webnovel

Chapter five

Nagising ako ng maaga dahil sabi kagabi ni Usui ay kailangan daw alas-otso ng maaga ay nandoon na kami para malinis pa daw nila ang resthouse, i wonder if Aika still sleeping.

Bumaba na ako ng kwarto at tumuloy sa kusina para ilabas ang aalmusalin ni Aika kung sakaling magising siya, gusto ko sana siyang isama pero tumangi siya kaya hindi na ako nagpilit pa.

Nag-iwan na lang ako ng notes sa lamesa para makita niya, saka ko isinukbit ang bagpack ko at dala ang handbag na naglalaman ng ilang pirasong damit ko.

Saka ako lumabas ng apartment nakita ko agad ang dalawa na nakasandal sa harap ng pinto at naghihintay sa akin.

"Good morning Princess." Bati nila pareho habang nakayuko.

"Good morning din sa inyo." Nginitian ko sila saka ko ini-lock ang pinto.

Sabay-sabay kaming bumaba ng building at sumakay sa nag-hihintay ng kotse.

"Excited na ako na makita sina kuya kahit paminsan-minsan lang." Napatingin sa akin si Usui na nasa harap nakaupo habang nagmamaneho naman si Gavin.

"Miss ka na rin ng kambal, nagulat nga sila ng malaman nila na nandito ka na sa Pilipinas." Napatango lang ako at saka tumingin sa labas ng bintana, mula ng pansamantalang pagbawalan sila ni papa na huwag munang tumawag sa akin o kay mama ay hindi ko na sila nakausap pa.

Halos tatlong buwan na rin mula nang makita ko sila at sandali lang iyon dahil delikado talaga.

Kagabi ko lang narinig ang boses nila ng mag-email sila sa akin matapos ang tatlong buwan. Para naman daw iyon sa kaligtasan ko paliwanag ni papa kaya naunawaan ko naman.

Alam ko naman na maraming bawal pero kahit ganito ay gusto ko pa rin na makita ang mga kuya ko, maging sila ay ganun rin kaya kahit sandali ay kailangan namin sulitin ang mga araw na magkakasama kami.

"Wala ka bang naging problema sa school mo?" Tanong bigla ni Usui kaya medyo kinabahan ako naalala ko tuloy ang nangyari noong nakaraang araw.

"Wala naman normal naman ang lahat." Sagot ko na lang kay Usui at saka ko siya nginitian nakatingin lang siya sa akin ng seryoso pero napailing na lang dahil ngiti lang sinukli ko sa kanya.

Matagal ko nang kasama ang dalawa na ito actually tatlo sila mula noong bata pa ako kaya alam nila kung may tinatago ako o wala.

Aalamin at aalamin nila ang dahilan kung bakit ako malungkot o may nambubuli sa akin lalo na sa school ko ngayon, kaya goodluck sa mga nangbully sa akin ewan ko kung ano ang mangyayari sa kanila pero kailangan ko pa rin sabihan itong dalawa na ito na hayaan na lang.

"They don't know anything Usui so please leave them alone okay." Sabi ko sa kanya na napatawa na lang at maging si Gavin na tahimik lang ay nakitawa na rin.

"They are just low life school girl who want to be famous and bullying innocent transfere like you." Sabi ni Gavin kaya napangiti na lang ako at tumahimik na ako.

Nakarating kami sa Laguna nang matiwasay kaya nasa bungad pa lang kami ng resthouse ay gusto ko nang bumaba para makita na sina Kuya Seiran at Kuya Ryuuki.

"Bilis na Gavin." Sabi ko sa kanya napatawa na lang ang dalawa at inihinto na ang sasakyan, narinig ko pa na sinaway ako ni Usui na magdahan-dahan pero hindi ko siya pinansin tumakbo lang ako papasok ng bahay.

"Kuya!" Tawag ko sakto naman na lumabas mula sa kusina si Kuya Ryuuki kaya tumakbo ako sa kanya payakap.

"Hey Princess." Yumakap lang ako ng mahigpit sa kanya kaya napatawa siya at parang ayoko na siyang bitawan pa dahil sa pagka miss ko sa kanya.

"Ako ba walang hug diyan?" Napatingin ako kay Kuya Ryuuren na nakangiti sa akin kaya tumakbo rin ako sa kanya at saka ko siya niyakap ng mahigpit.

Si Kuya Seiran ay wala na ikinalungkot ko dahil marami siyang trabaho sa Japan kaya hindi siya nakasama dito kina Kuya Ryuuki at Kuya Ryuuren pero nagpaabot naman siya ng video message sa private phone ni Kuya Ryuuki.

'Hello my Princess. I'm sorry if we will not see each other now, i have so many works to do. I miss you my baby. See you soon.' Naka-lab coat pa siya at naka salamin siguro ay nasa facility pa siya at may trabaho kaya nag-send na rin ako ng message sa kanya.

Miss na miss ko na rin siya at gusto ko na rin siyang makita dahil hindi pwede ang video chat dahil sa mga hackers na nagbabantay sa ip address ni Kuya Seiran baka malaman pa nila kung nasaan ako.

"So kumusta ang new school mo my princess?" Tanong ni Kuya Ryuuki habang kumakain kami ng hapunan na hinanda nila ni Kuya Ryuuren, napatigil ako sa pagsubo ng kanin at linunok ko ang ulam sa bibig ko.

"Okay naman po kuya, kasama ko naman si Aika lagi kaya walang problema." Sagot ko sa kanya na ikinatango lang niya, sina Gavin at Usui ay tahimik lang na kumakain.

Hanggang sa ang tahimik namin na tanghalian ay nauwi sa maingay at masayang kwentuhan, masarap talagang magluto sina kuya kaya busog na busog ako.

Pero nang sumapit ang hapon ay kinausap ako ni Kuya Ryuuren dahil may kailangan daw mun silang asikasuhin kaya nalungkot ako bigla.

"Lipat ka sa isa natin na resthouse kina Nana Lita at Tata Ben alam nila na nandito tayo, pero para makasiguro ay lipat ka doon bukas na lang tayo mamasyal." Si Kuya Ryuuren na laging seryoso ang mukha napatango lang ako kahit nalulungkot wala akong magagawa dahil para na rin ito sa kaligtasan namin.

"Babalikan ka namin bukas wag ka na malungkot." Hinalikan ako nina kuya sa noo at saka ako pinapasok sa sasakyan tinanaw ko lang sila habang paandar na ang sasakyan.

Kusang tumulo ang luha sa mata ko pero agad ko rin na pinunasan naramdaman ko ang kamay ni Usui na umalo sa akin kaya napasandig ako sa kanya at tahimik na umiyak.

Hanggang kailan ba kaming ganito iyong akala ko normal na ang lahat pero hindi pa pala dahil sa seguridad ko lagi ang iniisip nila.

Kahit nasasakal na ako ay wala akong magawa dahil sa pamilya ko, gusto lang nila akong protektahan kaya wala akong magawa.

Nakarating kami sa kabilang bahagi ng resort at ito ang pinaka bahaybakasyunan namin at may mag-asawang katiwala dito. Nakita ko agad sila na naghihintay sa amin.

"Dito na po muna si Allia susunduin po ulit namin siya bukas." Sabi Gavin sa kanila at saka kami nagmano kina Nana Lita at Tata Ben.

Hindi na nagtagal ang dalawa kaya nalungkot ako lalo dahil umalis na sila.

May tumawag kasi kanina kay Kuya Ryuuki na may problema sa isa sa mga kasamahan nila at kailangan nilang puntahan kaya ako naiwan na naman.

Gusto kong magsalita kanina pero nanahimik na lang ako.

Hinatid na lang ako ni Nana Lita sa kwarto ko at inilapag ko lang sa paanan ng kama ko ang bag na dala ko na may ilang damit saka ako humiga sa kama at tahimik na umiyak.

Ito ang ikinaiinis ko sa sarili ko masyado akong sensitive at iyakin sa kaunting sama ko lang ng loob gusto ko laging umiiyak kaya lagi din masakit ang mga mata ko at lalamunan.

Ilang minuto lang siguro akong umiyak kaya ng mahimasmasan ako ay nagpasya ako na bumaba na lang muna.

Naabutan ko si nana na naghahanda na ng hapunan tahimik kaming naghapunan tinanong din nila si Aika kung nasaan sinabi ko na lang na may ginagawa kaya di makakapunta matapos kaming kumain ay pumunta ako sa sala.

Medyo madilim na sa labas dahil unti-unti nang lumulubog ang araw, pero nagpaalam pa rin ako kay Tata Ben na maglalakad-lakad lang sa may tabing dagat pumayag naman ito at binilinan ako na wag lalayo masyado.

Banayad ang alon ng dagat at hindi gaanong malakas ang hangin kaya na-enjoy ko ang paglalakad lakad, ang lugar na ito ay nabili nina Papa at Mama dahil may similiraty ito sa Tibet ang isa sa mga bahay-bakayunan namin.

Madalas kami doon nong bata pa ako dahil malapit lang sa lugar na iyon ang headquarters ni papa kaya kami ni mama ay namalagi doon.

May narinig ako na parang tunog ng motor kaya sinundan ko ito kung nasaan iyon, nakita ko na may isang harley na palapit sa akin kinabahan ako kaya bumalik agad ako sa bahay para iwasan ang kung sino man na taong nakasakay sa motor pero bumusina siya napaisip ako baka si Kyoya lang kaya napahinto ako at linakasan ang loob ko.

Medyo may distansya na tumigil ang motor at tuluyan ng huminto hinintay ko na makababa ang lalake sa motor niya kilala ko si Kyoya alam ko na hindi ganito ang paraan ng pagkilos niya.

Kinabahan ako ng makita ko kung ang nasa likod ng helmet ng tanggalin niya ito.

"Sweetheart..." Sambit ng lalake sa akin kaya agad ko siyang nakilala at ang lakas ng tibok ng puso ko ay biglang bumilis dahil sa lalake na agad nakalapit sa akin at ngayon ay yakap na ako.