webnovel

Ashanta and Warren (Tagalog)

Paano kung ang taong akala mong di mo kayang mahalin ay bigla kang mahulog? Paano kung ang taong akala mo hindi ka na mamahalin ay mahalin ka bigla? Fall for My Wife

Gummy_Sunny · Teenager
Zu wenig Bewertungen
5 Chs

Chapter 3

Chapter 3

- Warren's POV -

Pumasok na ako sa loob ng bahay na sinabi ni Ash sakin. Pagpasok ko sa bahay ay may naririnig akong tawanan ng dalawang babae. Ang isa ay alam kong si Ash iyon. Napahinto ako sa paglalakad dahil sa lakas ng tawa nya.

Ang sarap sa pakiramdam.

"Ahem!" Tikim ko para makuha ang atensyon nila. "Pwede bang magsara kayo ng pinto? Kayong dalawa lang nandito at dalawa pa kayo---" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil napatingin ako sa tyan ni Ash.

"Hi, Hubby." Saad nito at unti-unting lumapit sa akin. "Haha. Parang nakakita ka ng multo." Natatawang saad nito at niyakap ako. Wala sa sariling niyakap ko din sya.

"Alam mo bang pinag-alala mo kami? Lalo na kami ni Mommy." Saad ko at hinawakan ang tyan nya tapos bumaling ako sa kasama nya.

"Hi." Bati nito sa akin. "Totoo nga sabi ni Ash, gwapo ka nga. Di na ako magugulat kung bakit mo nakuha ang puso ni Ash. Masyadong hard to ge--- aray!" Angal nito ng biglang batuhin sya ng asawa ko.

"Ang daldal mo talaga. Putulin ko dila mo dyan, ehh." Mataray na saad ni Ashanta na nagpatigil sa akin.

"Iintindihin nalang kita, sis. Mood swings lang yan." Saad ng babae. "By the way, Im Janise. One of best friends of that bitch." Sabay turo sa asawa kong masama ang tingin sa kaibigan nya.

"Hayop ka! Di kita sasamahan bukas!" Saad nito at lumapit sa kaibigan nya. Ready na sana akong pigilan sya pero hindi na natuloy dahil niyakap nya ang kaibigan nya. "Una na kami, sis. Bukas nalang. Love you! Pakisabi kila Jayson uuwi na ako. Bye, i love you!" Saad nito at hinalikan ang pisnge ng kaibigan nya.

"Bye! Pacheck-up ka na, ha? Ayan na si Warren, ohh." Saad nito at itinuro ako.

"Oo na. Bye, miss you agad!" Saad ng asawa ko at sumakay na ng kotse. Pagsakay ko ay nakita kong humihinga ito ng malalim.

"Are you ok?" Tanong ko habang nagd-drive.

"Oo. Mamimiss ko lang sya. Kasi, ilang months na kaming hindi nagkita tapos ilang linggo lang kaming nagkasama ngayon." Saad nito at bumuntong-hininga ulit pero biglang lumiwanag ang muhka. "Pero makakasama ko sya ulit bukas." Saad nito at dumilim ulit ang muhka. "Pero magpapacheck-up tayo bukas." Saad nito at bumuntong-hininga ulit.

"Haha. Ang weird ng mood swings mo. Ilang segondo lang, magpapalit na agad." Natatawang saad ko. "Ok lang naman sa akin na makipagbonding ka muna sa kaibigan mo. Take your time."

"What if... Ngayon na tayo magpacheck-up?" Masayang saad nito.

"Oo nga, nohh. Sige, punta tayo ng OB." Saad ko at inikot ang sasakyan.

Naluluha parin si Ashanta habang tinitignan ang picture ng sextuplets namin. Noong una ay nagulat din ako dahil 6 na bata ang dala-dala ngayon ni Ashanta. Akala ko mahihimatay na ako kanina.

"We're home!" Sigaw ko sa pinto at inalalayan si Ash dahil naluluha parin ito hanggang ngayon.

"Hi, naka---" hindi natapos ni Mommy ang sasabihin nya dahil napatingin sya sa tyan ni Ash. "Ohh my god! You're pregnant!" Excited na sya ni Mommy at dali-dali na lumapit sa amin ni Ash. "Why are you crying?" Tanong ni Mommy ng makarating na kami sa sala at mapaupo na si Ash sa sofa.

"K-kasi p-po, sobrang s-saya ko." Saad ni Ash at umiyak na parang iniwan ng boyfriend.

"Tumigil ka nga kakaatungal. Baka gusto mong itapon kita sa may swimming pool?" Panakot ko sa kanya.

"Edi itapon mo. Marunong naman ako lumangoy, ehh." Matapang nitong sagot na nakapagpatahimik sa akin.

"Nakakatakot ka naman. Alam ba nila tita na doon ka natulog sa kaibigan mong si Jayson?"

"Talaga? Bakit? Nakita mo ba kami? Di ako tanga, Athena. May asawa si Jayson at may asawa din ako. Ang pangit tignan non, palibhasa kasi ikaw wala kang paki kung may asawa na o wala ang makatabi mo kasi mas makati ka pa sa level 99 na higad." Matapang na saad ni Ash tapos inirapan si Athena. "Oww. By the way, alam ba nila Mommy na ilang beses ka nang nagpaabort dahil sa kalandian mo? Alam din ba nila na kaya hindi ka nanghihingi ng pera sa kanila ay dahil nagpapabayad ka pagkatapos ng isang gabi?" Saad pa ni Ash. Gulat naman kaming napatingin kay Athena.

"Haha! You're a bitch!" Natatawang saad ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni mommy. Napatigil ako sa pagtawa at tumikim tapos umayos ng upo.

"Warren, halika nga." Saad ni Ash. Dali-dali naman akong lumapit sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko at naupo sa tabi nya.

"Pwede mo ba akong bilhan ng ice cream. Limang iba't ibang flavor." Malambing nitong saad.

"Ugh! Stop it, Ash! Di bagay sayo!" Sigaw ni Athena.

"Paki mo naman. Kung ayaw mo akong makitang nagpapabili ng ice cream, ikaw ang bumili ng ice cream ko." Mataray na saad ni Ash.

"What?!" Sigaw ni Athena at di makapaniwalang nakatingin kay Ash.

"What? What da pak. Bilisan mo na, Warren." Saad nito. Tatayo na sana ako pero bigla syang nagsalita. "Wag na pala. Meron dito." Saad nito at kumuha ng kutsara at kumain bigla syang nagtaas ng tingin at tinaasan kami ng kilay. "Bakit?" Tanong nito at tumingin sa ice cream na hawak nya. "Gusto nyo?" Tanong nito at lumapit sa akin. "Kumuha ka don ng kutsara tapos baso, bilis. Unahin mo sila tita, tito, Mommy and daddy." Saad nito at naupo na sa sofa. Wala naman akong nagawa at ginawa ang sinabi.

Nabigyan ko na ng lahat at naupo na ako sa tabi ni Ashanta. Kumuha pa ako ng tatlong ice cream sa ref just in case manghingi pa sya habang kumakain ako ay tinitingnan ko sya.

"Ano ba, Warren? Tutunawin mo ba ako?" Mataray nitong saad.

"Hayts, kumain ka nalang. Ang dami mong reklamo." Saad ko. Maya-maya ay biglang tumayo si Ash dali-dali din akong sumunod sa kanya.

"Anong gagawin mo? Saan ka pupunta?" Tanong ko habang nakasunod sa kanya.

"Doon ako matutulog sa pool." Saad nito at nagpadala ng kumot at unan sa may pool.

"Ano? Gusto kitang katabi." Nagmamaktol kong saad.

"Pakialam ko naman. Wag mo akong pigilan minsan lang akong makaexperience ng ganito." Masungit nitong saad.

"Tatabi nalang ako sayo." Saad ko at niyakap sya mula sa likod.

"Tsk! Tigang kalang! Tignan mo alaga mo, gising! Tigilan mo nga ako, Warren." Saad nito at nagpunta na sa may pool.

"Ayos ka lang? Lulubog tayo." Saad nito at may inilagay ang pantulog sa isang mini swimming pool at sumakay doon. "Patulak nga, hubby." Saad nito na nagpangiti sa akin. Ginagawa ko iyon at nataranta ako ng nandoon na sya sa pool. "Thanks, hubby." Saad nito at nginitian saka humiga. Wala sa sarili akong lumapit at dahan-dahan sumakay sa mini-pool na sinasakyan nya.

"Hehe."

"Ano ba, Warren?" Tanong ni Ash.

"Anong ginagawa nyong dalawa dyan?" Tanong ni Mommy galing sa kung saan. Napatingin ako sa daanan papunta dito.

"Hi, mom. Dito kami matutulog. Yaya! Pakuha pa nga ng dalawang unan!"

"Opo!" Sigaw ni Yaya at makalipas ng ilang segondo ay iniabot nya sa akin ang dalawang unan. "Thanks, yaya." Saad ko at bumaling ako kay Ash.

"Warren, akala ko tabi tayo?" Saad ni Athena. Napatingin naman kami ni Ash sa kanya.

"Ano daw?" Tanong ni Ash.

"Alam mo ba, ash. Magkatabi kami ni Warren kagabi at nung mga gabing wala ka." Saad ni Athena na ikinainit ng ulo ko.

"Paki ko. At least walang nangyari sa inyo. At pano sya magkakaroon ng itim na bilog sa ilalim ng mata nya kung magkatabi kayong natutulog?" Mataray na saad ni Ashanta na ikinagulat ko. Napatingin ako sa kanya, nakatingin sya ngayon.

"Are you ok?" Tanong ko.

"Im fine. Sleep na ako." Saad nito.

"Sa kwarto na tayo tulog, please." Saad ko sa kanya.

"Bakit?" Tanong nito at tumingin sakin.

"Kasi... Pano kung magka-morning sickness ka? Pano kung bigla kang sumuka? Pano kung bigla kang mahilo? Pano kung---"

"Oo na. Hoy, Athena, tulungan mo nga kami dito." Sigaw nito sa kapatid nya. Umirap si Athena at kumuha ng lipstick na parang magr-retouch. Sa kalagitnaan ng paglalagay nito ng lipstick ay bigla syang binato ni Ashanta ng unan kaya kumalat ang lipstick sa may pisnge nya.

"What is your fucking problem?!" Inis nitong sigaw.

"Wag ka ngang sumigaw. Kairita ka!" Sigaw din ni Ashanta kaya nagulat kami. "Tanggapin mo nalang kasing, ako ang ampon, pero ako ang nakakuha ng magandang pangalan." Saad ni Ash at ngumisi habang umaalis kami sa mini-pool. Nang makaalis kami ay nagflip hair ito sa harap ni Athena.

"Ang sama talaga ng ugali mo!" Sigaw ni Athena na parang maiiyak na.

"Nahiya naman ako sa ugali mo." Saad ni Ash at naglakad saka nilagpasan si Athena pero bigla din itong humarap. "Magsettle down na kayo ni Bruce. Tangina, tigilan mo na kakapills at kakapaabort. Maawa ka naman sa mga batang pinalaglag mo. Kung hindi mo ginawa iyon, sana masaya na kayo ngayon ni Bruce." Pabiro nyang binatukan si Athena. "Kahit masama ang ugali mo, mahal parin kita kasi kapatid kita. Gaga ka talaga, wag moko iyakan dahil baka lunurin kita sa swimming pool." Biro nito at niyakap si Athena.

"W-wala kang k-kwentang a-ampon k-ka. H-hindi parin k-kita bati." Humihikbing saad ni Athena habang yakap parin ni Ashanta.

"Drama mo, matutulog na ako. Wag ka nang umiyak, dahil baka iumpog kita sa pader." Saad ni Ashanta at naglakad na palayo kay Athena. "Halika na, Warren. Tulog na tayo. Baka ikaw na ang iumpog ko dyan. Paguntugin ko kayo ni Athena, ehh." Saad nito habang naglalakad papunta sa kwarto. Nang makarating kami sa kwarto ay inilagay ko na ang lahat ng pantulog na kinuha namin kanina.

"Matulog ka na---" nagulat ako ng biglang tumakbo si Ash sa banyo at doon sumuka. Dali-dali din akong lumapit at hinagod ang likod nya. "Sabi sayo, buti di ka doon nasuka sa pool. Tataob tayo pareho pagnagkataon." Hinagod ko lang ang likod nya hanggang sa matapos sya at dinala ko na sya sa kama.

"Hubby, wag mo ko iwan." Saad ni Ash na nanghihina parin.

"Hindi naman kita iiwan, ehh. Sige na, tulog na tayo." Saad ko at tinabihan sya ng higa. Inilapit ko sya sa akin at pinaunan ko sya sa balikat ko.

"I love you, hubby. Good night."

"Hmm. Good night."

- - - To Be Continued - - -