webnovel

The Red Line

We continue to advance forward on that day.

Hindi katulad ng mga nakalipas na araw ay medyo maganda na ang panahon ngayon. Sumisikat na ang araw at nakikita ko ang pagtama ng sinag nito sa puting desyerto ng snow na nilalakbay namin.

At ngayon, as usual, ay nasa iisang kabayo na naman kami ni Alex.

But unlike before, ay hindi ko na kailangang isuot ang hood ng coat na suot ko. Hindi narin ako nakakaramdam ng lamig. Raven said that it is normal. Lalo pa na't sa bawat esylium na natatagpuan ko ay unti-unti akong bumabalik sa dating ako. Sa dating katauhan ko.

But the truth is...natatakot ako.

Simula nang malaman ko na may bloodmate na ako ay doon ko naramdaman ang takot. Ang takot kung sa kung ano man ang susunod na ipapaalala sa akin ng esylium. Ang takot sa kung ano mang malalaman ko tungkol sa buong pagkatao ko.

Three more esylium.

Three more esylium and all of this will be over.

Ngayon ay papunta na kami sa huling lugar na nabilugan sa mapa. Pero palaisipan sa akin kung bakit hindi nakalagay sa mapa ang dalawa pang natitirang esylium. Pagkatapos ng lugar na pupuntahan namin ngayon ay saan na namin hahanapin ang huling dalawang esylium? At bakit hindi ito itinuro ng oracle sa amin?

Hindi ko pa makakalimutan ang huling sinabi ng oracle nung araw na yun...

"The stars will sleep as the remnants have awakened. Trust thy false. Face thy true. The seven stones of death is now upon on your shoulder"

Ano bang ibig sabihin nun?

At bakit habang sinasabi nya yun ay parang may gusto pa syang sabihin pero parang may pumipigil sa kanya na gawin yun? Just like what my comrades is doing right now.

Parang may gusto silang sabihin sa akin pero may pumipigil lang sa kanila na gawin yun. But what is that?

Ang dami ng nagpapakomplikado ng sitwasyon ko ngayon pero hindi ko parin makapa ang kasagutan lalo na't walang may balak na magsabi sa akin ng buong katotohanan...

"Annah..." I heard Alex called me from my back.

"Yes?" ang hindi ko lumilingong sagot.

"Are you alright?"

Tumango nalang ako kahit na hindi naman talaga ako maayos. Paano ba ako magiging maayos sa ganitong sitwasyon?

Hindi na sya sumagot after nun.

Pero may naalala akong itanong sa kanya kaya nagsalita ako.

"Alex..." I called him.

"Yes?"

I sigh then spoke.

"Naalala kita sa esylium...pero...naaalala ko na dati ay napakabait at napakainosente mo. You even have a weak body kaya lagi nalang nag-aalala sayo si Light. So...why did you changed?"

Yes. That's another thing that's been confusing me.

Kung iko-compare mo ang dating Alex at ngayon ay parang...ay parang ang laki ng pinagbago nya...

Hindi sya sumagot.

Hindi sya sumagot kaya mas nagtaka ako.

Pero...

"What happened in Cytherea changed me..." he finally answered. "I promised my brother that I will protect you no matter what happens. I will protect you even if it will cost me my life..."

"So yun ba ang dahilan kaya...kaya parang...parang nag-iba ka?" ang tanong ko saka ako nagtaas ng mukha at tinitigan ang gwapong mukha nya.

He smiled at me.

At dahil minsan ko lang makita ang ngiti nyang iyon ay hindi ko mapigilang mapatulala sa gwapo nyang mukha. At katulad din ng dati, ay ramdam ko ang pagkalabog ng mabilis ng dibdib ko.

Pero agad ding nawala ang ngiti nyang iyon at nakita ko ang unti-unting paglungkot ng mukha nya. I've always known Alex to be a tough, irritating, and an overprotective person kaya nababaguhan ako sa lungkot na nakikita ko sa mga mata nya...

"Yes. I've changed..." he whispered in that calm and warm voice while looking at my eyes. "I've changed because I have to protect you..."

Hindi ako makapagsalita.

Hindi ako makapagsalita lalo pa na't nakatitig sa akin ang magagandang mga mata nyang iyon. It's like there is a lump in my throat and its preventing me from talking.

Agad na akong nag-iwas ng tingin at napayuko nalang dahil pakiramdam ko ay hinihigop ako ng mga matang iyon. Alam kong nakikinig din sa amin ang ibang kasamahan namin pero walang nagsasalita sa kanila.

"Tell me about Light..." I whispered. "Sino ba talaga sya sa buhay ko dati?"

Oo. Mula narin sa mga naalala kong nararamdaman ko para sa kanya ay alam kong naging malaki ang parte ni Light sa buhay ko dati...pero sino ba talaga sya sa akin dati?

Hindi sya sumagot.

Hindi sya sumagot kaya nagtaas ako uli ng mukha.

"Please, sabihin mo sa akin kung sino ba talaga sya, Alex" I plead.

Pero katulad ng inaasahan ko ay doon ko nakita ang pagkakawala ng emosyon sa mga mata nya. At alam kong iniiwasan nya talagang pag-usapan ang kapatid nya which making me confuse more.

Nagtaas lang sya ng mukha at tumingin ng diretso sa daanan.

"He's dead, Annah..."he said in that cold voice. "He's dead so there is nothing to tell about him"

Hindi ko alam kung bakit ganun nalang lagi ang reaksyon nya kapag pinag-uusapan ang kapatid nya. Malamig ang boses at walang emosyon ang mukha nya. Pero kitang-kita ko ang sakit at lungkot sa mga mata nya...

"P-pero---"

"You have to forget him" he cut me off then looked at my face. "He is the last person that you needed to remember, Annah"

My brows met.

"But why?"

His beautiful emerald eyes looked at me directly in my eyes before he spoke.

"Dahil yun ang gusto nya..." he said. "Dahil ayaw nyang maalala mo sya..."

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko.

Pero bakit?

Bakit ayaw nyang maalala ko sya?

Mukhang napansin naman ni Alex ang pagtataka sa mukha ko kaya nagsalita sya uli.

"Because remembering him will only hurt you, Annah..." he answered at kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata nya. "And that's the last thing he wanted to do...and that is to hurt you. He will never forgive himself once he have hurt you..."

Pero bakit naman ako masasaktan sa pagkakaalala ko sa kanya?

Dahil ba yun sa sobrang close kami dati at mas masasaktan lang ako kapag naalala ko kung ano ang mga pinagsamahan namin now that he's dead?

Napayuko nalang ako.

Well, looks like ganun nga ang ibig sabihin ni Alex.

Na mas masasaktan lang ako kapag naalala ko sya dahil nga wala na sya...

But either way, I still want to remember him...

I want to remember Light...

I don't know but there is something in him which makes me want to know him more. Hindi ko alam. Pero pakiramdam ko ay naging malaki ang parte nya sa buhay ko dati...

"Do you still love Dylan?" he asked all of a sudden.

At dahil biglaan yun at idagdag pa na hindi ko inaasahan na itatanong nya yun ay pakiramdam ko ay natigilan ako.

But then I managed to speak.

"W-why are you asking?" I whispered.

At dahil narinig ko na naman ang pangalan ng lalaking mahal ko ay hindi ko maiwasang makaramdam ng paghapdi ng dibdib ko, knowing that the vampire who's now in my back is the one who took him away from me. And I know that there will always be a part of me that will never forgive him for doing that.

"I just wanted to know..." he whispered in my head.

Hindi ko alam kung imagination ko lang ba ang narinig kong lungkot sa boses nya.

"Yes, I do" I said at ramdam ko na ang panlalamig ko. "Dylan will always be a part of me until the day I die..."

Kung sa ibang scenario lang siguro kami ay napaka-awkward ng sitwasyon namin ngayon. Na ang lalaking pumatay mismo sa lalaking mahal ko ang syang kasama ko ngayon at nagtatanong pa kung mahal ko pa ba ang lalaking pinatay nya.

Lalo pa na't noong isang gabi lang ay sinabi nyang...sinabi nyang mahal nya ako...

Pero nabigla ako sa isinagot nya...

"Well, I'm glad..." he whispered. "But just so you know, I never regretted killing him..."

Pakiramdam ko ay biglang sumama ang loob ko ng dahil sa sinabi nyang iyon.

I clenched my teeth so hard and I'm trembling with rage.

Yes, I'm mad.

Lalo pa na't itina-try ko ang best ko na patawarin sya sa ginawa nya pero maririnig ko lang mula sa bibig nya na hindi nya pinagsisihan ang ginawa nya.

Magsasalita na sana ako pero nabigla ako nang pinatigil nya sa pagpapalakad ang kabayo na sinasakyan namin.

My brows met.

Bakit nya pinatigil sa paglalakad ang kabayo?

Napalingon ako sa kanya.

Pero...

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakahawak sya sa ulo nya na para bang nasasaktan sya.

And by just seeing him like this ay biglang nawala ang lahat ng galit at inis na nararamdaman ko sa kanya at agad na napalitan yun ng takot at pag-aalala...

"Alex?" ang nag-aalalang alog ko sa kanya. "Alex? Okay ka lang?"

Pero nanatili lang syang nakayuko at nakapikit habang nakahawak sa noo nya na para bang sobrang sumasakit yun.

Mukhang napansin naman ng ibang kasamahan namin ang nangyayari sa kanya kaya tumigil din sila sa pagpapalakad ng mga kabayo nila at nakita kong nilapitan kami ni Raven mula sa kabayo nya.

"Alex, are you okay?" he asked.

At hahawakan na sana nya ang balikat ni Alex pero nabigla ako nang galit na galit na sinangga ni Alex ang kamay nya.

And with so much rage and anger in his face, he turned to Raven and growled.

"Don't touch me..." he said at kitang-kita ko pa ang paglabas ng mga pangil nya habang sinasabi yun nang dahil sa sobrang galit.

For a moment, pakiramdam ko...ay bigla akong natakot sa galit na galit na itsura nya.

"Okay" Raven answered saka nya naisipang lumayo nalang. Lalo pa na't bakas parin sa mukha ni Alex ang sobrang galit.

"Whoo! Alex! Relax lang!" I heard Maalouf said from his horse.

Pero hindi sya pinansin ni Alex.

Lumingon sa amin si Alex at alam kong pare-pareho kaming nabigla sa sumunod na nakita namin...

My eyes widened with shock and I couldn't utter a sound from what I saw from his face.

Red horizontal lines...

Red flaming horizontal lines that's been piercing deep into his skin...

Pero...

Pero hindi naman nya ginagamit ang kapangyarihan nya para lumabas yun...

But what shocked me the most...ay nang makitang ang kanang mata nya lang ang naging pula...

"A-alex?" I whispered.

His red and emerald eyes looked at me.

Mukhang napansin naman nya ang pag-aalala sa mukha ko kaya nagsalita sya.

"Don't worry..." he said. "I-I'm---"

Pero bigla na naman syang napahawak doon na para bang sumasakit na naman yun.

Teka, yun ba ang sumasakit sa kanya?

"Alex?" ang nag-aalala ko nang sambit saka ko hinawakan ang braso nya.

Lumapit narin ang ibang kasamahan namin para makita kung ano ba ang nangyayari sa kanya.

Pero...

"ALEX!!!" I screamed in horror when suddenly, he lose consciousness and fell to the ground.

to be continued...