webnovel

Crazy Jokes

Part 11

....And Thanks to You, Gino

Habang papalapit siya kay Jasmine, nararamdaman na niya ang epekto ng gamot na ininom kanina. Gumiginhawa na ang pakiramdam niya.

Inilapag niya ang tray na may lamang juice at ham sandwich sa may mesa na nakapagitan sa dalawang wooden-wheel-bench.

Gino: magmeryenda ka muna (iniabot niya ang basong may laman ng juice sa dalaga)

Jasmine: (iniabot ang juice) sabi ko naman sa yo, busog pa ko. But since ikaw ang nag-prepared ng lahat ng ito, sige na, kakainin ko lahat yan. Mabigyan ko man lang ng credit ang effort ng future boyfriend ko. (All smile ang hitad😀)

Gino: Jas, ayan ka na naman sa mga biro mo.

Jasmine: hindi nga ako nagbibiro. Liligawan kita, pasasagutin kita at pag naging tayo na, we will be the best couple of the year! ( tinikman yung juice) Masarap, ha. Wala bang pampatulog to?

Gino: ha? (Ang slow! Hahaha)

Jasmine: di ba ganun sa mga teleserye, nilalagyan ng pampatulog ang iniinom ng bidang babae para ma-rape!

Gino: baliw! Ginawa mo kong rapist!

Jasmine: (ang lakas ng tawa) hindi mo ko kailangan rape-in. May license ka to do it.

Gino: ganyan ka ba talaga? (Naiiling)

Jasmine: oh bakit na naman? Ano ba ako sa tingin mo?

Gino: yung mga biro mo, pang-SPG

Jasmine: (dumampot ng sandwich! Busog raw, ha😂😂😂) sus, ano naman gusto mong ibiro ko sa yo, pang-going bulilit! Yung tipong mga ganito...Oh, knock-knock

Gino: (natatawa pero nakisakay) who's there?

Jasmine: lalaking-pogi na bagay na bagay sa magandang tulad ko!

Gino: ang haba naman niyan!

Jasmine: ang reklamador mo naman..

Gino: okay, lalaking pogi na bagay na bagay sa magandang tulad ko who?

Jasmine: can this be love i'm feeling right now i know for certain i'm feeling right now🎼🎧 i don't recall ever feeling this way🎧 tell me what does one say to one who makes me feel this way🎧🎧

Hindi mapigilan ni Gino na di titigan si Jasmine habang kumakanta ito. Hindi kagandahan ang boses nito pero damang-dama niya ang bawat bigkas ng kinakanta nito.

"And she's beautiful!"

"Matatalo yata ako sa pustahan namin. But on the otherhand, di naman ako umayon sa bet na yun!"

"She has this charm that you can't simply resists" Pusuan na this! ❤️ hahaha

Nagulat pa siya na tapos na pala sa pagkanta si jasmine

Gino: asan yung lalaking pogi na bagay na bagay sa magandang tulad ko? Wala naman.

Jasmine: nasa harap ko! (Nakalabing-nakatawa)

Gino: you're crazy! (Natatawang pinisil ang tungki ng ilong ni Jasmine)

Jasmine: oi, nagiging intimate na siya.. Touching-my-nose-base na siya! (Nang-aasar na biro ng dalaga)

Gino: puro ka kalokohan. Kumain ka na nga. ( dumampot ng sandwich and took a bite)

Jasmine: Gino, puwede magtanong?

Gino: ano? Baka kung ano na naman yan, ha?

Jasmine: (natawa) hindi. (Sumeryoso ang mukha) napansin ko lang, parang di ka pumapasok sa school. Drop out ka rin?

Gino: (sumeryoso rin) hindi ako pasaway na estudyante, Jas, kung yun ang iniisip mo. I just had to stop schooling...( iniiwas ang tingin sa dalaga)

Jasmine: but why?

Gino: mahabang kwento. Huwag mo ng uratin. (Nakangiti) Kanta na lang tayo. (Dinampot ang gitara sa may gilid ng upuan)

Jasmine: puwede, isa pang tanong?

Gino: ano yun? (At muling ibinaba ang guitar sa may upuan)

Jasmine: why do you hate this world? (Naalala yung isinulat ni Gino sa sand)

Saglit na natahimik si Gino.

"Naku, baka bigla na naman itong magsungit!"

Jasmine: sorry. You don't have to answer it if you are not comfortable to talk about it..

Gino: okay lang na sagutin ko, magkaibigan na naman tayo di ba? Siguro dapat mo ngang malaman yung past ko para matapos mong marinig yung kwento, you can decide if you still want me to be your friend...

Hindi siya nagsalita. Naghihintay siya ng iba pang sasabihin ni Gino. Pero dios ko, kinakabahan siya. Sobrang seryoso ni Gino. Parang may pasabog! Whoah, ano kaya yung past na sinasabi nito?!!!

Gino: when i was sixteen, i met this girl. Si Anna. Parang katulad mo siya, carefree...bubbly, daming adventure na alam gawin. She is so sweet... Beautiful! Imposibleng di ka ma-inlove sa kanya. At napakaswerte ko kasi naging kami. (Napangiti si Gino habang nagbabalik-tanaw). Akala ko, walang katapusan yung saya pero mali pala ako. Isang bangungot ang nangyari sa amin. In just one snap, nagulo ang lahat. Nasira ang mga kinabukasan namin.

Jasmine: what happened? (God, papatayin ako sa suspense ng lalaking 'to)

Gino: Bata pa kami nun kaya naging mapusok. Nabuntis ko siya, Jasmine. (He looked at her; straight to her eyes)

Oh my God! Batang-ama ang future boyfriend niya???!!!👊👊😤😤

Jasmine: asan na si Anna? Ang baby nyo? (Para siyang hihimatayin sa nalaman! Unexpected revelation! Wow!!!)

Gino: she died three years ago. Sila ng baby namin.

Jasmine: pano? Bakit?

Gino: kasalanan ko eh. Hindi ko agad napanindigan si Anna. Litong-lito ako nun kasi bata pa ko. Ganun rin si Anna kaya may nagawa siyang bagay na di dapat. (He sighed) Nagpa-abort si Anna. At hindi niya nakayanan yung prosesong ginawa sa kanya. Dinugo siya ng dinugo hanggang...(hindi na natapos ni Gino ang kwento, sumubsob ito sa ibabaw ng mesa. Tahimik na umiiyak)

Si Jasmine, speechless, schock, at saka parang may galit siyang naramdaman para kay Gino. Mali ang pagkakilala niya sa binata! Pinabayaan nito ang mag-ina niya. Hindi excuse yung bata pa siya! Hello, nakagawa nga siya ng bata!!!😤😤👊👊

Ilang saglit na katahimikan ang nagdaan, tapos tumingin sa kanya si Gino... Pero bakit ang seryoso at mukhang naiiyak na mukha nito ay nakangiti na ngayon hanggang nauwi sa malakas na tawa!

Gino: (utas sa katatawa) i caught you there! Naniwala ka 'no? (Tawang-tawa pa rin)

Jasmine: that was a joke? (Hindi makapaniwala na nagoyo siya ni Gino)

Natatawang tumango si Gino. Pero natigil ang pagtawa nito ng makitang seryoso ang mukha ni Jasmine at may pumatak na luha sa pisngi nito.

Gino: Jas, nagbibiro lang ako. Sorry kung nagalit ka. Biro lang yun...

Jas: (galit ang boses) wag mong gawing biro ang mga ganyang bagay, lalo higit sa isang katulad ko na malapit ng maging nanay!

Si Gino naman ang natahimik. Shock rin. Totoo ba yung narinig niya? Malapit ng maging nanay si Jasmin? How come?!

Jasmine: Hindi ka ba nagtataka kung bakit nandito ako ngayon sa resthouse? Itinatago ako ng nanay ko! Dahil nabuntis ako ng isang gagong lalaki na walang paninindigan! Narinig mo, tinakbuhan ako ng lalaking nakabuntis sa akin pero sa 'yo joke lang ang ganitong sitwasyon! How insensitive!!!Galit na galit ang mukha niya habang umiiyak)

Lumapit sa tabi niya si Gino at hinawakan ang palad niya.

Gino: i'm sorry, Jasmine. Hindi ko alam... If i only knew..oh, im sorry. (Hindi magkandatuto sa paghingi ng sorry sa kanya si Gino.)

Hinaklit ni Jasmine ang kamay na hawak ni Gino. Yumuko siya at tinakpan ng mga palad ang mukha. Napahagulgol na siya ng iyak. Pero biglang nagtaka si Gino ng pati balikat ni Jasmine ay yumuyugyog na. And her cry turn to laughters!

Jasmine: putcha, ang hitsura mo, paniwalang-paniwala! (Utas sa katatawa)

Gino: joke rin yun? (Halos di makapaniwala na nagda-drama lang rin si Jasmine)

Hawak-hawak ni Jasmine ang tyan sa katatawa.

Jasmine: (sa pagitan ng tawa) gago ka, akala mo, maiisahan mo ko, ha. All-one!

Sukat sa sinabi ni Jasmine, biglang tayo si Gino at nagsimulang maglakad palayo kay Jasmine. Natatarantang hinabol siya ng dalaga

Jasmine: hoy, Gino, biro lang yun! Ano ka ba?

Hindi tumitingin sa kanya si Gino, diretso sa paglalakad. Habol naman siya!

"Shit! Parang nabalik kami sa dati! Siya si walk out king at ako si Habol Queen!"

Jasmine: (naabutan si Gino at pinigilan ito sa braso. Huminto ito sa paglalakad at seryoso siyang tiningnan) Langya ka, Gino. Lakas ng loob mong mag-walk out, eh ikaw itong unang nagbiro! Asan ang hustisya roon?

Gino: (ang seryosong mukha ay napalitan ng ngiti) Two-one! (Meaning, naisahan niya si Jasmine. Di totoong napikon at nag-walk out siya!)

Naiiling na natatawa si Jasmine. Huh, what a day! Ang saya!

Kinurot niya sa tagiliran si Gino.

Jasmine: walanghiya ka! Akala ko talaga napikon ka na naman. Nakakainis ka!

Patuloy niyang kinukurot na pabiro si Gino, panay naman ang ilag ng binata. Hanggang ma-off balance siya sa kaharutan niya. Buti na lang may presence of mind si Gino, agad nitong iniharang ang katawan sa posisyong kababagsakan sana ni Jasmine. Ang siste, kapwa sila natumba. Nasa ilalim si Gino at nasa ibabaw naman niya si Jasmine. And their eyes meet....

"God, he is so cute!" Inner voice ni Jasmine

"She's so beautiful!" Inner voice ni Gino.

Awtomatikong napapikit si Jasmine. Na-sense niyang hahalikan siya ni Gino. Pero ilang segundo na ang nakakaraan, wala pa ring lips na lumalapat sa malambot niyang mga labi. Napamulat siya ng marinig ang boses ni Gino.

Gino: Tayo ka na, ang bigat mo!😂😂😂

Hayop! Sinira ang moment niya! Akala niya may magic na! hahaha

Abangan.

Enjoy reading. God bless