webnovel

5.) Lance at Kaizer

Magsisimula na ang klase namin ng natigilan ang lecturer namin dahil sa pagpasok ng isang lalaki na maging kaming mga studyante ay natigilan din at nagpalipat-lipat ang tingin mula doon sa bagong dating at kay Lance.

"Sino ka?" Ang naitanong ni sir Ian dito.

"Kaizer del Valle po sir." Pagpapakilala nito kay sir Ian kasabay ang pag-abot ng COR dito.

"Are you related to Lance Pacim?" Tanong pa ni sir Ian habang pinipirmahan ang COR nitong nagpakilalang Kaizer pagkapos ay ibinalik din sa may-ari.

"No sir but I, happened to have heard that name earlier." Sagot nito at tumingin sa akin pati narin sa katabi kong si Lance at sa kabila naman ay si Gabriel.

Therefore, I conclude and generalized that Lance and Kaiser are two different persons. Hahaha lagot na, anong gagawin ko?

"Lance Pacim, talaga ngang magkamukha tayo hindi lamang sa picture kaya hindi ko masisiya yang katabi na sa akin niya ibinigay ang wallet mo." Dagdag pa ni Kaizer.

"Sure ka talaga na hindi kayo magkaanoano?" Paniniguro pa ni sir Ian.

"Yes sir sure." Sagot ni Kaizer.

"Sige maupo ka na?" Si sir Ian na dumako naman sa akin ang tingin.

Mukhang naaapoy ko na kung anong binabalak nito at yun ay gawin akong pulutan pero sorry siya dahil walang inuman....

bakante ang upoan sa likuran ni Gab kaya doon naupo itong si Kaizer.

"Sophie, Sophie, Sophie." Si sir Ian. "You happened to be the first one in this class to meet this two people with same face. What can you say?"

Tumikhimtikhim muna ako. "Ahhmm tito boy, i'm flattered, you now hahaha."

"Sino mas kulam sa kanila?" Intriga naman itong kaklase kong si Marga.

"Of coarse si...am... si big boss." Pabitin kong sagot at naghiyawan naman ang klase dahil itong si big boss ay tumayo at nagdemo ng kamachohan.

Initext ko si Rick na magkita kami mamayang lunch.

Sa kasunod na klase ay lumipat na kami ng classroom at kaklase namin doon si Lea the clingy. Naroon na ito pagkapasok namin sa classroom. Napagitnaan namin ni Gab itong si Lea habang yung sina Kaizer at Lance naman ay nasa likuran namin nakaupo.

"Ahm, may mag-aabala ba sa inyong dalawa na e-update ako sa cheka? Ba't nagdalawa na itong nasa likuran natin? Sino sa kanila ang Lance ko?"

"Actually Lea, nakalimutan ko." Pag-amin ni Gab. "Dapat pala kasi tinandaan ko yung damit nila."

What I am going to do now? Mukhang mas mapapaikli pa yata ang buhay ko nito kung ganito. Mas mabuti nga sigurong ipahiram ko muna ang katawan ko kay Sooth at saka na ako lalabas pag nagsialisan na ang mga ito.

"Yeah, natatandaan kong apple ang phone si Kaizer kahapon, right?" Tanong sa akin ni Lea at hindi naman ako nakasagot.

Malay ko ba. Di kaya ako ang kasama nila kahapon at si Sooth yun. Maghapon kahapon ay nasa nowhere ako at pagbalik ko ay gabe na.

"Diba pinana mo pa nga siya dahil sa phone niyang latest apple tapos dito lang siya mag-aaral sa isang state university sa malayong probinsya?" Pagpapaala niya sa akin sa nangyari kahapon na hindi ko naman talaga maalala kahit gumuho pa ang mundo dahil hindi nga ako ang kasama nila kahapon.

Gusto kong sabihin yun sa kanila, kung pwedi lang talaga.

Pasimple kaming lumingon sa dalawa pero parang kinakarer yata ng mga ito ang pagiging butihing mag-aaral at focus talaga sila sa instructor namin.

"Paano yan mukhang nasa bulsa or bag yata nila ang phone nila?" Si Gab naman.

"Speaking of bag," si Lea uli na parang may naalala na naman. Inilabas ni ang sariling phone. "Piniktyuran ko iyon kahapon eh. Naala mo Sophie diba kinuha mo iyon at sabi mo pa nga ay original kaya yon piniktyuran ko. Oh ito."

Ipinakita ni Lea sa amin ang picture ng nasabing bag.

"Yan nalang ang tatandaan natin." Sabi ko naman.

12nn na natapos ang klase namin.

"Tara lunch na tayo." Si Gab, pagdating talaga sa kainan ay ito ang nagyayaya.

"Guys you know naman na mamayang 2 pa ang klase ko kaya sa bahay na ako kakain at ng makapag-beauty rest din ako."

Nauna ng lumabas ng classroom si Lea matapos itong magbigay ng talumpati ng pamamaalam.

"So," Napalingon naman ako ng may tumawag sa dalawa. "Tara na?" Tumayo ang nagsalita at nakita ko ang bag na parihas doon sa picture sa phone ni Lea.

"Pweding sumabay ako sa inyo na maglunch?" Sabit naman ng isa na tumayo narin.

"Pwedi." Sabi ko. "Actually ay may isa pa tayong kasama."

"Wag mong sabihing si Rick na naman yon?" Hindi ako sumagot sa tanong na ito ni Gab, bagkos ay tiningnan ko lang siya at tinawanan.

Lumabas na kami ng classroom at tinungo na namin ang daan papunta sa cafeteria.

"Hindi ko talaga alam kung paano mo naging kaibigan ang mukong na iyon?" Dagdag pa ni Gab habang nagpapalapit na kami sa cafeteria. "Hindi mo ba nakikita? Napaka-bully niya, lagi niya akong pinagtitripan."

"Wag ka kasing pikon para tigilan ka na niya." Sabi ko naman.

"Ako pikon?" Tinuro pa ni Gab ang sarili.

"Sabi Rick, mas cute ka daw kasi pag napipikon ka na at mas lalong gumadanda kapag galit na. May crush yata yon sayo eh." Pagbibiro ko.

"Sino may crush kay Gab?" Biglang singit ng iwan kung saan galing na si Rick.

Pariho kami ni Gab na nagulat sa biglang pagsulpot na ito ni Rick na umakbay pa sa amin.

But wait, heres more. Hindi lang naman kami ni Gab ang magkasama kaya hindi lang kami ang nagulat kundi pati din ang dalawang magkamukha na nasa lukuran lang namin. Mabilis kumilos ang mga ito at pinagkaisahan si Rick. Parihong binalak na suntukin siya, ngunit iwan kung maituturing bang mabuti at mukhang hindi naman kami pinababayaan ni Sooth, mabilis din ang naging pagkilos ko at sinalo ng aking mga kamay ang kamao ng dalawa.

"Kaibigan namin siya ni Gab." Sabi ko at agad din namang huminahon ang dalawa.

"Hahaha hindi ko kaibigan yan mukong na yan." Pagtatama sa akin ni Gab. "Sayang ah, di ka natuluyan." sabi naman niya kay Rick na tinulongan kong tumayo at halatang nabigla sa pangyayari lalo na ng makitang dalawa na ang Lance.

"Guys relax lang kayo ha, wag masyadong hot. Be cool." Si Rick sa dalawa ng makabawi na ito.

Pariho namang humingi ng paumanhin kay rick ang dalawa dahil sa nangyari.