webnovel

AJENTA [tagalog]

When freedom you seek will soon leads you to the place where it will change your fate. A world where you see the beauty of gods creation and soon will be rule in the name of destruction

FAHRINAALI · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
45 Chs

CHAPTER 4- WHAT IS LOVE

H A T F R I L L E

The way she rode her horse-its like its her first time. I never picture out to see her this way, she's crazy! She's laughing on her own. Is she the general?  wait is these her Doppelganger. She crazy, I don't like it. I prefer her old self. Back on the Palace, She's a self centered woman, No mercy, a boss. She's like a giant wall standing in  between me and my princess. But now please turn her back into a demon, not these.

Parang siya dagang naputulan ng buntot. Kanina pa syang pagulong gulong at napapangiwi Ako ng mahulog siya sa kabayo pero parang wala lang sa'kanya. I'm flummoxed of her action. God this is not her.. Ang babaw ng kaligahan nya. Umunat ako at tumunog yung likod ko ito yung sinipa ng kabayo kanina. It's a good thing I got strong bones.

Pinabayaan ko nalang sya sa ginagawa nyang kalokohan. Parang taong kakalabas lang ng  selda. Basta nakatuon parin ang pansin ko sa imahe ng prinsesa. Alam ko sa oras nato iniisip na nya ako at di yun mapakaling makita ako hihihi, yes! i can't wait to see her again, pero matatagalan pa ako hintay lang. Syempre pag sa love marunong tayong maghintay.

But what is love?

A word that always keep me wondering all the time. Some say s, it can't be touch nor can't be seen, but you can feel it. Is it charm? Or something that far more enchanted? Isa ako sa lahi ko na madaling habulin ng mga babae, popular ako, yes. Marami din akong naging syota di ko na nga mabilang i loss count. But di parin yun matatawag na love kase isa lang yung gimik. Itong nararamdaman ko ngayon totoo ba ito?

"Iniisip mo si Crystille no?"-diretsong wika ni capitan sakin laki pa ng mata may pagkatsismosa rin pala to. "Excited ka ata. Kiskisin mo muna pwet mo dyan sa bato"-Sya ang may pakana ng pagkawala ng ngiti sa aking mukha. Natawa ako dun ah. Natawa ako. HA. HA. HA.

"Alangan naman ikaw tsss tsaka pwet mo nalang kiskisin m---"-tangna sinuntok ba naman ako bigla sa mukha di mabiro ang gaga nato daling mapikon.

"Remember di ka magtatagal dun ah magkikita lang kayo saglit tsaka mababadtrip ako pag lagi kong nakikita ang mukha mo dun sure thing mamalasin ako"-paalala nya at di ko sya pinasin. May sinama pa syang asar

FAST FORWARD••

Mabilis din ang pagkikita namin sa araw na iyon pero para sakin ang tagal ng bawat moment na kasama ko sya. Her smile pwede nako sumabilang buhay. Atat na atat na akong maangkin sya at sisiguraduhin maging kabiak ng aking puso. It happen so fast and I can't wait for the day for she'll became my wifey queen. Di nako paligoy ligoy asawa na agad akin na siya.

Yung pangarap kong mapakasal mabuti natupad narin. At kapag nagmahal ako hinding hindi ko yun babaliktarin. "Ehem? ano yang hawak mo huh? Lakas tama mo petmalu!"- ate ko. Tsismosa! She smile at tumabi sakin

" Umiibig na ang bunso namin ahh"-tuwang tuwa pang sigaw ni mama parang mas excited pa sila sakin oh sige kayo na ang ikakasal ako na magpapari.

"Mah tatanggapin po ba nya ako? Tsaka mah ano ba talaga ang pag ibig? I want yo know dahil takot akong masaktan sya kapag may nagawa ako na ayaw nya"-yan lang ang natanong ko. Yan lang ang salitang bumabangungot sakin.

"Anak mahal mo ba talaga sya?"-tanong ni mama sakin at di pa nya sinagot ang katanungan ko.

"Aba Opo sobra! mah naman parang di nyo ko kilala"-sagot ko sabay smirked at pogi points.

"Mahal ka ba nya?"-tanong ni mama ulit sakin mah ulit ulit Kahit anong sabihin mo lahat yun 'Opo'

"Opo mah syempre sa kagwapuhan ko di ako kayang iresist ng prinsesa"-sagot ko umiral na naman ang pagiging feelingero ko. Aba dapat lang gwapo ako sino ba naman ang aayaw e prinsesa umibig sakin sa unang pagkikita palang namin.

"If you seek for an answer. It's already answered you and crystille are meant for each other. And remember. You can't rush love anak, cause love waits kung tunay kang nagmamahal dapat panindigan mo. Wag kang matakot na masaktan dahil lahat dumadaan dyan. if you love someone then don't be afraid to show it. "

"Guess I'm just excited and a bit nervious"-parang nanginginig pa betlog ko. Lumabas silang dalawa sa bahay at nakita ko pang pinag ipon nila lahat ng clan ano kaya ang sasabibin ni mama? Mas excited pa sila sakin.

Malapit na ang coronation ng prinsesa at dapat mapakasalan ko sya pagkatapos ng ceremonya, tama ganun dapat at yun ang gagawin ko. Dahil laking pinagbabawalan na ikasal kame pag wala pa nagaganap ang moon ceremony.

kung tunay kang nagmamahal dapat panindigan mo wag kang matakot na masaktan dahil lahat dumadaan dyan , if you love someone then don't be afraid to show it.

"Woman's heart are fragile and they are more precious than any gems. So never break any promises and make her cry. One day you'll regret it the single drop of her tears will curse you. Remember that son "-bulong ko sa sarili.

Lumabas ako ng bahay at pumunta sa lugar kung saan ako laging nakatambay lalo na pag gusto kong mapag isa, nakasandal ako sa puno habang minamasdan ang dumadaang ulap at preskong hangin na sumasampal sa makapal kong mukha.Sa sobrang sarap ng hangin ay nakatulog na ako habang nakabikaka.

"Ho.."

"Shit!"

Ajienta? Bat nandito sya ano namang gusto nito. I know she'll gonna kill me and throw me away para sabihin na namatay ako by acciden... "So, are you here kill me?"-diretso kong sambit na kinakunot ng kanyang noo. Hindi nya parin ako pinagkakatiwalaan and I can't trust her too.

"Not yet. I'm just happy for both of you"-aniya at ngumiti. Parang bumait ata sakin ang supladang heneral sana ganito nalang sya habang buhay. Sana pagbigyan man lang ang kahilingan "Kung magkaanak man sana kayo I hope di kamukha m.."-nagpahabol pa sya ng asar.

"Ajienta"-mark retorted sabay siko nito

"Just kidding. But..."-ayan na naman sya naniniguro "If you hurt her. See you in hell"-napaatras ako ng bigla nyang itinutok sakin ang spada. Talagang seryoso sya sa sinabi nya. Pero di naman dapat ako matakot dahil totoo ang pagmamahal ko.

"I won't say any promise but I'll prove it to you at who you ka sakin that day"

Ibinalik na nya ang kanyang spada and she sigh in relief "Dapat magpropose ka dun dapat sa magandang view sa palasyo para naman romantic at di lang yun dapat maganda ang..."-she snap snap her finger to say the point "Nasa dulo na ng dila ko"-she continued to snap. Its better if i stop her parang sya pa ang nagpapahirap sa sarili nya "Eksena yung mafeel nya kung gaano mo sya ka mahal I want her to be happy"

"San mo naman natutunang magsalita ng romantic samantala ikaw wala kapang experience sa ganyan"-bitter pang ani ni mark "ayeee biro lan....!"

Halos maluha ang mata ko sa ginawang pagkaladkad ni ajienta sa kasama nya at tinapon sa nagtutumpukan na damo sinabayan pa nyang sipain ito sa sikmura ng malakas. Parang ako ang nasakitan sa ginawa nya sa kanyang kasama.

"Hahahaha"-Now naprove ko na that they are no mere human. Mark just laugh after what ajienta did to him. Ang suntok nya pwede na akong sumakabilang buhay.

➖➖➖

Isinama ko muna sila maglakad lakad sa maliit kong nayon para malibang silang dalawa. Sila ang naatensyon ng aking kalahi. Aminin kong napakaganda talaga naman ni heneral pero pag sa ugali ang pag uusapan? Wag na nating pag usapan. Nako po wag ka nang mangangarap na gawin syang kabiak ng buhay mo baka mabiak kapa nya ng buhay.

If sya lang matitirang babae mas gusto ko pang mamatay ng maaga. I swear to God

Dinala ko naman sila sa kainan alam kong gutom sila sa layo ng kanilang nilakad papunta dito mula sa palasyo. Inilagay na ang pagkain sa lamesa ng di mapinta mukha nila ng makita ang pagkain bakit di ba sila nakakita ng oud na pancit? Sarap kaya nyan ang arte talaga ng tao. Para sa kanila pag uod na, madumi agad.

Mga abnoy talaga ng tao.

Parang malaglag na ang panga ni ajienta sa kakatingin sa pagkain

Si mark naman nakataas lang ang kilay habang pinaglalaruan ang uod na gumagapang sa lamesa.

"Hoy ano ba kayo masarap yan kain na"-pagkukumbinsi ko "pagdi kayo kakain sige magkakasakit kayo"

Lumitaw sa labi ni ajienta ang ngiting nandidri"Ah hehehehe wag na busog na ako. Baka magkakasakit pa ako if i eat tha.. that stuff"-tumayo silang sabay aba't putek sayang pera ko kainin ko nalang to bastos nito.

Masarap nga yan!

Nakaantay ang dalawa sa labas habang ako walang pakeng inuubos ang binili ko na nireject lang nga dalawang yun. Kung mag oorder naman ako ng ibang pagkain baka masayang na naman. Mabilis naman akong natapos ng mapansin kong may mga grupo ng halimaw ang humarang kay ajienta tatakbo na sana ako pero hinarang ako ni mark gamit ang kamay nya.

"Wait and see"-he said in a cold tone

"Don't you dare touch me! 𝐸𝑔𝑜!"

Nagtawanan yung mga lasing. May humawak sa pwetan ni ajienta at naramdaman kong parang may masamang mangyayari. Parang isang strike ng kidlat lang ng makita kong tumba ang mga bumastos sa kanya. Grabe babae pa ba sya? Katakot. Napalunok lang ako. Nagbabala sya ulit at nagsitakbuhan ang mga lasing at may nasalampak pa pero todo kayod naman sa pag-iwas ng magpaulan ng mga pana si ajienta. I felt sorry for them. Bat nyo kase ginambala.

Bago pa ako magsalita . She stop me. Pinagpag na nya ang armor nya at sumandal sa pinto at iniligpit ang kanyang palaso. "Don't talk just zip it, pretend nothing happen"-saad nya at nagnod ako.

"What are you looking at?!"-napalingon naman ako kay mark para masiguro ko na di para sakin ang tanong yun.

"Nothin... by the way, your amazing"-mark. May something din pala sa dalawang to. Ikaw ah ajienta marunong kana. Magpabeb..

"Magpabebe"-bat lumabas sa bibig ko tinakpan ko agad ang bibig ko

"Ano?!"

"Ah?! Di kayo kinakausap ko"-nakakatakot agad kong iniwas ang tingin sa demonyo.

Iniwan kolang sila saglit parang di ko pa ata naubos yung pagkain ko kanina. inubos ko yung pancit malamang sayang pera ko nag order pa ako ng isa , iinom na ako ng tubig ng hinatak naman ako ng dalawa kaya nabuga ko ang tubig kay ajienta. Patay kang bata ka.

Sinampal pa ako di ko naman sinasadya e. Dinala ko sila sa mataas na lugar na natatanaw lahat ng baryo pati ang mga malalaking sakahan pati narin ang dagat. Dito rin ako paghapon kase maganda tanawin ang araw paglumubog na ito.

"Matanong kita"-ajienta said na nakatingin sakin na halos parang may kasalanan ako "Ang nararamdaman mo ngayon sa prinsesa totoo ba yan? magsabi ka ng totoo "-dugtong nya at seryoso sya sa sinasabi nya parang ganon din ang tatanungin sakin ni mark. Teka mukha ba akong di makapagtiwalaan sama naman nito.

"Aba Oo ako pa..."-diko pa natapos ang sinabi ko ng maramdaman kong umitim ang aura ni heneral langya tinatakot ba ako nito " Di naman ako duwag para saktan ang prinsesa tsaka kahit di ko ipakita ang loyalty ko pero you can trust me"-ani ko at binatok ako sa ulo

Aray!

"We'll see"-pagiging sigurista nya gusto nya talaga akong lumuha ng dugo bago sya maniwala sa mga sinasabi ko "Tara uwi na tayo"-dugtong pa nya at bumaba kasama ni mark nagpahuli pa akong bumaba sasabay lang ako.

Pano ko kaya mapapatunayan na mahal ko talaga ang prinsesa. Tulad ng sinabi ni mama na 'You can't rush love, love waits' sabagay ilang araw lang kame nagkakilala ng prinsesa at biglaan lang kameng napunta sa ganitong sitwasyon maaring matawag din na pag ibig yun at maaari ring hindi.

Nagmamahal ba ako? Ano ba talaga! Naguguluhan ako. Pero alam kong seryoso ako.

"Hoy. Baba kaba o pagpapahintayin mo kame ng ganitong katagal"-naiinis na wika ni ajienta, nilukso ko nalang pababa kahit gumulong gulong pa ako at nauntog sa puno. ARAY!

"Kung may utak ka. Dapat bumaba ka nalang kesa naghanap kapa ng ikakasakit sayo. Bobo"-asar nya muli sakin for a thousand times nakailan kana ah at inirapan pa ako. Tanggal talaga angas ko sa babaeng to

"Nice landing by the way"-mark chuckles and reach a hand. Ajienta is really a cold hearted woman.