webnovel

The Two Flags of Thrym

May weird lang na nangyayari ngayong umaga na 'to...

"Akin si Nastasha! Lumayo ka kanya!" ang sigaw ni Kael habang nakakapit sa kanang braso ko.

"Hindi! Akin si Nastasha! Ikaw ang lumayo sa kanya!" ang sigaw naman ni Muris na nakakapit naman sa kaliwang braso ko.

Oo.

Anong ginagawa ng dalawang magkapatid na 'to at pareho silang nakakapit sa akin sa harapan ng hapag-kainan?!

Nabigla nalang ako nang paglabas ko mula sa kwarto ko kaninang umaga ay nakabantay na sila sa labas ng kwarto ko. At sinusundan na nila ako kahit saan man ako magpunta.

Kaya ngayong kumakain na kami ng breakfast ay pareho na silang nakakapit sa akin at para bang mga batang nag-aaway.

"Ako ang unang nakakita sa kanya! Ako ang first love nya! Ako ang unang minahal nya!" ang sigaw ni Kael.

First love?

Unang minahal ko?

At bakit ba nila ako tinatawag ng Nastasha ha? -____-

"Eh ano naman ngayon?! Ako ang true love nya! Tinititigan nga nya ako kanina eh!" si Muris.

Hindi yun titig.

It's more like a glare dahil gusto kong bitiwan na nila ako pero mukhang mali ang interpretation nila doon.

"Tinitigan nya rin ako! Mga 5 seconds!" si Kael.

"Pero mas matagal ang sa akin! 10 seconds!" Si Muris.

"Hindi! Mas matagal sa akin! 30 seconds!"

"Mas matagal ang akin! One minute!"

At ngayon ay nagtititigan na sila ng masama habang naiwan akong naipit sa dalawang ito.

"Grrrrrrrr...." Si Muris.

"Grrrrrrrr..." si Kael.

"Hay...walang may first love at true love sa inyo si Annah..." ang biglang sulpot ng boses na iyon sa likuran namin at nabigla ako nang maramdaman ko ang paghila nya sa braso ko kaya napatayo ako mula doon.

And the next thing I knew ay yakap-yakap na ako ng bampirang iyon.

"...dahil ako ang first and true love nya" he said with that familiar wicked smile.

Oo. Sino pa ba ang isa sa mga perverted vampire dito?

Si Maalouf. -____-

God, kailan ba matatapos ang kabaliwan ng mga bampirang ito?

Nabigla pa ako nang bigla nalang nya akong buhatin sa paraan na para bang newlyweds.

"Ngayon, kikidnapin ko muna si Nastasha mula sa inyo. Bwahahahahahahaha!" at tumawa pa sya na parang isang evil villain habang itinatakbo ako. "Bwahahahahahaha!"

Agad namang tumayo ang dalawang magkapatid at hinabol kami sa garden na iyon.

"Ibalik mo sa amin si Nastasha!" ang parang batang sigaw ni Kael habang tumatakbo.

"Oo! Ibalik mo sa amin si Nastasha!" si Muris.

"BWAHAHAHAHAHAHAHA!" ang tawa parin ni Maalouf habang itinatakbo ako sa gitna ng garden na iyon. "BWAHAHAHAHAHA!"

Bakit pakiramdam ko ay nasali lang ako sa isang child play?

Pero...

"Aray!" ang biglang naisigaw ni Kael nang may masipa sya dahilan para madapa sya.

Tumigil din sa pagtakbo si Muris at tinawanan ang kapatid.

"BWAHAHAHAHAHA! SI KAEL! LAMPA! BWAHAHAHAHA!"

Pero natigil din ang tawa nya nang makita kung sino ang bampirang nasipa ni Kael.

Maski si Kael ay natahimik din habang nakatingin sa lalaking iyon.

Nagtataka naman akong napatingin sa kung sino yun.

At ang malalamig na emerald eyes na iyon ang sumalubong sa paningin ko. Mukhang nagkakape sya nang bigla syang masipa sa paa ni Kael. Pero sa ekpresyon palang ng mukha nya ay halatang napipikon sya sa magkapatid.

And like a flash, he stood up from where he is sitting and with a grim expression on his face ay hinawakan nya ang ulo ng magkapatid.

"I had enough..." he said in his usual scary cold voice. "Now, SA ANONG PARAAN NINYO GUSTONG MAMATAY?!" +_____+

"AAAAAAAHHH!!!!" ang sabay na pagtili ng magkapatid at mabilis na nagyakapan.

Nabigla ako.

Bakit parang takot na takot sila kay Alex?

"SORRY PO! SORRY PO! SORRY PO! HINDI NA NAMIN UULITIN!" ang parang naiiyak pang sabay na sigaw ng magkapatid habang nagyayakapan.

"Oh geez" ang sabi ni Maalouf na ngayon ay bitbit parin ako. "Sige, mag-usap muna kayo dyan ay kikinapin ko muna si Annah. Bwahahahaha! Bwahahahaha! Bwahahahaha!"

Saka sya tumakbo paalis habang bitbit ako at parang isang evil villain na tumatawa.

Talagang ginampanan na nya ang pagiging kidnapper. -____-

********************

Nabigla ako nang dalhin ako ni Maalouf sa harapan ng isang pinto sa loob ng mansion na iyon.

Akala ko ay kalokohan lang ang ginawa nyang pag-kidnap sa akin pero ang pakay nya pala talaga ay ang dalhin ako sa kaharap naming kwarto.

"Anong ginagawa natin dito?" ang takang tanong ko habang nakatingin sa pinto.

But he just gave me that perverted smirk.

"Ano pa ba ang ginagawa ng babae at lalaki sa loob ng isang kwarto?"

Agad ko syang sinapak.

"Aray! Ang sakit nun ha!" ang iyak nya.

Pero itinaas ko na ang kamao ko.

"Sasagot ka ng matino o bibigyan pa kita ng isa?" I warned him.

Pero agad ding bumalik ang pilyong ngiti nyang iyon.

"Ng ano? Ng isa pang kiss?" he asked at nagtaas baba pa sya ng kilay. "Well, I don't mind it naman. Alam kong hindi mo narin kayang tiisin ang kagwapu----ouch!"

This time ay nasapak ko na naman sya.

"Ouch!" he screamed habang hawak ang ulo. "Okay! Sasabihin ko na! Oh geez. Ba't ba napaka-brutal mo ha?"

I glared at him.

"Oo na..." he said then sigh. "Hanggang ngayon napapaisip parin ako kung paano ba nakakatagal sayo ang bloodmate mo..."

Natigilan ako nang dahil sa sinabi nya.

Lalo pa na't binanggit na naman nya ang bloodmate ko na hanggang ngayon ay hindi ko parin maalala.

"Pakiramdam ko ay nasa loob ng mansion na ito ang esylium..." he said.

Nabigla ako at mabilis akong napatingin sa kanya.

"What do you mean?" I asked.

Tama.

Now that he mentioned it ay kagabi ko pa pinag-iisipan kung saan namin hahanapin sa lugar na ito ang esylium.

He looked at me and gave me that handsome grin.

"Oh well, habang busy kayo sa pagdi-date ni Alex ay iniisip ko na kung ano ang ibig sabihin ng oracle sa clue na ibinigay nya"

Bigla akong namula sa sinabi nya.

"A-at k-kailan...k-kailan naman kami nag-date ni Alex?!" ang sigaw ko.

He smirk.

"Psh. I-deny pa eh" he murmured. "Eh nakita ko kayong nag-uusap kagabi sa labas ng kwarto mo. Ahehehe"

My brows met.

"Anong sabi mo?!"

He just smiled at me.

"Hay wala..." he said at hindi ko alam kung bakit may nakita akong lungkot sa mga mata nya bago sya nagbaba ng tingin. "Nakakalungkot lang isipin kung ano ang mangyayari sa future..."

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko.

Ano bang pinagsasabi nya?

"Now, balik na tayo sa clue na ibinigay ng oracle" ang pagbalik nya sa topic namin.

"May nahanap ka na bang clues?" I asked. "At anong ginagawa natin sa harapan ng pinto na ito?"

Kahit alam kong may pagka-manyakis ang Prinsipeng ito ay alam kong mapagkakatiwalaan ko sya sa mga ganitong bagay.

He just smiled at me at nagtaka ako nang pihitin nya pabukas ang pinto na kaharap namin.

"Ladies first" he said.

Nagtataka naman akong napatingin sa loob ng pinto at dahan-dahang pumasok doon.

Mukha itong stock room pero malinis ito at maganda ang pagkaka-arrange ng mga bagay na nanduon.

At sa harapan nito ay may dalawang flags na naka-ekis sa isa't isa at nakadikit sa dulo ng kwartong ito.

Sa pagkakatanda ko ay ang dalawang flags na ito ang bitbit nina Kael at Muris nang maglaban sila sa bayan.

Ang isa ay kulay pula na may nakaguhit na agila at ang isa naman ay kulay asul na may nakaguhit din na agila.

"A-anong..." I whispered.

"The fourth shall be cast upon from two birds that cries half blood. Mend thy bond and esylium is on hand" he chanted.

And when I heard that ay unti-unting nanlaki ang mga mata ko.

"Two birds that cries half blood..." I whispered when that idea went hitting on my head.

Pero bago ko pa man masabi yun ay nagsalita na si Maalouf.

"Yes Annah. The two birds who cries half blood represents Kael and Muris who are both half blooded vampires" he said that confirms my thoughts. "And the only thing which can give us the esylium is to mend their bonds as brothers"

to be continued...