webnovel

Chapter 21

Isang umaga, habang ang lahat ay abala sa kani-kanilang mga gawain. Tahimik namang nagmamasid lang si Elysia sa kaniyang bintana habang binabasa ang liham na pinadala ni Vladimir para sa kaniya.

Bahagya pa siyang napapangiti habang marahang binabasa ang nilalaman ng liham na iyon. Hinadi niya lubos maisip na ang isang tuad ni Vlad na isang malupit na bampira ay may tinatago palang karomantikohan sa katawan.

"Elysia, mukhang masaya ka ngayon ah," puna ng isang babae, hindi nagkakalayo ang edad nilang dalawa at mas matanda lamang ito sa kaniya ng talong taon.

"Gwen, ikaw pala,"

"Dahil ba sa binabasa mo? Nais mo bang lumanghap muna ng sariwang hangin sa labas?" tanong nito at napaangat pa ang kilay niya.

Isa si Gwen sa mga babaeng taga-bayan na tinalaga bilang tagapag-alaga niya, anak ito ng isang magsasaka na ngayonay nahahanay na sa mga kawal na siyang nagbabantay naman sa palibot ng bayan.

"Naisip ko lang kasi, baka masyado ka nang nasasakal dito sa silid mo at nais mong makaramdam man lang ng kalayaan kahit saglit."dagdag pa nito habang tila hindi mapakali. Hindi rin mahuli ni Elysia ang mga mata nito. Ramdam niyang may mali kay Gwen ngunit hindi niya mawari kung ano.

"Sige ba, sandali lang mag-aayos lang ako." sabik pa niyang sang-ayon rito. Sa kaniyang pag-aayos ay palihim siyang nag-iwan ng liham para sa kaniyang mga kasama. Alam niyang may mga bampirang palihim na nakasunod sa kaniya ano mang oras. Ang mga ito ay hindi nagpapakita at ang tanging may alam lamang sa kanila ay si Vlad at Loreen. Kahit si Luvan at Florin ay walang alam tungkol sa mga ito.

Matapos mag-ayos, ay masayan silang lumabas ng bahay. Naglakad-lakad sila sa bayan at aliw na aliw naman si Elysia habang pinagmamasdan ang paligid. Sa buong oras na iyon ay hindi na umiimik sa Gwen. Tahimik lang itong nakasunod kay Elysia at panay na rin ang linga nito sa kung saan-saan.

"Mukhang palabas na ito Gwen, bumalik na tayo," wika niya at napapitlag naman ang kaniyang kausap.

"Ligtas pa naman dito, sa tingin ko ayos lang naman kahit dito na tayo." natatarangtang wika naman ng babae. Sa pagkakataong iyon ay napangiti na si Elysia. Alam niyang may hindi na tama sa kilos nito—hindi lamang siya nagpapahalata at patuloy na sumasakay sa nais nito.

"Alam mo ba ang ginagawa mo Gwen, sa ginagawa mong ito,pinapahamak mo pati na rin ang pamilya mo." mayamaya pa ay wika ni Elysia. Nakatingin siya ng malumanay sa babae at nabanaag niya ang pagkabahala sa mukha nito. Nalukot ang maganda nitong mukha at naitakip nito ang kamay sa mukha at humikbi.

"Patawarin mo ako Elysia, pero kailangan kung gawin ito. Alam kong mali ito, ngunit ito lang ang paraan ko para mailigtas ang aking ama na hawak nila ngayon." humihikbing wika ni Gwen kasabay nito ang pangungunot ng noo ni Elysia.

Tama nga ang hinala niya. Alam niyang labag sa kalooban ni Gwen ang ginagawa nito at batid niyang mabigat ang pinaghuhugutan nito kung kaya, nakaya nitong suwayin ang sarili nitong paninindigan.

"Madali ka Elysia, darating na sila maaabutan ka nila rito. Siguro nga tama ka, alin man ang piliin ko, maapahamak ang pamilya ko dahil iyon na ang nakatadhana sa kanila. Ang mali ko lamang, nagpadala ako sa takot at hindi ko inisip ang mas malaking konsekwensya ng gagawin ko." Pagtutulak ni Gwen sa kaniya pabalik sa bayan.

"Paano ang ama mo?" tanong ni Elysia ngunit umiling lang si Gwen.

"Siguro nga ito na ang nakatadhana sa amin, tulad ng sinabi ko, mali ako ng desisyon, kaya hangga't kaya itatama ko ito." buong determinasyong wika ni Gwen saka pinagtulakan si Elysia pabalik sa bayan ngunit huli na ang lahat dahil narinig na nila ang mga tawanan at takbuhan ng mga kalalakihan mula sa kabundukan.

"Magaling Gwen, maaasahan ka talaga. Tulad ng pinangako namin, dala namin ang tatay mo." bungad ng isang may kalakihang lalaki na nakasuot ng isang itim na maskara at makapal na damit na animo'y gawa sa balat ng hayop.

"Laxus, maawa ka pakawalan mo ang tatay ko, matanda na siya at wala siyang laban sa inyo." pagmamakaawa ni Gwen, kulang na lang ay lumuhod ito sa harap ng lalaki.

Naningkit namana ng mga mata ni Elysia sa mga ito. Umikot ang tingin niya sa mga kalalakihan at kapansin-pansin ang marurungis nitong mga kasuotan na tila ba isang buwan kung hindi nalalabhan.

Lalong nangunot ang noo ng dalaga nang makita nito ang nakakaawang kalagayan ng tatay ni Gwen. Bugbog sarado ito at may dugo pang namumuo sa gilid ng labi nito. Bago lang din ang mga pasa nito sa mukha partikular sa mga mata nito. Nakatali ang mga kamay at braso nito na siyang lalong nagpapahirap naman sa matanda.

Humagulgol ng iyak si Gwen sa nakitang sitwasyon ng kaniyang ama. Matapang namang hinarap ni Elysia ang mga ito.

"Sa tingin niyo ba malalakas kayo dahil sa ginagawa niyo? Mga duwag, ang kaya niyo lang apihin ay ang mga taong walang laban tulad ng mga babae at matatanda. Bakit noong mga panahon sinubukan kayong sakupin ng mga grimmer at bampira ay wala kayong nagawa para iapagtanggol ang nasasakupan niyo? Ano ba'ng ginawa niyo? Nabahag ang buntot at nagtago sa kasulok-sulokan ng pat*y na kagubatan? Kung hindi mga duwag ang tawag sa inyo, ano?" mahabang litanya ni Elysia.

Kitang-kita nila ang pagpula ng mukha ng malaking lalaki dahil sa labis na galit. Marahas na itinulak nito ang tatay ni Gwen sa lupa na siyang ikinangudngod naman ng matanda. mabilis na dinaluhan iyon ni Gwen at pilit na hinatak palayo sa mga ito.

Napangisi naman si Elysia dahil umayon ang lahat sa plano niya.

"Hindi ka lang duwag, tang* ka pa." Natatawang wika pa ni Elysia at mabilis na sinipa ang lalaki sa pagitan ng mga hita nito. Napahiyaw ito sa sakit at napaluhod.

Ginamit nila ang pagkakataong ito para lumayo sa mga kalalakihan.

"Puny*ta, hulihin niyo ang babaeng iyan. Papat*yin kitang babae ka. Humanda ka sa akin." pagalit na sigaw ng lalaki. Agaran naman ang pagkilos ng mga tauhan nito. Natatayang nasa higit sa lima ang mga kasama nito, ngunit bago pa man nila mahawakan si Elysia ay lumitaw sa harapan nila ang mga bampirang lihim na nakasunod sa dalaga.

Nakahinga naman nang maluwag si Elysia nang makitang walang kahirap-hirap na pinatumba ng mga alagad ni Vlad ang ga taong iyon. Kabilang na rin sa nahuli ng mga ito ang pinakalider nila na siyang sinipa naman ni Elysia.

"Alam mo? Nakapaghanda ka?" gulat na tanong ni Gwen.

Tumango si Elysia at ngumiti bago nagsabi ng,

"Oo, alam kong may mali sayo nang alukin mo akong mamasyal sa labas gayong alam nating pareho na mapanganib. Kaya palihim rin akong nag-iwan ng mensahe sa silid ko para mabasa ng mga alagad ni Vlad at matulungan tayo sa tamang oras. Ligtas na ang tatay mo kaya bumalik na tayo sa loob upang magamot at makapagpahinga na siya ng maayos."

Nang makabalik na sila ay ang nag-aalalang mukha ni Loreen ang sumalubong sa kanila. Kasama nito ang matandang si Hector na agad naman pinagsabihan si Gwen.

"Pasalamat ka at walang nangyaring masama kay Elysia. Hindi mo alam kung anong panganib ang idudulot nito sa buong bayan natin kung nagkataon. Hala, sige, manatili ka muna doon sa bahay niyo at huwag kang lalabas hangga't walang utos para sayo." Galit na bulyaw ng matanda sa babae.

Wala nang nagawa si Elysia kun'di ang kausapin ang matanda tungkol sa parusa ni Gwen.

"Alam kong nais lamang niyang iligtas ang ama niya kaya niya nagawa iyon. Subalit mali ang ginawa niyang desisyon. Hayaan mo siyang magnilay sa kasalanang nagawa niya. Elysia, hindi sa lahat ng pagkakataon, magpapatawad ka na lang, minsan kailangan mo ring parusahan ang may kasalanan upang hindi pamaresaan at hindi na ulitin ang mga maling desisyong ginawa nila." tugon naman ng matanda at napipilan ang dalaga.

"Tama si Tandang Hector Elysia, bilang magiging reyna sa hinaharap, ay kailangan mong timbangin ang lahat ng bagay. Oo at sa huli ay magpapatawad ka, subalit hangga't maaari kailangan din nilang malasap ang parusa na dulot ng kanilang kasalanan. Diyan natututo ang mga tao." sang-ayon naman ni Loreen.

Marahang tumango ang dalaga at taimtim na lamang na pinagmasdan ang papalayong si Gwen kasama ang dalawang ginang na siyang mga tiyahin nito. Ang ama naman ni Gwen ay dinala sa isang tent kung saan naroroon ang mga kasamahan nilang kayang manggamot ng mga may sakit at mga sugat.

Ang anim na kalalakihan naman na nabihag nila ay pansamanatala nilang ikinulong sa isang maliit na kubo 'di kalayuan sa mansyon. Walang bintana at pintuan ang naturang kubo at nabubuksan lamang iyon gamit ang mahika.

"Ang mga tao na ni Luvan ang bahalang magpakanta sa mga 'yon, huwag kang mag-alala, siguradong hindi na natin kailangang magpagod na hanapin ang kuta nila dahil sila mismo ang magpapagod na pumunta sa atin." Nakangising wika ni Florin.

"Paano ka naman nakakasiguro?" tanong ni Elysia at muling lumapad ang pagkakangiti ng binatang elf. Lumabas pa ang mapuputi nitong mga ngipin at lalong naningkit ang mga mata nito.

"Dahil napag-alaman kong ang sinusunod nila ay isa sa mga pinagkakatiwalaang alagad ni Vincent. Kung nalaman niya na nandito ka, magkukumahog iyon na kunin ka bilang regalo sa kanilang amo, nang sa gayon ay lalong tumaas ang kaniyang posisyon sa mata ng pinagsisilbihan nilang hari." tugon ni Florin.