

"Ayoko na maging duwag. I should learn to appreciate people who were there for me. Ikaw yun Kiara Villareal, ang nag-iisang tao na kahit pilit kong tinataboy pero bumabalik pa din sa akin. I'm so lucky right?" Nakangiting sabi nito. Mas lalo siyang naging gwapo sa mga mata ko.

"Can we be friends? And let's find out, along the way kung ano ang mangyayari?" Marahan akong tumango at bigla nalang ako nitong hinalikan sa lips. Mabilis lang naman. Pareho kaming napaiwas nang tingin. Gawain ba yun ng friends? Para kaming ewan. Natutuwa ang kaluluwa ko ngayon kahit mabilis lang yun. Hindi naman siguro maling umasa di ba?

"Sorry/Okay lang." Sabay naming sabi. Another awkward moment to us. Mga ilang minuto hindi kami nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin. Bakit ganyan siya? Baka tuluyan na akong malusaw sa mga titig niya.

Matapos ang titigan session namin, nagpaalam na siya. Hindi na siya nagpahatid at ako diretso sa kwarto. Hindi rin mapigilan ng labi ko na ngumiti. Totoo na ba 'to o lasing lang ako? Kinurot ko ang pisngi ko, masakit naman. Totoo nga. Hindi naman siguro kalabisan kung panghawakan ko ang sinabi niya?

Geo messaged me on my Instagram that we will have a date. I read it not just twice but so many times baka may problema ako sa mata. So far, hindi naman. For real niyaya nga ako nito. 10:00 am daw niya ako susunduin.

I was crazy walking back and forth thinking what I will wear. Syempre dapat gandahan dahil first date namin na kami lang. "Iha, ayos ka lang?"

Nandito na pala si Yaya. Tumingin ako sa kanya nang malungkot. To the rescue naman ito kaagad. "Anong problema iha?"

"Uhm, ya, what should I wear?" Ngumiti ito kaagad sa akin. Iniisip siguro ni Yaya na ang babaw ko. Girl problems talaga ang isusuot na damit. "Kahit simple lang isuot mo iha basta komportable ka, maganda pa din yun."

"Eh, Yaya, date po kasi namin at first time po." Nakangusong sabi ko sa kanya.

"Sa tingin ko, itong kulay pink na dress mo ay bagay sayo." Sabay kuha sa kama nang isa sa mga damit ko na nilapag.

"Thanks Yaya. Masyado lang po siguro akong nag-alala."

"Okay lang iha. Basta, maging natural ka lang dahil yun ang gusto ng mga lalaki." Niyakap ko si Yaya. Forever akong thankful sa pagiging supportive niya.

Naligo na ako kahit 8:00 am pa lang dahil sa excited ako. Ayoko siyang paghintayin. Kumakanta pa ako habang nasa banyo. Pagkatapos ng 30 minuto ay lumabas na ako. I wear the dress Yaya showed me. Napatingin ako sa reflection ko. Bagay nga sa akin. Kaya lang medyo maiksi. Hindi naman ito revealing kaya okay na.

I wear liptint for my lips and face powder sa mukha ko. Maganda naman ako. Oh! Self appreciation yun. Nilugay ko ang maiksi kong buhok. I look for my black sling bag and brown wedge.

Ilang beses akong tumingin sa salamin at para akong tanga na kinakausap ang sarili para lang maging relax. 9:30 am palang pala. "Kumain ka muna iha," sabi ni Yaya sa akin habang nasa sala ako. Panay scroll ko sa phone kung may message pa siya sa akin pero wala naman. Tutuparin naman niya ang date namin siguro? I mentally slap myself for overthinking. "Ayos lang po ako Yaya. I'm still full."

"Sige. May gagawin muna ako."

I take photos of myself. Nang magsawa ako, sumandig ako. It's already 10:00 am and I can't stop myself from being sad. A text came from him."I'm sorry. I'm not feeling well." Imbes na mainis, malungkot ako. Bakit ngayon pa siya nagkasakit? Nag-isip ako ng maraming beses kung pupunta ako kanila. Kapalan na 'to.

In the end, I called a taxi and directly went to their house. I was hesitant to press the doorbell. Wala na itong atrasan. I twice press it. A beautiful woman who exactly looks like him open the gate. She's smiling and here am I unable to smile a bit.

"Your my son's girlfriend?" Walang lumabas na salita sa akin. Overwhelm lang yata ako sa itsura ng Mommy niya.

"You okay iha?" There I snap back to reality. Mukha na akong ewan.

"Kaibigan niya po." Paglilinaw ko. Assuming ko pag sumagot akong ng oo. "Okay. Geo is having a fever. Ang sipag kasi. Please come inside iha." She open the gate widely. Syempre pumasok na ako kaagad. Sobrang laki ng bahay nila Geo. "His dad is having his daily check up kaya hindi mo siya makikilala muna. You need anything iha?" Paliwanag nito sa akin. Mukhang mawawala ako sa laki ng kanilang bahay.

"Okay lang po."

"Geo, is not still eating dahil pakiramdam niya masusuka siya." Hindi ko maiwasan lalong mag-alala.

"Can you bring this breakfast for him?" Sabay abot nitong tray. Nagtataka man ay tinanggap ko. "His room is in the last part." Dugtong pa nito. Ngumiti ako at naglakad na paakyat. Heto na naman ang kaba ko. Ibinaba ko muna ang tray at kumatok. Wala naman sagot kahit paulit-ulit akong kumakatok. Hinawakan ko ang doorknob at marahang pinihit ito. Buti hindi lock. Kinuha ko uli ang tray at naglakad papasok. Nakabalot siya ng kumot. Kita naman ang paa nito na nakalabas. I put the tray on the table.May maliit siyang table at computer sa kwarto niya. May mga papel pa na nakakalat dito sa sahig niya. I get each of them and properly put it in the table. I slowly tap his shoulder para magising siya. "Mom, I told you, I won't eat. I ruined our date. She's probably sad now. This fever really sucks." Sobrang daldal pala nito pag may sakit. Hindi na ito ulit nagsalita. "Sige, iiwan ko muna ang pagkain baka sakaling kumain ka." Agad itong napabalikwas at bumangon. He instantly remove his blanket and look at me. He blink so many times. Ang cute niya lang.

"Oh! Jesus! Bakit ka nandito? Galit ka yata sa akin kaya nandito ka?"

"Hindi naman."

"You sure?" His not wearing any shirt on top. And worst, his wearing his boxers. Napaiwas ako ng tingin. Pakiramdam ko nag-iinit ang pisngi. Mukhang pati ako lalagnatin.

"God! Sorry, I'll change." Tumayo ito kaagad at kumuha ng damit sa closet niya. May shirt nga siya pero boxer pa rin ang nasa baba niya.

"Sorry okay. How many times I said sorry? Twice na pala." Gusto ko nang matawa sa inaasta nito. Todo pigil pa din ako.

"Kumain ka na. Baka magkasakit ka." Humiga ito ulit sa kama at nagkumot pero nakaharap sa akin. "I think I'm gonna puke if I eat."

"Kahit konti lang. Baka gusto mo noodles na lang? I'll cook for you."

"Your even more beautiful today. Sorry for not making it." Ang date pa din ang iniisip nito. Tumunog na din ang tiyan ko. I forgot my breakfast. I smile awkwardly to him.

"Bakit hindi ka pa kumakain? You made me feel guilty even more. Eat the food dahil hindi ako din kakain niyan." He pointed on the food.

"Pag hindi ka kumain, I'll not eat any noodles you cook." Pananakot nito sa akin. Kumain na ako kaagad. Ang sarap naman nito. Ubos ko nga. Nahihiya akong tumingin kay Geo at ininom ang tubig katabi ng pagkain.

"Uhm, ipagluluto na kita." Pag-iiba ko ng usapan. Ang awkward lang kasi. I left my phone and my bag at his table. Naglakad na ako palabas bitbit ang tray. Hindi ko maiwasan pamulahan dahil ubos ko ang pagkain. Baka turn off na siya sa akin. Naabutan ko ang mommy na may nililinis sa kusina. "Excuse me po ma'am." Napalingon ito kaagad sa akin.

"Oh! Thank God! He eat already."

"Hindi po siya kumain. Ako po ang pinakain niya nito kasi noodles nalang daw po kakainin niya." Ang haba ng sinabi ko. Ngumiti naman kaagad ang mommy nito.

"I'll make him one."

"Ako na po Maam. Baka may gagawin pa kayo."

"Thanks iha. Just call me Tita, masyadong formal ang ma'am." Nakangiting sabi nito sa akin. Tumango naman ako.

Pinagluto ko ng noodles si Geo at mabilis naman itong naluto. Naglagay na din ako ng tubig at gamot para kaagad nitong mainom.

Nakatalukbong na ito ulit ng kumot. Nilapag ko ang pagkain at umupo sa gilid niya. Marahan kong tinapik ang balikat niya. "Geo, nandito na ang noodles."

"Hmm."

"Kumain ka na."

"Hmm." Panay ungol niya lang.

"Geo, gising na." This time niyugyog ko na ang balikat niya. Tinanggal nito ang kumot at bumangon na. "Kumain ka na." Nakatingin lang ito sa akin. Bakit may dumi ba ako sa mukha?

"Thanks for coming." Sabi nito sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. He got off the bed and sat down on the floor. He eats the noodles so fast. Akala ko ba nasusuka siya? Well, sa nakikita ko, magana siyang kumain. "Yung gamot."

"Oh! I hate medicine but I'll take this one dahil nag-effort ka." Tuluyan na niyang pinakita na he appreciate what I did for him. I'm just so happy.

After he eats, he stood up and sit beside me. "I just want to say sorry for ruining our date. I have a movie here, can we watch it?"

"Oo naman."

"Thanks. I'll get the flash drive."

Kinuha nito ang bag niya at may hinalungkat doon. Yung flash drive pala. He inserted it to his laptop na nakalagay din sa bag niya. Nilagay niya ang laptop sa kama at pinaupo ako sa tabi niya.

"I have a lot of movies here, pili ka." He pointed the screen with so many videos.

"Kahit ano basta movie."

"Kahit ano? Sure ka?" Paniniguro nito. Tumango lang ako. Hindi ko alam kung anong pinili niya. Little did I know, it was horror movie. Gusto ko sana ipalipat pero ayoko maging duwag. I can't think properly.

Naging malamig ang pakiramdam ko, maybe because of his air-conditioning. I keep convincing myself but in the middle of the movie, I can't help myself but get scared. Maling-mali ito talaga.

"You okay?" Kagat-labi akong tumingin sa kanya. He instantly got worried and just close the movie and after he close the laptop too.

"I told you, choose. Sorry okay?" He even hold both of my shoulders.

"Okay ka na ba talaga?" Marahan akong tumango.Napasandig siya sa headboard ng kama. "We're supposed to be dating today but here I am stuck on this bed. You even dressed but it was ruin by me. I'm such a bad person."

"Its fine Geo." Ayoko maging guilty siya dahil hindi naman niya hiniling magkasakit. "Yeah. But it's the first date we had for so many years. How can I make it up to you?"

"Ayos lang."

"It's not." Angal niya. Matigas din pala ulo nito.

"Can you stay for the night? Let's continue our date."

"Geo, ano ka ba? Ayos lang."

"I'm so lucky." Nakangiting usal nito.

"Ki," he called me again. Bakit ang ganda nang dating pag siya ang nagbanggit ng nickname ko? Nilingon ko siya at heto na naman ang titig niya na nalulusaw ako.

Siguro kong nakatayo ako, malamang tumba na ako.

"May itatanong ka?" Mabuti hindi ako nauutal. Naglevel up na ako.

"Can you stay?" Naguguluhan ako sa tanong niya. Napansin niya yata kaya kaagad itong nagsalita ulit. "I mean, can you stay with me even I'm not the best?"

"Oo naman." I answered him truthfully. Kahit masakit ang pinagdaanan ko sa kanya, I am not giving up on this man. Mahal ko kasi ito.