webnovel

AJENTA [tagalog]

When freedom you seek will soon leads you to the place where it will change your fate. A world where you see the beauty of gods creation and soon will be rule in the name of destruction

FAHRINAALI · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
45 Chs

CHAPTER 33- WHAT IS SCHOOL?

A J E N T A

Nakadukmo lang ako sa mesa ng dining room. Andito rin yung iba sa tabi ko na parang may bulate sa pwet at di makastay sa isang lugar lang. Kulang nalang bitayin nila ako kasama ng kurtina.

𝐼𝐵𝐴𝐿𝐼𝐾 𝑀𝑂

Minsan naman kase pag old na ang mansion minumulto na. Kaya ako yung napagtripan ng mga multo rito porket ako yung may ari. Shit! "Ajenta iniisip mo na naman yung masamang espiritu kanina? Kalimutan mo nayun nadala kalang sa takot dahil sa bangungot mo kanina"-singit ni yumie na inaamoy ang bulaklak. "Bat walang amoy?"-dugtong nya.

"Malamang plastic  yan"-sabi ko at tinaas niya lang kilay niya alam kong magtatanong to kaya inunahan ko nang sinabihan "Basta"

"Aber dapat lang na matakot sya, multo yun"-leo

"Wag mo syang itulad sayo"

"Tsss, bakit matapang ka ba?!"

"Hindi naman"

"Edi duwag kari... jsjshdkkekek"-napikon si yumie at sinakal sya. I guess she's right. Dapat di ko yun ikatakot dahil tao ako at spirit lang sila. Dapat maging matigas ako at wag padala sa guni gun..

"Meo....!!!"-nabigla ako sa pusa kaya natapon ko ang unan na yakap yakap ko. Lokong yun tinatakot pa ako!

"Ayeeei gwapo nila no. Hi!!"-dinig kong tilian ng ibang mga maid at sinilip ko sila at anim sila puro mga kaage ko pa. Mga newbie ang mga to satingin ko. Parang mga bulateng naasinan kung kiligin. Brwaa!

"Sige pili lang kayo sa kanila mura lang"-sabi ko na parang nagbebenta sa ukay ukayan. There's something bothers me mula pa kanina. Yes it maybe that ghost but.. I sure have forgotten something nasa dulo kase ng dila ko e... Ano nga ba yun?

I check my phone at dun ako nagising. Monday pala ngayon! I look at the time its 5:37 am na. Napaaga ang gising namin dahil sakin kanina.

Kumaripas ako ng takbo at naligo na agad. Pagmalate na naman ako ngayon ako ulit ang magbabayad sa pamasahe ng mga kaberks ko. I surrender I don't wanna be slap in my own stupid rule. I didn't even thought about it.

Binasa kolang kaunti yung katawan ko kaya mabilis akong natapos. Nakatapis na ako at may narinig akong bumagsak sa likuran ko at bilis ko itong nilingon. Dahan dahan akong lumapit sa lugar kung saan may narinig akong bumagsak na bagay.

"AAAAAHHH WHAT THE F..K!"

FAST FORWARD••

Di ko napigilan ang sarili ko na masampal ko sila ng malakas. Mga bastos! Tumalikod sila at sabay pa nilang tinakpan ang mga mata nila. Kinuha ko na yung uniform at bilis kong sinuot at sinabit kolang ang suklay sa buhok ko."Damn it sarap magmura!"

"Were sorry!! Ajenta we didn't mean to! patawad!!!"-pagmamakaawa nila sakin na nakaluhod

Napairap nalang ako sabay kati ng ulo ko. "Lagot kayo sakin pag uwi ko and don't go anywhere that's my punishment dito lang kayo sa bahay and don't go out"

Bababa na sana ako ng hagdan pero napahinto ako ng masaisip ko na pano na kaya pag iwanan ko sila dito?

That would be a bad idea. If lang. Baka lang makalabas sila ng gate then they would be hypnotize by those things in my world. Dahil sa curiosity syempre mas gusto nilang malaman ang mga ito at kapag nangyari yun mapahamak sila.

I gather them at the hall and have our meeting. One rule lang ang binigay ko sa kanila. Wag na wag lalabas ng bahay lalo na pagwala ako. Sabay silang tumango kaya gumaan ang pakiramdam ko.

Bago pa ako lalabas may inutos ako sa mga maid."Ipaexorcist nyo ang mansion. As in now"

"May multo ho ba?"

"Wala, may tao "-obvious na nga exorcist nagtatanong pa. Umalis na ako at nakaantay na ang driver sakin pagsakay ko parang may naramdaman akong konteng yanig sa kotse "Manong driver may naramdaman ba kayong parang lindol?"

"Ewan bakit po may yumanig ho ba madam?"

"Wala may umalon. Bilisan mo na malelate pa ako"-ayos mga to tinatanong na binabalik naman sayo ang tanong.

Y A N O

"She's not going anywhere without us"-i grin; having this crazy idea.

"Yano? ano pumasok sa ulo mo ah? patay tayo dyan. If ajenta knew about this baka pasukan pa yun ng anong klaseng maligno"

"Ano naman plano mo ah? Make sure it's a good idea "-paniniguro ni Yumie at umupo ng maayos.

"What about this"-Tumayo ako at hinalungkat ang damit ko at pinakita sa kanila

"Wag mo namang sabihing ibalot mo kame dyan?"-pamimilosopo ni leo

Loko di nag iisip. Nako!! "This thing was a gift. And look what it can do"-Napasinghap ang mga ito ng  baliktarin ko ang damit ko at isinuot. Ito ang damit na ibinigay sakin sa king kaarawan at ngayon kolang nagamit.

"Wow?! san na sya? Wow!!"-yumie and leo was amaze and clapping like a stupid little kid. While Mark minding his own business again and doesn't care about anything. Tch!

"Sira ulo ba kayo? Pano tayo makakasya sa bagay nayan kung sya lang susuot bobo amput*"-Mark exclaims and shook his head in disbelief " Bahala kayo dyan. Good luck nalang pag magakit si ajenta"

"Di mo dapat minamaliit ang bagay na ito"-sagot ko sa kanya " Para hindi tayo mabuking at makita dapat hawak lang tayo ng kamay"

"Does it sound like a gay to you guys?"-napapangiwi saad ni leo.

"Aarggh! Hawak kamay lang yun! mga sira ako nga mauna!"-humawak sakin si yumie.

"Okay sama na!"-napipilitang sagot nito at napailng iling "Hawak kamay nga diba di tago taguan"-dugtong pa nito. Napabuntong hininga nalang ako

"I can't even understand every word she says"-yumie said and i agree with that. "What is school at bat sya papasok dun? Ano bang meron?"

Hinawakan na ni yumie ang kamay ni leo at nakoryente naman ako bigla hindi parang tinamaan ako ng kidlat sabayan pa ng malakas na hangin. Damn shit!

"Hindi to maganda"-pangunguna ni Mark. Yan din ang nasa utak ko. "This would turn out chaos"

"Guys stop it! kailangan na natin syang mahabol or maiwan tayo dito"-agad na kaming kumaripas ng takbo palabas at saltong pumasok na si ajenta sa isang kakaibang karwahe.

This world is really just Captivating; unexplainable. They might have not gifted in charms but they're indeed intelligent being.  Di ko maisip kung pano nila maipapagalaw ang bagay nato ng wala man lang kabayo? And its making a weird sound but cool. We all keep our mouth shout at napapasinghal ako sa bawat nakikita kong nadadaan namin. Kay laki laki ng mga mansion dito

Ang daming mga tao sa paligid parang walang pagod sa paglalakad karamihan sa kanila maikli ang mga damit, at may iba mga punit pa ang suot nila laturya pang maganda ang mga babaeng yun. Diko kayang intindihin ang mga nakikita ko ang daming mga bagay bagay na nakikita namin pero di kame pwedeng magtanong kay ajenta.

May mga taong kalbo na nakatayo lang at di gumagalaw statwa bayun?

"Daming mga magagandang babae dito lahat sila nakakatindig balahibo"-leo. Naglalaway pa sya. May babae kaming nakita na nakawagayway sa di kalayuan marami ding mga tao sa tabi nya at may mga sari sariling mga mundo ang mga ito. This world really are so amazing napakapayapa ng mundo nila. I can't help but to flabbergast of what I just witness.

Ano bang ginagawa ng mga tao dito kung wala naman palang kalaban?

Nagstop ang sinasakyan namin at napauntog pa ako sa bintana mabuti di narinig ni ajenta. Tiningnan ko yung hinahawakan ng lalake sa harap

Ano yung bilog na iniikot nya? At bat pagewang gewang kame na di naman kame nakasakay sa bangka? umurong kame ng kaunti ng may inabot si ajenta. Dinig ko ang pintig ng puso ko sa takot na baka mabisto nyang nandito kame sa loob.

"Yano alam mo ba yung ginagawa ng lalake sa unahan?"-bulong sakin ni yumie at nilingon ko sya

"Beats me"

"Sya ang nagpapatakbo ng bagay nato pero sa paanong paraan? " naguguluhang tanong din ni leo. Yan nga rin ang gusto kong malaman e.

"Grabe huh, ang bilis ng takbo samantala walang kabayo sa harap? Di naman siguro lumilipad tong bagay nato"

I heard mark scoff "Wag mong itulad ang mundo natin sa mundo nya mga bobo"

Nagmamagaling pa ang gago masama bang magtanong para mang asar sya na bobo kame.

"Oh. Hazey sabay kana"

"Wait really? May nakain kabang something? You really want me to come inside?"

"Whatever, kung ayaw mo sige aalis na kam..."

"Ahihihi joke lang to nemen! ayos nakatipid ako"

Pumasok nayung babae sa loob at umatras kami ng kaunti para di kame mabisto na nasa loob kame tiyak na magagalit talaga si ajenta samin pagnalaman nyang sinusundan namin sya.

"Yano mabibisto tayo nito"-yumie bite her nail. She's getting anxiety. I put finger on my lip tonhush them

➖➖➖

Huminto na ang sinasakyan at napauntog ako sa isang upuan na nasa harap ko. Namataan namin ang isang gate na nasa harap na kulay puti na my nakasulat na pangalan at nakita ko ang salita.  S--chul? Ang hirap namang basahin. S--Chul? Ah skul!

Bumaba si ajenta at sumabay narin kame sa likuran nya. Bumukas ang gate at napatulala kame sa aming natuklasan

"Daming tao dito"-dinig kong pagkamanghang sambit ni mark.

"Daming mga gurls!!"-tili naman ni leo na parang inasihan na bulate.

"Hep! anong pinaplano mo san ka pupunta leo!"

"Syempre kailangan ko ring magpakasaya e lalake ako daming babae dyan. Pagbigyan nyo naman ako--"

Pinikot ni yumie ang tagiliran nya at muntikan nang makasigaw si leo habang pinipigilan ang sarili. Napapangiwi ako ng mas diinan nya. "Nangangati kana? Gusto mo bang silihan ko yan?! Nandito tayo para kay ajenta hindi para makipaglandian ka sa iba!. Wait.. Ito ba yung sinasabi nyang Skul? ang gulo at ang iingay nila"

"Oo ito yun"

Ano naman klaseng lugar ang skul? Is this a place kung pano sila makakagawa ng mga kakaibang bagay na di na kailangan ang kapangyarihan? tulad ng TV? na sinabi nya sa bahay nya at selpon?

" Nakakapagtaka bat pare pareho ang mga suot nila wala ba silang ibang masusuot at gayahin ang damit ni ajenta? kung sakaling malibang tayo at bigla syang nawala pano natin sya mahahanap?"-leo said. May utak pala to. Tama sya.

Napatulala lang kame ng makita naming may bumatok kay ajenta at napakarami nila. Pero nanliliit naman ang mata ko ng pagsisipain niya lahat ng mga yun at tumawa parin.

"Ganito ba sila bumati? Nakatakot"- leo

"Girls are scary right leo"-mark said.

"Di na, malay ko may magagawa silang di ko magugustuhan"

Nagdidikitan kaming apat na parang mga linta at iniiwasan namin ang mga dumadaang tao sa paligid namin. Di ko na pinansin ang mga ibang magagandang tanawin sa lugar na pinasukan namin basta sinusundan lang namin si ajenta.

I can't help but to avoid this bustling crowds in our way. They're deafening di nila ata alam ang salitang tahimik, bawat sulok ang nakikita ko mga mamalaking bibig na nagsasalita ng walang hinto mapababae o lalake man.

Marami akong naririnig na kumakanta at ang iba pinapatalon ang isang bola. May iba na mukhang mahinhin ang iba mukhang halimaw may iba parang mga prinsepe na may mga kasama sya sa kanyang likuran. May mga grupo din ng mga lalake na dumadaan at panay sigaw ng mga babae ang naririnig ko. Ano bang trip ng mga ito? This world is really unexplainable.

Umakyat na kame sa ikatatlong palapag at bago pa kame pumasok ng mamataan naming napakadaming tao sa loob. Wag mong sabihin dito ang panibagong bahay nya? At ano naman ang ginagawa nila dito. Nasa labas lang kame at puro bahid ng katanungan ang bumungad samin. Mabibiak na ang ulo ko.

May pumasok na babae at kakaiba ang suot nya ng magsalita syang "Good morning class"- lahat sila nagsitayuan at bumati din sabay upo. Gumaya rin kame we don't have any idea but its fun actually.

"Teka is this their queen?"-tanong ni mark sakin loko to ah! tinanong nya ang tulad kong wala ring alam.

"Wag mokong tanungin wala din akong alam"-sagot ko

"Maybe its their mother"-singit ni yumie na sumisilip

"Mother? Sira ulo kaba e magkaiba sila ng mukha at may pinanganak ba na kapareho ang laki?"aniko

"Its a queen I'm sure!"-yumie's final word. Ewan! Napakamot ulo nalang ako.

"E.Bakit walang korona?"-leo

"GOOD MORNING MA'AM..."-Sigaw ng mga ito at sabay ring umupo

"Naiwan nya siguro"-nakakagtaka talaga napakaganda sa mundo niya wala akong masabi. At basehan sa mga nakita ko wala kahit anong aswang at gulo puro mga ingay mula sa karwahe at mga tao.

"Ikaw mark para sayo sino ang babaeng yan?"

"Mom nga daw diba ina nila iyon? Tss mga bobo makinig kase kayo bago magtanong"- sagot nito.

"Amazing mom!!"-tili ni yumie habang pinagmamasdan ang isang kwarto na puno ng mga mgagandang babae at napakunot noo lang ako ng may lumapit kay ajenta at parang nagpapanasin pa. Hoy gago wag kang ano dyan akin lang sya!

"Class find your partner"-utos ng reyna nila at lahat sila nagsitayuan at lumapit sa kani kanilang mga kasama at ang iba nagsisiyahan pa. Teka ganito ba sila maghanap ng mapapangasawa nila? Aba di ako papayag nyan! Ilang segundo lang ng makapili na ng lalake si ajenta. Tsss Ang panget!

"Pag ganito sa mundo natin hahanap ako ng babaeng maganda!"

"Pwera nalang kung magkakagusto sayo"-mark said. Hahaha ngayon lang ako sasakay sa pagiging pilosopo ng unggoy.

➖➖➖

"Class dismissed"-sabi ng mom nila at lumabas na ito at may pumasok na naman na ibang tao at kapareho lang sila ng suot nung una.  Ilan ba ang reyna dito?Dami

Hours by hours wala parin silang tigil sa kwentuhan at naaantok na ako. Ano bang sinusulat nila dun parang aksaya lang sila ng oras na nakaupo lang. Sumasagot naman sila pero wala akong ideya san nila iyon natuyunan. Ganito ba ang ginagawa nila everyday for what?

Nabigla naman kami ng may narinig kaming tunog na nagpangiwi sakin.

"lunch na!!"-sigaw nilang lahat at nagsitakbuhan palabas naapakan pa ang kamay at binti ko. Si mark natamaan pa ng dala ng babae na libro sa mukha at pinigilan kolang tumawa.

"Wala man lang humingi ng sorry"-reklamo agad nito e ako nga mismo naapakan nagreklamo ba ako.

"Ano ba kayo pano sila hihingi ng sorry kung di tayo nakikita"-saad ko. Buti nga sayo hahaha maganda yan sana may dagdag pa. Sumilip kame sa bintana at nasa loob pa si ajenta na may parang inaasikaso pang bagay ang iba nyang kasama nagsialalisan na. Ang sama naman ng ugali ng mga yun para iwanan lang si ajenta.

May nahulog pa si leo na gamit at napaatensyon nina ajenta papunta samin. Sana di nya kame mabisto baka magagalit sya. Tumayo ito at pinulot ang bagay na hinulog namin at nilagay sa lamesa, magkaharap pa kame.

Ang ganda mo talaga ajenta.

"Ajenta! Want some?"-napaatras kame sa isang sulok ng may pumasok na mga baliw para silang alon. Tinakpan namin ang tenga namin ng umalingawngaw ang sigaw nila. Para silang mga naputulan ng buntot.

"This people really are crazier than animals"-mark

"Nakakatakot silang kasama"-leo

"Oo parang ikaw"-singit ko

Bigla silang nagpatugtog ng kanta at naglukso lukso sila na parang sinasabayan pa ang tugtog ang iba nagtatapuan at natamaan pa ang mukha ko ng suot nilang sapin sa paa.

"Mabuti nga sayo!"-mark. Aba't natutuwa pa, bigla ko syang sinipa at gumulong sya sa sulok at napalingon ang mga babae sa kanya. Nanlalaki nalang ang mga mata namin. Patay..

" Yano..."- Yumie is trembling

"Ahhhhhhhhhhh!"

"Gwapo nya"

"Hi igop taga san ka?"

"Aken kana lang aaah.."-gumewang gewang pa yung lalake sa harap ni mark. Sumisigaw sila at pinaglilibutan si mark at pilit pang alisin ang kanyang maskara ang iba pinagyayakap na sya. Ugh parang tumataas pa ang balahibo ko.

"Hi Pogi! "-tili ng lalake at hinalikan si Mark sa pisnge. Parang nanigas lang kameng lahat. Isang lalake nagkakagusto sa kapwa lalake?

"Mark?"-pagkabigla ni ajenta. Patay she'll gonna kill us. "Why are you here? w--what the..."

Sabay lumingon ang mga baliw sa kanya "Kilala mo sya?"-sabay nilang lahat na tanong

"Yano kase e ayan patay na tayo"-paninisi ni yumie sakin. Napakamot nalang ako. Ajenta look anywhere at the corner. Siguro hinahanap niya kame.

Nagdadalawang isip pa syang magsalita "W-well sort of Mark is my b..."

"Boyfriend?"-student

"Boy best friend?"student II

"Butler? Bodyguard?"student III

"W....well no"-di pa natapos si ajenta sa kanyang sasabibin ng biglang sumigaw ang mga ito at di naming mapigilang lumabas na takip parin ang aming tenga. Grabe ang mga yun di natutuyuan ng lalamunan.

"Parang di nila alam ang salita tahimik!"-napapangiwing saad ni leo na tinatakpan ang kanyang tenga.

"Wala akong pake basta ang gusto ko makakaalis tayo sa lugar nato!"-yumie

May mga nagsugurang mga taga kabilang kwarto at nagsilipan din sila para makita kung anong nangyayari.

"Swerte naman ni Mark daming mga magagandang babae dito at ang kikiniss pwede sana pagbigyan nang makilala naman nila ako. Mark ako na dyan"-leo is drooling while saying it.

"Ano?! Mag isip kanga utak ipis pagmakita ka ni ajenta. Its means were dead!"

"Holy shit!"-leo shout

"That's right"

"No, look"-sabay turo nila sa dalawa sa likuran ko at nilingon ko agad. HOLY SHIT! Napatulala lang kame ng biglang tumaas ang palda ng babaeng dumaan sa harap namin.

"Oh my god!"-sigaw ng babae at binaba ang kanyang palda at lumingon lingon sya na parang nagpapahiwatig na wala bang nakakita. Pero kame nakita namin I see it clearly. Its pink!

May parang naramdaman akong mainit na dumaloy sa aking ilong at sabay pa kaming humarap ni leo sa isat isa. Nagdurugo ang ilong nya. Pinahiran ko rin ang ilong ko. Its bleeding.

"Damn that was good"-leo's eyes spark

"Bastos ka!!!"-umurong lang ako kaunti at pinabayaan silang nag aaway. Ang akala ko makakalayo na kame sa ingay dadag pa tong dalawa. Nakaantay parin kame habang pinagkakaguluhan sya sa loob ng mga napakapambihirang babae.  Ajenta uuwi kapa ba sa totoo?

ALI