webnovel

chapter 2

kasabay nga mga katanungan na iyon ang paglipas ng panahon. ang dating maduming emahe ng lugar na iyon ay mas naging madumi na tila di mo na maaninag ang dating mukha nito. mas naging masikip,matao madumi,magulo at higit sa lahat mas naging talamak ang ipinagbabawal na gamot. bagay na tila kableng ipinagbabawal na kung saan saan na lumusot.

ika sampo ng april taong 2010 sa isang tahimik na papag ay bumalikwas ang umaga ni anghel sa isang sigaw.

"anghel apo hindi ka pa ba tatayo riyan aba kang bata ka anong oras na" ani ng kanyang lola mira. nandiyan na po la" sagot ni anghel bago bumaba. "kumain ka na may pagkain na dyan sa lamesa..

aalis lang ako sandali... oh(inabot ang isang daan piso) kung sakaling wala pa ko ng tanghalian kumain ka nalang sa labasan... sige na aalis na ko" paalam ng kanyang lola.

sa paglabas ni anghel patapos itong kumain ay agad nyang napansin ang mga batang tila may pinagtatawanan kaya agad nya itong nilapitan. at doon ay kanyang nakita na ang pinagtatawanan pala ng mga kabataan ay ang isang babaeng marungis at wala sa kanyang tamang kaisipan. si ligaya ang babaing nasiraan raw ng katinuan sa subrang pagmamahal sa kanyang asawang namatay. mula sa malayo ay kitang kita ng lahat na tila may kinakausap si ligaya habang ito ay masaya. ngunit wala namang syang kausap gaya ng nakikita ng lahat. "kaytagal kitang hinanap mahal ko mabuti at nakita na kita" mga wika ni ligaya habang kausap ang kawalan na di naman pinapansin ng mga nakakakita sa kanya.

sa isang maliit na karenderya ay naisipan kumain ni anghel ng kanyang tanghalian. " oh ito na anghel kumain ka na dyan.. asan ba si mira" wika ng tinderang si aling hana. " may pupuntahan lang daw ho sya" sagot ni anghel at agad na nga syang kumain.. sa kanyang pag kain ay napansin nya na tila may sinasabi ang isang babae kinakausap ni aling hana habang nakatingin sa kanyan " ito na ba si anghel ang anak ni esma" tanong ng babae kay hana. oo sya nga" sagot ni hana " grabe ang laki mo na pala parang kailan lang.. alam mo ba kamukhang kamuka mo ang papa arman mo"" kung hindi nga lang.." naputol ang kanyang pag kukwento. "oi tumigil ka nga... hayaan mo na nga yang si anghel sige na kumain kana dyan...ikaw..hayaan mo na sila.. malalaman nya rin ang lahat balang araw pero hindi pa dapat ngayon" mga bulong ni hana matapos nyang hilahin ang babae palayo kay anghel. ngunit di na pinansin ni anghel ang mga nangyari iyon.

kinagabihan habang nag hahanda ng hapunan si mira ay agad na umupo si anghel" lola ilang araw nalang po pala.. ika dalawangpot isang kaarawan kona po.. ganon narin po pala katagal na di ko na kasama sina mama at papa" kwento ni anghel na nagpabagsak ng mga kutyara na hawak ni mira. " ai.. anu ba to".. amm.. apo makinig ka sakin ha( nilapitan si anghel) hindi kaba masaya na kasama mo ako" wika ni mira. " masaya po.. gusto ko lang po sanang malaman kong bakit at paano po nawala sila mama at papa" tanong ni anghel. " amm... makinig ka ha anak.. (huminga ng malalim) bago kapa ipinanganak...nagkaroon ng matinding problema ang mama at papa mo bagay na di ko alam.. nagulat nalang ako nabalitaan mo na pinatay ang papa mo di ko alam kong bakit ng mga oras kaseng iyon kasama ko ang mama mo na manganagnak na sayo.. hanggang lumipas ang ilang linggo sabi ng mama mo magtatrabaho lang daw sya.. kaya daw kailangan nyang umalis.. perp pagkatapos ng mga araw na iyon nawalan na ko ng balita sa mama mo.. ang sabi nila nakita raw nila ang mama mo na sumama sa ibang lalaki at di na sya bumalik pa dito pag katapos noon.. hinanap ko ang mama mo apo.. ngunit di na sya bumalik pa." kwento ng kanyang lola. " sanay hindi nalang pala sila ang mga naging magulang ko ang sasama nila" wika ni anghel habang namumugto ang mga mata. " tandaan mo ito apo kahit anu pa ang mangyari nandito lamang ako.. hinding hindi kita iiwan tandaan mo yan. mga wika ni mira habang yakap ang apo