KASAMA sa treatment program ng Love and Hope ang tinatawag na socialization therapy. Each group will be led by a therapist that will conduct the session where everyone are encouraged to open up their feelings, frustrations, perspective, realizations at marami pang iba. Ang layunin ng group therapy ay matulungan ang mga resident na ilabas ang mga saloobin na maaring hindi nila kayang masabi sa ibang tao most especially about their addiction.
"This will be your peer group from now on. Every week meron tayong iba't ibang socialization activities that requires your participation. It could be in a form of sports, recreation, music, arts, and dancing," paliwanag ng dalagang therapist na Ms. Vina. Nakasuot ito ng salamin at neatly bun ang buhok. May magand itong ngiti at maaliwalas na mukha. Nakaupo ang lahat habang nakabuo ng bilog at nakaharap sa bawat isa.
Tahimik lang na nakikinig si Nadia sa instructions ni Ms. Vina. Katabi niya sa kanan si Riko at sa kaliwa naman niya ang matabang si Joey. Sa katapat na upuan naroon si Jace na hindi nakikinig sa kanilang therapist kundi lantarang nakatingin lang kay Nadia mula pa kanina. Tamad lang itong nakasandal sa upuan, nakahalukipkip habang nakapalumbaba gamit ang isang kamay.
Pinipilit ni Nadia na mag-focus sa kanilang therapy session pero paano naman niya gagawin `yun kung may isang gunggong na pinapanood na ata maging pagbuntong hininga niya. `Di man niya sulyapan si Jace ay ramdam niya ang init ng mga mata nito na tila mapanuksong apoy na nais siyang pasuin.
Napapangiti si Riko sa tabi dahil tahimik lang nitong pinanonood ang dalawa. Kinikilig ito sa tuwing iniirapan ni Nadia si Jace at ang huli naman ay tila batang malakas ang sapak na nanadyang mang-inis. Ang tingin ni Riko sa dalawa ay mga teenager sa high-school na nag-aasaran sa loob ng classroom. Halata na agad ni Riko na gustong-gusto ni Jace si Nadia dahil ang mga lalaki ay mahilig magpapansin sa babaeng natitipuan nila.
`Di na ito nakatiis at pasimpleng bumulong kay Nadia. "Buti hindi ka pa nalulusaw diyan sa upuan mo. Kanina ka pa tinitignan ni Jace."
Pasimpleng sumulyap si Nadia sa gawi ni Jace. Nagtama ang mata nila. `Di pa rin maalis-alis ang ngiti nito sa labi na lalo niyang ikinangingitngit. Wala na ba itong alam gawin kundi sirain ang mood niya? Mission and vision ba nito sa buhay ang asarin siya?
Sinimangutan niya si Jace. Bumuka ang bibig nito pero walang tunog na lumabas. Kumunot ang noo ni Nadia dahil hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi nito. Ang pagkakaintindi niya ay "a", "i", at "u." Paulit-ulit lang na gumagalaw ang bibig nito hanggang sa naunawaan niya ang ibig nitong sabihin.
"I. . . miss. . . you. . ."
Umakyat na naman sa ulo niya ang kumukulong dugo. Sa bwisit niya ay ginatihan niya rin ito. Bumuka ang bibig niya at walang tunog na binigkas ang mga katagang: "Fuck you!"
Tatawa-tawa lang ang gunggong at katakot-takot na irap ang binigay niyardito bago binalik ang atensyon kay Ms. Vina. Matapos magsalita ni Ms. Vina ay nagsimula na ang kanilang session. Kailangan nilang ipakilala ang sarili sa bawat isa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga basic information. Unang nagsalita ang pinakamatandang lalaki sa grupo.
"I'm Paolo Borromeo, but you can call me..." Naglabas ito ng maliit na comb at sinuklay ang buhok sabay kindat. "Paps." Tila ba nag-spark ang shiny, shimmering, and splendid nitong ngipin.
Alanganin napangiwi si Ms. Vina. "It's nice to meet you, Paps. Ilang taon ka na?"
Mayabang itong umismid, nagtaas ng dalawang braso sabay flex ng biceps at nag-posing na parang si Johnny Bravo. "I'm forty-nine, but I look thirty-nine, and I kiss like twenty-nine." #GGSSMasterLevelwithOneBillionEXP
Nagkatawanan ang lahat. Sasang-ayon si Nadia sa huling sinabi nito dahil mukha nga itong sampung taon na mas bata sa edad nito. Maganda pa rin ang tindig ni Paps at mukhang alaga pa rin sa exercise ang katawan habang hindi pa nawawala ang charisma. Hindi kataka-taka na marami pa rin itong nabobolang babae. Nakikita na niya ang magiging itsura ni Jace pagtanda. Also, Paps completely reminds her Ninong Johnny. Kwela rin kasi iyon at matinik sa babae.
"Pinanganak ako sa Davao pero sa Manila ako nag-aral, nakapagtapos, at nagkapamilya hanggang sa tinayo ko ang logistic company ko two decades ago. `Yun nga lang minalas sa negosyo kaya nalugi." Nagkibilit-balikat lang ito na para bang cool na cool lang sa nangyari.
Sumunod na nagpakilala ang pinakamatandang babae. "Ako si Theresa Santiago. Pumasok ako ng kumbento nung ako'y disi-otso anyos pa lamang. Buong buhay ko naglingkod lamang ako sa Panginoon pero minsan akong nalihis ng landas at nagpagapi sa bulong ng demonyo. Kaya mga anak, maging maingat kayo. Tibayan niyo ang inyong pananampalataya dahil hindi titigil ang mga diablo hanggang hindi niya tayo nahahatak palayo sa Panginoon.
"Nandiyan lang sila sa tabi-tabi. Nagtatago sa anino at dilim. Namumula ang kanilang mga nanlilisik na mata, matutulis ang mga sungay, at pangil. At maitim ang kanilang mga balat. Maaring mamayang gabi ay katabi niyo sila matulog at bubulong sa inyong mga tenga." Nakangiti at malumanay na pahayag ni Mother Theresa na para bang walang weird sa mga sinabi nito.
Nagsitayuan ang mga balahibo ng bawat isa. Tila may itim na aura ang pumapalibot sa matanda at biglang umihip ang malakas na hangin. Sa gulat ng lahat ay nagbukas-sara ang mga bintana sa paligid ng main hall na lalong nakadagdag ng takot nila. Napatingin ang lahat sa mga bintana at pansamantalang naputol ang nagaganap na therapy ng bawat grupo. Biglang kumidlat at kumulog nang malakas sa langit na tila may nagbabadyang bagyo.
Halos isiksik ni Riko ang sarili sa balikat ni Nadia na parang takot na kuting habang hinimas naman ni Nadia ang magkabilang braso dahil tumirik nang husto ang mga balahibo niya. Baka mamaya ay kamag-anak pala ito ni Valac. #ScaredSiAcoeh
Alanganing napangiwi si Ms. Vina. Tumikhim ito. "Thank you, Mother Theresa, ikaw naman ang sunod." Tinuro nito si Joey na kasalukuyang kumakain.
Napunta ang lahat ng mata kay Joey. Natigil pa ang huling pagsubo nito ng mamantikang potato chips. Nakabuka ang bibig habang nagpalipat-lipat ang tingin sa bawat isa. Tinuro nito ang sarili at nagtatanong ang mabibilog na mata.
Ngumiti si Ms. Vina at maingat na tumungo. "Yes. It's your turn. Tell us something about yourself."
Tila nag-aalangan pa itong magsalita at binaba ang kamay. Lumilikot ang mga mata nito at namumula ang pisngi.
"Come on. Don't be shy," malumanay na udyok ni Ms. Vina.
Tumikhim ng dalawang beses si Joey bago nagsalita. "Uhm..….…..….… a..….…..….… ko..….…..….… nga..….…..….… pa..….…..….…la..….…..….… si..….…..….… Jo..….…..….…Jo..….…..….…"
Lahat sila ay napanganga sa tagal at bagal nitong magsalita. Ang boses nito ay malaki at mababa. Totoo nga ang usap-usapan na napaka-slow nito at daig pa ang nagbu-buffering na internet connection.
"Jo..….…..….…"
Bawat isa sa kanila ay nakabilog na rin ang mga bibig at bumibigkas ng "Jo."
"Jo..….…..….…"
Mukhang mauuna pang makarating ang pagong sa destinasyon nito bago ito matapos magsalita.
"Jo..….…..….…"
Humihikab na si Paps at nag-uunat naman ng braso si Jace.
"Jo..….…..….…"
Nanatiling nakatingin si Ms. Vina at Mother Theresa na tila mga nanay na nagchi-cheer sa anak na nasa isang school program. Nakanganga pareho sina Nadia at Riko.
Matapos ang mahigit sampung minuto. "..….…..….…ih. Joey."
Sabay-sabay silang nag-exhale.
"Thank-God-Allelujah-Praise-The-Lord-May-Himala-Amen!" mabilis na turan ni Mother Theresa sabay sign of the cross at halik sa rosaryo nito.
Sabay-sabay na tumugon ang lahat, "Amen."
Bumuka ulit ang bibig ni Joey upang sabihin naman ang apelido nito pero mabilis na tinaas ni Ms.Vina ang isang palad. "That's okay for now Joey." Alanganin itong ngumiti.
Nakahinga ulit nang maluwag ang bawat isa dahil torture para sa kanila kung magpapatuloy pa ito at baka abutin na sila nang pagtilaok ng manok.