webnovel

Alchemic Chaos: Fate

ANG MGA ALKEMISTA ang tinaguriang 'magiting' at makapangyarihan sa buong kontinente ng Azalea. Pinaniniwalaang iginawad ng Diyos ang kanilang taglay na lakas. Lakas na nararapat na gamitin sa kabutihan at sa paglaban ng masama. Ngunit hangga't namamayani ang inggit at kapangyarihan ay magagamit ito sa hindi nararapat-sa kasamaan. Ang mabuti laban sa masama. . . Isang kapalaran. At doon nagsimula ang unang digmaan ng kapangyarihan. *** Isang gabi, isang pangyayaring hindi inasahan. Isang pangyayaring labis na pinagsisihan ang nagpayanig sa takbo ng buhay ni Kira - ang pamosong binibining heneral ng Titania. Trinaydor ng kaibigan at iniwang mamatay sa kamay ng isang halimaw. At ang isang bagay na hindi niya matatakasan. Mahika. Tentasyon ng kasalanan. Responsibilidad. Digmaan. "Kaya mo bang tanggapin ang kapalarang kaakibat ng pagiging alkemista? " -

LaSolaPythia_ · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
34 Chs

Kabanata Katorse: Lihim na kaganapan (2)

Tiningnan niya ang kawal. "Sino ang pumatay sa kanila? At si Kira, kamusta siya?" tanong niya sa kawal.

Blanko lang siyang tiningnan ng kawal. "Kalahati sa mga kawal at isang higante ay napatay ni binibining Kira." lumaki ang mata ng emperador sa narinig; na kayang pumatay ni Kira at kung paano nito iyon natutunan.

"At ang kalahati at ang heneral Eode ay pinatay ng "halimaw ng bundok kamatayan" at ang "halimaw" na iyon ay siya atang nagligtas kay binibining Kira sa kamatayan at...kung hindi pa kayo makaka-isip ng agarang paraan para mapaalam sa binibing Kira na hindi niyo siya pinapatay ay baka isa rin kayo sa kaniyang babalaking paghihigantihan kasama ang "halimaw"." muling nagulantang ang emperador sa gulat.

Papaanong ang "halimaw" ang nagligtas kay Kira? Ito ang pinakamasamang nilalang na nakatira sa lugar na iyon at ito ang pumapatay sa mga prisonero na tinatapon nila rito pati na rin ang batang hari ng Krūó noong buhay pa ang kaniyang ama. Ang gubat ng kamatayan ay tinawag na gubat ng kamatayan hindi lang dahil sa mala-halimaw na mga halaman nito o ang mga nakakatakot na tinig ngunit pati na rin sa "halimaw" na nakatira dito.

Naalala pa niya ang kwento sa kaniya ng kaniyang ama na napaka-pangit at nakakatakot ng halimaw na iyon at ito pa raw ang pumatay-pumatay sa kuya niya. Galit na galit siya sa halimaw na ito noon kaya nagpapadala siya ng mga kawal upang ito ay patayin kahit ayaw ng kaniyang ama dahil daw kailangan pa nila ng bagsik ng halimaw na iyon.

Pero ngayon, hindi na niya alam kung papaniwalaan ba ang ama na totoong masama ang halimaw? Kung nagawa nitong iligtas si Kira.

At nababahala siya at nalulungkot na galit na sa kaniya si Kira sa nangyari. Hindi na niya alam ang gagawin. Bulto-bulto na ang kaniyang problema at hindi niya alam kung saan uunahin.

"Maraming salamat sa iyong balita, Vien. Tunay ngang ikaw lamang ang kawal na maari kong pagkatiwalaan. Tama ang desisyon ni kuya na iligtas ka laban kay ama dati," wika ng emperador; boses ay malungkot nang maalala ang kaniyang yumaong kuya.

Nasa silid noon si Ringo, nagpapahinga sa kaniyang kama nang marinig ang ingay mula sa labas; sigawan mula sa kaniyang ama at sa kaniyang kuya. Agad siyang lumabas ng silid at natagpuan ang galit na ama na sinasaktan ang kaniyang kuya; ang kaniyang kuya ay may prinoprotektahan sa kaniyang likuran, isang batang kaedad niya lamang.

"Matigas na talaga ang bungo mo! May lakas ka na ngayon para hindi sundin ang utos ko? Isa lamang hamak na hampaslupa mula sa kahariang nasakop natin ang prinoprotektahan mo!" asik ng kaniyang ama at binigyan ng isang suntok ang mukha ng kuya niyang ngayo'y nagdurugo.

Naestatwa lamang siya sa kaniyang kinatatayuan habang tinitingnan ang mga pangyayari. "Hampas lupa ba ama? Hampas lupa mo bang ituring ang ama ng taong ito na tinulungan ka noong wala ka pa sa pwesto ngunit trinaydor at pinatay mo?! Bakit hindi mo pagbayaran ang nagawa mo sa pamilya niya at hahayaan mo siyang mabuhay? Wala kang utang na loob-" isang malakas na suntok muli ang natanggap ng kaniyang kuya kaya't tumulo sa kaniyang pisngi ang saganang luha.

"Kamahalan! Hayaan niyo na lamang akong mamatay, mamatay nang may dangal," wika ng lalaki sa likod ng kaniyang kuya na umaalalay dito upang hindi ito matumba.

Ngumisi ang kaniyang ama at pumalakpak. "Sige, pagbibigyan ko ang nais mo, aking sutil na anak. Hahayaan kong mabuhay ang hampas lupa na ito ngunit habang nabubuhay siya ay magtratrabaho siya sa ngalan ko at mawawalan ng dangal," ani ng ama at umalis.

Sa pagkakataong ito, lumapit na si Ringo sa kuya habang umiiyak niyakap ang kuya; walang pakialam kahit mamantsahan ng dugo ang kaniyang suot na roba.

"K-Kuya!" niyakap siya pabalik ng kuya.

Bumitaw na sa yakap ang kaniyang kuya at iniharap siya sa kasama nitong umiiyak din.

"Siya si Vien. Ito ang tandaan mo, Ringo. Kahit ano'ng mangyari pumanig ka sa tama kahit na masama ang tingin sa iyo ng iba. Kahit ikamatay mo pa. Makakasama mo si Vien dahil hindi habang buhay makakasama mo ako." Nagtataka namang tiningnan ni Ringo ang kuya sa huling sinabi nito.

"Bakit kuya? Hindi ka naman aalis 'di ba?"

"KAMAHALAN?" naputol ang inaalala ng emperador na ngayo'y tumatangis na nang marinig ang boses ng isa pang kawal liban kay Vien.