webnovel

1.) ang katawan ni Sophia

Sophia's POV

Malalim na ang gabi ngunit hito at gising parin ako. Last number na itong sinasagutan ko sa assignment namin sa hydraulic na bukas ng umaga ipapasa.

Yessss, yan sa wakas tapos na!

Masaya akong tumayo at akmang lalapit na sana ako sa higaan ng bumukas ang lihim na pintuan sa aking silid. At agad din namang nawala ang ngiti sa aking mukha.

Andito na naman siya.

Pagminamalas ka nga naman, magbabalak ka palang na matulog pero hito na ang bangungut.

Napabuntong hininga na lamang ako saka lumapit at pumasok sa lihim na pintuang yun.

Pagpasok ko doon ay napapikit ako dahil sa nakakasilaw ang napakaputing paligid ng silid na pinasukan ko. Sa muling pagdilat ng aking mga mata ay nasa ibang lugar na ako. Medyo madilim dahil tanging buwan at mga bituin lamang ang nagbibigay liwanag sa amin ngunit nasisiguro kong nandito na naman kami sa tuktuk ng bundok.

Sa aking harapan ay nakatayo ang isang magandang dilag na kasing gulang ko lamang. Puti ang kasootan nito na parang daster at tulad ko ay maiksi din ang buhok nito na hanggang balikat lamang.

Pariho kami ng pangangatawan nito na para akong nananalamin ngayon ngunit alam hindi dahil napakaganda niya at takot ako sa kanya kaya isa itong bangungut.

Kahit na malakas ang huni ng mga palaka at iba pang insikto sa paligid nitong gubat na kinaruruonan namin ay rinig ko parin ang kaba sa aking puso.

"Si Lance." Narinig kong wika nito. "Nalaman na niya ang tungkol sa totoong pagkatao ng kamag-aral mong si Gabriel."

Si Gabriel ay kaklase ko, nakipagbestfriend ako dito sa utos nitong bruhang kaharap ko. Hindi ko kilala kung sino yang Lance na binanggit niya at hindi ko din alam kung ano ang totoong pagkatao ni Gabriel. Basta ang alam ko lang ay pinababantayan niya si Gabriel sa akin at kunin ang tiwala nito ng walang tanong.

"At?" Paghahanap ko ng karugtong sa sasabihin nito dahil nasisiguro kung may maitim na binabalak ito.

"At kakailanganin ko ang katawan mo." Sabi na eh.

Di pa man ako ginagamitan ng mahika ng bruha na ito ay nanhina na ako sa aking narinig.

"Sooth, magkaibigan naman tayo diba? May pinagsahan naman tayo diba? Baka naman pweding ibang katawan nalang ang gamitin mo, wag na ang sa akin. Promise gagawin ko lahat ng ipag-uutos mo. Di pa naman kita binigo diba?"

"Sa pagkakaalala ko ay ako ang nagpapanatili sa katawanan na yan na huminga. Siguro naman ay sapat na iyong dahilan para gawin ko ang anumang naisin ko sa sayo."

"Sooth—"

"Sophia," Tawag niya sa akin bilang pagputol sa anumang sasabihin ko. "Sawa ka na yatang mabuhay."

"Hi-hindi naman sa ganon." Naiyak na lamang ako.

"At ano Sophia?"

"Ikaw....ang bahala."

—————

Sooth's POV

Sa pangatlong pagkakataon ay muli ko na namang nasakop itong katawan ni Sophia.

Lumabas na ako ng bahay para pumasok na ng paaralan. Magpapara na sana ako ng Tricycle ng may humintong motor sa aking harapan.

"Rick." Banggit ko sa pangalan nito. Wala itong soot na helmit dahil hindi naman yun uso dito sa isla. Mukhang maganda yata gising nito dahil sa laki ng ngiti nito na ipinapakita.

Kaibigan siya ni Sophia at kaklase noong high School pero ngayong college ay magkaiba na sila ng korso na kinuha pero parihong university parin ang pinapasukan nila.

"Good morning." Bati ko dito na nagpawala sa ngiti nito.

"Sooth." Pagkilala nito sa akin. Sa muling pagkakataon ay kaagad niya akong nakilala sa kabila ng kanyang nakikita.

"Hindi ko alam kong dapat ba akong matuwa na may nakakakilala sa akin dito o dapat akong magalit?" Nakangiti kong patanong na wika dito. Sa katunayan kasi ay di ko naman kailangan ang sasabihin nito.

"Isa bang pagbabanta ang sinabi mo?" Nagtatapangtangang tanong nito samantalang nababasa ko sa isip nito ang pag-aalala para sa kaibigan.

"Ano sa tingin mo?" Balik tanong ko ng nakangiti parin.

'Marahil ay ikaw nga ang pinakanakakatakot na nilalang sa nakilala ko pero sa oras na may mangyaring masama kay Sophia ay kahit sa empyerno hahanapin kita.' Sa isip nito. "May nais lang akong sabihin kay Sophia kaya ako napadaan dito ngunit wala  pala siya."

"Humihingi ako ng paumanhin kung ganoon." Sabi ko.

Mapakla itong natawa sa sinabi ko. "Ikaw? Sino nga naman ang mag-aakalang nasa Vocabulary mo pala ang salitang 'paumanhin', ngunit sa kasamaang palad ay hindi mo alam kung paano yun gawin."

"Ganoon ba kasama ang tingin mo sa akin?"

"Sakay na." Wika nito taliwas sa tanong ko.

"Ha?" Hindi ko naman agad nakuha kung ano ang ibig niyang sabihin.

'Baka saan ka pa magsoot gamit ang katawan ni Sophia, kaya babantayan talaga kita hanggat nandito ka.' "Male-late na si Sophia kung tutunganga ka lang dyan, kung hindi mo alam, same lang ang university na pinapasukan namin."

"Ah," ang nasabi ko na lamang at umangkas na sa motor niya. "Siya nga pala Rick, kakailanganin ko din ang tulong mo." Sabi ko pa habang tumatakbo na ang motor.

"Siguraduhin mo lang na ligtas siya." Tulad ng dati ay ganito din ang sinabi niya, talagang maaasahan.

"Tulad ng dati ay sinisiguro ko sayong ligtas si Sophia, sa tingin ko naman ay hindi pa ito ang huling pagkakataon na kakailanganin ko si Sophia kaya pananatilihin ko ang kalusugan niya. At ikaw naman ay bibigyan ko din ng pabuya."

"Hanggang kailan ka dito?" Tanong nito na parang gusto na akong mawala sa mundo.

"Hanggang sa umalis sila dito." Sagot ko.

"Sino sila?" Pangungusisa pa nito.

"Si Lance." Sagot ko.

Kilala ni Rick si Lance dahil nga sa siya ang laging kasama ko tuwing ginagamit ko ang katawang ito ni Sophia. Alam din ni Rick ang tungkol kay Gabriel, maging ang tungkol sa aming mga 'guinlipi', ngunit di tulad ni Sophia ay hindi pa nakapasok ng ARMADA si Rick.

Sa ARMADA nakatira kaming mga 'guinlipi', isa itong isla na matatagpuan sa pacific ocean. Guinlipi ang tawag namin sa aming sarili na mga taong nagtataglay ng hiwaga.

"Sa wakas at napagtanto narin ng bobong yon." Wika nito.

Sa totoo lang ay kahit na nababasa ko ang nasa isip ni Rick ay di ko parin mapagtanto kung talaga ngang nakakatakot ako para rito. Alam niyang kababata at kaibigan ko si Lance pero hito at hindi ko alam kung sana siya kumuha ng lakas ng loob upang tawaging bobo ito.

"Sinong bobo ang tinutukoy mo?" Monotone kong tanong dito.

"Ah wala, nakita ko lang yung kaibigan ko." Sagot nito at sa isip naman, 'Yung Lance na yon. grabeh, ibinigay na sa kanya lahat ng rekado, tuyo, paminta, suka, karne, pagluto nalang inabut pa siya ng isang taon sa pag-iisip kung tutulain, papaksiwin, o aaduhin? Napakabubo talaga.'