webnovel

What happened to Gino?

Part 8

....And Thanks to You, Gino

Ang aliwalas ng mukha ng babaeng nagbukas ng pinto sa kanila. Siguro nasa mid-forties na ang babae. Mestiza! Dito namana ni bisugong binabad sa suka ang complexion niya 😂 Ito pala ang bestfriend ng mommy niya nung elementary and high school days. Same feather flocks together, parehas silang maganda ni mommy!😀

Gino's mom: oh, Sofia, kumusta? Come in.

Sofia: ( humalik sa mom ni Gino bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Sumunod siya sa pinsan) okay naman po, tita. Andyan po ba si Gino? May dala kaming cupcakes sa kanya. Jasmine made them.( itinaas ang kahon na naglalaman ng cupcakes)

Pumaling sa kanya ang mom ni Gino

Gino's mom: And who's this lovely lady?

Lovely raw siya!

"Olrayt, pasado na ko sa biyenan ko!😂😂😂"

Sofia: si Jasmine po. Anak po ni tita Mildred, your bestfriend way back time.

Gino's mom: oh, that's why she looks familiar. Kamukhang-kamukha mo ang mom mo. You're both beautiful! How is she? Nandito ba siya?

Jasmine: wala po eh. May trabaho po kasi siya sa Manila. I'm just here for a vacation.

Gino's mom: Vacation? Hindi ka ba nag-aaral?

Shit! Minus good point kay biyenan!👊👊

Jasmine: Dropped-out po ako eh. And my staying here is part of mom's punishment. ( she chose to be honest!)

Natawa ang mommy ni Gino!

Gino's mom: anak ka talaga ni mildred! Namana mo kapilyahan niya.

Nagmana raw siya sa mommy niya! No! A big no! At si mommy niya, pilya? Wiiiiih?! Eh, nagmana yata yun kay Melchora Aquino sa pagka-istrikto!😤😤

Hindi na lang siya nag-comment. Smile lang siya. Tutal, mukhang di naman siya nabad-shot sa biyenan niyang hilaw! Hahaha

Gino's mom: nasa may garden si Gino. Nagpipinta, as usual. Puntahan nyo na lang. Mag-prepare lang ako ng mamemeryenda nyo.

Sofia: sige po, tita. Puntahan na namin siya.

Parang kabisado ni Sofia ang buong kabahayan nina Gino. Super close nga yata ito sa pamilya ng in-laws to be niya. 😀 Pagdating sa garden, Nakaharap si Gino sa canvass at tila seryoso ito sa ginagawang pagpipinta.

"So he's a painter. Hmm, magpapinta kaya ako ng nude sa mokong, makapag-concentrate kaya ito pag nasilayan ang aking alindog! Hahaha"

Sofia: so serious? Sino ba yang bago mong obra? (Nakangiting sambit ng pinsan ng makalapit kay bisugo)

Gino: what a surprise? What brought you here? (Halata ang saya ng makita si Sofia. Humalik ito kay Sofia sa cheek)

Nang tingnan siya ni Gino, iniaro na niya ang kanang pisngi para halikan siya but to her dismay, he just nodded!😤😤👊👊

Jasmine: hi, Gino! Happy to see me? (All smile ang gagah)

Grrr! Tiningnan lang siya at si sofia na naman ang kinausap.

Gino: The last time na nagpunta ako sa resthouse, wala ka roon. Where were you?

Sofia: nasa campus pa ko nun. Sino ba yang pinipinta mo. (Muli nitong puna sa canvass na nasa harap ni Gino)

Mata at kilay palang ang nasa canvass ng silipin ni Jasmine. Hm, maganda yung mata. Parang mga mata ko, maganda! Hahaha

Dinampot ni Gino ang puting tela na nasa ibabaw ng garden table at itinakip sa canvass

Gino: wala yan. Di pa tapos kaya di ko alam kung saan papunta yang pinipinta ko.

Sofia: Pumipinta ka lang naman kapag inspire ka. Who inspires you, ha? (Tukso ng pinsan)

Gino: (natawa) wala. Ikaw talaga. Halika, punta tayo sa gallery room ko, may ipapakita ako sa yo. (Hinawakan ang kamay ni Sofia)

Sofia: ay, wait, may gagawin pa nga pala ako. Si jasmine na lang isama mo.

Nagtatakang tiningnan niya si Sofia, anong gagawin nito? At saka kararating lang nila. Hala, ayaw pa niyang umuwi! Di pa niya nalalandi si Bisugo! Hahaha. Pero yung tingin sa kanya ni Sofia, kuha niya eh, nagsisimula na itong i-match siya kay Gino. Binibigyan siya nito ng pagkakataon na masolo si Gino.

"Very good, Sofia! May prize ka sa kin mamaya!😂😂)

Jasmine: ay oo, maglilinis pa yan ng room niya. Tapos yung toilet sa baba, lilinisin pa niya. Yung garden ni lola, di pa niya naaalisan ng mga natuyong dahon.. At saka...

Gino: (putol sa litanya niya) Dami pala. Wala kang planong tulungan siya?

Grrrrr! Manhid! Kuh, bisugo ka, sarap mong ingudngud sa canvass mo! Hahaha

Sofia: niloloko ka lang niyang si Jasmin. Actually, may defense kasi ako sa lunes kaya kailangan kong paghandaan yung mga materials na gagamitin ko. (Nakangiting sabi kay Gino at saka siya kinimbatan na manahimik na lang siya at baka mabuko pa sila😀)

Gino: mamaya ka na umuwi. Pakita ko muna sa yo yung iba ko pang mga creations.

Sofia: as much as i love to, hindi pupuwede. Marami akong dapat tapusing projects, assignments. Sumabay pa yang defense. Next time na lang, ha. Gino, iwan ko na muna sa yo ang pinsan ko.Ingatan mo yan. (Pabirong sabi)

Gino: (humarap sa kanya) ayaw mo bang sumama na lang pauwi kay Sofia? Wala ka namang gagawin dito?

"Hayop ka! Si Sofia, pinipigilan mo. Tapos ako, pinagtatabuyan mo! Kuuuh!"

Jasmine: ay naku, wala naman akong gagawin sa resthouse. Panoorin ko na lang pagpipinta mo. (Prumente siya ng upo sa garden chair)

Sofia: paano, i'll go ahead na. Bye Gino. (Nagbabay kiss kay bisugo) Jas, maiwan na muna kita dito ha. You behave?! (Kumiss rin sa pinsan)

Jasmine: ako pa! I'll behave like an angel. ( sabay kindat kay Sofia)

Natatawang naiiling na iniwan na sila ni Sofia.

Jasmine: halika na sa gallery mo. (Tumayo siya at nakangiting inaya si Gino)

Gino: ano naman gagawin natin dun? (Cold na sabi)

Jasmine: natural titingnan yung iba mo pang mga paintings. Unless you have "other things" in mind... (Pilya niyang sabi. Pamalisyosa!hahaha)

Gino: Very Funny! (Tinalikuran siya at nagsimulang ligpitin ang mga gamit sa pagpipinta.)

Aba ang hudyo, mukhang gusto na naman akong layasan! 😤😤👊👊

Jasmine: Alam mo, hindi ko maintindihan kung bakit magiliw ka kay Sofia pero inis na inis ka naman sa akin? Gusto kong isipin na defense mechanism mo lang yang pagkaasar mo sa akin. Kasi ang totoo, may gusto ka sa akin 'no? Di mo matanggap na na-love at first sight ka sa akin kaya ka naiinis. Tama ba?

Gino: (sabay harap sa kanya) in your dreams!

Jasmine: (natawa) Talaga! Sige nga, kung wala kang gusto sa akin, titigan mo ko sa mga mata ko? (Panghahamon niya)

Gino: hindi ko kailangan gawin yan! That's so immature!

Jasmine: sabihin mo, hindi mo lang kaya! Kasi nga may hidden desire ka sa akin. Ayaw mong mabuko! (Nakakaloko yung ngiti ni Jasmine. Parang tangang nang-uuto sa bata! Hahaha)

Gino: (tiningnan siya sa mga mata) wala akong gusto sa yo. Ni kahit kuko mo, hindi ko magugustuhan. Sobrang layo mo kay Sofia!

Ouch! Kinumpara ako kay Sofia! Langyang 'to, may gusto pa rin yata sa pinsan ko. At anong inaayaw niya sa kuko ko, eh fully manicured yan! Ilang oras ang ginugol niya ma-perfect lang ang manicure niya. Bwisit, wala talagang taste ang unggoy na 'to!

Jasmine: Wag mo nga akong ikumpara sa pinsan ko. Though we are both beautiful, magkaiba pa rin kami. Bakit hindi mo na lang gawin yung pinapagawa ko para makumbinse mo ko na wala ka ngang gusto sa akin?Look at me, straight to my eyes!

Galit na tinitigan siya ni Gino. At lumaban naman siya ng titigan! "

"Hays, ang ganda ng mga mata ng mokong! Ang pogi! Sarap ikiss ang kissable lips niya! Hahaha"

"Sige titigan mo pa ko, memoryahin mo ang maganda kong mukha!😂😂😂"

"Diosko, ako yata ang di tatagal sa titigang ito! Hihimatayin ako sa kilig! Ang landi mo talaga, Jasmine Esperanza! Takte, nabuo

Ko tuloy pangalan ko, anong agimat meron ka, bisugo!Hahaha"

Pero nagulat siya nang biglang bumagsak sa harapan niya si Gino!

Jasmine: ay Diosko! Hinimatay ang Mestisong bisugo! Tulong! Tulong! (Natatarantang sigaw niya!)

"Bakit siya hinimatay!? Hinimatay sa ganda ko? Ganun katindi kamandag ko?!"

Kung sa ibang pagkakataon, matatawa siya sa naisip. Pero pag-aalala at confusion ang nagtatalo sa isip at damdamin niya.

Ang paparating na mommy ni Gino na may dalang meryenda ay agad napatakbo sa kanila ng makitang nakahandusay sa bermuda grass si Gino. Nabitawan na nito ang tray na may lamang snacks. Nag-aalalang nilapitan ang anak.

Gino's mom: what happened? (Tanong sa kanya habang inilalagay ang ulo ng anak sa kandungan)

Jasmine: hindi ko po alam. Basta na lang siyang bumagsak dyan. (natatakot na nag-aalala rin siya)

Gino's mom: Gino, anak, gising. Gino..Gino. (Tinatapik ng mahina ang mukha ni Gino. Pero walang response mula sa binata. Nanatili itong nakapikit)

Oh my, what happened? Nagtititigan lang naman kami....😌

Abangan.

Enjoy Reading. God bless