webnovel

Blue Eyes

I can't breathe.

I felt cold.

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at nagising akong napapalibutan ng tubig.

Hindi ko alam kung nasaan ako pero pagbukas ko ng mga mata ay nakalubog na ako sa malamig na tubig na ito.

I gasped for air at doon ko naramdaman ang dalawang malalaking kamay na humawak sa dalawang kamay ko at hinila ako paitaas.

And what I saw next is those beautiful blue eyes.

Nakasalubong ang mga kilay nya and he looked so worried.

"You little kid..." he said with that worried face. "What are you doing hiding in the bathtub?"

Si Raven.

At nakikita kong wala ring pinagbago ang mukha nya. Ang nagbago lang ay ang sobrang pag-aalala na nakaguhit sa gwapong mukha nya. Pero hindi sya nakasuot ng armor na nakasanayan kong makita sa kanya.

Pero bakit ganun?

Bakit parang lumiit ata ako?

Nakikita kong maliliit din ang mga braso kong hawak parin nya.

Teka...

Bumalik ba ako sa pagkabata?

Doon ko napalibot ang paningin ko at nasa loob pala ako ng isang malawak na paliguan. The surroundings looks so luxurious and everything is made of gold. Kumikinang pa ang mga bagay na nasa loob ng banyong iyon.

At tama nga ang sinabi nya.

Nakababad ako sa isang bathtub at hindi ko alam kung bakit wala akong nararamdamang hiya sa kanya kahit na alam kong panty lang ang suot ko noong mga panahong iyon.

And then I heard my voice.

"Because Jared and Cornelius told me that if I stay long in here, they'll make me their new friend" ang sabi ko.

And my voice...

My voice is small at parang boses ng bata.

Aware ako sa paligid ko pero hindi ko kontrolado ang mga ginagawa ko at ang mga sinasabi ko.

Yes. This may be memory.

This is the power of esylium. I was brought back to the past.

I saw him sigh and I saw disappointment in his eyes.

"Those brats..." he muttered. "...they are trained to protect you in the future and yet they're doing this to you. Now, let me take you out from there"

Nakita kong may kinuha syang bathtowel at tinakpan nya ako gamit yun.

Saka ko naramdaman ang pagbuhat nya sa akin paitaas at ang pagbibit nya sa akin.

He smiled at me at naramdaman ko ang pagpunas nya sa buhok ko gamit ang towel na nasa kaliwang kamay nya habang bitbit parin ako sa kanang kamay nya.

Hindi ko alam na ganito pala ako alagaan ni Raven noon.

Narinig ko ang hagikgikan na yun sa may pinto ng banyo kaya napalingon ako.

At doon ay nakita ko sina Cornelius at Jared na parehong humahagikgik habang nakatingin sa akin.

Nakikita kong parang nasa pagitan ng thirteen to fourteen ang edad nilang dalawa nung mga panahong yun.

"You two, what did you do to the mistress?" ang galit na lingon sa kanila ni Raven.

Pero tumawa lang silang dalawa at mabilis na tumakbo paalis.

"Those brats..." ang tanging nasambit lang ni Raven saka ipinagpatuloy ang pagpunas ng buhok ko.

"Master" ang biglang sulpot ng boses na yun.

Sabay kaming napalingon sa may pinto at nakita kong nakatayo doon si Andromeda. Katulad nina Jared at Cornelius ay mukhang nasa pagitan din ng 13 to 14 ang edad nya. Abot hanggang balikat lang ang buhok nya at hindi ko maiwasang mamangha sa kagandahan nya.

She's wearing the same armor pero ang pinagkaiba lang ay blue rose ang naka-engrave doon kaya nagtaka ako. Red rose ang nakalagay sa armor na suot ng Andromeda sa present time. And the same with all the other armors wore by the Arcadian Knights.

"The masters asked for your presence with the mistress. There is an urgent matter they wanted to discuss with you" ang sabi nya sa usual na seryosong mukha nya.

Nilingon naman ako ni Raven at nakangiting nagsalita.

"Now, let's go see your parents" he said.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng excitement sa narinig ko.

Oo, makikita ko ang totoong mga magulang ko. Alam kong nakaraan lang ito pero the fact na makikita ko uli ang mga magulang ko ay masaya na ako.

Binuhat nya ako uli at ipinulupot ko ang maliliit na braso ko sa leeg nya habang natatakpan parin ang maliit na katawan ko ng malaking bathtowel na yun.

Lumabas na kami sa banyong iyon kasama si Andromeda.

Pero hindi pa man kami nakakalayo mula sa banyo ay nakita ko na ang tatlong bampirang iyon na kasalubong namin sa hallway na nilalakaran namin.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng saya nang makita ko ang pamilyar na lalaki at ang babaing yun.

Ang mga magulang ko.

Pero nagtaka ako nang makita ang batang lalaking kasama nila at nakatayo sa gitna nilang dalawa.

And when I saw him...

My eyes slowly widened with shock.

Silky white hair.

Cold blue eyes.

Bakit...

Bakit hawig nya si Feldor?

Magkaiba ang mukha nila pero bakit pareho sila ng features?

Ibinaba ako ni Raven sa sahig habang nakatitig parin ako sa batang lalaki.

His blue eyes looked at my face at doon nagtama ang mga mata namin.

Nakatingin lang din sya sa akin gamit ang masamang titig na yun. At hindi ko alam kung bakit masama ang titig nya sa akin. Nakikita kong madungis sya at may mga uling pa na na nagkalat sa mukha nya at sa gula-gulanit na damit nya. Mukhang hindi sya nanggaling sa malaking bahay na 'to.

"Master" ang sabay na bati nina Andromeda at Raven sa mga magulang ko.

Tumango lang ang mga magulang ko sa kanila.

Nakita kong nakangiting hinawakan ng Mama ko ang magkabilang braso ng batang lalaki at mukhang sobrang excited na napatingin sa akin.

I saw the boy flinched na para bang nabigla sa paghawak sa kanya ng Mama ko but he didn't speak a word. Nagbaba lang sya ng tingin at mukhang nakalma na ang itsura nya.

"Look my love..." my mom excitedly said to me. "I brought you a friend..."

******************

"AAAAAAHHHHHHH!!! Ang sakit na naman ng pwet ko! Saan na naman ba tayo pupunta ha?" ang narinig kong reklamo ni Bea mula sa kabayo nya.

Oo, pagkagising ko kaninang umaga ay umalis na kami kaagad sa lugar na yun lalo na't alam na ng lahat ng nanduon na may taong napadpad sa kaharian nila.

At alam naming lahat na baka natunugan na ni Lucian na nasa lugar nga nila kami.

Malamig ang paligid pero nakatulong naman ang cloak na nakaitaas na naman ang hood sa ulo ko. Isang puting desyerto na naman ang nilalakbay namin ngayon.

Napalingon ako sa kanila at hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkadismaya.

Lalo na't parang iniiwasan nilang pag-usapan ang mga naalala ko...

Flashback...

I slowly opened my eyes and the sunlight instantly met my eyes.

"She's awake" ang sambit ng boses na yun.

Si Andromeda.

Napalingon ako sa kanila at nakita kong nagmamadali silang pumunta sa tabi ko.

Nakita kong nakahiga parin pala ako sa kama ni Maalouf habang nakapalibot sa akin ang paningin nilang lahat.

I felt those cold hands touched my face at agad naman akong napalingon.

Si Alex.

And I saw warmth into his emerald eyes while looking at my face.

"How are you feeling?" ang nag-aalalang tanong nya sa akin.

Hindi ako makasagot lalo na't minsan ko lang makita ang emosyon na 'to sa mukha nya.

Nasanay na ata kasi ako sa laging malamig at masungit na pakikitungo nya sa akin kaya hindi ko alam kung paano magri-react.

"I-I'm...f-fine..." I whispered.

Oo. Nakatulog lang naman ako at naalala ang mga bagay na ipinaalala sa akin ng esylium.

At doon ko lang naalala...

"Where is Feldor?" ang tanong ko.

Napalingon naman silang lahat sa direksyon na yun kaya sinundan ko ng tingin ang tinitignan nila.

At nakita kong nakahiga ang batang lalaking iyon na may itim na buhok sa hita ng nakaupong si Maalouf.

T-teka...

S-sino ang...

Sino ang batang iyon na may itim na buhok?

Eh diba...

"This is his true appearance" si Maalouf na nakatingin lang sa natutulog na kapatid. "After the esylium has been removed from him, bumalik na sya sa dati"

Kung ganun...

Natigilan ako sa kinahihigaan ko.

Ang batang lalaking yun na nasa memorya ko...anong koneksyon nya kay Feldor? Bakit magkahawig sila noong hindi pa natatanggal ang esylium kay Feldor?

"I saw someone..." I whispered.

Agad na lumapit sa akin si Raven.

"What is it, my lady?" he asked.

Nilingon ko sya pati narin sina Jared at Cornelius na nakatayo din malapit sa akin.

"I saw all the three of you in my memory..." I whispered then turned to Andromeda. "At ikaw rin...I think bata pa ako noon at mas bata pa ata ang edad ninyo noon..."

Hindi sila nagsalita at naghintay lang ng sunod na sasabihin ko kaya nagpatuloy ako.

"And then I saw that boy..." I whispered at hanggang ngayon ay kitang-kita ko parin ang mukha ng batang lalaking yun.

"Who?" si Alex ang nagtanong.

I turned to him and looked at his beautiful emerald eyes.

"A boy who looks like Feldor...he has also white hair and pairs of blue eyes..." ang sambit ko.

At hindi ko alam pero after kong sabihin yun ay pare-pareho silang natigilan. Maski si Maalouf na hinahaplos ang buhok ng natutulog na kapatid ay natigilan din sa kinauupuan nya.

Nang makita ko ang reaksyon nila ay mas nagtaka ako.

"Who is he?" ang tanong ko. "Sino ang batang iyon?"

Isa-isa ko silang tinignan at nanghingi ng kasagutan pero walang sumagot sa akin.

Nakita ko lang ang pagyuko nila at ang pag-iwas nila ng tingin na para bang ayaw nilang sagutin ang tanong ko.

"We need to hurry up" ang biglang sabi ni Alex na iniba ang usapan at nauna ng tumalikod sa akin. "Kailangan na nating makaalis bago pa man tayo maabutan ng mga Aarvaks. Maybe the word that there's a human here already reached him"

Pero nilingon ko parin sina Raven at ang ibang kasamahan namin.

"Sino ang batang iyon? Please answer me" ang pagpupumilit ko parin sa kanila.

But Raven just turned to me and gave me that simple smile.

"Wag mo munang isipin ang bagay na yun. Masasagot din ang mga katanungan mo sa tamang panahon. Sa ngayon ay kailangan muna nating makalayo sa lugar na 'to" ang nakangiting sabi nya like he's reassuring me na wala akong dapat na ikabahala.

And so we left that place kahit na hindi parin nila sinasagot ang mga katanungan ko.

End of flashback.

At ngayon...

"Hindi ko alam pero masaya ako sa nalaman ko na pareho tayong hindi nya naaalala. It seems fair enough for me" ang nakangising sabi ni Maalouf mula sa kabayo nya.

Oo. Anong ginagawa ng Prinsipeng ito sa tabi namin ni Alex?!

Nabigla nalang kami kanina nang makita naming naka-empake na sya ng mga gamit at ng mga pagkain nya. And before anyone could stop him ay sumama na sya sa amin ngayon sa paglalakbay. And yes, nadagdagan na naman ang mga bampirang nakapalibot sa akin.

Nalaman ko rin na tinatakot nya lang pala ako sa pagsasabi na close sila ni Lucian at ibibigay nya ako sa masamang bampirang iyon. He only did that to get what he wants. And that is to piss Alex off.

Hindi ko rin alam kung ano bang mayroon sa kanilang dalawa at ganun nalang ang inis ni Alex sa kanya.

"You shouldn't have come here" Alex said coldly mula sa likuran ko. "A Prince like you has no place in the dessert"

Katulad ng dati ay nasa iisang kabayo lang kami ni Alex at nakisabay sa amin si Maalouf mula sa tabi namin. At katulad din ng dati ay nakangisi na naman sya.

Tinapik nya sa balikat si Alex at nakangising nagsalita.

"Aaaayyy! Wag kang ganyan dude! Para namang wala tayong pinagsamahan!" ang nakangiti pang sabi nya.

But Alex just glared at him.

"Bakit? Meron ba?" he asked.

Napatingin naman sa itaas si Maalouf at kunyari ay nag-isip.

"Uh...maliban sa paninilip kay Annah habang naliligo sya? Uh...ano pa nga ba?"

Instantly Alex glared at him.

"If you won't shut up, I won't think twice in burning your head off" he said through gritted teeth.

Pero ngumiti lang sa kanya si Maalouf at natatawang tinapik-tapik pa sa balikat si Alex.

"Ayyy! Wag kang ganyan bro!" ang masayang sabi nya sa nakabusangot na si Alex. "Hay, ang tagal na nating hindi nagkita pero hanggang ngayon ay mainitin parin ang ulo mo! HAHAHAHAHAHAHA!"

I heard Cornelius smirk from my back.

"Told yah" he said.

Napunta naman sa akin ang paningin ng Prinsipeng iyon and with a smirk on his face, he spoke.

"You're mine" he whispered.

But before Alex could react ay nabigla ako nang lumitaw ang matalim na espada na yun sa ilalim ng leeg ni Maalouf. Sabay pa kaming napalingon sa bampirang tumabi sa kanya.

Si Zeke.

"I can never tolerate this insolence towards the mistress" he said in his usual emotionless and yet calm voice.

Minsan ay parang natatakot narin ako kay Zeke.

Oo, nakita ko ng magalit si Alex at minsan ay si Raven naman at laging lumalabas ang emosyon na yun sa mukha nila na totoo ngang galit sila. Pero iba ang kay Zeke.

Galit sya pero nanatiling maamo ang gwapo nyang mukha. Nalalaman ko lang ang emosyon nya kapag sinasabi nya ang nararamdaman nya. He's so emotionless kaya hindi ko mabasa kung ano ba talaga ang nararamdaman nya.

"Woah, woah, chill bro" Maalouf said habang nasa leeg parin nya ang espada ni Zeke. "Don't overreact. Geez. Hindi ko naman sya gagalawin eh kaya chill lang"

Ibinaba ni Zeke ang espada nya at lumingon nalang uli sa daanan.

Nakita ko pa ang pagtulo ng dugo sa leeg ni Maalouf dahil nasugatan ata sya ng espada ni Zeke.

Pinunasan nalang ni Maalouf ang dugo na sa leeg nya at dinilaan yun.

"Or maybe I will..." he whispered then looked at me and gave me a wink.

I just glared at him and lumingon nalang uli sa daanan.

Oh geez. Sa tingin ko ay hindi doon matatapos ang pagmamanyak nya sa akin.

Napahinga nalang ako ng malalim at tahimik na nag-isip habang naririnig ko na naman ang pagrereklamo ni Bea.

"AAAAAAHHHH! SINO ANG UMUBOS NG SUNBLOCKING LOTION KO HA?!" she said.

Hindi ko parin alam kung ano ang ibig sabihin ng memorya kong iyon.

"Hoho! Maganda pala sa kutis ang ganung brand ng lotion! Salamat~~!" I heard Cornelius.

Sino ba ang batang lalaking yun?

"YOU---!" si Bea. "Bayaran mo yun!"

Bakit hawig nya si Feldor?

"Ng kiss? Then come here! I'll give you what you want!" si Cornelius.

At ano nga ba sya sa buhay ko?

"EW! MAS GUSTO KONG HUMALIK NG PALAKA KESA SAYO!"

At dami kong katanungan sa isipan ko pero...

"Oh no babe. I know you like me"

Pero...

Pero walang may gustong magsabi sa akin kung sino ba ang batang iyon at wala parin akong makapang kasagutan...

to be continued...