webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urban
Zu wenig Bewertungen
131 Chs

C-99: TURNING HOME

Kay ganda ng umaga ng araw na iyon. Halos nagsisimula pa lang sumikat ang araw. Maririnig pa ang mga huni ng pang-umagang ibon. 

Habang nakasakay sa motorbike na pinalagyan niya ng dalawang basket sa magkabilang side nito.

Ito ang palagi niyang ginagawa tuwing umaga. Para magdeliver ng homemade bread, cookies and pastry products na siya mismo ang gumawa.

Dinadala niya ito tuwing umaga sa isang Convinient store and Food shop na malapit lang sa kanilang bahay.

Hindi na rin kasi niya kasama si Lyn, mag-iisang taon na rin mula ng bumalik na ito ng Pilipinas.

Sila na lang ni Ate Liway at Lester ang naiwan sa bahay kasama ng dalawa niyang makulit na Anak.

Kapag nagdedeliver siya sa umaga si Ate Liway ang naiiwan sa kanyang kambal.

Yes! Kambal ang naging anak niya, nila. Hindi rin niya sukat akalain na kambal ang magiging bunga ng minsang makalimot sila ni Joaquin.

Hindi naman niya ito pinagsisihan at hindi rin niya ito pagsisisihan pa kahit kailan.

Ang pagdating ng dalawang munti niyang Anghel. Ang pinaka magandang nangyari sa kanyang buhay.

Hindi man nagsuccess ang buhay pag-ibig niya nagkaroon naman siya ng mga magagandang alaala.

Kahit pa sandali lang naman ang pinagsamahan nila at hindi pa ito lahat ay naging maganda.

Naging masaya naman siya sa mga araw na iyon, siya si Joaquin at si VJ.

Kahit naman sandali lang iyon, naramdaman naman niya na minsan naging isa silang totoong pamilya.

Kumusta na kaya sila ngayon, siguro ang laki-laki na ni VJ ng kanyang panganay? Konting panahon pa baka binata na 'yun!

Kilala pa kaya siya nito pagdating ng araw na iyon kung sakaling magkita sila ulit?

Bigla niyang naitanong sa kanyang sarili. Ang totoo may pagkakataon na gusto niyang magtanong kay Lyn o kaya kay Dust ng tungkol kay Joaquin at sa buong pamilya nito. 

Pero nahihiya naman siyang magtanong saka ano pa ba ang aasahan niya.

Hindi tuloy niya naiwasang panlabuan ng paningin ng dahil sa pag-uunahan na naman ng mga luha sa kanyang mga mata.

Ang akala niya noon dahil buntis siya kaya mabilis siyang umiyak. Dahil ang sabi nila maramdamin daw talaga kapag buntis.

Pero nanganak na nga siya at lahat pero bakit ganu'n pa rin ang kanyang pakiramdam.

Maramdamin pa rin siya hanggang ngayon madali pa rin siyang umiyak. Lalo na kapag naalala niya ang mag-ama.

Ahhh! Bakit ba siya nag-aabala? Saglit na pinahiran niya ng kamay ang kanyang mga mata.

Mabuti na lang wala sila sa highway kaya madalang lang ang nagdadaan sa lugar na iyon.

Kung hindi kanina pa siguro siya binubusinahan ng mga sasakyan.

Dahil kanina pa siya umiiyak kaya sadyang binagalan na lang niya ang pagpapatakbo ng scooter.

Maingat naman s'yang magdrive hindi naman siya nagdadrive sa highway.

Kapag malayo na ang pupuntahan niya si Lester na ang nagdadrive para sa kanya. Hindi ito pumapayag na makarating siya sa malayo ng mag-isa lang lagi itong nakabantay kanya.

Dahil iyon daw ang utos ni Dust, saglit lang naman siya nawawala sa bahay. Dahil malapit lang naman ito kaya pinaka-matagal na ang kalahating oras.

Tumatagal lang siya kapag naroon ang may-ari ng food shop.

Makwento kasi ito at laging nagkukwento sa kanya ng tungkol sa mga anak nito.

Lagi naman siyang sinusundan ni Lester kapag lumagpas na ang kalahating oras na hindi pa siya bumabalik.

Kaya wala rin siyang takas, hindi niya maintindihan kung bakit bantay sarado pa rin si Dustin sa kanya. Ang akala yata nito hindi niya nahahalata na nagiging over protective na ito sa kanya.

Minsan tuloy naitatanong niya sa sarili kung over protective din ba ito pagdating kay Gellie o sa kanya lang ito ganu'n?

Kahit paano sanay naman siyang mabuhay ng mag-isa ah'. Tulad noong pumunta siya ng Venice.

Ahhh, mag-isa nga ba siya noon parang hindi rin naman. Dahil may taong nagpoprotekta rin sa kanya noon. Kung tutuusin hindi lang isang beses na nalagay siya sa peligro.

Kung hindi dahil sa tulong ni Joaquin, ano na kaya ang nangyari sa kanya ngayon? 

Bigla na naman tuloy niyang naalala ang lalaki.

Ah' ano ka ba Amanda? Hindi na ikaw si Angela kaya p'wede ba palayain mo na sila. Hayaan mo na lang silang maging masaya.

Maging masaya ka na lang para sa kanila. Dahil buo na ang pamilya nila ngayon, nariyan na si Liscel.

Hindi na muling mangungulila ang mag-ama dahil hindi na sila iiwan ni Liscel. Kasalanan mo naman dahil basta mo na lang sila iniwan. Sinayang mo lang ang pagkakataon at hindi binigyan ng halaga.

Kaya wala kang dapat sisisihin kun'di ang iyong sarili. Kaya dapat maging masaya ka na lang kung nasaan ka ngayon.

Masuwerte ka pa rin naman dahil may mga tao na tumutulong pa rin sa'yo at handang protektahan ka.

Kaya hindi ka na dapat pang mareklamo. Dahil hindi lahat kasing swerte mo at kahit naman may nawala sa'yo meron namang pumalit.

Kaya tumahan ka na itigil mo na ang pag-iyak, hindi ba ito naman ang gusto mo?

Kaya nga mas pinili mong manatili na lang dito sa London, hindi ba? Hindi ka sumama kay Lyn na bumalik ng Pilipinas.

Dahil gusto mo nang makalimot ng tuluyan. Kahit pa sabik na sabik ka nang makita sila ulit.

Pero bakit parang wala namang nangyayari? Narito pa rin ang mag-ama sa isip niya, nakabaon pa rin ang mga ito sa loob ng puso niya.

Naiisip pa rin niya na sana isang araw magkasama-sama sila. Ah' hindi lang pala isang araw kun'di maraming araw.

Pero alam naman niya na unfair 'yun kay Liscel. Kung tutuusin si Liscel naman talaga ang nauna.

Tuluyan na niyang hindi napigilan ang emosyon.

Ngunit nagpatuloy lang siya hanggang sa makarating siya sa kanyang destinasyon. Saglit na inayos muna niya ang sarili bago tumuloy sa shop.

Huminga siya ng malalim para muling i-compose ang sarili.

Umayos ka Amanda kailangan mo nang magtrabaho hindi p'wedeng habang buhay ka na lang umasa kay Dust. Hindi ka naman niya habang panahong obligasyon!

"Oh' you already here, you're late young lady! Why put you, so long?"

Nagulat pa siya ng marinig ang matandang babae na may ari ng food shop.

Nakatayo na pala ito sa kanyang likuran, habang ini-stand niya ang kanyang motor.

"Mrs. Wilson!" Gulat na tawag niya dito.

"Hello, good morning." Masaya namang  bati pa nito pagharap niya.

"Good morning, Mrs. Wilson. Why you are here in outside, Madam?"

"Of course, I'm always waiting you here in every morning."

"Oh'?"

"Just kidding!" Humalakhak muna ito at saka nagpatuloy.

"My daughter has arrived now! And we will pick her up at the Airport today. Is it okay with you, if we leave you right away now? My assistant will take care of you okay."

"Yes, Ma'am it's okay, don't worry about it. I can manage already."

"Okay, Young Lady bye-bye!"

"Okay, take care Madam!"

Matapos itong magpaalam at humalik sa magkabila niyang pisngi tuluyan na itong umalis.

Deretso na siyang pumasok sa loob ng shop. Eksakto namang nakita na siya ng assistant ni Mrs. Wilson.

Inasikaso naman siya agad nito kaya naman madali rin silang nakatapos. Matapos siya nitong mabayaran agad na rin siyang umalis at hindi na nagtagal pa.

Dahil alam niyang maaaring hinihintay na siya sa bahay. Hindi rin naman niya gustong mawalay ng matagal sa kanyang kambal.

Ngunit paglabas niya ng shop natanaw na niya agad si Lester na naghihintay na sa labas.

Pambihira saglit lang naman siyang nahuli sa oras sinundan na siya agad. Bakit ba parang lagi naman siyang mawawala o may mangyayaring masama?

Bakit ba todo bantay ang mga ito sa kanya na para bang laging may mangyayari sa kanyang hindi maganda.

Gayung wala naman siyang kaaway, tahimik naman siyang tao at hindi naman mahilig sa gulo. Kaya siguro naman walang kailangang ipag-alala. Dahil wala namang banta sa buhay niya.

Isang tao lang naman ang alam niyang posibleng magdala ng gulo sa buhay niya. Iyon ay walang iba kun'di si Anselmo.

Ngunit tinapos na niya ang usapin tungkol sa taong iyon at saka hindi naman siya nito kilala. Napakalayo na nang London para masundan pa siya ng mga ito dito.

Kahit pa nga magsalubong sila sa daan siguradong hindi naman siya makikilala nito.

Pinabayaan na nga niya ito, at siya na nga ang kusang lumayo para sa katahimikan na rin ng buhay nila.

Ipinaubaya na niya kay Dustin ang pagkuha ng hustisya para sa kanilang magkapatid. Hindi nga ba't hinayaan na nga niyang ang batas ang umusig dito.

Ang huling sinabi ni Dust umuusad na ang kaso at malapit nang pagbayaran ni Anselmo ang lahat.

Kapag nangyari iyon tuluyan na silang magkakaroon ng tahimik na buhay at mapapanatag na rin silang lahat.

"Ma'am bakit ang tagal n'yo? Kanina pa tumatawag si Bossing gusto kayong makausap."

Pambungad na salita ni Lester sa kanya na parang tensyonado na. Kaya hindi na nagawa pang hintayin siyang makauwi.

Bigla tuloy siyang kinabahan dahil sa nakikita niyang awra nito. Hindi naman niya gustong mag-isip ng masama pero iba ang pakiramdam niya ngayon.

Para bang may hatid itong hindi magandang balita.

"Emergency ba at hindi mo na ako nagawang hintayin na makauwi muna ng bahay?"

"Hindi naman po Ma'am pero importante talaga." Saad nito.

Tila nabunutan naman siya ng tinik at nakahinga ng maluwag sa sinabi nito. That means, wala naman pa lang masamang kaganapang nangyari.

Exaggerated lang talaga ang mga taong ito at hindi talaga niya iyon maintindihan.

"Pinakakaba n'yo naman ako akala ko kung anong emergency na, bakit naman kasi gan'yan ang itsura mo?" Aniya.

"Si Boss na lang po ang kausapin n'yo Ma'am." Tugon naman nito.

Bigla tuloy siyang napaisip kung gaano ba ka-importante ang sasabihin ng fake niyang Kuya.

Ngunit isa lang ang alam niyang sigurado, mukha bang hindi ito maganda...

"Tayo na Ma'am umuwi na tayo!" Wika pa nito.

Luminga-linga muna ito sa paligid na akala mo naman may bigla na lang susulpot. Bago pa siya nito pinauna sa pag-usad.

Saka siya nito sinundan nang hindi lumalayo sa kanya. Kapag binilisan niya ang takbo halatang binibilisan din nito.

Hush! Ano ba talaga ang nangyayari? Bulong niya sa sarili.

______

Pagdating nila ng bahay agad na siyang nagcall back kay Dustin.

"Ano na naman ba ang problema mo Dustin?!" Sadyang inilakas pa niya ang boses ng sagutin na nito ang linya.

"Hey, Princess! Please calm down first, okay?" Mahinahon namang tugon nito sa kanya. Pakiramdam niya pilit itong nagpapaka-kalma.

Napabuntong hininga na lang siya sa naging sagot nito. Dahil sa tagal na nilang magkakilala at magkasama.

Nakabisado na niya ang ugali nito hindi man sila araw araw na magkasama. Usually kapag ganito na ang timbre ng boses nito at gumagamit na ito ng iba't-ibang endearment sa kanya.

Sigurado siyang may hihilingin ito sa kanya. Pero nakapagtataka at iba rin ang pakiramdam niya sa pagkakataong ito.

"Natetense naman ako sa'yo may problema ba?" Tanong niya.

"No! Walang problema, pero..."

Tila ba may hindi ito masabi sa kanya.

"Walang problema pero, pero ano?" Curious na niyang tanong.

"Okay! I think, kailangan n'yo nang bumalik ng Pilipinas as soon as possible. Sweetheart!"

Alam niyang sinisikap pa nitong palambingin ang boses upang maging maganda ang dating nito sa kanya.

Duh! Naguguluhan na talaga siya ano ba talaga ang nangyayari?

Noong una hinimok siya nitong dito tumira sa London. Lately lang niya narealized na marahil kaya lang nito binili ang bahay na ito ay dahil talaga sa kanya.

Dahil sa tingin niya hindi naman talaga nito gustong tumira dito. Binili nito ang bahay kahit hindi naman nito kailangan.

Pero bakit ngayon parang ang gusto naman yata nito ay iwan niya ang tahimik na sana nilang pamumuhay dito sa London.

Bakit parang pakiramdam niya kino-control na nito ang buong buhay niya?

Ano ba ang akala nito sa kanya magiging sunod sunuran na lang siya sa bawat naisin nito?

Nakakaloka!

"Hoy! Mr. Dustin Ruffert Torres, ano ba talaga ang problema mo ha'? Hindi mo ba muna ako tatanungin kung gusto ko nang umuwi o gusto ko pang umuwi?"

Ipinaramdam na talaga niya dito na naiinis siya. Hindi p'wedeng basta na lang niya ito susundin.

"Hush, Darling! God knows, how much I want to enlighten you in the best way I can.

'But all is turn to my real intention and it is, to force you to come back here again. Whether you like it or not!"

"Hah' at gagawin mo talaga 'yan, pipilitin mo pa rin ako kahit ayaw ko?" Eksaherada na niyang tugon.

"Yes, cause I need to do that sis! Kaya h'wag mo na akong pilitin na pwersahan ka pang iuwi dito sa atin and I mean it..." Tila ba nahihirapan din ang kalooban nito.

"Ayoko, ayokong umalis dito kaya p'wede ba huwag mo na akong pilitin. Hindi ako aalis, dahil dito ko palalakihin ang mga anak ko, naiintindihan mo ba?!"

"Please, don't get me mad sis! Dahil siguradong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko.

'Huwag mo nang pairalin ang tigas ng ulo mo. Please, not now Amanda!"

Nasa tono nito ang pakiusap, ngunit bakit pakiramdam niya may kasama na ring pananakot?

Kaya naman sadyang pinairal na rin niya ang katigasan ng kanyang ulo.

"Puwes, huwag mo na lang akong pilitin!"

Bakit ngayon pa ba siya nito pauuwiin? Kung kailan gusto na niya sa lugar na iyon at sanay na rin siya sa buhay nila ngayon.

"Sis!"

"Huwag mo akong tawagin nang gan'yan, alam naman nating pareho na hindi talaga tayo magkapatid. Dahil kahit saang anggulo kita tingnan hindi ka kamukha ng Papang ko."

"Oh' shit! Kahit kailan naman hindi ko sinabing kamukha ako ng Papang mo ah'? Saka hindi ko rin naman sinabing anak ako ng Papang mo. P'wede bang pag-uwi n'yo na lang saka na lang natin pag-usapan 'yan?"

"Hindi nga kami uuwi hindi mo ba naiintindihan 'yun? P'wede bang huwag mo na lang kaming intindihin. Hindi mo naman kami obligasyon!"

"Pag-uusapan na naman ba natin 'yan? Ang akala ko naiintindihan mo na ako, hindi pa pala."

"Yun na nga eh' hindi ko talaga maiintindihan kung bakit kailangan obligahin mo pa ang sarili mo para protektahan ako o kami ng mga bata?

'May sarili ka na ring buhay at saka matagal ka nang nakabayad sa tulong na nagawa sa'yo ng Papang ko!

'Kaya okay na, ang dami mo nang naitulong sa akin kaya tama na!"

"Amanda please, huwag muna ngayon nakikiusap ako!"

"Dustin, p'wede ba? Hindi mo ba naiintindihan ayoko na! Ayoko na, nang pakiramdam na parang ikaw na ang kumukontrol ng buong buhay ko.

'Na kahit anong sabihin mo ay kailangan sundin ko. Hindi mo ako robot! Gusto ko namang magkaroon ng sarili kong buhay.

'Yung ako ang magdedesisyon para sa sarili ko. Ayoko nang maging dependent sa'yo o sa kahit kanino.

'Dahil baka masanay na naman ako, h'wag mo sana akong pilitin na pati dito sa bahay mo umalis na rin ako para lang magkaroon ako ng kalayaan sa'yo."

"Amanda! Yan ang huwag na huwag mong gagawin, please. Pag-usapan natin 'yan pagdating n'yo dito. Gusto ko lang namang makasiguro na ligtas kayo.

'Kung sa tingin mo hinihigpitan kita o nasasakal ka na, okay I'm sorry. P'wede pa naman nating pag-usapan 'yan. Hindi mo lang kasi naiintindihan, wala naman akong gusto kun'di ang makitang maayos kayo ng mga bata."

"Maayos naman kami ah' ano bang kailangan mong ipag-alala? Ano bang problema kung narito lang kami ha'..." Tanong niya.

"Si Anselmo, nakalimutan mo na ba? Hangga't nasa paligid lang siya hindi pa rin kayo magiging ligtas."

"Ginagamit mo na bang dahilan 'yan para pasunurin ako sa gusto mo?"

"Amaandaaa! Tang*** hindi ka na ba talaga makikinig sa'kin? Iniisip ko lang naman ang kaligtasan mo. Pero pinaiiral mong pilit ang katigasan ng ulo mo.

'Hindi lang naman ikaw ang iniisip ko dito. Alam ko naman na matanda ka na at kaya mo na ang sarili mo. Hindi ka na rin kailangan pang alagaan. Pero may mga Anak ka. Hindi mo sila kayang protektahang mag-isa."

"Bakit naman hindi, ano bang palagay mo sa'kin?"

"Tang*** Amanda! P'wede ba makinig ka nga muna.

'Nakatakas si Anselmo at nakalabas siya ng Bansa. Maaaring may tumulong sa kanya, kaya niya nagawa 'yun!

'Maaari rin na nasa Europe na siya ngayon. Para puntahan ang kanyang Anak at..."

"A-ano pero ang sabi mo?"

"Like I said may tumulong sa kanya na makalabas ng bansa."

"Si Amara, baka puntahan niya si Amara?"

"Damn it, sis! P'wede bang huwag si Amara ang isipin mo. Isipin mo muna ang sarili mo at ang mga bata. Hindi pababayaan si Amara ng mga kaanak niya."

"Hindi ba ang sabi mo nasa Spain ang mga kaanak nila Anselmo. Kaya paano siyang makakarating dito.

'Saka hindi naman na siguro siya magkakainteres pang puntahan ako dito. Dahil hindi naman niya ako kilala kaya paanong..."

"Hindi mo naiintindihan, akala mo lang hindi ka niya kilala. Pero sa oras na makita ka niya, siguradong makikilala ka niya.

'Yung mga taong humabol sa inyo noon. Natatandaan mo ba, bago pa bumalik ang alaala mo.

'Yung mga taong humabol sa inyo noon ni Joaquin, mga tauhan sila ni Anselmo at i-ikaw ang totoong target nila.

'Dahil iniutos ni Anselmo na ipa-patay ka. Ahh' hindi ko na sana gustong sabihin sa iyo ito. Para hindi ka na mag-alala at maging magulo pa ang isip mo.

'But I think, hindi ka makikinig sa'kin not unless mapatunayan ko na nasa panganib talaga ang buhay mo at nang mga bata."

"Pa-paano mo nalaman ang lahat ng iyon?" Ah' bakit pa ba siya nagtanong?

Knowing Dustin bago pa sila magkasama nito. Alam na yata nito lahat ng tungkol sa kanya, higit pa sa inaakala niya. Baka nga mas kilala pa siya nito kaysa siya mismo sa sarili niya.

Dahil marami pa rin siyang nakalimutan na hindi na niya maalala pa. Kung hindi pa nito pinapaalala sa kanya.

"You know me very well Amanda sinabi ko naman na sa'yo ang tungkol sa pagsubaybay ko sa buhay mo. Isa 'yun sa naging kapabayaan ko at pinagsisihan ko 'yun!

'Dahil nalagay ang buhay mo sa panganib. Naging kampante ako dahil siya naman ang kasama mo. Pero ngayon hindi ko na hahayaang mangyari pa iyon ulit.

'Kaya sana makinig ka naman sa'kin. Sige na please!" Nasa tono pa rin nito ang pakiusap.

Bakit ba napakabait pa rin nito sa kanya sa kabila ng magaspang na ugaling ipinakikita niya.

Kahit ano pang sabihin niya palagi itong nagpapaka-hinahon pagdating sa kanya.

Nakakaramdam tuloy siya ng guilt at hiya. Ngayon niya higit na na-realized kung gaano siya nito pinoprotektahan.

Pero bakit ba ganu'n na lang ito kaapektado sa kanya? Dahil lang sa pangako nito sa kanyang Ama.

Sa lahat ng nagawa nito, kahit hindi pa nito sabihin, nasisiguro niyang ibibigay nito ang buhay nito para sa kanya.

Bigla na lang niyang naramdaman na gusto niya itong  yakapin ng mahigpit. Naitapat pa niya ang cellphone sa kanyang dibdib.

Pakiramdam niya napakalapit nito sa puso niya.

"Hey! Hello Amanda are you there, hello?" Tila naalarma naman ito ng maramdamang, bigla na lang siyang nawala sa linya.

"I love you, my fake brother! Kahit gan'yan ka bakit ba mahal kita?!"

Sumunod na niyang narinig ang malakas at masayang pagtawa nito.

This time talo na naman siya at panalo na naman ito.

Pero kahit siya pa ang natalo sa pagkakataong ito siya pa rin ang pinaka-masayang talunan.

For being a fortunate to have a brother like Dustin. Kahit kanina lang panay ang demand niya na nasasakal na siya at gusto niyang makahinga.

Hindi naman talaga niya gustong sabihin 'yun!

Dahil ang totoo may bahagi sa isip at puso niya na pakiramdam niya nag-uugnay sa kanilang dalawa.

Isang bagay na gusto rin niyang matuklasan. Dahil alam niya may inililihim pa rin ito sa kanya.

At iyon ang aalamin niya magmula ngayon...

________

One month later...

Makalipas ang isang buwan balik na naman sa normal ang lahat.

Dahil sa tulong ni Russell at nang secretary niyang si Lucille naging madali ang lahat sa kanya na ibalik sa dati ang kanyang opisina.

Madaling naayos at nabalik sa dati ang mga gamit na nasira sa opisina niya. And at his expense s'yempre. Medyo malaki nga lang ang nagastos niya pero okay na iyon.

Nagtaka man ang lahat sa nangyari pero wala namang nagtangka pang magtanong.

Marahil nasabihan na rin ito ni Russell.

Dahil maging sa kanyang secretary na si Lucille wala rin siyang narinig. Tahimik lang nitong tinulungan si Rusell na ayusin ang gulong ginawa niya sa kanyang opisina.

Subukan lang nila akong pagtsismisan? I hate gossip and chizzy people!

Pagdating naman sa mga files and documents halos one week rin niya itong ginawa sa bahay. Bago niya ito naisalin sa bagong computer sa opisina.

Mabuti na lang may mga soft copy siya sa kanyang loptop at USB na ginagamit. Natapat pa naman sa panahong malapit na ang gawaan ng ITR kaya naman kinailangan nilang itong tapusin sa loob ng isang Linggo.

Dahil ang mga sumunod na Linggo naging sobrang busy na sila sa kanya kanyang trabaho.

Pati nga ang paggogrocery hindi na niya magawa ngayon. Hindi naman niya maiasa kay Didang. Dahil mas gusto niyang magfocus ito sa pag-aalaga kay VJ kahit hindi pa sila kumain.

Ngayon niya higit na na-realized na mahirap talagang maging single parent. Mas marami kang dapat isipin para sa ikabubuti ng pamilya mo.

Hindi pa rin kasi umuuwi ang kanyang Papa kaya wala s'yang katuwang sa pag-aalaga sa Anak kun'di sila lang ni Didang.

Pero okay lang naman kasi alam niyang nag-eenjoy pa ito ayaw niyang masira ang kasiyahan nito.

Mabuti na lang hindi naman na mahirap alagaan si VJ kasi malaki na ito.

Gumagayak at nagbibihis na nga itong mag-isa pagpasok sa school at ayaw na rin nitong bine-baby pa ito. Malaki na talaga ang kanyang Anak.

Ilang Linggo na rin kasi na umaasa sila sa food delivery.

Kung may stock sila sa bahay kahit paano nakakapagluto siya o kaya naman ay Didang.

Yes, kahit paano natuto na rin siyang magluto. Dahil na rin sa tulong ni Google, mabuti na lang lagi itong handa sa searching adventure niya.

Lagi ring nakaalalay sa kanya si VJ napapansin niya nag-eenjoy ito sa pag-asiste sa kanya sa pagluluto. Madalas nga parang mas marunong pa ito kaysa sa kanya.

Hindi na siguro kailangang sabihin pa kung kanino nga ba ito natuto?

Palagay niya nami-miss nito ang bagay na iyon na palagi nitong ginagawa noon. Natutuwa pa rin siya na, nang dahil dito nakikita na niya ulit ang mga ngiti nito.

Kung minsan naririnig pa niya itong tumatawa kapag nagkamali siya. Kaya naman sumasaya rin ang puso niya.

Napapawi nito ang lahat ng pagod niya sa tuwing nakikita niyang masaya ito. Pero lately hindi na nila iyon nagagawa.

Hindi naman niya gustong abalahin pa si Lucille o kaya si Russell. Siguradong pagod din ang mga ito ngayon sa katatapos lang nilang trabaho.

Ah' bakit nga ba hindi tutal naman p'wede pa naman ito bukas. Saglit niyang tiningnan ang relo sa kanyang bisig.

4:15 pm oras sa kanyang relos, p'wede pa maaga pa naman.

Siguradong nakarating na sa bahay sila Didang at VJ. Saglit na idinayal niya ang number ng telepono nila sa bahay.

"Hello, Didang?"

"Ay! Hello po Sir, bakit po napatawag kayo kadarating lang po namin dito sa bahay Sir."

"Oo sa tingin ko nga? Pakausap kay VJ, Didang."

"Ay, sige po wait lang Sir tatawagin ko po si VJ. Baka po nagbibihis pa?"

"Okay!"

Maya maya lang narinig na niya ang boses ni VJ sa kabilang linya.

"Hello VJ Anak?"

"Bakit po, Papa?"

"Anong gusto mo para sa Dinner natin mamaya?"

"Ikaw na po ang bahala!"

"Hmmm, how about carbonara you want me to cook carbonara for dinner? Buddy!"

"I-ikaw po ang magluluto Papa?"

"Yes! How is it son, s'yempre tutulungan mo naman ako hindi ba magluluto tayong dalawa, okay ba 'yun?" Masayang himok niya sa Anak.

"Okay po Papa sige po!"

"Alright! Ah' buddy..."

"Po?"

"Ah' p'wede ba kitang tawagan Anak, pagdating ko ng grocery store if my makalimutan akong sangkap. Alam mo na Anak, medyo nagiging ulyanin na yata si Daddy eh' I think I'm getting old na!" Narinig pa niyang natawa ito sa sinabi niyang alibi.

Alam naman kasi nito na hindi siya marunong magluto ng carbonara. Kaya paano nga ba niya malalaman ang sangkap nu'n? Ah' bahala na si Batman!

"Hahaha, si Daddy talaga but don't worry Dad I'm sure cute ka pa rin naman po kahit na oldies ka na!"

Narinig niyang patuloy pa itong tumawa pagkasabi niyon.

"Grabe naman to' naniwala naman agad." Hindi na niya napansin na nagagaya na niya ang paraan ng pagsasalita ni Angela.

"Hihihi, totoo naman po Dad eh'!"

"Totoong mukha na akong matanda?"

"Hindi po, totoo pong cute kayo!"

"Yeah, s'yempre nagmana yata ako sa'yo eh'. Ano p'wede na ba akong mag-asawa?"

"Hmmm, sige po itetext ko na lang po sa inyo ang mga sangkap. Tulad ng ginagamit ni Mom--- ah' basta ititext ko na lang po!"

Biglang naumid ito sa pagsasalita na bigla rin namang binawi.

Kahit alam naman niya ang gusto nitong sabihin. Hindi na rin nito sinagot pa ang tanong niya na para pa itong umiwas.

Ayaw na ba nitong mag-asawa pa siya ulit?

"Okay buddy, I went to grocery right away now! See you later son, I love you." Sabi na lang niya.

"I love you too Daddy. I think, only you is enough for me, cause you are the best! Unless she will... Ah' nevermind Dad, see you later and be the best Chef for me too, okay?"

"Okay, I will, buddy!" Hindi niya alam kung maiiyak o matatawa ng dahil sa sinabi nito.

And I promise she will come back home, buddy! Bulong pa niya sa kanyang sarili.

Naramdaman na lang niya na namamasa na ang kanyang mga mata. Nagiging madrama na rin yata siya lately.

_______

Pagdating niya sa isang grocery store sa loob ng isang mall sa Alabang Town center.

Tama namang na-received na niya ang text ni VJ. Kaya naman naging madali na para sa kanya ang kunin at hanapin ang mga kailangan niyang bilhin.

Bilib talaga siya sa talino ng kanyang Anak. Kompleto at detelyado hindi mo iisipin na eight years old pa lang ang nagtext.

May request pa ito ha' kailangan marami daw mushrooms at keso.

___

Mozzarella and Parmesan cheese nasaan na kaya 'yun?

Bulong niya sa sarili ng walang kausap....

Hayun!

Nang makita ang hinahanap tulak ang pushcart na puno na rin ng kanyang pinamili. Sinabay na rin kasi niya ang iba pa nilang kailangan sa bahay.

Kagaya nang bilin ng kanyang mahal na unico hijo. Kailangan maraming keso.

Kaya kung ilang Bars at contents ng Mozzarella at Parmesan cheese ang inilagay niya sa kanyang cart. Hindi na niya ito binilang pa basta lagay na lang siya ng lagay.

Marami-rami rin siyang kinuha mahilig naman silang mag-ama sa cheese.

Papunta na siya sa counter ng bigla siyang matigilan.....

Isang pamilyar na amoy na biglang sumigid sa kanyang ilong.

Ang biglang nagparalisa at nagpalingon sa kanya upang hanapin kung saan ba ito nanggagaling. 

Dahil hindi siya maaaring magkamali....

The same scent he will never forget that because it is the same scent they are use always.

MY SON AND I, PERFUME!

Hanggang sa muli na naman itong sumagi sa kanyang pang-amoy. Hindi rin niya maintindihan kung bakit bigla siyang naging interesado sa amoy na iyon.

Habang nasa pagitan pa rin siya ng dalawang stall section sa loob ng grocery.

Bigla ang naging paglingon niya sa kanyang likuran ng mahuli ng kanyang ilong ang amoy na iyon na parang nasa malapit lang?

Nang isang babae ang biglang dumaan na tila galing sa dulo ng isang stante na malapit lang sa kanyang kinatatayuan....

"HUH', A-ANGELA?"

*****

By: LadyGem25

(04-07-21)

 

 

HERE YEAH, HERE YEAH!

Hello Guys,

Inip na naman kayo no? Kaya heto na po katatapos lang.... Post agad!

Ito na po ang mahaba haba nating update sana magustuhan n'yo ito ulit!

Dahil talagang pinaghirapan ko po ito para mai-share sa inyo.

Maraming salamat patuloy ninyong pagbabasa at paghihintay. H'wag n'yo lang pong kalilimutan.

VOTES, COMMENTS, REVIEWS AND RATES MY STORY GUYS!

THANK YOU.... UNTIL NEXT CHAPTERS!

BE SAFE EVERYONE AND GOD BLESS PO SA ATING LAHAT.

MG'25 (04-07-21)

LadyGem25creators' thoughts