webnovel

Truth

Tahimik na naglalakad sa madilim na lugar na yun ang Arcadian Knights kasama si Bea na nakataas lang ang hood.

Sa tingin nila ay sa isang underground na lugar sila dinala at ang tanging nagbibigay lang ng ilaw sa madilim na daanan na yun ay ang mga torches na nakalagay sa bawat pasilyo.

Nakapalibot din sa kanila ang mga guards na magdadala sa kanila sa dungeon o sa kulungan ng lugar na iyon.

"Hey you" ang biglang puna ng isang guard kay Bea. "Napapansin ko na kanina pa nakataas ang hood mo. Put it off"

Bigla namang kinabahan si Bea lalo pa na't alam nya kung ano ang mangyayari once na ibinaba nya ang hood ng cloak nya.

"H-ha? Eh ano kasi---"

But before she could protest ay biglang naglakad papunta sa kanya ang guard na yun.

"I said, put it off" ang sabi ng guard at napapikit nalang si Bea nang akmang hahawakan na nito ang hood nya.

But suddenly Cornelius catched his hand dahilan para mapalingon sa kanila ang lahat ng guards at maitutok sa kanila ang mga matutulis na armas na yun.

Cornelius smirk saka inakbayan si Bea.

"Hey, don't touch her just because she's cute" ang nakangising sabi ni Cornelius.

Pero mukhang napikon ang guard na yun sa ginawa nya and before anyone of them could move ay bigla sya nitong hinampas ng latigo sa mukha.

Biglang natigilan ang buong Arcadian Knights at napatutop naman ng bibig si Bea nang dahil sa nasaksihan nila.

"You're just a filthy captured vampire in our city so you have no right to talk to me in that way" the guard said.

Sa sobrang lakas ng paghampas ng latigo sa mukha nya ay napayuko sya at nag-iwan yun ng marka sa mukha nya. At dahil bampira sya ay unti-unti ring nawawala ang marka na yun pero hindi ang pagdidilim ng mukha nya.

"C-cornelius..." ang nasambit ni Bea habang nanlalaki parin ang mga matang nakatitig sa nandidilim na mukha ni Cornelius.

"Oh this is not good" ang nasambit nalang ni Jared sa isang sulok.

Dahan-dahan namang nagtaas ng mukha si Cornelius. Nandidilim parin ang mga mata nya but he managed to put on a smirk and looked at the guard who's now standing in front of them.

"You are so going to regret that" he said with a smirk on his face pero may bahid ng galit ang mga mata nya.

"Cornelius" Raven called him with a warning tone on his voice. "Don't"

Hindi tinanggal ni Cornelius ang mga mata sa guard na humampas sa kanya ng latigo but then slowly, while gritting his teeth ay mas pinili nyang makinig nalang sa leader nila at ibinaba na ang tingin.

Lumingon naman uli ang guard kay Bea at nagsalita uli.

"Now, put your hood off" ang sabi ng guard at akmang hahawakan uli ang hood ni Bea pero agad ng nagsalita si Raven.

"You don't wanna do that, trust me" ang sabi ni Raven.

Napatingin naman sa kanya ang guard na yun at nagtatakang nagtanong.

"And why?" he asked.

"Because----"

"Because she carries a virus with her on her head" ang putol ni Andromeda kay Raven. "Kapag tinanggal mo ang hood nya ay baka mahawaan ka ng virus nya"

"She carries a very foul smell" si Rika naman. "Her head smells like a hundred rotting corpses"

"At kapag tinanggal mo yan..." si Jared na kunyari ay natakot. "...makikita mo ang nakakadiring naaagnas na ulo nya. Ewww..."

"At may mga worms pang kumakain ng ulo nya ngayon" si Zeke naman.

"Bogs..." si Bogs.

Samantalang nanigas nalang sa kinatatayuan nya si Bea at napanganga ng dahil sa naisip na nakakadiring palusot ng mga kasamahan nya.

Mukhang nandiri din ang guard kaya napababa nalang sya ng kamay na hahawak na sana sa hood ni Bea at napatalikod.

"Okay. We need to get going" ang sabi ng guard at nauna ng naglakad uli.

Samantalang parang hindi naman makapaniwalang napatitig sa mga kasamahan si Bea.

"Wow, thank you." she said sarcastically. "Pati ako ay nandidiri narin ngayon sa sarili ko ng dahil sa mga pinagsasabi ninyo"

Andromeda turned to her and with an emotionless face, she spoke.

"You're welcome" she said saka naglakad na uli.

Samantalang napanganga nalang sa asar si Bea mula sa kinatatayuan nya.

At doon nya naramdaman ang pag-akbay sa kanya ni Cornelius.

"Well, don't worry. I love worms anyway" he said with a smirk on his face.

Pero nilingon nya lang ito at binigyan ng isang malakas na sipa sa binti. Agad naman nitong nahawak ang binti nito nang dahil sa sobrang lakas ng pagsipa nya dito.

"Ouch! Ganyan ka ba magpasalamat sa akin ha? Well then, you're welcome" ang reklamo ni Cornelius habang hawak ang binti.

"Cheh!" ang pikon na pikon na sigaw ni Bea saka naunang naglakad.

Natatawa nalang na sumunod sa kanila si Cornelius.

"Oh geez. You're so cute" he said.

Samantalang sa isang sulok naman ay tahimik lang na naglalakad si Alex at kanina pa sya hindi mapakali.

Mukhang napansin ni Andromeda yun kaya nilapitan sya nito at tinapik sa balikat.

"She's going to be alright, I know" she said.

Hindi na sya sumagot dahil alam nyang kahit narinig na nya iyon ay hindi parin matatanggal nun ang sobrang pag-aalalang nararamdaman nya sa dibdib nya.

Annah...

And just like before, all he could do is to silently whisper her name.

Annah's POV:

Sa totoo lang, ay hindi na ako nabigla sa eksenang nangyayari ngayon.

Marangyang hapag-kainan na napupuno ng iba't ibang klase ng mga putahe at mga pagkain.

Maingay at masayang musika.

Isang grupo ng mga babaing bampira na nagsasayaw sa harapan namin.

Si Harun na halos lumuwa ang mga mata habang nakatitig sa mga babaing bampirang iyon.

Si Maalouf na kanina pa ako minamanyak.

At ako na walang ibang magawa kundi ang maupo nalang at magtiis sa walang hiyang buhay na 'to. Oo, nandito kami ngayon sa dining area ng malaking mansion ni Harun at magkakaharap kaming nakaupo sa marangyang mesa na iyon.

"Oh honey...kumain ka pa ng marami ha..." ang malambing na lingon sa akin ni Maalouf habang nakaakbay na naman sya sa akin. "Bakit? Gusto mo ba ng kiss kaya ayaw mong kumain ngayon ha?"

Then he bit his lip at kunyari ay sini-seduce ako. Oh scratch that. He's literally seducing me.

At ako na walang ibang magawa kundi ang magkunyaring inlove na inlove din sa kanya kasi nga ako ang 'bride to be' nya ay nakangiti ding lumingon sa kanya at kumuha ng mga grapes at isa-isang pinalamon yun sa kanya.

"Ayan honey, kumain ka din ng marami ha" ang malambing na sabi ko habang patuloy ko syang sinusubuan ng grapes. "Alam mo honey, mas gumagwapo ka kapag hindi ka nagsasalita kaya kumain ka lang ng marami ha para manahimik ka na at sana mamatay ka sa sobrang pagkabusog"

Sinabi ko yun habang nakangiti at gamit ang isang sobrang malambing na boses.

Samantalang parang mabubulunan naman sya ng dahil sa hindi ko sya binibigyan ng chance na nguyain ang grapes na isinusubo ko sa kanya at patuloy lang ako sa pagsubo sa kanya.

"Wow...ang sweet nyo naman" ang nakangiting lingon sa amin ni Harun.

Nakangiti naman akong lumingon sa kanya at kunyari ay sweet na sweet kong niyakap ang ulo ng hindi na makanguya na si Maalouf.

"Awww...oo naman. Sobrang mahal na mahal kasi namin ang isa't isa eh. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ay parang gusto ko na syang patayin"

Mukhang natigilan naman si Harun sa sinabi ko kaya ngumiti ako.

"I mean, patayin ng pagmamahal" ang nakangiting sabi ko saka nilingon si Maalouf at nakangiti kong kinurot ng napakalakas ang magkabilang pisngi nya. "Oh you cute little thing. Ang sarap mo talagang sakalin"

Parang hindi naman maiguhit ang mukha nya nang dahil sa ginagawa ko samantalang nakangiti nalang na nagsalita si Harun.

"Lucky for you Maalouf that you've found a beautiful mate" he said.

Nakangiti nalang na napatango si Maalouf at doon na nya nalunok ang maraming grapes na pumuno sa bibig nya kanina.

"O-of c-course, I'm so lucky to have her" he said saka yumakap pa sa akin ng mahigpit. At lihim akong napa-gasp nang maramdaman ko ang kamay nya sa bewang ko.

Konting-konti nalang talaga...

Konting-konti nalang talaga at baka masakal ko na ang bampirang ito.

Eh halatang ini-enjoy nya ang pagkukunwaring ginagawa namin eh! Bwisit.

Ngumiti lang si Harun saka lumingon nalang uli sa nagsasayaw na mga bampira. Pero hindi ko alam kung bakit parang may naaninag akong lungkot sa mga mata nya bago bumalik ang mga mata nya sa mga babaing bampirang nagsasayaw.

"Ang lambot" ang biglang sambit ni Maalouf.

Nagtataka naman akong napalingon sa kanya at doon ko lang na-realize na nakayakap parin pala sya sa akin. At nanlaki nalang ang mga mata ko nang makitang nakaunan ang ulo nya sa dibdib ko.

"Hay...ano kayang size nito?" ang nakangising tanong pa nya habang feel na feel nya ang dibdib ko sa mukha nya.

And that's it.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasabunutan ko na sya at pinagpapapalo ko sya sa ulo. Buti nalang at nakatutok lang sa nagsasayaw si Harun kaya hindi nya makita ang pambubugbog na ginagawa ko sa pervert na Prinsipeng ito.

"Ouch! Ouch!" ang mahinang bulong naman ni Maalouf habang sinasabunutan ko sya.

Agad namang napalingon sa amin si Harun and instantly, agad kaming nagyakapan ni Maalouf na para bang walang nangyari.

"Oh by the way..." ang nakangiting sabi ni Harun.

"Yes?!" ang sabay pa naming tanong ni Maalouf habang nakangiti ng hilaw at nakayakap parin sa isa't isa.

"May Sword Tournament na gaganapin bukas" ang nakangiting sabi nya. "And everyone is invited to join."

Nagkatinginan kami ni Maalouf.

"It is a sword tournament so any type can join and argons are forbid to use their powers just to be fair" ang nakangiting sabi nya. "And of course, there is a price"

"What price?" si Maalouf.

But Harun just gave him a grin.

"It's a secret. You'll know tomorrow" ang nakangiting sabi nya.

Samantalang napaisip naman ako sa kinauupuan ko. Sword tournament? Tama. May naisip akong ideya.

Magsasalita na sana ako pero...

"Oh about that..." si Maalouf saka tumingin sa kaibigan. "Gusto kong isali sa tournament na yun ang mga kaibigan ko"

Napatingin naman ako sa kanya and then he gave me a wink. Pareho pala kami ng iniisip.

Samantalang nagtataka namang napatitig sa kanya si Harun.

"Really?" si Harun na mukhang nagtaka.

Napangiti naman ng hilaw si Maalouf bago nagsalita.

"Yeah, you know...they are just unfortunate vampires who just wanted to get some reward. And I brought them here for I thought you can help them. Yun ang totoong rason kaya sila sumama sa akin at ang sword tournament na yun ang sa tingin ko ay makakatulong sa kanila" he said.

For a moment ay nakatitig lang sa kanya si Harun na para bang binabasa kung totoo ngang nagsasabi sya ng totoo. But then he sigh...

"Okay. Afterall...kasama nyo sila kaya sa tingin ko pagkakatiwalaan ko sila" he said.

****************************

Nang matapos kaming maglokohan sa hapag kainan na iyon ay binigyan kami ni Harun ng isang malaki at magarang kwarto.

Pero nagtaka ako dahil hindi muna sumama kaagad sa akin si Maalouf dahil kakausapin muna daw nya si Harun. At kung ano man ang pag-uusapan nila ay hindi na nya ipinaalam sa akin kaya mas nagtaka ako. But in the end ay hinayaan ko nalang.

Magkaibigan sila kaya normal lang na may pag-usapan sila na hindi ko na kailangan pang marinig.

Napabuntong hininga nalang ako habang nakahiga sa malawak na kama na iyon.

Kumusta na kaya ang ibang kasamahan namin? Kumusta na kaya si Bea? Sana naman ay walang makaalam na tao sya. Ang sabi kanina ni Harun ay palalabasin na sila mula sa dungeon bukas ng umaga kaya wala na daw akong dapat na ikabahala.

Afterall ay mas pinili ni Harun na magtiwala sa amin kaya nagpapasalamat ako doon. Hindi ko rin naman sya masisisi dahil ang sabi nya ay mahirap ng magtiwala mula kahit kanino simula nang masunong ang unang lugar nila. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nya pero pakiramdam ko ay dahil yun kay Alburz.

Alburz is an Argon Vampire pero nagawa nitong sirain ang lugar nila at patayin ang karamihan sa kalahi nya ng dahil lang sa loyalty ng mga Argons sa lugar na 'to sa Titanians. Pero ganun ba talaga kalakas si Alburz? The more na iniisip ko kung sino ba talaga sya at kung nasaan sya ngayon ay the more na mas gusto ko syang makilala. Gusto ko lang malaman kung paano nya nagawa yun sa kalahi nya.

Napahinga nalang ako ng malalim at tumayo nalang mula sa kama ko.

Hay...magpapahangin muna ako habang hindi pa ako dinadalaw ng antok.

Pinihit ko na ang doorknob at lalabas na sana pero bigla akong natigil sa pagbukas nun.

Sumilip ako sa bahagyang nakabukas na pinto at nakita kong nag-uusap sa dulo ng hallway na 'to sina Maalouf at Harun.

At mukhang sa nakikita ko ay nagtatalo silang dalawa.

Mukhang pareho silang galit at nagsisigawan pa sila.

My brows met.

Ano kayang pinag-uusapan nila at mukhang galit na galit silang dalawa? Hindi ko pa naman marinig dahil masyado silang malayo.

Pero nabigla ako nang bigla silang sabay na napalingon sa direksyon ko. Mukhang napansin nila na may nakatingin sa kanila kaya napatingin sila sa akin.

Sa taranta ko ay mabilis kong naisara ang pinto at kinakabahang napaatras.

Napahawak nalang ako sa dibdib ko at hindi ko alam kung bakit sobrang kinakabahan ako ngayon.

Ano kaya ang...nangyayari?

to be continued...