webnovel

CHAPTER 1

ALYNNA ROSE GARCIA POVS

Ako nga pala si Alynna Rose Garcia I'm 26 years old.

Nandito ako ngayon sa mansion, umiiyak saaking kwarto dahil nakipag break nga saakin si Josh, naisipan kong tawagan si Eric ang kaibigan kong lalaki na laging umaalalay saakin sa tuwing may problema ako.

Meet Erickson Dela Cruz, he is 28 years old.

*On the phone*

"Bakit ka pala napatawag Alynna?"

"Eric!"saad ko habang umiiyak.

"Oh bakit ka umiiyak?! Anong nangyari sayo?!"

"Eric, naghiwalay na kami ni Josh!"saad ko habang umiiyak parin.

"Huwag ka ng umiyak! Ano bang dahilan niya?!"

"Ikakasal na siya kay Jessica, dahil na bankrupt ang kompanya nila.''

"Grabe naman!"

"Hindi niya ako pinaglaban! Eric."

"Pabayaan mo na siya! Mag move on kana! Mag aral ka ulit! Kahit na 23 kana mag aral ka pa rin!"

"Sure ka?!"

"Oo mag aral ka malay mo balang araw maging isa kang bilyonarya, sikat na scientist at maging professional ka pa!"

"Sabagay tama karin naman!"

"Oh, susundin mo ba ang mga sinabi ko o hindi, kapag hindi mapapatay talaga kita!"

"Grabe ka naman! Patay agad! Kapag pinatay mo ako! Mumultohin kita!"saad ko habang tumtumatawa.

"Charrr! Ikaw hindi ka mabiro! Yan ang gusto ko sayo tumatawa ka!"

"Ohh, sige bye! Salamat sa payo mo!"

"Sige bye!"

Sabay patay ko ng tawag at lumabas na ako sa kwarto dahil kakain na kami ng hapunan.

"Hi baby.'"saad ng nanay kong lagi akong bini baby, meet my mother she is Leticia Garcia.

"Hi sweetie."saad din ng daddy ko, meet Arnold Garcia.

Umupo na ako sa upuan para kumain at nilalanghap ang amoy ng mga pagkain na nakahain sa lamesa.

"Hmmm, masarap po ba ito?"patanong ko.

"Bakit baby? Nagluto na ba ako ng panget na hinain ko rito sa lamesa?!"

"Mom don't call me baby! I'm a big girl now!"

"Ok"saad ni mommy.

Sabay kuha ng pagkain at inilagay sa plato ko.

"Mom and Dad, may sasabihin po ako sana sa inyo sana po bigyan niyo po ako ng chance, please."pagpapakyut kong pagmamakaawa.

"What?"cold ni daddy na patanong.

"Hmm kasi napag decision ko po kasi na mag aral ulit."

"Sure, no problem, bakit ka nga pala nag desisyon na mag aral ulit?"tanong ni daddy habang kumakain.

"Hiwalay na po kami ni Josh dad."

"Oh, Great idea! Na makipag hiwalay ka sa kanya!"sabi naman ni mom.

"Mag papakasal na po siya kay Jessica."

"Sabi ko naman sayo anak, lolokohin ka lang naman nun ni Josh kaya kalimutan mo na siya!"sabi naman ni daddy.

"It's arranged marriage dad."

"Siguro nalugi ang kompanya nila kasi pinang ka-casino ng babae ang pera nila!"sabi naman ni mom.

"Tama ka diyan honey, laging nasa casino yung babae araw at gabi."sabi naman ni daddy.

"Nawalan na po ako ng ganang kumain."sabay tayo ko.

"Pero anak! Hindi pa ubos ang pagkain mo"saad ni mom.

"Pakain niyo na lang po sa aso."

"Alynna!"saad na pasigaw naman ni daddy.

Umakyat na ako sa kwarto at pagka akyat ko ay sinalubong ako ng aking pusa na si catness.

"Ming Ming catness, bakit ka narito sa kwarto ka lang dapat."pagsasabi ko rito.

"Meow, meow, meow."pag lingkis ng katawan niya sa binti ko.

"Halika nga rito."saad ko at binuhat ko siya papunta sa aking kwarto para matulog sa aking pag tabi.

______________________

JOSHUA VALDERAMA POVS

Hi ako nga pala si Joshua Valderama I'm 25 years old.

"Dad nakipag hiwalay na po ako sa kanya."saad ko sa tatay kong babaero.

"Tama lang ang ginawa mo sa kanya! Kasi hindi naman magiging kayo! Kahit na itago niyo ang relasyon niyo! Lalabas nang lalabas yan!"saad ng dad ko.

Biglang pumasok naman si Jessica dito sa office ni dad at lumapit saakin.

"Oh! My Future Husband!"hahalikan sana niya ako pero nilayo ko ng mga kamay ko ang mukha niya.

"Huwag na huwag mo akong hahalikan!"pagbabanta ko rito.

"Why?! My Future Husband! Why?! Why?!" Saad nito na nasasaktan at may pa hawak hawak pa sa dibdib ang nalalaman.

"Hindi mo ako ma aano sa ginagawa mo!"

"Future Daddy! Kita niyo sinasaktan niya po ang damdamin ko!"saad niya sa tatay ko habang dinuduro ako.

"Huwag na huwag mo akong dinuduro! Kundi hindi kita sisiputin sa kasal!" Saad kong pagbabanta.

"Okay!"sabay hawak sa balikat ko.

"Ano ba?! Ang landi landi mo!"sabay labas ko sa office ni dad.