webnovel

The Flame

A flame that rests upon the red roses, with a heart that cries for thy love, shall give the fifth.

Two years ago...

"Beh..."ang kinikilig na bulong ni Bea sa akin.

"What?" ang sagot ko naman habang busy ako sa pag-aayos ng mga papel sa mesa.

Nasa loob kami ngayon ng office ng Environmental Club at dahil maraming freshman ang sumali sa club namin this year ay busy kami sa pag-aasikaso sa mga bagong recruits. And unfortunately, ako ang secretary kaya ako ang na-assign na mag-asikaso sa lahat ng mga papel na nandito.

At hindi pa nakakatulong si Bea na kanina pa kinikilig na naghahanap ng mga gwapo sa mga bagong recruits.

"Guess what?" ang kinikilig pa nyang tanong.

Pero hindi parin ako lumingon sa kanya.

I'am so focused on handling the papers at wala na akong oras para sa mga kalokohan nya.

"What?" ang sagot ko.

God, why is she so annoying?

Kailangan ko ng tapusin ang lahat ng ito para makauwi na ako.

"May isang gwapong President na nakatitig sayo ngayon. Ayeeeeee...!"

That caught my attention.

President?

Na nakatitig sa akin?

Dahan-dahan akong lumingon sa direksyon na tinitignan nya at napakurap nalang ako nang magtama ang mga mata namin ng gwapong nilalang na iyon.

All this time I've been wondering kung yun ba talaga ang unang beses...na nakita ko sya...

He's sitting all alone on a table outside our office and he didn't look away when our eyes met. But instead, he remained staring at me with those beautiful eyes and that confused me more.

Bakit parang...kahit na ito ang unang beses na nakita ko sya...ay may kung anong emosyon ang nag-flicker sa dibdib ko nang makita ko na sya ng tuluyan?

He has this beautiful angelic face and I can see warm emotions into his eyes while staring at me.

Bakit parang...kahit na ito ang unang beses na nakita ko sya...ay pakiramdam ko ay pamilyar na sa akin ang mala-anghel na gwapo nyang mukha?

He smiled at me.

Yes. He smiled at me and I felt like my whole world has stopped from turning.

He's just so breathtakingly beautiful that I can't take my eyes off him.

Is he really a human to own a face like his?

"Sya si Dylan Lopez" ang kinikilig parin na sabi ni Bea sa tabi ko. "At sya ang President ng University Student Organization. Ang gwapo nya noh? Hihihihi!"

Dylan.

Dylan Lopez.

But I felt like there is something much more than that name.

I saw him stood up from where he is sitting and walk his way towards me.

"Oh my God! Oh my God! He's approaching! Kyaaaaaahhh...!" ang pagtitili ni Bea.

Pero pakiramdam ko ay wala na akong ibang marinig kundi ang mabilis na pagkalabog ng dibdib ko sa bawat hakbang na ginagawa nya papunta sa akin.

And I felt like my breathing stopped when he finally stood up right in front of me.

I got confused by the warm emotions that suddenly enveloped me when I first met him.

Hindi ako naniniwala sa love at first sight...

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko habang nakatitig sa mala-anghel na gwapong mukha nyang iyon?

"Hi..." he said.

That was the very first time that I heard his voice.

Pero bakit pakiramdam ko ay nanghihina ako at may kung anong emosyon ang bumalot sa akin nang marinig ko na ang boses nya?

I gulped.

"H-hello..." I whispered.

I can still see warm emotions into his eyes while staring at me.

"May alam ka bang malapit na coffee shop sa lugar na 'to?" ang tanong nya.

Yes. For two years that we've been dating ay lagi kong naitatanong sa sarili ko...kung bakit ganun nalang ang emosyon na naramdaman ko sa unang pagkikita namin...

"Y-yes...m-may...may coffee shop sa isang kanto..."

But now it all makes sense...

His warm beautiful eyes looked intently to me. Then a simple smile curved up on his lips.

"Can I take you there?"

Yes. I thought that was the very first that I saw him...but it wasn't.

I may not remember him. But those warm and deep emotions I felt for him continue to run in my blood, until now.

Back to the Present...

A flame that rests upon the red roses...

"D-dylan..." ang hindi ko parin makapaniwalang sambit habang nakatitig sa gwapo nyang mukha.

It is his emotions that kept on flaming through these years and I found him in this place of red roses.

With a heart that cries for thy love, shall give the fifth...

He smiled at me at nakikita ko ang pamumuo ng mga luha sa mga mata nya habang nakatitig parin sa akin.

And through these years...he's just waiting for me...

"Welcome home..." he whispered. "...my beloved Annah"

Yes. He is the one who's holding the sixth esylium.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at mabilis ko syang nayakap ng sobrang higpit. At namamalayan ko nalang na umiiyak na ako sa dibdib nya.

Naramdaman ko rin ang mahigpit na pagyakap nya sa akin at ang paghalik nya ng ulo ko.

"Finally, you're home..." he said at naramdaman kong umiiyak narin sya.

And right now, wala na akong pakialam kung sya man si Lucian o si Dylan.

Knowing that he's breathing right now and I can feel his warmth through me is the only thing that matters to me.

Knowing that the man I love who died in my arms just a few weeks ago is now holding me into his arms is the only thing that matters to me now.

"I-I thought y-you're dead..." ang umiiyak ko paring sambit sa dibdib nya.

He tenderly kissed my forehead.

"No. He will never do that..." he whispered. "God, I've missed you so much..."

At naramdaman kong mas lalong humigpit ang pagkakayakap nya sa akin.

Pero agad akong napabitaw sa kanya nang may ma-realize ako.

Tama.

Naalala ko na si Light ang sumaksak sa kanya sa mundo ng mga tao.

But how...?

Mukhang napansin nya rin ang pagtataka sa mukha ko habang yakap-yakap parin nya ako kaya nagsalita sya.

"I'll explain everything to you after taking the last esylium..." he said. "Right now, you have to remember everything so you will know what really happened"

My brows met.

Last esylium?

Naalala ko pa ang sinabi ng oracle tungkol sa last esylium.

"When scars sigh the truth and appears a sword that hides behind the white, thy sixth shall be seen"

Nagtataka akong napatitig sa gwapo nyang mukha.

He smiled at me saka nya hinaplos ang buhok ko.

"Yes. I was the one who's holding the sixth esylium but there is someone else who's been holding the last esylium"

Holding the last esylium...?

Nagtataka akong napalingon kay Maalouf na nakatayo lang sa isang sulok at nakatingin lang sa amin.

But he just shrug and gave me a big grin.

"No, not me" he said.

Napalingon nalang ako uli kay Dylan na ngayon ay nakangiti lang sa akin. Saka nya pinunasan ang mga luhang nasa pisngi ko.

"You will be so surprised to know who is that person is..." he said saka nilingon ang pinto na katabi namin. "You can come in now, General"

Bumukas naman ang dalawang malalaking pinto habang nakatitig lang kaming tatlo doon.

At hindi ko alam kung bakit bumibilis ang kalabog ng dibdib ko habang unti-unting bumubukas yun.

And then...

Agad na nanlaki ang mga mata ko at pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa sumunod kong nakita na pumasok sa kwartong yun.

When scars sigh the truth...

Ang tanging nagsasabi lang sa akin na sya nga talaga yun ay ang pamilyar na malaking scar na nasa kaliwang braso nya. Dahil lagi nyang inirereklamo sa akin ang malaking peklat na iyon na hindi matanggal-tanggal ng kahit anong gamot na inilalagay nya doon.

And appears a sword that hides behind the white..

White armor.

And a big sword.

Nanlalaki ang mga mata kong napabitaw kay Dylan at hindi makapaniwalang napatitig sa maganda nyang mukha.

She smiled at me at masiglang kumuway gamit ang dalawang kamay nya.

"Hi beh!"

"Yes love..." Dylan said beside me. "Meet Beatrice Dela Cruz. She's one of the Generals of Exodus"

to be continued...