Lumipas ang mga oras: grabe sa hirap ng mga test natin eh di ko namalayan ang oras uwian na pala pangiti na sinabi ni Paul,uu nga eh ah ni Philip ,tambay muna tayo sa Canteen? tara ,tara tara sabi ni Omar, at nag tungo na nga ang magkakaibigan doon, ngunit sa pagkakataong ito ay kasama na nila si Abbie habang naglalakad ang mag kakaibigan ay pabirong sinabi ni Omar na wow para tayong power ranger ang kaso nga lang puro tayo lalake hahaha,sabay biglang tinapik ni Abbie ang ulo ni omar,grabe ka naman omar babae pa din naman ako,pusong lalaki nga lang pangiti na sinabi ni Abbie,oo nga naman tol biglang nagsalita naman si Tom sa ganda ni Abbie pagkakamalang pa bang lalaki yan haha,,sabay birong baka meron ka dyan Abbie?,anong meron tanong nito kay Tom,pera hahaha pautangin mo ako pabiro ma sabi ni Tom,ewan ko sayo wala pa akong allowance tugon naman nito,mga ilang sandali lang ay nakarating na sila sa canteen at naupo sila sa lamesa at ng saktong pag kaupo ni Philip parang bigla syang nahilo ng konti,muli na namang nagiba ang mga mata nito ngunit sa pag kakataong ito ay halos wala pang isang sigundo ang itingal nito,at sa ikli ng oras na yun ay meron syang nakitang pangitain,,pangitain kung saan ay nakatayo sya sa harap ng isang malaking nilalang,na nakaupo sa isang malaking pintuan at tila may binabantayan ito at napansin nya rin na may kasama syang uri ng hayop na pagkalaki laki at ito palay isang Rhinoceros,at nilusob nito ang malaking nilalang na nakabantay sa isang malaking pintuan ngunit di pa man nakakalapit ang Rhino sa kinauupuan ng nilalang na ito ay biglang nagtaas ng kamay ito at tilay napahinto ang Rhinoceros sa pag atake sa kanya at bigla itong bumaling paharap kay Philip at laking gulat ni Philip sa rhinoceros dahil ito ay galit na galit na aatakin sya,,at biglang, kamusta na mga iho?? bungad ng isang boses sa pintuan ng canteen,napatingin ang magkakaibigan dito at nahinto din ang pangitain ni Philip,,kayo pala sir Leo gulat na pagkasabi ng mga bata,ngunit bago pa man ito humakbang papalapit sa mga mag kakaibigan ay nag iba ang pakiramdam ni Philip sa sir leo nila,,at ganon din naman ito,nagkatitigan sila ni philip at parang tila may koneksyon sa isat isa,,sabay sabing philip gusto sana kitang makausap mamaya pumunta ka sa room namin at may mahalaga akong sasabihin sayo ah ng Guro,sige po sir daan ako sa room nyo after namin dito,at umalis na nga ang kanilang guro,ah sya nga pala anong balak natin sa sembreak tanong ni Paul sa mga kaibigan,oo nga pala mga tol baka gusto nyo sumama kay omar at mag papaalam din ako kay tita na sumama sa inyo,babawi na lang ako sa kanya pag uwi ko,ah ni Philip ako game ako dyan sabi tom,,sige ako din sama sabi naman ni Paul, at nahihiyang nag tanong din si Abbie na sama din ako pwede? ahh pwede naman basta mag baon ka ng maraming pag kain pabiro ni omar dito ,,at nag tawanan na lang sila,pag kalipas ng ilang minuto ay nag pasya na sila umuwi at mag hiwahiwalay,sya nga pala punta muna ako kay sir mga tol,kita kits na lang bukas sabi nito sa mga kaibigan nya,oh sige sige bukas na lang sabi ng iba at nag hiwahiwalay na nga sila,at nag tungo na si Philip sa silid ng sir nila,hmm medyo padilim na ano kayang kailangan sakin ni Sir Leo nakakapagtaka naman, tanong nito sa sarili,at dumating na sya doon Sir magandang hapon oh gabi po sayo pabirong bati nito sa guro,oh ikaw pala philip halikat maupo ka dito,sabay tumayo ang guro at sumilip sa labas ng silid at sinarado nito ang pinto..kamusta ang mga sugat mo Philip,? tanong nito sa kanya, alam nyo din po pala ang nagyari samin sir? oo naman sagot ng guro at hindi ko lang alam kasi nandon din mismo ako sa insidenting yun ah ng guro,ano po? gulat na tanong ni Philip.