webnovel

Alchemic Chaos: Fate

ANG MGA ALKEMISTA ang tinaguriang 'magiting' at makapangyarihan sa buong kontinente ng Azalea. Pinaniniwalaang iginawad ng Diyos ang kanilang taglay na lakas. Lakas na nararapat na gamitin sa kabutihan at sa paglaban ng masama. Ngunit hangga't namamayani ang inggit at kapangyarihan ay magagamit ito sa hindi nararapat-sa kasamaan. Ang mabuti laban sa masama. . . Isang kapalaran. At doon nagsimula ang unang digmaan ng kapangyarihan. *** Isang gabi, isang pangyayaring hindi inasahan. Isang pangyayaring labis na pinagsisihan ang nagpayanig sa takbo ng buhay ni Kira - ang pamosong binibining heneral ng Titania. Trinaydor ng kaibigan at iniwang mamatay sa kamay ng isang halimaw. At ang isang bagay na hindi niya matatakasan. Mahika. Tentasyon ng kasalanan. Responsibilidad. Digmaan. "Kaya mo bang tanggapin ang kapalarang kaakibat ng pagiging alkemista? " -

LaSolaPythia_ · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
34 Chs

Kabanata Uno: Balak

Kilala sa buong apat na kontinente ang isang kaharian na matatagpuan sa kontinente ng Azalea.

Ano ang dahilan?

Sapagkat ang kahariang iyon ang pinaka-mayaman at pinaka-sibilisado sa iba pang kaharian. Kilala sa iba't-ibang diyadema na hindi matatagpuan ng kahit sino sa iba, mga hayop na napaka-pekular na kapag iyong ibebenta ay tiyak na ika'y pagpapalain ng grasya at ginto! Malawak na nasasakupan na punong-puno ng hiwaga at mga kayamanan.

Ngunit. . .hindi lamang ang mga hayop ang tinuturing na pekular ngunit pati na rin ang mga nilalang na naninirahan dito, mga nilalang na mas binayayaan ng kakayahan sa mahika at alkemiya kaysa sa ibang mga naninirahan sa apat na kontinente! Kung kaya't mas naging kilala sila sa lahat ang kanilang serbisyo sa pakiki-digma-at iyon ang naging dahilan kung bakit ang kahariang iyon ay lalong yumabong at ang ganid sa kapangyarihan ng iilan ay naging mitsa ng kaguluhan at ang pagka-alipin ng mga hindi pinagpala, taga- ibang kaharian man o kahit ang sariling kababayan.

SA isang madilim at abandonadong silid ay maaninag ang dalawang babaeng taimtim na nag-uusap. Ang isa sa mga babae ay may paalon-alon na puting buhok at makinang na matang kakulay ng dagat habang ang isa ay tila isang kabaligtaran ng kaniyang kasama-Tuwid na itim na buhok at mga matang kakulay ng apoy.

Palinga-linga pa sila sa paligid upang makasiguradong walang nakasunod o nakakarinig sa kanilang salitaan. Kapwa sila nakatayo at isinasayaw ng bentilador ang kani-kanilang suot na palda.

"Sigurado ka ba rito, Tsukino? Mapapahamak tayo kapag nalaman nila ito lalo na ng Prinsipe," bakas sa mga mata ng babaeng may puting buhok at asul na mata ang pag-aalala sa kasama niyang nagngangalang Tsukino.

Mahigpit na hinawakan ni Tsukino ang balikat ng kasama. "Sigurado ako rito, Kira! Hanggang kailan ba tayo magpapaalipin sa Emperador Hao? Hanggang sa maubos tayo dahil sa kalupitan niya?!" malakas na wika ni Tsukino at tiningnan sa mata ang kasama, saganang luha ang tumutulo sa kaniyang mga mata.

Nag-aalangan ang kasama niyang si Kira pero alam nito na may punto ang sinabi ng kaibigan. Marami nang nagbuwis ng buhay para

pabagsakin ang emperador. Ang iba naman na nagtatangka ay kaniyang

ipinapapatay.

Kahit ang mismong prinsipe ay nag-iisip na kung paano mapabagsak ang ama sa tamang paraan. Ngunit walang tamang paraan, kung hindi kamatayan ang magpapabagsak dito.

Ang mga magulang nila ni Tsukino ay kapwa pinatay ng emperador. Wala itong pakialam kahit na ang ama ni Kira ay isang konde ng kalapit na kaharian. Kahit mismong kabilang kaharian ay nagawa nitong sakupin at pinatay ang mga namamahala rito.

"Ano na, Kira? Sasama ka ba sa akin mamayang gabi?" halos magmakaawa ang mukha ng kasama niyang si Tsukino. Ang higpit pa ng hawak nito sa balikat ni Kira.

Sa katunayan ay hindi na kailangang gawin ito ni Kira dahil tahimik at mabuti na ang kaniyang buhay. Isa siyang tagapayo ng Emperador sa usapang digmaan dahil na sa kaniyang angking katalinuhan at isa sa mga napupusuhan ng Emperador upang maging asawa ng Prinsipe.

Ngunit alam niya sa sarili niyang isa siyang hangal kung maghahangad siya ng mga bagay na para lamang sa sarili niya, habang ang kaniyang bayan ay nahihirapan.

"Payag na ako, Tsukino. Ano bang oras at may plano ka ba?" seryosong sabi ni Kira sa kasama.

Halos mangiyak-ngiyak siyang tiningnan ng kasama at mahigpit siyang niyakap.

Isa pa, gusto rin niyang iligtas ang kaibigan dahil nasabi nitong kung hindi mamatay ang Emperador ngayon ay napipinto siyang maging ika-labing tatlo nitong asawa.

Dalawa lang ang naging anak ng Emperador at ang isa ay pumanaw na kaya ang Prinsipe na lang ang nabubuhay.

Gusto ng hari na dumami pa ang lahi niya kaya puwersa niyang kinukuha ang mga magagandang dilag sa kaharian para maging kaniyang asawa. Kung hindi ito papayag sa araw ng kasal, sa harap ng mga tao ay puwersahang hinuhubad ang dilag at itinatali sa isang lamesa na kung tawagin ng emperador ay "bulaklak ng asotea" at doon puwersahang itinatalik ng emperador ang dalaga. Kung hindi ito nasiyahan ay hahayaang italik ng dalawang daang kawal ang dilag sa harapan pa rin ng mga tao.

Hindi niya masikmura ang ginawa ng Emperador. Ubod ito ng sama kaya tama lang na matapos na ang buhay nito.

"Tulungan mo ako sa plano, Kira. Alam kong matalino ka. Ako na ang papatay sa emperador mamayang gabi gamit ang lason na natutunan kong gawin sa klase ko sa alkemiya," sabi ni Tsukino sa kaibigan.

Tumango na lamang si Kira at doo'y umalis sila sa silid. Nang lumalakad sila sa pasilyo ay hindi nila masikmura ang nakikitang mga buto ng mga tao at mga bangkay na nakahandusay o 'di kaya'y naka-upo. Ang pasilyong ito ay tagalagakan ng mga pinatay ng emperador. Naniniwala ang emperador na ang mga naririto ay hindi nararapat at walang karapatang ilibing dahil sinuway siya ng mga ito. Tanging si Kira lang ang pinapayagang pumasok dito dahil nga sa pinagkakatiwalaan siya ng buhong na hari.

"Mamaya, Kira. Alas dose, huwag mong kakalimutan at paalam," pagpaalala ni Tsukino sa kaniya at naglakad na papunta sa direksyong silangan kung saan ito ang daan sa silid nito, habang si Kira ay dumiretso sa kung asan ang trono ng emperador dahil nais nitong makipagkita sa kaniya sa usapang digmaan.

Sa paglalakad niya ay sumalubong sa kaniya ang mga kawal na kaniya-kaniyang nakadestino sa kani-kanilang mga puwesto at mga asawa ng hari na hindi ata mukhang maharlika sa mga suot nitong mga kadena sa leeg. Ang iba ay suwerte pang nabigyan ng puting bestida bilang saplot, ngunit ang iba ay wala ni isang suot. Busog na busog na ang tingin ng mga kawal sa mga babae at ang isa sa mga asawa ng hari at nag-iisang nagdadalang-tao ay pinagtutulungan ng apat na kawal - si Martha na nahuli ng hari na kalaguyo ang isa sa mga heneral.

Kalunos-lunos ang itsura ng babae. Halos mukha na itong patay dahil bago ito ginahasa ay pinaglalatigo muna ito ng hari at binalatan ang mga daliri. Hindi niya alam kung buhay pa ba ang pinagbubuntis nito at hindi masikmura ni Kira ang nakikita, parang hayop ang turing ng hari sa mga tao.

"Itigil niyo muna iyan! 'Di ba araw ng pagsasanay niyo ngayon kasama ang prinsipe? " Sa wakas ay may lumabas na sa bibig niya na ikinatigil ng mga kawal sa kani-kanilang gawain.

Patay siyang tiningnan ni Martha. Kitang-kita ang paghihirap sa mga mata nito ngunit ramdam niyang may pasasalamat sa mga titig nito.

"Pasensiya na po, binibining Mystearica. Masusunod po," magalang na sabi ng mga ito at mabilis na umalis upang gawin ang inutos niya.

Nang makaalis na ang mga kawal ay dali-dali siyang lumapit kay Martha at kinuha ang bote ng gamot mula sa kaniyang bulsa. "Inumin mo ito, Martha nang bumalik ang lakas mo," mahina niyang sabi sa babae at inilapit sa bibig nito ang bote at unti-unting ibinuhos sa bibig ang laman na gamot.

Alam na ng mga asawa ng hari ang ginagawa niya at nagpapasalamat pa sila rito kaya hindi nakakarating sa hari ang ginagawa niya. Hindi rin ito napapansin dahil sa kagalingan niya sa alkemiya ay nakagawa siya ng gamot na nagbabalik ng lakas ng isang nilalang at minamanhid ito sa ano mang pisikal na sakit sa loob ng isang araw, ngunit kita pa rin ang mga bakas ng sugat nito.

"Bakit mo ginawa iyon, Martha? Papatayin ka ng emperador!" mahina niyang sabi na kababakasan ng pag-aalala, ngunit matamis lang siyang nginitian ng babae.

"M-Masaya akong sinunod ko ang puso ko, Kira. At balang araw maiintindihan mo ako pero... may hiling ako sa iyo... alam kong papatayin na nila ako sa mga susunod na araw o oras pero pakiusap ko sa'yo, iligtas mo ang anak ko." Tumulo ang luha sa mga mata nito at bago pa makasagot si Kira ay mabilis nitong binunot ang espada ni Kira na nagpagulat sa kanya at sa mga babaeng naroon.

Mayamaya pa ay hiniwa nito ang kaniyang malaking tiyan. Dahil sa epekto ng gamot ay wala na itong maramdamang sakit, ngunit bakas sa mga mata ni Martha ang lungkot, alam ito ni Kira.

Binunot ni Martha mula sa kaniyang tiyan ang sanggol at inabot sa gulat na gulat at nanginginig na si Kira.

"Alagaan mo siya, pakiusap. Alam kong makapangyarihan ka at kaya mo siyang protektahan. Magagamit ko ang ilusyon ko para isipin nilang andito pa rin ang anak ko. Ipangako mo... huwag mo siyang iiwan. At sana balang araw ay matatapos na ang kasamaan ni Hao," puno ng lungkot at poot na sabi ni Martha kay Kira.

Kumurot ang puso ni Kira habang tinititigan si Martha at ang sanggol na babae na panay ang iyak. "Pangako..." madiin niyang sabi at tiningnan muli ang sanggol.

Mas lalong lumakas ang kagustuhan niyang patayin ang hari at sisiguraduhin niyang mapapatay nila ito ni Tsukino mamayang gabi.

Pili at kakaunti lang ang alam niya sa mahika dahil puro pisikal at mental ang kaniyang kaalaman. Ngunit may alam siyang paraan para itago ang sanggol sa maikling panahon na kakausapin niya ang hari. Isang paraan na magbibigay sa kaniya ng sapat na kapangyarihan sa kaniyang nais.

Kinuha niya ang isang maliit na antique na libro sa kaniyang bulsa at binuklat ito.

"Itago ang lungkot at luha sa mga mata, protektahan ang mga mahina at ang sarili sa kapahamakan, nang liwanag ay mahagkan, Freiá Protectia!" basa niya sa nakalagay sa libro at sa isang iglap ay nawala ang sanggol na hinahawakan niya at pumasok sa libro.

"Maraming salamat...an-binibining Mystearica," sabi ni Martha at pumikit ito na para bang tanggap na nito ang lahat.

Yumuko lang si Kira at naramdaman niya ang pagtiim ng bagang niya. Tama si Tsukino nararapat na talagang patayin ang buhong na emperador na iyon!

Pasensiya na, Prinsipe Ringo hindi na kaya ng simpleng mga diyalogo at debate para mapatalsik ang iyong ama.

Naglakad na palayo si Kira papunta sa trono ng hari. Ang kaniyang suot na asul na bestida ay tila nililipad ng hangin pati na rin ang kaniyang buhok.

Ang trono at gawa sa ginto at may palamuting mga diyadema: sapiro, esmeralda, at diyamante. Nang makita siya emperador ay nginisian siya nito, habang sa isang kamay ay hawak-hawak ang isang kadena na nakatali sa leeg ng isang hubad na babae.

Patago niyang kinuyom ang kamao. "Kamusta ang plano para sa kamatayan ng mga barbaro sa kanluran? Pumayag na ba mga taga-konseho?" sabi nito at tumayo at lumapit sa hubad na babae, pagkatapos ay kahit nakatingin si Kira ay ginawa nito ang kababuyan.

Nanlamig si Kira sa galit at pinipigilan niya ang sarili niyang huwag sugurin ang hari. "Nakaayos na po, mahal na hari," mahina niyang wika.

Hindi mo na maabutan iyon mahal na hari dahil... mamamatay ka na mamaya. -

Hi! Sana po ay magustuhan niyo po ang aking akda. Sana po ay bigyan niyo po ng boto ang storyang ito kung inyong nagustuhan at komento na rin, salamat.

LaSolaPythia_creators' thoughts