webnovel

Ang Misteryong Bumabalot Sa Kupas Na Larawan[FILIPINO]

UNFORGETTABLE SERIES : ANG MISTERYONG BUMABALOT SA KUPAS NA LARAWAN (Mystery/Thriller) Sa Panulat Ni: babz07aziole Lahat tayo ay may LIHIM na ITINATAGO . . . Mga LIHIM na hindi natin kayang HARAPIN. Paano kung ang LIHIM na iyon ang siyang MANGIBABAW . . . Upang manatili kang NABUBUHAY sa mundong inakala mong TAMA? "ANINO SA DILIM" All rights reserved copyright written by: babz07aziole Isang nobelang pupukaw sa inyong mga kamalayan. For the last time . . . One of the best novel of all time . . .

Babz07_Aziole · Horror
Zu wenig Bewertungen
29 Chs

KABANATA 11

HINAWI ko ang kurtinang nakatabing sa aming bintana. Madilim na sa labas pero wala pa rin ang lagalag naming kakambal na si Nakame.

"Dada, hindi mo mapapauwi ang taong ayaw pang umuwi. Tiyak na nag-enjoy na naman sa pagdo-DOTA iyon. Puro masasamang salita na naman ang lumalabas sa bibig niyon ngayon."

Nilingon ko si Kuya Toshiro na abala sa paglipat ng channel sa cable. Umupo ako sa tabi nito dahil nangawit na rin ako sa pagkakatayo mula sa bintana.

"Nag-aalala lang ako, Kuya. Dati kasi kahit anong busy noon sa pakikipaglaro ay nagagawa niyang magpadala ng text sa akin," nag-aalala kong sabi.

"Kain na. Tiyak mamaya pa uuwi si Nakame," ani Kuya Dexter na lumabas mula sa kusina.

Nagkatinginan kami ni Kuya Toshiro at saka mabilis nitong pinatay ang TV. Sabay-sabay na kaming tatlong kumain. Hanggang sa pagkain ay hindi ko maiwasan ang kabahan. Mayamaya ay tumunog ang telepono mula sa sala. Dali-dali kong sinagot ang tawag sa pamamagitan ng extension phone sa may kusina.

Hindi pamilyar sa akin ang naulinigan kong boses. Parang boses bakla. Sa umpisa ay hindi ko maintindihan ang sinasabi niya ngunit nang maglaon ay unti-unting rumehistro sa utak ko ang sinasabi nito. Dali-dali akong lumapit sa mga kakambal ko. "Si Kuya Nakame, nasa hospital! Binugbog at sinaksak daw siya!"

Napatigil parehas ang mga ito sa pagsubo.Nagmadali kaming gumayak para puntahan na ang nasabihang hospital kung saan dinala ang kambal naming si Nakame.

Nang makarating kami sa Hospital ay naabutan namin si Kuya Nakame na nakahiga na sa kama. Katutulog lang daw nito sabi ng nobya niyang si Lydhemay. Mukhang kagagaling lang nito sa mahabang pag-iyak, namumula pa kasi ang mga mata nito.

Nagpaalam itong lalabas na muna dahil tatawagan pa raw niya ang mommy niya. Hinayaan naman namin siya at tuluyan na kaming pumasok sa private room kung nasaan si Kuya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapaluha dahil sa kondisyon niya. Si Kuya Toshiro ay ilang beses nang napapamura sa sinapit nito. Mabuti at nasa private room kaya walang ibang taong nakakarinig. Hindi ko rin naman siya masisi. Grabe ang pinsalang natamo ni Kuya Nakame. Si Kuya Dexter naman ay tahimik lang na nakamasid, ngunit ramdam ko ang pinipigil niyang emosyon.

Napaupo ako sa bakanteng upuan na nasa tabi ng kama ni Kuya Nakame. Nanatili namang nakatayo sina Kuya Tosh at Dex sa likuran ko.

Magang-maga at napuno ng pasa ang mukha ni Kuya Nakame. Marami rin siyang gasgas sa katawan at may tahi pa.

Mayamaya ay pumasok ang Doctor na tumitingin kay Kuya Nakame, kasunod nito si Lydhemay at ang Mommy nito na bakas rin ang pag-aalala.

"Ikinalulungkot ko ang nangyari sa kapatid ninyo ngunit ipagpasalamat natin na agad siyang naidala rito. About all the expenses of your brother. . . it was all paid by Mr. Sinco."

Nagulat ako nang biglang umimik si Kuya Dexter. "At sino naman ang Mr. Sinco na ito?"

He said that his son is a friend of your brother Nakame.

"Ah, Dexter, Daddy ni Brennan iyon. Siya ang kasalukuyang Governor natin dito sa lalawigan," ani Toshiro.

"Ganoon ba?" tumango si Kuya Dex saka muling binalingan ang Doctor. "By the way, Doc, gusto kong makausap ang ama ng Brennan na ito. Can you tell him that we can pay all the bills of our brother?"

"Okay, I will tell him, ano pa ang gusto niyong sabihin?"

Pinagsalikop ni Kuya Dex ang kaniyang mga kamay. "Tell him, Doctor, that his son will pay for this. . . sa ginawa niyang pagpapabaya ng anak niya sa kambal namin. Tawagan niya ang abogado nila dahil ihaharap ko ito sa korte."

"A-are you sure, Mr. Lacus?" tila naguguluhan pa ring tanong ng Doctor.

Pati kami ay napatahimik din. Hinayaan na lang namin si Kuya Dexter ang makipag-usap. Tutal naman, siya ang panganay sa aming magkakapatid.

Hindi na muling umimik si Kuya Dexter kaya napatango na lang ang Doctor at agad na umalis. Lumapit si Kuya Dexter kay Nakame na nanatili pa ring nakapikit. Marahang hinaplos ni Kuya Dexter ang buhok nito.

"Huwag kang mag-aalala, Nakame, pagbabayarin ko nang malaki ang mga taong nasa likod ng nangyaring ito sa iyo. . . sa paraang alam kong tama para sa kanila." Puno ng nag-aalab na galit ang mga mata ni Kuya Dexter.

Nagkatinginan na lang kami ni Kuya Toshiro at nanatiling tahimik sa bawat nagdaang sandali.