webnovel

Ang Prinsesa at ang Basurero (COMPLETED)

TaongSorbetes · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
24 Chs

Chapter 14

Chapter 14: Reyalidad

Kahit paglayuin ng oras at panahon ang dalawang nagmamahalan, hinding-hindi maglalaho ang apoy ng kanilang pag-iibigan.

*****

PARANG kailan lang kung saan ay nakaramdam ng pagkabuo si Richard. Nakasama na niyang muli ang kanyang ina at kapatid. Ganoon din ang babaeng tinatangi niya.

Ang babaeng muling nagbigay ng ngiti sa kanyang labi. Ang babaeng biglang lumitaw mula sa kung saan. Ang babaeng binigyan ng kulay ang madilim niyang mundo. Ang babaeng nagpatawa sa kanya. Ang babaeng biglang napaibig ang nanahimik na niyang puso.

Ang unang beses nilang pagkikita ay sariwa pa sa alaala ni Richard. Ang lakas ng boses ng dalaga sa unang pagtatalak nito sa kanya. Ang kainosentehan nitong nagpabaliw sa kanya. Ang mga araw na nagtatampo ito. Ang mga sandaling inaalipusta at tinatarayan siya nito... Ang mga ngiti at tawa. Ang mga pagkakamali ng dalaga na lagi niyang itinatama. Maging ang mga niluto nitong pilit niyang kinakain... Ang mga asaran at kulitan. Ang mga masasayang araw na magkasama sila.

Lahat ng iyon ay hinahanap-hanap ni Richard.

Hindi niya lubos maisip na darating ang araw na magigising na lamang siya nang wala ang dalaga. Ni hindi niya nagawang makapagpaalam. Ni hindi niya nagawang magpasalamat dito.

"Nasa Florania na ba ikaw... Ruby?" Ito ang tumakbo sa kanyang isip. Isang kahariang sa fairytale lamang nababasa. Isang lugar ba tila hindi mararating ng isang tulad niya.

Ang kwento nilang hindi katulad ng mga fairytale... Ang kwento nilang hindi nauwi sa... and they lived happily ever after.

"K-kuya..." Biglang niyakap ni Cherry ang kanyang kuya. Kitang-kita nito ang lungkot sa mga mata ng kapatid.

"H-hindi ko kuya alam kung pa'no babalik ang dati mong saya..."

"Pero tandaan mo, nandito lang kaming dalawa ni Mama para sa 'yo." Napahikbi nang bahagya si Cherry at napayuko naman si Richard.

"Bakit kailangang maramdaman ko ito? Kung kailan naging maayos na ang lahat..."

******

ISANG normal na hapon 'yon, magkakasama sina Richard sa loob ng kanilang munting barong-barong. Masaya silang nagkukwentuhan. Ikinikwento ng kanyang ina ang lovestory nito at ng kanyang yumaong ama. Hanggang sa tatlong katok ang biglang narinig nila mula sa pinto.

"Ako na ang magbubukas, baka si Jana 'to." Nangingiti pa si Richard na tumayo para pagbuksan ng pinto ang kumakatok. Nguniy pagkabukas noon ay nanlaki ang kanyang mga mata.

Umalingawngaw ang tatlong putok ng baril.

Naalarma ang mag-iina sa loob. Biglang napaluhod si Richard at duguang bumulagta. Bumaon sa dibdib nito ang tatlong bala ng baril.

Doon ay pumasok ang isang matandang foreigner. Si Hanz at nakangising-demonyo ito.

"Hello poor family!" Bungad na sabi ni Hanz habang hawak ang baril nito. Napaatras sa takot sina Ruby.

"W-what... a-are you doing h-here?" nanginginig na tanong ng nanay ni Richard.

"I am here for my revenge!" Walang emosyon na itinutok ni Hanz ang baril nito sa noo ng nanay ni Richard at pagkatapos ay umalingawngaw ang isang putok ng baril.

"M...ma...ma!" Sigaw ni Cherry nang makita iyon. Bumulagta ang kanyang ina na wala nang buhay.

"Hello dear... Cherry..." Biglang hinawakan ni Hanz ang  mukha ni Cherry at inamoy-amoy iyon. Nandiri at nagpumiglas si Cherry ngunit isang putok ng baril ang muling umalingawngaw.

"Nice tasting you young lady... But I need to kill you too..." Natatawa pa ang foreigner habang inaamoy-amoy si Cherry at binitawan din ito na dumudugo ang dibdib dahil sa tama ng baril.

May malay pa si Richard nang mga sandaling iyon. Ngunit nag-aagaw buhay na siya. Umiiyak siya na lumingon. Pinilit niya iyong gawin at doon ay nakita niya ang nanay niya at si Cherry na duguan at nakabulagta.

Nakabulagta rin si Hanz na ipinagtaka niya.

"R-richard..." May basang kung ano ang naramdaman ang binata na pumatak sa pisngi niya. Pinilit pa niyang imulat ang mga mata niya ngunit tinatalo siya ng panghihina at sakit.

"Maraming salamat sa lahat... Hin-ding... Hind...i k-kita... mmmakaka...limutan..."

Naririnig pa iyon ni Richard hanggang sa may malambot na bagay ang dumampi sa kanyang pisngi.

"Paalam... Prinsipe ko..."

Pagkatapos noon ay naglaho si Ruby. Sa tulong ng diwatang nagparusa sa prinsesa iniligtas nito sina Richard. Iyon ay sa kagustuhan ng prinsesa ng Florania... Na ipagpalit ang kanyang kaligayan para iligtas ang mga mahalaga sa kanya.

"R...RUBY--"

Nagising si Richard na nasa loob na ng ospital. Naroon din ang kanyang nanay at kapatid. Nakaligtas sila. Si Hanz naman ay namatay dahil sa tama ng baril.

Si Ruby ang naalala ni Richard sa pagmulat niya sa kanyang mga mata. Totoo kaya ang narinig niya? Walang araw na hindi niya hinintay ang dalaga. Ngunit sa paghilom ng kanyang mga sugat ay ni anino nito ay hindi niya nasilayan.

Paglabas nila ng ospital ay ibang buhay ang kanilang nalaman. May ilang milyong pera sa bangko ang kanyang nanay na hindi nila alam kung saan nanggaling. Dahil doon ay agad silang bumili ng sariling bahay. Ngunit magkaganoon man, pumupunta pa rin ang binata sa barong-barong niyang bahay sa payatas... sa pag-asang makikita pang muli si Ruby. Ngunit tila wala na nga ang dalaga at tila hindi na nga niya ito makikita.

Sa loob ng dalawang buwan ay nakapagpatayo sila ng sariling negosyo. Guminhawa bigla ang kanilang buhay. Nagkaroon sila ng ilang restaurant sa iba't ibang mall sa Maynila. May isang sikat na parlor din sila na si Jana ang nagma-manage. Muling nakapag-aral sina Cherry at Richard dahil doon.

Ngunit sa kabila noon... Makikita pa rin sa mga mata ng binata ang kalungkutan. Ang kalungkutang tila si Ruby lamang ang makakapag-alis.

Bago siya matulog ay pinagmamasdan niya ang singsing na suot. Lagi niyang hinihiling na sana'y bumalik na si Ruby. Sariwa pa rin sa alaala niya ang masasayang araw na sila ay magkasama.

"Kumusta ka na kaya? Naaalala mo rin kaya ako?"

*****

LUMIPAS pa ang mga araw, mga buwan at lumipas ang halos isang taon.

"Richard, may lakad ka ba mamaya?" tanong kay Richard ng kanyang nanay.

"Wala po, bakit?" sagot ng binata. Pero napansin niyang parang may gustong sabihin ang kanyang nanay sa kanya. Ngunit tila may ideya siya, kasi kaarawan niya ngayong araw.

"Gano'n ba, mamayang gabi ay may ibibigay ako sa 'yo. Umuwi ka nang maaga pagkagaling sa school." Napangiti pa ang kanyang nanay at pasimple siyang niyakap.

Lumabas na si Richard ng bahay at sumakay na papunta sa pinapasukan nitong unibersidad sa Maynila.

"Hello Chard, pasabay!"

Gaya ng inaasahan, si Rina ang unang lumapit sa kanya pagkadating niya sa labas ng campus. Ang kanyang bestfriend at classmate sa ilang minor subjects niya.

"Tapos ka na ba sa assignment natin?" tanong ng dalaga na nakapuyod nang maayos ang buhok.

"Yap! I wrote a lovestory about a princess & a garbageman. Galing sa different world but sa huli, they met again & endlessly loved each other," nakangiting sagot ni Richard habang sinasabi ang ginawa niyang assignment sa Literature. Bigla rin siyang may naalala dahil doon.

"Naks! Fairytale talaga? Kaya siguro 'di ka pa nagkaka-gf kasi you're still waiting for your imaginary princess." Biro ni Rina na sinamahan pa ng pagtawa. Napatawa rin si Richard, dahil totoo nga naman iyon. Alam din iyon ng kanyang kaibigan.

"Pero, imaginary ka na nga lang ba talaga?" Biglang napaseryoso si Richard.

"Oh? You're so serious na naman?" puna ni Rina.

"Naalala mo na naman siya?" Napangiti ang dalaga.

"Wala! Tara na at male-late na tayo!" Naglakad nang mabilis si Richard at halos madapa naman si Rina sa paghabol.

"Hoy! Bagalan mo naman!"

Kinatanghalian, nagpunta si Richard sa harapan ng isang fastfoodchain. Hinihintay niya si Rina dahil sinabi niyang ililibre niya ito.

Napatingin si Richard sa nakatayong estatwa ni Jollibee. Naalala na naman niya si Ruby. Parang kailan  lang pa rin para sa kanya ang lahat.

"Pogi!"

Napalingon si Richard nang marinig iyon.

"Kapal ng face. Feeling pogi!" Pang-aasar agad ni Rina at napangisi na lang nang pilit si Richard.

"Tara na sa loob," sabi niya.

"Hindi ka ba nagsasawa sa Jollibee?" Biglang tanong ni Rina bago sila pumasok sa loob. Napatigil si Richard. Sa totoo lang ay hindi alam ni Rina ang lahat ng kwento niya kay Ruby. Ang tanging sinabi niya lang ay hinihintay niya pa rin ng prinsesa ng Florania na si Ruby.

"Huwag ka nang magreklamo!" sabi ni Richard.

"Lagi siguro kayong kumakain dito noong imaginary princess mo?" Napatawa pa si Rina at napangisi na naman nang pilit si Richard. Binuksan na niya ang bubog na pinto ng kainan para pumasok.

"Papasok na kami... Giant bee!" May mahina pang tawa si Rina. Napalingon tuloy si Richard at napailing. Pakiramdam niya ay may ibig-sabihin ang kaibigan. Parang may alam kahit wala naman siyang sinabi rito dati.

"Kain tayo sa may malaking bubuyog---" Bigla niyang naalala si Ruby at napailing.

"Orderin mo lahat ng 'yong gusto! Ako bahala," sabi ni Richard kay Rina.

"Really? Ano'ng meron?" tanong ng dalaga.

Ngumiti si Richard.

"Birthday ko!"

"Wow! Happy birthday Chard!" Isang marahang tapik sa balikat pa ang ginawa ni Rina at ngumiti.

"Sorry wala akong regalo." At tumawa ang dalaga. Si Rina ang kaibigan ni Richard na may pagkabaliw.

"Don't you worry, magkikita uli kayo no'n," pahabol pa ni Rina bago sila om-order.

"A-ano?" ani Richard.

"Wala! Super meal ang sa akin!"

Masaya silang kumain nang tanghaling iyon. Busog na busog nga si Rina dahil sa dami nitong nakain.

Pagkadating ni Richard sa bahay nila ay sinalubong kaagad siya ng nanay at ng kanyang kapatid. Isang mainit na yakap ang kanyang natanggap na sinundan ng bati ng happy birthday.

Isang simpleng hapunan lamang ang kanilang pinsgsaluhan. May isang simpleng cake din sa gitna. Kinantahan din siya ng dalawa at pinag-blow-the-candle.

"Mag-wish ka na kuya... 21 ka na!" wika ni Cherry. Pagkatapos ay hinipan na ni Richard apoy. Isa lang naman ang palagi niyang hinihiling.

"Richard, l'apit ka sa 'kin. May ibibigay ako't sasabihin. Pati ikaw Cherry..." Biglang sabi ng kanyang nanay na kababalik lamang mula sa kwarto.

"Richard, ngayong 21 ka na... Dapat mo nang malaman ito..."

Nabigla si Richard sa narinig.

"Ito ang usapan namin ng ama mo kapag dumating ka na sa edad na ito..."

Napalunok ng laway ang binata. Naguguluhan siya. Wala siyang ideya sa malalaman.

"Richard---"

"Isa kang Prinsipe!"

Natigilan si Richard sa narinig.

"Ikaw ang Prinsepe ng kahariang Armenia at si Cherry na kapatid mo ang Prinsesa---"

"Ang Kahariang Armenia ay kaibigang Kaharian ng Florania."