webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urban
Zu wenig Bewertungen
131 Chs

C-62: The Denial Stages

Halos kalahating oras na ang lumipas ngunit hindi pa rin bumabalik si Angela. Gusto na niya itong sundan pero pinigilan lang niya ang sarili.

Sobrang naiinip na s'ya kung bakit naman kasi nagkataon pa na wala rin si Maru' ngayon.

Nagpaalam kasi ito na uuwi ng bahay bago pa man sila makarating ng Resort kanina. Kaya wala rin ito ngayon sa party.

Hindi naman n'ya magawang sundan si Angela sa Canteen kahit pa gustuhin niya.

Ayaw kasi n'yang isipin nito na nagiging clingy na siya. Hindi rin naman n'ya maintindihan ang kanyang sarili nitong huli.

Ayaw rin n'yang isipin na may takot na namamahay sa kanyang dibdib. Okay naman kasi sila dati wala naman silang problema.

Pero mula ng magbalik si Angela galing ng Venice nag-iba na. Bakit ganu'n tatlong buwan lang itong nawala pero parang ang dami nang nagbago sa dalaga.

Ang daming mga tanong na hindi n'ya maiwasang isipin.

Naiisip rin n'ya na sana noon pa man pinagpursigihan na niya ang panliligaw sa dalaga. Para  naman kahit paano ngayon may panghahawakan siya dito.

Para p'wede s'yang magalit at p'wede s'yang magwala kung gugustuhin niya. Lalo na kapag may ibang aali-aligid sa dalaga.

Hindi tulad ngayon na hindi n'ya alam kung saan ba s'ya dapat tumayo?

Sobra yata s'yang naging kampante sa sarili na wala itong ibang magugustuhan maliban sa kanya.

Nakalimot lang naman ito pero normal pa rin at may sariling pakiramdam. Higit sa lahat hindi rin nabawasan ang angkin nitong kagandahan sa loob at labas.

Bakit nga ba hindi niya naisip na isa itong normal na babae na pwedeng magustuhan ng iba at magkagusto sa iba. Nagkamali ba siya ng ekspektasyon?

Dahil wala itong pinagkaiba sa  isang ibon na matapos n'yang alagaan ng matagal at ngayon na maaari na rin itong makalipad.

Ngayon na nakalaya na rin ito sa isang hawla. Kaya hindi malayo na makatagpo rin ito ng ibang pugad...

Hindi rin mawala sa kanyang isip ang unang araw na dumating ito mula sa Venice. Lalo na ang pagbanggit nito sa pangalang iyon!

Kahit hindi n'ya gustong iugnay ito kay Joaquin. Bakit ba naiisip n'ya ito sa pangalang iyon? Una pa niya itong naisip kahit hindi lang naman ito ang kilala niyang Jeremy ang pangalan.

Noong una ang buong akala niya dahil ito ang pinaka malapit sa kanya na ganu'n ang pangalan. Pero habang tumatagal naiisip n'ya ang posibilidad.

Lalo na nang unti-unti na niyang nararamdaman ang kakaibang ikinikilos ni Angela simula ng bumalik ito at gayu'n din si Joaquin.

Hindi naman s'ya ganu'n katanga para hindi makaramdam. Alam n'yang may nangyayari na hindi n'ya alam.

Halos araw-araw lumalakas ang kanyang pagdududa. Hindi rin n'ya mapigilan ang sarili na hindi mag-aalala.

Ang tanging pinanghahawakan lang niya ay tiwala kay Angela na hindi s'ya nito magagawang lokohin kahit kailan.

_

"Ang lalim naman ng iniisip mo... Can I sit with you?" Tanong nito.

"Of course, sige lang..." Nginitian pa niya ito.

"Iniwan ka na yata ng girlfriend mo kanina ko pa s'ya hindi napapansin." Tanong nito bago pa naupo sa harap niya.

"Ikaw din naman!"

"Yeah, you're right! Hindi kaya magkasama sila ngayon, what do you think?" Bigla s'yang natigilan at napatitig sa dalaga.

Tila inaanalisa pa n'ya sa kanyang isip ang sinabi nito.

He didn't expect that she had a strength to said those words.

Ano bang alam nito o baka naman napa-paranoid lang s'ya?

"What do you mean by that? Ano naman kung magkasama sila?"

Bigla na lang itong tumawa, kaya naman nakaramdam s'ya ng pagkainis.

"Don't tell me you're in denial stage? I guess you know what happened behind your back. H'wag mo nang lokohin ang sarili mo!"

Napanganga na lang s'ya dahil sa sinabi nito. Nakakagulat na para bang marami itong alam tungkol sa kanya. Kilala ba n'ya ito?

"Who are you, woman for telling me those words?" Tanong niya kasabay ng paghawak niya sa kamay nito upang idiniin sa  ibabaw ng mesa at siguraduhing hindi ito makakatayo. "Who do you take that gossip ideas? Did you know me?!" Dagdag pa niyang tanong nang may diin ang  mga salita.

Tila naman natigilan ito subalit saglit lang... Muli nitong itinaas ang noo at malakas ang loob na nagpatuloy.

"Gossip ideas? I'm not a tabloid writer and I don't think na kikita ako para siraan ang isang tao. I just want to reveal the truth behind your back. Why don't you think na concerned lang talaga ako sa'yo?"

"Dahil hindi naman gawain ng matinong tao na hantarang ipagsabi ang maling gawain ng iba ng wala s'yang motibo. Now tell me, what do you want?"

Matagal itong tumitig sa kanya na tila ba may nais sabihin na hindi masabi.

Talagang hinihintay niya ang sagot nito. Dahil hindi n'ya gusto ang ginagawa nitong pakikialam sa kanila. Lubhang nagulat s'ya sa lakas ng loob nito ngayon.

Hindi naman n'ya inaasahan na magiging simple at mahinhin ito base sa itsura nito at pananamit. Pero hindi niya akalain na ganito ito kabulgar at kaprangka. 

Para magkalakas loob itong magsabi ng mga maseselang bagay na maaaring makasira sa iba. Kung kaya't imposible na concerned lang ito sa kanya at walang halong motibo.

"I said, what do you want?" Ulit niyang tanong sa seryoso at mariin na tono.

"You're brother of course! Halata mo naman siguro na gusto ko s'ya hindi ba? Pero iniwan n'ya lang ako." Sagot nito na sadyang pinalungkot pa ang mukha.

Pero bakit ba may iba s'yang nasisinag sa mukha nito. Parang may iba rin s'yang gustong paniwalaan.

May isang pakiramdam rin na hindi n'ya maipapaliwanag. Tila ba gusto pa n'yang mainggit ngayon sa kanyang kapatid. Dahil ang dalawang babaing tanging umagaw ng kanyang atensyon.

Bakit tila naaakit sa kanyang kapatid. Hindi n'ya tuloy naiwasang itanong sa sarili...

Ano bang meron si Joaquin na wala s'ya?

Bakit ito na lang palagi ang maswerte? Palagi na lang ba s'yang makikiamot sa lahat ng pag-aari na nito.

"Kung ganu'n bakit mo s'ya hinayaan, kung totoo 'yang sinasabi mo. Bakit mo s'ya hinayaang iwan ka lang... Hindi ba malakas naman ang loob mo? Nagawa mo na rin lang silang sundan. Bakit ka pa naparito, humihingi ka ba talaga ng tulong o gusto mo lang makipagsanib pwersa, para sa iyong kapritso."

"Totoo nga pa lang hindi ka ganu'n kadaling mapaniwala sa isang bagay. Napapahanga mo ako sa iyong katatagan. Pero hindi kaya maging dahilan rin 'yan para maloko ka? Napaka kalmado mo namang tao." 

"Hindi ba dapat lang? Lalo na at hindi ko naman ganap na kilala ang aking kaharap. Hindi naman porke kaibigan ka ni Tita Madz ay p'wede na rin kitang pagkatiwalaan."

"Tama ka pero sa tingin mo ba wala akong sapat na basehan? Actually kanina ko pa sila talaga sila pinagmamasdan. Napansin ko na matapos magpaalam sa'yo ng nobya mo. Ilang minuto lang ang lumipas ng sundan naman ito ng kapatid mo. At iisang dereksyon lang ang kanilang pinuntahan. Ano sa tingin mo ang dahi... "

"Stop! H'wag mo ng ituloy hindi ako naniniwala sa'yo..." Mariin n'yang saad.

Ang totoo kanina pa iyon nabuo sa isip n'ya bago pa man ito dumating at maki-sit-in sa kanya.

Ang isiping magkasama ang mga ito ngayon ay pinatibayan lang nito sa isip n'ya. Pero bakit ba n'ya hahayaang pagtawanan pa s'ya nito.

Hindi pwede!

"Kanina ng magpunta ako ng restroom na-curious na akong hanapin sila sa paligid. Nagpunta ako ng Canteen dahil malapit na ako doon. Subalit wala na doon ang iyong nobya, naglakad-lakad ako at nagbakasakali na makita sila sa paligid. Alam mo kung saan ko sila natagpuan? Kung saan naroroon din ang mga magkakapareha habang nagsosolo sa dilim. Siguro naman alam mo kung saan ang lugar na iyon?" Pagpapatuloy nito na hindi nagpaawat sa kanya.

"So ngayon masaya ka na, nasabi mo na ba lahat o gusto mo pang dagdagan? Sige na h'wag ka nang mahiya sabihin mo na lahat. Kasi nauubusan na ako ng oras para makinig sa'yo! Now kung wala ka nang sasabihin baka naman pwede na akong umalis?!"

Hindi na niya hinintay pa na sumagot ito. Agad na s'yang tumayo at tumalikod.

"Sige lang i-deny mo pa, magkunwari kang hindi apektado. Alam ko naman na alam mo na rin ang nangyayari. Pero nagkukunwari ka pa rin na walang alam!" Pahabol na salita nito sa kanya.

Bigla tuloy s'yang napatigil at muli itong hinarap...

Humakbang s'ya pabalik at deretsong hinawakan ito sa braso.

"Ano bang pakialam mo ha?!"

Ngunit bago pa man s'ya nito nasagot...

"Hey! What happened here, may problema ba kayong dalawa?"

Tanong ng pinsan n'yang si Jayz na nagtataka sa nangyayari sa kanila.

"Wala!" Magkasabay pa nila itong sinagot.

"What's the meaning of this Bro?" Turo nito sa kamay niyang mariin pa ring nakahawak sa braso ni Mandy.

Bigla tuloy s'yang napabitaw sa babae.

"I'm sorry!" Hingi pa niya ng paumanhin sa babae. Bigla rin niyang naisip paano na lang kung magkapasa ito sa diin ng pagkakahawak niya sa babae.

Ano bang nangyayari sa kanya, bakit ba niya nagawa iyon? Ang laki n'yang gago! Labis tuloy s'yang nagsisisi ngayon sa kanyang nagawa.

"Okay lang ba talaga kayo? Mandy okay ka lang ba, hinaharas ka ba nitong buddy ko sabihin mo lang bubugbugin ko to?" Tanong ulit nito.

Tila nabitin naman ang kanyang paghinga na para bang nakasalalay sa magiging sagot nito ang muling paglabas ng hangin sa kanyang bibig.

"Okay lang ako walang problema!" Nakangiti pa nitong saad. Naging hudyat naman ito upang maging normal ulit ang kanyang paghinga. 

Hindi tuloy niya naiwasang muli itong pagmasdan. Larawan ito ng isang babaeng matatag at matapang.

Hindi ito ang tipo ng babae na uupo lang sa isang tabi at makikinig lang sa sasabihin mo. Hindi rin naman ganu'n si Angela pero marunong itong makinig at mamili ng salitang sasabihin.

Marahil iyon ang malaki nilang pagkakaiba. Ah' pero bakit ko ba iyon pinag-uukulan ng pansin, e' ano naman kung magkaiba sila?

"Hey! Bakit ba parang ang tahimik n'yo yatang dalawa ngayon, nakakahalata na'ko ah' may nangyayari bang hindi namin alam? Saka bakit kayong dalawa ang magkasama nasaan na 'yun dalawa?"

Awtomatikong nagkatinginan pa sila subalit agad rin namang nagbawi ng tingin sa isa't-isa.

"Ikaw lang ang nag-iisip n'yan, saka bakit ang dami mo yatang napapansin, hindi ka naman siguro tsismoso no?"

"Pambihira! May tsismoso bang g'wapo? Anyway narito lang naman ako para ayain kayo sa pool side. Naroon na silang lahat kayo na lang ang kulang tayo na doon naman tayo!"

"Sandali baka bumalik na si Angela wala s'yang aabutan dito."

"Magbilin ka na lang sa mga crew baka abala pa 'yun sa kitchen? Pasunurin na lang natin sa pool side. Sigurado na mang hindi 'yun mag-eenjoy sa pool. Kaya hayaan mo na lang muna s'ya sa Canteen du'n naman s'ya mas magiging masaya." Saad nito.

"Tara na!"

"Okay sige!" Saglit pa s'yang lumingon kay Mandy bago s'ya tumayo...

"Sige susunod na lang ako!"

"Sumunod ka agad ha!" Saad naman ni Jayz sa dalaga.

Pagkatapos ay inakbayan na s'ya nito at iginiya nang maglakad. Huminga muna s'ya ng malalim bago tuloy-tuloy na rin silang umalis. Matapos na bilinan ang isang crew na nagseserve ng mga pagkain.

Nasa dulong bahagi na sila ng Hotel ilang metro na lang ang layo matatanaw na ang pool side. Kahit anong pigil niya na-curious pa rin s'ya na tingnan ang paligid ng sumagi sa isip ang lugar na sinabi ni Mandy.

Tila may nag-uudyok sa kanya na hanapin ang dalawa sa dilim. May ilang magkakapareha s'yang nakikita. Subalit sino ba sa kanila si Joaquin at Angela?

Bigla n'yang naisip paano nagawa ni Mandy na kilalanin ang mga ito sa dilim. Hindi kaya gawa-gawa lang nito ang mga sinabi O baka sinundan talaga n'ya ang mga ito upang siraan sa kanya?

Ah' bakit ba kailangan ko pa silang hanapin. Para ano pa kung sasaktan ko lang ang sarili ko. Tama naman si Mandy hindi na naman kailangang sabihin pa. Dahil nararamdaman ko naman na hindi na ako ang mahal n'ya.

Pero kung minsan kailangan mong i-deny para kahit paano magkaroon ka ng pride. Kahit pa nagmumukha ka lang tanga sa paningin ng iba.

"Hey Bro! Okay ka lang, kanina ko pa napapansin. Bakit ba ang tahimik mo at parang ang lalim ng iniisip mo ah'?" Tanong nito na tila pinag-aaralan din ang kanyang mukha.

"Okay lang ako h'wag mo na lang akong pansinin." Aniya.

"Daig mo pa ang nausog ah?" Biro pa nito.

"Pambihira ka naman Bro! Millennials na pero ganyan ka pa rin mag-isip? Sino naman ang uusog sa'kin, ikaw? Ikaw lang naman ang kanina pa tingin ng tingin sa akin ah'. Hindi kaya...?"

Wika niya sabay tingin sa binatang kaharap.

"Oh' com'on, kalimutan mo na lang na may sinabi ako okay?"

Wika rin nito habang nakabukas ang mga kamay na kapantay ng dibdib at bahagyang ginagalaw. Senyales na tinatapos na nito ang usapin.

Pagdating nila sa swimming pool naroon na nga ang lahat ng mga pinsan nila.

Naliligo na at nagkakatuwaan ang mga ito. Okupado nila ang isa sa tatlong private swimming pool ng Resort. At ang tatlo pang swimming pool ay nasa ibang bahagi naman ng Resort.

Nang makita sila ng mga ito agad silang kinawayan. Makalipas lang ang ilang sandali kahalubilo na rin s'ya ng mga pinsan. Saglit na kinalimutan muna niya ang kanilang sitwasyon.

__

Matapos na iwan ni Angela si Joaquin nagbalik s'ya agad sa table nila ni Joseph, kung saan n'ya ito iniwan kanina.

Subalit wala na doon ang binata, ang sabi ng isang crew na nakausap niya puntahan na lang daw n'ya ito sa pool side.

Kaya naman dumiretso na s'ya agad patungo sa pool side upang puntahan ang mga ito.  

Ngunit pagdating niya dito hindi niya inaasahan ang bigla na lang  pagharang ni Mandy sa kanyang daraanan.

Halos abot tanaw na niya ang kinaroroonan nila Joseph kasama ang mga pininsan nito. Subalit dahil sa pagharang ni Mandy bigla s'yang natigilan.

"Ano na naman kayang problema ng isang ito?" Bulong niya sa sarili habang mataman itong pinagmasdan.

"Ikaw pala..."

Ngunit imbes na batiin s'ya nito.

"Ibang klase ka rin naman no? Pagkatapos ng isa 'yung isa naman, ibang klase ang sikmura mo 'te!"

Huh! Ano bang sinasabi nito? Takang tanong pa niya sa sarili. Bago pa ito sinagot.

"Ano bang ibig mong sabihin?"

"Gan'yan nga paghusayan mo ang pagdedeny. Dahil malapit ka na n'yang mabisto."

Nakangiti pang saad nito na parang nakakainsulto tila ba sinusubukan nito ang pasensya n'ya, may alam ba ito sa kanya?

"Ano bang pinagsasabi mo, hindi ko yata maintindihan. Pwedeng pakipaliwanag kung bakit mo nasasabi sa akin ang gan'yan. Ano bang alam mo at hindi ko yata alam?" Tanong niya.

"Sabihin na lang natin na alam ko ang sikreto mo kaya huwag mo nang i-deny. Dahil nakita ko kayo kanina, kaya hindi mo na maitatago pa... Dahil bistado ka na! Malalaman na rin n'ya ang kasinungalingan mo!"

Napailing s'ya ng sunod-sunod at hindi n'ya alam kung ano ang una niyang sasabihin.

"Ano magsalita ka, na-shocked ka  ba? Dahil alam ko na ang sikreto mo o dahil alam mong marahil sa mga oras na ito, maaaring si Joseph ay nag-iisip na kung ano ang gagawin sa isang sinungaling na kagaya mo!"

"Hindi! A-ano bang ibig mong sabihin? Ba-bakit mo ba ito ginagawa at saka bakit ka ba nakikialam sa amin?"

"Dahil hindi kita hahayaan na saktan s'ya pagkatapos ka n'yang protektahan at pangalagaan!"

"Ano bang pakialam mo! Bakit ka nakikialam?" Mariin at histerical na niyang saad.

"Gusto mong malaman kung bakit ha?" Humakbang pa ito palapit sa kanya.

Kaya napaurong naman siya at bigla na lang kinabahan. Dahil sa matalim na tingin nito sa kanya. Hindi niya maintindihan ngunit parang ang lalim ng galit nito sa kanya.

Bigla tuloy n'yang naitanong sa isip... Ano bang nagawa niya dito para magalit ng husto sa kanya?

Nakalimutan lang ba niya ito o kilala ba s'ya nito?

Ang daming tanong na umiikot lang sa isip n'ya na hindi rin n'ya magawang sagutin. 

"Alam mo bang dahil sa'yo hindi man lang n'ya ako magawang maalala. Dahil sa'yo lang laging naka-focus ang isip n'ya. Tapos lolokohin mo lang pala s'ya at ipagpapalit sa iba. Alam mo bang ang tagal ko na s'yang gusto pero dahil sa'yo hindi n'ya ako magustuhan!" Histerical na rin nitong saad.

Litong-lito si Angela ng mga oras na iyon. Hindi niya maintindihan ang mga pinagsasabi nito. Ang buong akala niya kay Joaquin ito may gusto pero bakit parang si Joseph ang tinutukoy nito.

"Ano ba talaga ang gusto mo at bakit mo sinasabi sa'kin ang lahat ng 'yan?" Napalakas ang boses niyang tanong.

Gusto na niyang mapuno sa babaing ito pero pinipilit pa rin n'ya ang magpakahinahon. Dahil ayaw niya ng gulo, hindi dito at lalong hindi ngayon.

Kahit na sobrang nakakairita na!

"Ang gusto ko mawala ka na nang tuluyan! Sa isip n'ya, sa puso n'ya at sa buong buhay niya. Naiintindihan mo?"

Wika rin nito sa matigas at malakas na tono. Napaurong na naman s'yang muli at muli ring luminga-linga sa paligid. Kung meron ba sa kanilang nakarinig?

Mabuti na lang malayo ang lahat kung kaya't hindi sila napapansin at wala pa ring dumaraan ng mga oras na iyon.

"Hindi kita maintindihan hindi ko alam ang sinasabi mo!"

Tumalikod s'ya at lumakad na lang ng mabilis upang lagpasan at talikuran na ito.

Subalit mabilis rin s'ya nitong sinundan.

"Bakit hindi mo na lang aminin sa kanya ang totoo at iwan mo na lang s'ya ng tuluyan. Hindi 'yung pinagsasabay mo sila pareho. Ang tindi mo rin naman no? Two timer ka!"

Bigla s'yang napahinto dahil sa sinabi nito at muling humarap. Nakarating na rin sila sa gilid ng pool ng hindi niya namalayan.

"Wala kang karapatang sabihin sa akin 'yan dahil wala kang alam sa buhay ko! Hindi mo naiintindihan ang sinasabi mo. Pinagpapasensyahan lang kita kahit kanina pa ako naiirita sa'yo!"

"Ah' talaga, wala pa lang alam ha? Kung meron mang nag-iisang nakakakilala sa'yo dito ako lang 'yun! Ako lang ang nakakakilala sa'yo lalo na sa mga ginagawa mong kasinungalingan!"

"Bakit ba galit na galit ka sa'kin, ano bang nagawa kong mali, may kasalanan ba ako sa'yo? Hindi mo ako dapat pinakikialaman, sino ka ba?"

Malakas niyang sigaw dito dahil hindi na niya kayang magtimpi pa.

"Sino ako? Ibang klase ka talaga sinungaling ka! Tama galit ako sa'yo, galit na galit ako sa'yo!" Halos maiyak na rin ito sa galit at pagsigaw sa kanya.

Punong puno ito ng galit nang magsalita at bakas rin sa mukha nito ang kapaitan. Pero hindi pa rin n'ya maiintindihan kung saan ba nanggagaling ang matinding galit na iyon?

Ganu'n ba nito kamahal si Joseph? Tama sigurado na s'ya ngayon na si Joseph ang gusto nito. Sobra ba niya itong nasasaktan sa tuwing kasama niya ang lalaki?

Pero bakit ganu'n ni hindi n'ya alam na naging malapit ito kay Joseph? Ngayon nga lang n'ya nalaman na malapit pala ito kay Tita Madz.

Marami pa s'yang hindi alam tungkol sa babae. Pero bakit parang kilala s'ya nito?

Dati na ba itong malapit sa pamilyang kumupkop sa kanya, at hindi n'ya lang alam? Ang daming tanong na naglalaro sa kanyang isip at nanatiling walang sagot.

Napapailing na lang s'ya sa mga bagong natutuklasan...

Pero isa lang ang alam niya hindi naman n'ya sinasadyang saktan ito.

Nanatili s'yang nakatingin lang sa kaharap na dalaga. Kung kaya't nagpatuloy pa rin ito sa pagsasalita  at paghakbang palapit sa kanya.

Kaya muli rin s'yang napaurong, galit ito sa kanya kaya nasa isip n'ya na posibleng saktan s'ya nito at wala rin s'yang tiwala dito.

Umurong lang s'ya nang hindi na alintana ang anuman na nasa kanyang likuran...

"Tutal naman mahilig kang mamangka sa dalawang ilog hindi ba? P'wes d'yan ka dumaan at languyin mo ang ilog mo! Magaling ka namang lumangoy hindi ba?!"

Tuloy-tuloy itong lumapit sa kanya habang sinasabi nito ang mga salitang iyon.

Kaya umiiling at tuloy-tuloy lang rin s'yang napaurong habang nakaharap pa rin sa babae... 

Hindi na niya namalayan nang dahil sa kakaurong niya palapit na rin s'ya ng palapit sa gilid ng pool.

"Tumigil ka na!" Pakiusap na niya.

Pero hindi pa rin ito tumigil sa paglapit sa kanya...

_

_

Hanggang sa tuluyan na s'yang nawalan ng balanse. Hindi na rin n'ya nagawang hamigin pa ang sarili sa nakaambang panganib.

_

Hindi!

Sigaw ng kanyang isip dahil sa pagkadupilas ng kanyang paa...

__

Mabilis na sumalakay ang matinding kaba sa kanyang dibdib.

Tila ba bumalik na naman sa isip n'ya ang pangyayaring iyon...

Ang pagkahulog niya sa kawalan at ang takot na pumupuno sa kanyang dibdib. 

Ang sumigaw upang humingi ng tulong ang unang rumehistro sa kanyang utak. Ngunit lubha itong naging napakahirap para sa kanya.

Tila walang boses na lumalabas sa kanyang bibig. Ngunit pinilit pa rin n'yang sumigaw...

_

Bago pa niya maramdaman ang ang pagbagsak niya sa tubig.

Ang malakas niyang sigaw ang umagaw ng atensyon ng lahat sa paligid.

"Ahhh... Tulungan n'yoooo kooo!"

Splash!!

_

"Aw! Shit... Anong ginawa mo ha? Hindi s'ya marunong lumangoy. Tumabi ka r'yan at baka hindi kita matantiya!"

Walang pag-aalinlangan itong naghubad ng sapatos at dere-deretso itong lumukso sa tubig.

Matapos itong bigyang daan ni Mandy na natulala na lang at hindi makapaniwala sa sinabi ng binata...

_

Imposible!

Bakit hindi s'ya marunong lumangoy, paanong nangyari 'yun?

Lubha s'yang nalilito sa katotohanang iyon...

Dahil sa pagkakaalam niya noon pa mang mga bata sila eksperto na ito sa paglangoy.

Kaya anong sinasabi ng lalaking ito na hindi ito marunong lumangoy?

Hindi ako maaaring magkamali...

Hindi!

*****

By: LadyGem25

Hello guys,

Narito na po ulit ang bagong updated na-enjoyed n'yo ba ang pagbabasa?

Nais ko rin magpasalamat sa inyong suporta sa story na ito.

Sa totoo lang po mahirap mag-isip ng isusulat lalo na kung nasa bahay ka lang at walang gaanong ideya.

Pero dahil sa inyong suporta, ginaganahan pa rin tayo at na-iinspired na magsulat.

Kaya tuloy-tuloy lang po tayo hanggang sa susunod na kabanata...

VOTES, COMMENTS AND RATES MY STORY... PLEASE!❤️

SALAMUCH! ❤️

MG'25

LadyGem25creators' thoughts